You are on page 1of 8

Ang mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz

ni Jose F. Lacaba
Isang gabing madilim namasyal sa Culiculi
puno ng pangambang sumakay sa bus at nahulog sa pusali
si Juan de la Cruz parang espadang bali-bali
pusturang-pustura YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED
kahit walang laman ang bulsa CASH
BAWAL MANIGARILYO BOSS sabi ng bugaw
sabi ng konduktora sabay higop ng sabaw.
at minura
si Juan dela Cruz. Pusturang-pustura
Kahit walang laman ang bulsa
Pusturang-pustura naglibot sa Dewey
kahit walang laman ang bulsa si Juan dela Cruz
nilakad ni Juan dela Cruz PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY
ang buong Avenida SATISFY
BAWAL PUMARADA sabi ng neon.
sabi ng kalsada Humikab ang dagat na parang leon
BAWAL UMIHI DITO masarap sanang tumalon pero
sabi ng bakod BAWAL MAGTAPON NG BASURA
kaya napagod sabi ng alon.
si Juan dela Cruz.
Nagbalik sa Quiapo
Nang abutan ng gutom si Juan dela Cruz
si Juan dela Cruz at medyo kinakabahan
tumapat sa Ma Mon Luk pumasok sa simbahan
inamoy ang mami siopao lumpia pansit IN GOD WE TRUST
hanggang sa mabusog. sabi ng Obispo
Nagdaan sa Sine Dalisay ALL OTHERS PAY CASH.
Tinitigan ang retrato ni Chichay
PASSES NOT HONORED TODAY Nang wala nang malunok
sabi ng takilyera si Juan dela Cruz
tawa nang tawa. dala-dala'y gulok
gula-gulanit na ang damit
Dumalaw sa Konggreso wala pa ring laman ang bulsa
si Juan dela Cruz umakyat
MAG-INGAT SA ASO sa Arayat
sabi ng diputado ang namayat
Nagtuloy sa Malakanyang na si Juan dela Cruz.
wala naming dalang kamanyang WANTED DEAD OR ALIVE
KEEP OFF THE GRASS sabi ng PC
sabi ng hardinero at sinisi
sabi ng sundalo ang walanghiyang kabataan
kay Juan de la Cruz. kung bakit sinulsulan
Nang dapuan ng libog ang isang tahimik na mamamayan
si Juan dela Cruz na tulad ni Juan dela Cruz
BALANGKAS NG PAGSUSURI
(Tula)

I. Pamagat ng Akda: Ang mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz


II. May-Akda: Jose F. Lacaba
Kilala din sa pangalang Pete Lacaba, pinanganak siya sa Cagayan de Oro City noong ika-25
ng Nobyembre 1945. Isa siyang makata at manunulat ng iskrip. Sina Jose M Lacaba Sr. at Fe Flores
ang kanyang mga magulang. Napangasawa niya si Marra PL. Lanot, isang makata at mananaysay,
kung saan nagbunga ng isang lalaking anak.. Hindi niya natapos ang pagaaral ng Ingles sa Ateneo d
Manila University upang magtrabaho bilang isang mamamahayag. Noong 1974 naaresto siya kasama
ang mandudulang si Bonifacio Ilagan at maunulat na si Dolores Stephens-Feria. Bago siya palayain
noong 1976, napatay ng mga hukbong sandatahan ng gobyerno sa Mindanao ang kapatid niya na si
Emmanuel.
Naging patnugot siya ng mga magasin na Pilipino Free Press, Asia-Philippines Leader,
National Midweek at ang pinakahuli ay ang Pilippine Graphic.
Noong 1970 ay naging parte ng mga kilusang estudyante-aktibista si Lacaba para sa
Philippine Free Press kung saan nabuo ang ilan sa mga pinakamahusay na sanaysay ukol sa tinatawag
na First Quarter Storm. Nang lumaon ay nilikom ang mga ito at ipinalimbag bilang Days of Disquiet,
Nights of Rage, noong 1982. Ang unang kalipnan ng kanyang mga tula, Mga Kagilagilalas na
Pakikipagapalaran ay nalimbag noong 1970 at sinundan ito ng isa pang kalipunan ng mga tula, Sa
Panahon ng Ligalig, na nilimbag noong 1991.
Noong 1979 sa pakikipagtulangan niya kay Ricardo Lee ay nabuo nila ang iskrip para sa
pelikulang Jaguar ni Lino Brocka. Ang ilan pa sa mga kilalang screenplay na ginawa niya na
mayroong kinalaman sa mga ordinaryong tao na biktima ng kahirapan at kawalang-hustisya ay ang
mga sumusunod: Angela Markado noong 1980, Sister Stella L. noong 1984, Bayan Ko: Kapit sa
Patalim noong 1985 at Orapronobis noong 1989.
Nabigyan ng unang gantimpala ang tula ni Lacaba na may titulong sa Panahon ng Ligalig sa
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983. Ang awiting Aling Pag-ibig Pa? ay
nanalo sa Best Theme Song category ng Catholic Mass Media Awards noong 1984 ay isinulat din ni
Jose Lacaba.

III. Mga Tauhan:


1. Juan dela Cruz – pangunahing tauhan sa tula kung saan nilakbay niya ang komplikaadong
mundo ng siyudad
2. Konduktora – binawalan niya si Juan na manigarilyo sa loob ng bus at minura niya ito.
3. Hardinero at sundalo
4. Bugaw
5. Obispo
6. Takilyera
7. Diputado

IV. Lagom ng Katha


Si Juan de la Cruz ay isang ordinaryong Pilipino. Sa tuwing binabanggit ang pangalang ito ay
naiuuganay agad ito sa mga Pilipino dahil matagal na at madalas nang ginagamit ang pangalang ito sa
mga tauhang Pilipino. Sa unang saknong ay makikita na isang probinsyano si Juan na lumuwas
patungong siyudad. Tulad ng ibang bagong salta sa Maynila ay pumorma syang mabuti kahit mahirap
lamang upang maging katulad ng mga mamamayan sa lungsod. Halata rin na bago sa kanya ang
pagpunta sa lugar na ito dahil nabanggit na siya'y kinakabahan.
Ang mga ginamit na tagpuan sa tula ay mga kilalang lugar sa Maynilatulad ng Avenida at
Quiapo. Maraming pook-pasyalan ang kanyang pinuntahan ngunit mapupuna na hindi niya napasok
ang mga ito dahil sa kahirapan. Gustuhin man niyang kumain ay wala naman siyang pambili. Tila
maramin ring hadlang sa kanyang paglalakabay. Maraming siyang gusting puntahan ngunit lagi na
lamang may pumipigil sa kanya at nagbabawal.
Sa bandang huli ng tula nasawi rin si Juan sa kanyang pagtungo sa lungsod. Inilarawan siya
bilang isang pulubi at wala man lamang makain. Naipakita sa mga huling saknong na nakasama para
sa kanya ang paninirahan sa siyudad. Maaring naging maganda na ang simpleng buhay niya sa
probinsya kaya't nagsisi siya na mamuhay sa lungsod.

V. Pagsusuri
1. Panahong Kinabibilangan
Ang tula ay naisulat noong panahon nang batas militar subalit napapanahon pa rin hanggang
ngayon ang mga pangyayari sa tula kaya nabibilang pa rin ito sa modernong panahon.

2.Sariling Puna
Sa aking palagay, ang tulang ito ay tumutukoy sa isang probinsyanong Pilipino na hinanap ang
kapalaran sa siyudad ngunit nabigo. Tipikal na ang ganitong kwento lalo na dati na limitado pa ang
komunikasyon mula sa mga lalawigan at lungsod. Inaakala ng mga taga-probinsya na maganda ang
Maynila at maraming trabaho ang naghihintay sa kanila ditto. Inakala nila na ang mga matataas na
gusali ay nangangahulugan na maraming oportunidad ang narito. Maaaring nakita nila ito sa kanilang
mga sinuwerteng kababayan na matapos magtrabaho sa Maynila ay bigla na lamang yumaman. Kung
kaya't ang kanilang simpleng pamumuhay sa probinsya ay inihantulad nila sa kahirapan.

Para sa akin, mas maganda pa rin ang payak na pamumuhay sa probinsya. Doon ay mas tahimik at
payapa na mas masarap tirahan kaysa sa siyudad na magulo at komplikado. Ngunit sang-ayon pa rin
naman ako sa mga naglalakas-loob na magahanap ng ikabubuhay sa Maynila dahil hangad lamang
nilang umunlad.

3. Aral na Nakapaloob sa Katha


Maging kuntento kung anong meron sa atin dahil pag kinainggitan natin ang iba, maaaring
tayo’y bumagsak ay lalong bababa ang ating antas ng buhay na meron tayo.
Hindi ang pagpunta sa siyudad ang solusyon para yumaman kundi nasa atin din kung tayo’y
magsisikap. Dahil meron nga tayong kasabihan na kapag may “Tiyaga ay may Nilaga”.
4. Mungkahi
Ang tula ay isinulat sa kanyang sariling ekspresyon, ginamitan ng mga salitang Ingles pero
napaganda naman niya ang tula sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito.

You might also like