You are on page 1of 2

Vernel Miguel KONFIL Professor Delia Mendoza

Pagsulat ng Sintesis

Magsulat ng sintesis tungkol sa paksa ng modyul na ito na naglalahad ng argumento,


pananaw, at paninindigan na nagmula sa iyong dating (iskema/scheme) at bagong
kaalaman dulot ng nabasang teksto, pananaliksik, pakikipagpalitan ng ideya o opinyon.

Ang module na ito ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu ng bansa panlokal man o
pang nasyonal kung saan ay naapektuhan ang buhay ng bawat Pilipinong indibidwal at
kung paano nakakaimpluwensiya ito sa pang araw araw nating mga buhay. Ang
kahirapan ay hindi na lingid sa ating kaalaman na kung saan ang Pilipinas ay Napasama
sa 3rd world country sa buong mundo. Ang kahirapan ay isang kalagayan ng mundo na
kung saan ay may kakapusan sa pang araw-araw at Marami saatin ang nakakaranas nito
lalo na saating panahon.
Bakit ba mahirap tayo kahit na umaangat na ng paunti-unti ang ating ekonomiya?
ang unang sanhi nito ay ang mga salot sa lipunan kung tawagin ng iba ay korupsiyon.
Maraming nag-aasam ng kapangyarihan at posisyon sa gobyerno upang sila ang manguna
para sa pagbabago ngunit may iilan na mas pinipili ang sariling kapakanan bago ang
kapakanan ng nakararami. Lalo na sa panahon ngayong eleksyon na maraming nag
nanais na humawak ng mataas na posisyon upang sila ang may kontrol sa lahat ng bagay.
Hindi lamang sa mundo ng politika nagaganap ang korupsiyon kundi marami sa ibang
mga bagay yung tipo na may pinapaburan ang isang tao o di kaya nanguha ng bagay na
walang pahintulot, nanunuhol, nagnanakaw, pangungurakot at katiwalian. Hindi ako
makakapayag na may ganto sa ating lipunan, dahil kung hindi tayo kikilos ay patuloy na
lamang tayong lalamunin ng kahirapan. Kaya ang payo ko sa mga kabataan ngayon ay
magsumikap na makapag-tapos ng pag-aaral dahil ito ay susi sa ating mga tagumpay
kung ikaw ay may pinag-aralan ay meron kang kaalaman kung paano umiikot ang isa
lipunan na ating ginagalawan.
Edukasyon din ang nagsisilbi nating gabay sa pang-araw araw nating pakikipag salamuha
sapagkat walang makakaapak sa iyong pagkatao kung may diploma kang
pinanghahawakan. Subalit maraming mga tao ang nakapag tapos ng kolehiyo na walang
permanenteng trabaho kung kaya’t ang iba ay nagsisimula na lamang ng maliit na
negosyo at di na umasa sa kakulangan ng magandang trabaho sino ang sisisihin natin
dito? walang iba kundi ang gobyerno.
Sapat na trabaho ang kailangan ng tao upang mabuhay, upang sila ay magsumikap at di
na muling aasa sa pamahalaan. Biglang bumagsak ang ekonomiya nung lumaganap ang
pandemya, maraming tao ang naghirap, nagdusa, namalimos at higit sa lahat patuloy na
umaasa sa aksyon at ayuda na binibigay ng gobyerno.

Kelan pa kaya tayo makakabangon mula saating pagkakadapa? At matuto sa ating mga
pinag-gagagawa isa sa mga ugali nating mga Pilipino ang patuloy na umaasa sa gobyerno
ngunit kailangan ay simulan muna natin saating mga sarili ang pagbabagong ating
inaasam. Pagiging tamad at pala asa ang meron tayo matuto sana tayong tumayo sa sarili
nating mga paa at magsumikap na umangat para sating minimithing kinabukasan.
Ano nga ba ang permanenteng solusyon sa kahirapan? May solusyon nga ba talaga? Isa
sa nakikita kong solusyon ng kahirapan sa ating bansa ay ang pagbibigay ng sapat na
trabaho para sa mga mamamayan. Kailangan ding bigyang pasin ang transportasyon sa
sating bansa sapagkat nagdudulot din ito nang kahirapan sa mga taong nakatira sa
malalayong lugar. Dapat din bigyan nang sapat na pansin ang edukasyon sa Pilipinas
sapagkat maraming mga kabataan ang hindi nakakapagtapos na pag aaral na nagiging
sanhi ng pagaasawa ng maaga sapagkat wala silang sapat nakaalam sa pagaasawa na
nagiging dahilan ng karagdagang kahirapan ng ating bansa sapagkat nadadagdagan ang
mga taong walang trabaho.

You might also like