Kay Juan na sa araw-araw ay pagbabago ang nasa. Sisimulan ang buhay sa pamamagitan ng paglalakbay. Paglalakbay na hantungan ang trabahp’t uuwi ng bahay. Pumasok ng sariwa ang knaiyang diwa at pustura Sumakay ng jeep na patungong Makati, Evangelista Sabi ng karatula, “Igan BARYA LANG SA UMAGA! Pagkat simula pa lang ng biyaheng aarangkada. Tumawid ng overpass, muling sasakay ng higanteng bus, Tatahakin ang trabaho, buhay huwag lang mautas Kahit kaniyang bulsaý walang laman at may butas Sabi ng karatula ng bus, “Hindi nagbabayad ang isang Hudas!” Pinili niyang magbus kaysa makipagsiksikan sa MRT Malasardinas na latang sasakyan, bawal ang maarte. Kung malasin sa pakikipagsiksikan ikaw ay mapupundi Pagkat iba-ibang amoy malalanghap at singhot matindi. Pagbaba sa Monumento, muling naalala ang isang kuwento. Konting bato, konting semento, nabuo monumento. Muling sumakay ng jeep papunta ng Lungsod Kalookan Dala-dala ang pagbabago sa buhay, sa puso at kalooban. Wika ng jeepney, Miss, mag-ingat sa mga maninilip Sapagkat’ tao’y sa biyahe mabilis ding mainip. Kung kaya ang iba’y piniling matulog at managinip Ang drayber kong matulis, kahit saang daana ng ililihis. Makarating lamang ang pasaherong pusturang-pustura’t bihis Saksi ang mga karatula sa mga pasaherong sa 1-2-3 ay mabilis Kaya dalangin ng kuyang drayber sa karma silaý malihis. Ganito ang buhay ni Juan sa maghapong kayod-trabaho Hindi namamalayang katawan din maanghit at mabaho Dahil sa paglalakbay na manggagawang pobre’t obrero Dinarakila lamang ang halaga tuwing buwan ng Mayo. Muling babaybayin ang mahaba at magulong landas Trapik pauwi na tilang naglalakad, sunud-sunod na andas. Pumasok ng sariwa ang diwa at pusturang-pustura. Umuwing bilasa at nagmamauling ang kaniyang hitsura.
Adaptasyon sa tulang “Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran