You are on page 1of 1

Balik sa Simula?

Matapos labanan ang pandemya, ngayon ang kasunod nating lalabanan ay ang perwisyong
dinala nito sa iba’t-ibang sector ng lipunan. Sa Sistema ng edukasyon ng Pilipinas, malaki ang naging
pinsala nito. Mula face-to-face classes, napilitan ang lahat na i-adopt ang distance learning modality
upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Kung dati, pisara at guro ang ating kaharap upang matuto,
nang dahil sa pandemya, napalitan ito ng gadgets at modules.

Ang mga estudyante ang talo dito. Sa pag-aaral na ginawa ng Kagawaran ng Edukasyon, lumabas
na sa loob ng isa at kalahating taon na online classes, may mga nakitang depekto ang kagawaran. Ayon
sa kanila, marami sa mga bata ang hindi sapat ang natutuhan kumpara sa face-to-face classes. Kahit ang
mga magulang ay duda rin kung may natutuhan ang kanilang mga anak sa setting na ito. Kung ganito nga
ang nangyari, sigurado na may mga batang hanggang ngayon hindi pa rin marunong magbasa, sumulat, o
kaya naman bumilang.

Ang hindi rin maganda sa distance learning ay tinuruan nito ang ibang estudyante na umasa sa
iba. Noong kasagsagan ng pandemya, hindi nasisigurado ng mga guro kung ang mga mag-aaral ba mismo
ang gumagawa ng mga aktibidad na ibinibigay nila sa mga ito. May mga magulang kasi na sila na mismo
ang sumasagot sa module ng kanilang mga anak. Mayroon din na nagpapagawa sa mga taong may
kakayahang gawin ito at saka nila babayaran. Kung nasanay ang mga mag-aaral sa ganitong sitwasyon,
siguradong mahihirapan sila na sumabay sa face-to-face classes nagyon.

Bukod dito, naiulat din ang kaso ng panggagaya at tahasang pag-angkin ng gawa ng iba. Ayon kay
Ginang Michelle Into, isa sa mga guro ng San Jose National High School Senior High School Department
may mga pagkakataon na makikita niyang pare-pareho ang sagot ng mga estudyante niya. Noong
sinunukan niya raw na magsaliksik sa Google, nakita niya na doon pala ito nanggaling. Nakakabahal ito
dahil bukod sa nagiging tamad ang mga mag-aaral, ang gawaing ito ay labag sa batas.

Ngayon na face-to-face na ulit ang klase, nararapat lamang na mas tutukan pa ng Kagawaran ng
Edukasyon ang epekto ng pandemya sa mga mag-aaral, kahit na umabot pang kailanganing bumalik sa
umpisa. Nararapat lamang na magtulong-tulong ang lahat upang masolusyunan ang mga problema sa
kalidad ng edukasyon. Dapat ngayon pa lang mahubog na ang mga esrudyante dahil sa kanila nakasalalay
ang kinabukasan ng Pilipinas.

You might also like