You are on page 1of 4

ANG LAHAT AY MAHIRAP

Antas ng Kahirapan ng mga Pilipino

MAYAMAN

GITNA

MAHIRAP
PALIWANAG:

Para sa aking paniniwala may tatlong antas ng pamumuhay duto sa atin sa


Pilipinas at ito ay ang mga mahihirap, may kaya (gitna), at mayaman. Ang mga ito ay
sumasalamin kung papano dumadaloy ang pamumuhay ng bawat tao at ito rin ay may
malawakang epekto sa kanilang paglilinang bilang isang tao.

Mayaman, para sa akin sila ang mga taong may kapangyarihan na gumawa o
mahkontrol ng isang patakaran na susundin ng lahat o ito ang mga taong nakaupo at
namumuno sa ating gobyerno. Sila ang mga taong may sapat na kakayahan na bumili
at kumita ng may kalabisan ayon sa pangangailngan ng isang tao. Naisama ko din ang
mga “business man” dahil para sa akin sila ang kailangan ng isang bansa para
mawakasan ang pagkakaroon ng mga unemployed na mga tao. Nasa Antas rin sila ng
kahirapan para sa akin sapagkat may mga bagay na hindi natin maikukubli na kahit
naabot na nila o nabibili ang mga bagay na kailangan nila, ang tunay na kapayapaan at
pagmamahal ng tao para sa kanila ay malimit hindi nila nakukuha. Isang kahirapan ang
maging masama ang imahe mo sa iyong kapwa o talikuran at hindi ka mahalin ng iyong
kapwa. Batid ko na alam nating lahat na may mga mayayamang tao talaga sa Pilipinas
na animo’y hindi nanggaling sa kahirapn kung umusta at sila ang mga taong kailngan
ng aruga at pagkalinga ng kapwa na hindu nila makuha dahil sa kahirapan nilang
makamit ito dahil na rin sa kanila.

Gitna, para sa akin sila ang mga taong may kakayahang makapagtrabaho at
nasahod ng sapat upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa
pang-araw araw. Sila rin ang mga taong pinagtitingnan ng malaki ng lipunan dahil sila
ang nagiging sandigan upang maging makabuluhan ang isang lipunan. Ang guro, pulis
at iba pang propesyonal ay nabibilang sa antas na ito dahil na rin sa kanilang walang
sawang pagbibigay ng malasakit sa ibang tao. Sila ay nasa aspetong kahirapan
sapagkat alam naman natin na sa larangan pa lamang ng kanilang trabaho masasabi
na nating mahirap sadya ngunit kapag titingnan natin sa mas malalim na konsepto ang
kanilang dapat isantabi sa ngalan ng trabaho dun mo mababakas ang kahirapan sa
kanila. At alam ko at batid nating laat na sa bansang Pilipinas hindi sapat ang kanilang
kinikita dahl hinahati-hati nila ito para sa kanilang sarili, pamilya at sa kapwa. Kahirapan
na balansihin ang oras para sa kanilang pamilya laban sa bayan na kanilang hinahanda
at pinaglilingkuran. Balensihin ang mga material na bagay para sa pamilya laban sa
mga taong mas nangangailangan at kusa silang nagbibigay. Sobrang napakahirap ng
buhay ng mga taong nasa ganitong antas dahil mas napapaisip sila kung mas gusto ba
nilang yumaman o tumulong at magbigay malasakit na lamang sa kanilang kapwa.

Mahihirap, para sa akin sila ang mga taong may kakayahang umunlad ngunit
hindi nila alam kung paano at saan magsisimula. Kabilang sa antas na ito unang-una
ang mga pulubi at palaboy sa lansangan o ang mga taong kumakayod o walang pagod
na magikot sa kalsada makahingi lamang ng kaunting tulong pangtawid gutom para sa
maghapong dadaan. Naisama ko rin sa pangkat na ito ang mangingisda at magsasaka
dahil ayon sa aking karanasan at nakikita, hindi sapat ang kanilang kinikita lalong-lalo
na kasalukuyang panahon. Ang mga magsasaka ay naibibiliang ko sa antas na ito
lalong lalo na ang mga taong walang sariling sinasakang lupa. Mahirap tanggapin na
kung sino ang may malalaking ambag sa mga pangunahin na tanging pangangailangan
ay sila pa ang nabibilang sa mahihirap na antas ng lipunan. Dahil minsan hindi sila
masyadong pinagtutuunan n gating gobyerno dahil hindi nila minsan naiisip ang
malaking ambag ng mga ito sa paglago ng ating ekonomiya.

Magbigay ng mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment sa


Pilipinas.
Aking Mungkahi:

1. Pagpaparami ng mga opurtunidad sa mga trabahong makakapagbigay ng


security of tenure para sa lahat. Sa ganitong paraang kung maglalaan tayo ng
mga panahon upang makapaggawa ng marami pang pagkakataon upang
makabuo ng mga opurtinad upang magkatrabaho ang lahat ibig sabihin
mababawasan ang mga taong unemployed. Sa ganitong stratehiya alam ko at
malakas ang kapit kong mababawasan natin ang mga unemployed sa ating
bansa. Sa pagdami ng mga oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino
wala ng iban tao pa ang magiging unemployed o kailangan pang lumiban sa
ibang bansa para magkatrabaho.
2. Limitahan lamang ang mga qualifications para sa mga taong nais nilang
mamasukan para sa kanila. Hindi naman natin makakaila na ang bawat lipunan
sa atin ay may kanya-kanyang paraan kung papano malinang ang isang tao.
Hindi din natin maitatangi na sa unang pagkikita niyo pa lamang ay parang may
iba na agad kayong nararamdaman sa kanyan maging masama man o hindi.
Bawasan natin ang kaisipan ukol sa usaping ganito. Tandaan na ang tao ay
nahuhubog kapag ito ay lubusan ng tinahak o ginawa ng isang trabaho na nais
niya talaga at naniniwala akong ang mga mangagawang Pilipino ay masisipag at
higit ay maasahan. Kaya para sa akin marapat lamang na ating limitahan bagkus
buksan natin at akapin natin ng mahigpit ang mga taong sumubok upang
makapasok sa inyong trabaho.
3. Ang pagtuon ng maigtingang edukasyon para sa pagtataguyod o paggagawa ng
mga establisyemento na makakapagbigay ng mga karapatang trabaho para sa
mga Pilipino. Sa tulong nito, tiyak kong mapapagaralan ang mga kakulangan,
kakayahan at kinakailngan ng bawat isa sa pagtahak o pagkakaroon ng isang
trabaho para sa lahat. Ang pagsasagaw ng ganitong stratehiya ay siyang
magbibigay linaw sa ating lahat kung papano ang tamang proseso at tamang
paghawak ng isang trabaho. Ang pag-aaral ukol sa mga negosyo at ibang
metodo sa pagtataguyod ng mga trabaho ay makakatulong ng malaki hindi
lamang sa bawat Pilipino kundi pati sa ating bansa. Kaya mararapat lamang din
na bigyan na din masyado ng agarang pansin ang edukayon o pag-aaral para sa
ganitong aspekto ng ating ekonomiya. At tiyak ko na ang unemployed na ito ay
siya ring nagiging sanhin ng pagbagsak n gating ekonomiya at kapag nalutas ito
hindi lamag magkakatrabaho ang bawat isa pati gaganda na din ang estado ng
ating ekonomiya.

You might also like