Grade & Section: Grade 12-A (Stem) Marka: _____________ Huwag Gawing Solusyon ang Pangingibang Bansa sa Kahirapan Marami ang offer ngayon sa mga pilipinong manggawa sa ibang bansa para magtrabaho, kagaya nang mga bansang Israel, Hong Kong at China. Ito ang nakikita nang gobyerno para maiahon ang mga Pilipino sa kahirapan kaya tumatanggap sila nang mga ganitong offer kahit na kabi-kabila na ang pag mamaltrato nang mga banyaga sa mga manggagawang Pilipino. Ang pangingibang bansa ay isa sa mga naiisip na solusyon ng bawat Pilipino sa ating bansa upang mapaunlad ang kanilang buhay at upang mapaunlad ang kanilang buhay at upang mabuhay ang kanilang pamilya. Napakalaki din ng natutulong nito sa ating buhay, marami ang Pilipino ang bumabalik sa ating bansa na umunlad dahil sa maganda ang nagiging kapalaran sa ibang bansa. Ngunit sa kabila nito marami pa ding mga Pilipino ang hindi naging maganda ang kapalaran sa ibang bansa, idagdag mo pa ang pangungulila nila sa kanilang pamilya. Naandon na tayo na kumikita tayo ng malaki ngunit napapalayo naman sa ating mga mahal sa buhay. nakikita dito na napakalaki ng epekto ng pangingibang bansa ng bawat Pilipino sa ating bansa. Walang kaunlarang nagaganap sa ating bansa dahil sa halip na mapabuti ay mas lalo lang nagiging maahirap ang buhay natin, katulad nalang ng mga kababayan nating kinikitil ang buhay sa ibang bansa ng kanilang amo maging ang gobyerno doon. Sa aking palagay hindi dapat maging sagot sa kahirapan ang pagtratrabaho sa ibang bansa. Tayo bilang praktikal na pilipino,mas pinipili natin ang pagpunta sa ibang bansa dahil ang katwiran natin ay mas malaki ang kita doon.Maraming mga studyante na nagtatapos o magtatapos palang ay pinaplano na na mangibang bansa, kung kaya’t walang pag-unlad na nagaganap sa ating bansa. Oo maraming pilipino ang walang trabaho at ang isa sa mga dahilan nito ay ang pangingibang bansa ng mga negosyante. Sa halip na sa ating bansa na lamang magtayo ng negosyo upang masolusyunan ang suliranin ng kakulangan sa trabaho. Sa halip na sa sariling bansa maglingkod ay mas pinipiling sa hindi natin sariling bansa. Lumalaki ang kita natin bilang isang indibiduwal ngunit paano naman ang ibang tao sa ating bansa? Ang kahirapan ay isa sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa kung magpapatuloy ang mga ganitong gawain walang iuunlad ang ating bansa,maraming magugutom at maghihirap sa halip na umunlad tayong mga pilipino. Dapat nating tangkilikin at isipin o isaalang alang ang ikauunlad ng ating bansa hindi lang sa pansariling kapakanan kundi para sa nakararami. Isa pang dahilan ay ang “labor force” ang mababang suweldo at kakulangan ng mga benepisyo sa inaalok ng kumpanya. Dahil nakatira sila sa isang mundo na kung saan patuloy-tuloy ang pagtataas ng presyo ng bilihin habang ang kanilang mga suweldo mananatiling isang patag na linya, karamihan sa mga Pilipinong manggagawa ay sapilitang na naghahanap ng isang side-job o sa makahanap ng ibang trabaho. Kasalukuyang nalalaman ng karamihan sa mga Pilipino na sa kabila ng magandang pag-aaral na kanilang nakamit, ito ay hindi pa rin sapat na upang masakop ang mga gastusin. Nagbabayad ng maliliit na halaga ang mga propesyonal na trabaho sa Pilipinas. (Nagpapakita ng pananaliksik na ang pederal na “minimum wage” sa US ay $ 7.25 bawat isang oras o humigit-kumulang sa P326.25 bawat isang oras, na kung saan sa Pilipinas, ang “minimum wage” ay P380 bawat araw.) Ito ang pinakang-madalas na dahilan kung bakit maraming ang mas ginugusto na magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas maraming pera. Isa rin sa hindi maiwasan na epekto ang “Brain Drain”, mas lalo pa sa mga bansa na kung saan ang mga miyembro ay nakatutok sa kanilang indibidwal na pamumuhay. Para sa bawat Pilipinong propesyonal na napupunta sa ibang bansa, iyon ay isa pang miyembro ng komunidad na nawala; yung miyembro na iyon na maaaring sana makatulong sa iba. Hangga’t patuloy ang mga Pilipino sa pag-iisip tungkol lamang sa kanilang mga sarili, bilang hiwalay mula sa isa’t-isa, hindi kailan man mangyari ang pag-uunlad. Subalit, kapag nangyari ito sa isang malaking proporsyon, hindi maiwasan ang epekto ng “brain drain”. Hindi alam ng mga Pilipino na isang pansamantalang solusyon lamang ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Kung ipapatuloy ang “brain drain” sa ating bansa ay magiging tulad ng isang mumunting alon sa lawa, lumalaki na lumalaki habang tumatagal. Kapag maraming ang mga propesyonal na umalis sa trabaho para sa ibang bansa, ano ang maiiwan kung hindi isang malaking butas sa ekonomiya ng bansa at ‘working industry’. Dahil dito na pipilitan din ang pamahalaan na mahanap ng paraan upang punan ang butas na ito, kahit na ito ay nangangahulugan na ang mga taong mapipili ay may mas mababang kalidad. Ngunit hindi lamang ang mga tao ang may kasalanan. Ang pamahalaan ay may bahagi sa pagsisisi dahil sa hindi pagtupad sa kanilang mga tungkulin tungo sa kanilang mga tao. Ang kakulangan ng mga batas at mga patakaran na idinisenyo upang tulungan ang mga taong nakatira sa ilalim ng ‘poverty line’ ay pinipilit ang mga Pilipino na maghanap ng mas malalang solusyon. Pinipilit ang mga Pilipino na isuporta ang kanilang sarili, kahit papel naman ito ng pamahalaan. Kawalan ng maayos na gobyerno at planong sosyo ekonomikal. Ito ang totoong dahilan kung bakit marami ang naghihirap at nangingibang bansa. At lagi nating tandaan na may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa pera, matuto tayo sa kung ano ang tunay na kaligayahan at ang tiyak na pag-asa sa hinaharap. Hindi sa pera o kung saan ka nakatira, kundi sa kaalaman sa Diyos at sa mga layunin niya para sa atin. (Juan 17:3) Lagi din nating tandaan na ang pamilya ay mas mahalaga kaysa sa pera. Hindi ang maraming pera ang batayan sa masaya at masaganang pamumuhay. Matuto tayong makuntento kung ano ang ibinigay sa atin nang puong maykapal, ngunit hindi rin naman masama ang mangarap at magsumikap na ma-iahon ang ating pamilya sa kahirapan basta matuto tayong tumingin sa ating pinanggalingan.