You are on page 1of 2

Pauline R.

Serrano Grade 11- Obedience Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Posisyong Papel

Kalidad na Edukasyon: Ilunsad ang Face-to-face Classes

Sa pagharap ng bansa sa pandemiyang dala ng Covid-19, maraming institusyon sa loob


ng bansa ang naapektuhan nito. Isa sa mga institusyon na naapektuhan nito ay ang Departamento
ng Edukasyon. Naging prayoridad ng mga kawani ng edukasyon ang pagsasagawa at pagplano
ng mga alternatibong paraan para sa pagkatuto ng kabataang Pilipino. Nagkaroon ng iba’t -ibang
modality o metodolohiya ang mga kawani: Online Learning, Modular Distance Learning,
Blended Learning Modality at iba pa. Ang mga nabuong alternatibong paraan ay naisagawa
habang hinaharap ng bansa ang pagkalusugang krisis na dala ng Covid-19. Subalit makalipas ang
3 taon, unti-unti ng bumabalik sa normal na sitwasyon ang bansa. Sa ilang mga piling lugar ay
inlulunsad na ng dahan-dahan ang face-to-face learning. Subalit, karamihan pa rin sa mga
magulang at ibang mag-aaral ay hindi sang-ayon sa paglunsad ng pagbabalik eskwela ng
kanilang mga anak. Bagaman marami pa ring hindi sang-ayon, ako ay pabor sa paglunsad ng
Face-to-face na klase ngayon sa panahon ng Pandemiya.

Ayon sa isang magulang na nakapanayam sa TV Patrol, dahil nasa gitna parin ng


pandemiya ang bansa ay nais niyang nasa loob ang kaniyang anak at pumapasok ng online class.
Dahil sa pangangamba ng mga magulang na makuha ng kanilang mga anak ang nasabing virus
ay hindi nila ito pinahihintulutang pumasok muli sa paaralan. Dagdag pa dito, inihayag ng isang
magulang sa GMA News, “kaya ng anak kong mag-home study kahit wala ang aking gabay.”
Hindi makakaila na ang ilang mga kabataan ay may kakayahang makapag-aral ng walang gabay
ng mas nakatatanda sa kanila. Ito rin ay naging posible dahil sa mga kagamitan na magagamit ng
mag-aaral sa kanilang tahanan. Dagdag pa dito, sa isang balita na inilabas ng Net 25 (Eagle
Broadcasting Corporation), maraming estudyante and pabor sa online class learning at printed
module modality sa pagkatuto. Makikita dito ang takot ng mga estudyante sa muling pagbabalik
ng face-to-face classes sapagkat ang bansa ay nasa gitna pa din ng pandemiya.

Subalit, ipinahayag ng Department of Education na inilabas ng GMA News, ang mga


paaralang naglunsad ng Face-to face classes ay walang naitalang kaso ng Covid 19 simula ng
pagsasagawa nito. Ang paglunsad din ng Face-to-face classes ay higit na mapapayaman at
matututukan ang pag-aaral ng mga kabataan. Alinsunod naman sa pahayag ng isang magulang sa
pananaliksik na isinagawa ng mga estudyante sa Leyte Normal University, Philippines, may mga
pagkakataong maging ang nilalaman ng modyul ay hindi lubos na maunawaan ng mga mag-aaral
dahilan upang sila ay mahirapan sa mga gawaing nakapaloob dito. Mahihinuha rito na ang mga
kabataan sa ilalim ng modyular learning ay nakararanas ng suliranin sa pag-unawa at pag-aaral
ng mag-isa. Sa mga estudanyante namang pumapasok sa online classes, sila din ay nakararanas
ng mga balakid sa pagpasok sa online classes. Isinaad sa resulta ng sarbey ng pananaliksik sa
Leyte Normal University, Philippines, nahihirapang makadalo ang mga estudyante sa kanilang
online classes dulot ng mahinang internet connection.

Bukod pa rito, ayon sa isinagawang pananalik ng mga mag-aaral ng Biliran Province


State University, nahuhumaling sa paglalaro ng mga online games ang mga mag-aaral dahil
karamihan sa mga ito ay gumamit lamang ng internet bilang kanilang libangan. Nawawala sa
pokus ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral, dahil sa kapasidad na makapaggamit ng
Pauline R. Serrano Grade 11- Obedience Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Posisyong Papel

internet. Nakaaapekto ito sa kanilang pagtatamo ng kaalaman hinggil sa kanilang pinag-aaralan,


dahil sa mabagal na internet connectivity.

Isang panayam naman sa mga guro ang isinagawa ng Los Baños Times at ani dito ng
isang guro, “iba pa rin talaga yung pakiramdam na face-to-face kasi mas namomonitor mo ang
iyong mga estudyante, mas madali kang makaka-connect sa kanila, at mas madali ka ring
makakakuha ng ideya mula sa kanila.” Dagdag pa niya, ibinibigay niya ang kanyang “best
effort” sa pagtuturo kaya naman nakakapanghinayang kapag marami ang hindi nakapagpasa ng
mga outputs. Ang Online classes ay hindi lamang sa mga magulang at estudyante nakaapekto,
pati na rin sa ating mga guro.

Ang takot at pangamba ng mga tao sa pagbabalik ng face-to-face classes ay hindi maalis
dahil sa pandemiyang ating kinakaharap. Subalit, tayo ay magtiwala at manalig sa ating mga
institusyon at ahensya. Sa pahayag na nabanggit ni DepEd Sec. Leonor Briones sa UNTV News
and Rescue, “next tacademic school year ine-expect natin na 100% na talaga ang pag-implement
ng face-to-face.” Higit pa dito, nagpahayag din ang Department of Health sa ABS-CBN News,
“makakabuti ang face-to-face classes sa mental health ng mga mag-aaral.”

Ang kinabukasan ng bawat kabataang Pilipino ay hindi matatapos sa krisis na


kinakaharap ng bansa. Ang pananatili sa online classes ay may kaakibat na epekto sa pagkatao,
kaisipan, kaalaman at emosyonal na aspeto ng mga magulang, mag-aaral at mga guro. Kung
kaya ang pagsulong at pagbabalik sa face-to-face classes ng mga mag-aaral ay isang paraan
upang maipatuloy ang kalidad ng edukasyon sa mga kabataan.

You might also like