You are on page 1of 4

Gawain #2

Sosyaledad/Panitikang Pilipino

Ang Mangingisda ni Ponciano B. Peralta Pineda


 Tauhan
- Mangingisda
- Don Cesar
- Nanay ng Mangingisda
- Fides

 Kabisaan ng tula/nobela sa mambabasa

Nabigyan ng sapat na atensiyon ang mambabasa na pagtuunan ng pansin ang


ginawang pagsasalaysay sa buhay ng mangingisda. Nabigyan ng sapat na pagkaunawa sa
kung anong klaseng pamumuhay ang nararanasan ng kanilang kapwa. Ang mga
mambabasa ay magkakaroon ng mga dahilan upang maging mapanuri sa lahat ng bagay at
maging matalino sa pagpili ng mga desisyon sa buhay.

-
 Tema

Umiikot ang kwento sa isang mangingisda at pamumuhay na meron sila at dito


rin makikita kung papano nila itataguyod ang kanilang mga pamilya. Ang kwento ito ay
tungkol sa isang lalaking mangingisda na gustong makahuli ng maraming isda at mayroong
pangarap na maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan ngunit masamang paraan ang
ginamit niya.

 Layunin
 Ano kaya ang layunin ng may akda para sa kanyang sarili

Maibigay niya ang kaniyang kaalaman tungkol sa pamumuhay ng bawat isang


mangingisda. Magkaroon ng kapakinabanagan at maisawalat niya ang bawat konteksto na
bumabalot sa isip niya tungo sa pagkakakilanlan ng buhay mangingisda

 Ano kaya ang layunin ng may akda para sa kanyang mambabasa

Ang maunawaan ng lubusan ng mga mambabasa ang pamumuhay ng bawat


mangngisdang hirap sa pangaraw-araw nilang pamumuhay. Maimulat sila sa iba’t ibang
pangyayaring nangyayari sa antas ng buhay ng tao na katulad ng mangingisda. Maipabatid
ang pagkakaroon ng sapat na batayan sa pagpili kung alin ang nakakabuti at kung ano ang
hindi.
 Ano kaya ang layunin ng may akda para sa lipunan at pangkalahatan

Maipahayag ang mga konteksong bumabalot sa antas ng buhay ng bawat isang tao.
Maunawaang lubos ng lahat ang kalagayan ng kanilang kapwang nagpapakahirap
matugunan lamang ang pangangailangan sa pangaraw-araw na pamumuhay. Mailagay sa
sentro ang lahat na maging bukas sa kamalayan ang bawat sakripisyo na ginagawa ng mga
mangagawa upang magkaroon lamang ng pagkatamo sa kanilang mga ninanais hindi
lamang para sa kanilang saril kundi pati sa kanilang pamilya.

 Batay sa pagkakabasa mo ng tula/nobela, Ano- anong Teorya/ Dulog


Pampanitakan na ginamit sa akda. Ipaliwanag kung paano ginamit.

- Humanismo

Ipinakita ang mangingisda bilang sentro ng bawat desisyon na gagawin niya.


Ipahiwatig rin ang pagkakaroon ng dignidad ng mangingisda ukol sa pagkamit ng kaniyang
mithiing magkameron ng maraming huling isda. Naisalarawan din kung papano inilathala
ng akda ang buhay patungkol sa isang mangingisda sa mababang antas ng lipunan.

- Realismo

Ang mga pangyayari ay tunay na masasaksihan sa tunay na buhay ng tao. Ang


pagtalakay sa buhay ng mangingisda ay batid na payak at totoo. Makikita rin kung papano
tinanggap nang tauhan ang hamon ng buhay na meron sila.

- Markismo/Marxismo

Ipinakita ang antas ng buhay ng tao: mahirap at mayaman. Isinalarawan ang buhay
sa hilaga ng ilog na kung saan pawang mga may kayang o mayayamang pamilya ang
nakatira at ang timog sa pook ng mangngisda na ang bahay ay pawid na naglawit sa ilog at
ang bangkay maliliit. Ipinakita rin ang katayuan ng buhay ng tauhan sa daloy ng istorya.

- Sosyolohikal

Tinalakay sa akda ang kalagayang sosyal na mayroon sa isang lipunan. Makikita rin
na may mga pagkakataon na may nagtulak na kamalayan sa mangingisda sa kung anong
buhay ang gusto niya maging.

Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla


 Tauhan
- Ang manunulat mismo

 Kabisaan ng tula/nobela sa mambabasa

May kalaliman ang mga salita at ang estilo ng pagkakagawa ay iba sa nakasanayang
klase ng tula. Nababatid na medyo mahihirapng maintindihan tulang ito ngunit kung
susuriin ng maige ay makukuha o malilinawan sa tunay na kahulugan. Ang tulang ito ang
magbibigay kaliwanagan sa karapatang buhay na nararapat sa atin.

 Tema

Isang tula na nagpapahayag ng sandamakmak na maaaring kahulugan. Ipinapakita


na ang mga salitang ako, daigdig, at tula ay pinagbabaliktad dahil sila ay pare-pareho. Ang
diwa ng tula ay mistulang isang manipesto laban sa namamayaning kon-serbatimo sa
panahong iyon.

 Layunin
 Ano kaya ang layunin ng may akda para sa kanyang sarili

Maipahayag ang sariling estilo ng pagsulat ng kakaibang tula. Maibahagi ang mga
makatuwirang kaalaman na makakatu,long upang mapausbong ang kamalayan ng bawat
tao na makakabasa ng akdang kaniyang ginawa.

 Ano kaya ang layunin ng may akda para sa kanyang mambabasa

Hikayatin na ipaglaban ang mga paniniwala na meron ang bawat isa. Huwag matatakot na
ipakita ang galing at husay na taglay nila. Ang ako ay magiging ako kung patuloy mong
ituturo sa sarili mo lahat ng mga bagay na nararapat para sayo

 Ano kaya ang layunin ng may akda para sa lipunan at pangkalahatan

Imulat ang lahat sa mga angking kakayahang meron sila na pwedeng maging dahilan
ng kanilang pagusbong. Masasalamin din ang paghihikayat ng pagiging mnalaya kaya
masasabing ang tulang ito ay isang paraan upang ipagbigay alam sa atin na an gating buhay
ay atin, pwede nating gawin an gating gusto ng nasa wasto at maayos na kalagayan.

 Batay sa pagkakabasa mo ng tula/nobela, Ano- anong Teorya/ Dulog


Pampanitakan na ginamit sa akda. Ipaliwanag kung paano ginamit.

- Imahismo
Mapapansin kung papano nagamit ang mga salita sa tula. Ang bawat salita sa talata
ay may katumbas na simbolismo na siyang nagpapalim sa kahulugan nito. Ang bawat saliya
ay masasabing maingat na napili upang magbigay ng karagdagang kahulugan sa bawat
talata.

- Sikolohikal

Masasabing ang tula na ito ay mas nakasentro sa paraang ng paraan at porma ng


isang teksto at hindi masyado sa nilalaman nito. Tinalakay din ang damdaming nais
pinahahayag ng tauhan sa nasabing tula.

- Moralistiko

Ipinapahayag dito ang mga proposisyong nagsasaad sa pagkatama o pagkamali ng kilos o


paguugali ayon sa itinakda ng lipunan.

You might also like