You are on page 1of 12

MAIKLING

KUWENTO SA
KONTEMPORARY
ONG PANAHON
Maikling kuwento o Maikling katha
• naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan at nag- iiwan ng
impresyon sa isipan at damdamin ng
mambabasa
Ang Mga Bahagi ng Maikling
Kuwento
• 1. Simula- Lubhang mahalaga ang bahaging
ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng
mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga
sumusunod: a. pagpapakilala sa tauhan b.
pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng
mga tauhan. c. pagkakintal sa isipan ng mga
mambabasa ng damdaming palilitawin sa
kuwento. d. paglalarawan ng tagpuan
Ang Mga Bahagi ng Maikling
Kuwento
• 2. Tunggalian- ang pinagbabatayan ng buhay
ng maikling katha dahil ito ang nagbibigay
daan sa madudulang tagpo upang lalong
maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga
pangyayari
Ang Mga Bahagi ng Maikling
Kuwento
• 3. Kasukdulan- sa bahaging ito unti- unting
naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin,
dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing
tauhan kung siya ay mabibigo o
magtatagumpay
Ang Mga Bahagi ng Maikling
Kuwento
• 4. Wakas- naihahatid ng may-akda ang
mensahe sa bahaging ito. sa wakas ng
kuwento.
Sangkap ng Maikling Kuwento:
• Tagpuan
• Tauhan
• Banghay
• Tema o Paksa
Panahong Kontemporaryo/Panahon ng
Kalayaan
• Panahon mula 1945 hanggang kasalukuyan
• Ang Gantimpalang Carlos Palanca
- isang paligsahan pantikan na nagdulot ng
bagong hamon sa mga manunulat sa Ingles at
Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling
katha noong 1950
Panahong Kontemporaryo/Panahon
ng Kalayaan
• -Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon
ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa
sa kaawa- awang kalagayan ng iskuwater, sa
mga suliranin ng magbubukid at manggagawa.
Isang maikling kuwento ng panahong ito ay
ang "Kinagisnang Balon" ni Andres Cristobal
Cruz
Panahon ng Bagong Lipunan (Batas
Militar)
• Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa
panahong Batas Militar ay kasangkot sa kilusang makabayan,
tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng
paghihikahos ng marami sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan
sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa
mga limot na mamamamayan at pang- aalipin ng
negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis. Lantad
ang poot sa mga akdang ito.
Isa sa mga Maikling Kuwento ng panahong ito ay ang
“Alamat ng Sapang Bato” ni Fanny A. Garcia
Kasalukuyang Panahon
• Nagpatuloy ang Liwayway sa pagbubukas ng
kanilang pinto para sa mga manunulat ng
kuwentong ngayon pa lang
sumisibol.Maraming kuwentong nailathala ng
mga pagbabagong naganap sa bansa
pagkaraan ng EDSA Revolution. Ito ang mga
kuwentong nagtataglay ng diwa, saloobin, at
paniniwala ng mga manunulat sa bagong
panahon.
Kasalukuyang Panahon
• Nagkaroon ng iba„t ibang pamamaraan ng
pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi
naisusulat ay napapansin. Naging matimpi ang
pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy.
Ang mga katangiang iyan ay namalagi
hanggang sa kasalukuyan at ito„y tinawag na
kontemporaryong maikling kwento.

You might also like