You are on page 1of 2

Heartcel Babes F.

Eyas BSED-Mathematics

Ang Hamon ng Pandemya sa Edukasyon

New normal, ganyan na kung tawagin ang bagong takbo ng buhay ng bawat tao sa
panahon nitong pandemya. Pansin natin na kung dati napupuno ang mga kalsada ng mga
sasakyan at tao sa daan, ngayon kunti nalang. Ang mga dating negosyo na napupuno bawat araw
ngayon ay sarado na. Pansin din natin ang mga taong nanlilimos ng pagkain sapagkat walang
maibigay sa pamilya bunsod ng walang trabaho na dulot din ng pandemya. Higit sa lahat ang
pandemyang ito ang bumago sa sistema ng edukasyon lalong lalo na dito sa Pilipinas.

Sa panahong hindi pa nakarating ang panganib na dala ng Covid-19 sa Pilipinas, marahil


tayong mga mag-aaral ay nasasabik para sa susunod na pasukan. Meron namang ilan na
nagagalak na para sana sa kanilang graduation o di naman kaya ay moving-up ceremony, ngunit
ang lahat ng mga iyon ay hindi naging posible sapagkat dumating ang virus na Covid-19 na
talaga naming mapanganib sa lahat ng taong mahahawaan nito. Kung kaya’t ang mga pangarap
na graduation at muling pagkikita ng mga kaklase sa silid-aralan ay ipinagpaliban na muna.

Upang mapanitiling ligtas ang mga mag-aaral, naglunsad ang gobyerno partikular na ang
DEPED at CHED ng mga paraan upang maipagpatuloy pa rin ng mga kabataan ang kanilang
pag-aaral. Sa paraang online learning, modular, at blended learning. Ano ba ang ibig sabihin ng
mga ito? Ang online learning ay isang paraan ng pag-aaral na nangyayari sa pamamagitan ng
paggamit ng internet, ibig sabihin hindi na kailangan pa ng isang mag-aaral ang pumunta sa
paaralan. Samantala ang modular naman ay isang paraan ng pag-aaral kung saan bibigyan ng
modules ang isang mag- aaral na kaniyang babasahin tsaka sasagutan ang mga gawain na
nakasulat sa modules. Isa rin sa paraan ng pag-aaral ngayon ay ang Blended learning kung saan
pinaghahalo ang online activities at modules para turuan ang mga mag-aaral.

Ngunit sa panibagong paraan ng pag-aaral, ano-ano kaya ang mga kinakaharap na


pagsubok nang mga mag-aaral? Marahil sa hindi pa nagsisimula ang pasukan marami sa atin ang
nangangamba kung makakaya ba natin ang bagong paraan ng pag- aaral. Dahil mahirap gawin
ang isang bagay na hindi mo pa nasubukan sa buong buhay mo, kumbaga, ikaw ay nasa isang
lugar na hindi mo alam. Ganito lang naman mailalarawan ang edukasyon ngayon. Kinakailangan
ang karampatang sipag at gastos upang maipagpatuloy ng mag-aaral ang kaniyang pag-aaral.

Sa panahon ngayon internet ang kinakailangan, kung wala ka nito mahihirapan ka sa


klase. Lalo na sa mga nag kokolehiyo na kagaya ko, internet ay napakahalaga. Yung tipong
araw-araw kang manunuod sa selpon mo kung may mga gawain na kailangang ipasa sa bawat
asignatura. Ang eksenang ito ay ang araw-araw na nangyayari sa panahon nitong new normal.
Suwerte ka kung ang bahay mo may wifi, malas ka naman kung wala sapagkat kailangan mo
talagang maghanap ng bundok o di naman kaya ay tumira sa siyudad upang lumakas ang signal.
Dumarating din ang sitwasyon na wala ka nang pera na pang load sa selpon mo na minsan di mo
na alam ang gagawin, kung uunahin ba ang pagbili ng pagkain o di naman kaya ay unahin ang
load sapagkat may dapat ipasa na takdang-aralin. Mga nakakahabag na sitwasyon ito ng iilan sa
mga estudyanteng pursigidong ipagpatuloy ang pag-aaral sa gitna ng kahirapan.

Lahat tayo ay ipinanganak na magkaiba, marahil ang iba sa atin ay ipinanganak na


mayaman at ang iba ipinanganak na walang-wala sa buhay. May mga taong kahit pursigidong
mag-aral subalit dahil sa kakulangan ng pera pambili ng gadgets na kailangan sa online learning,
mas pinipili na lang na tumigil. Masaklap ang ganitong uri ng pangyayari kasi nga karapatan ng
bawat kabataan ang makapag-aral. Nakakapanlumo din ang mga nagkalat na mga balita tungkol
sa mga estudyanteng kinitil ang mga buhay dahil nahihirapan na sa module o sa online learning.
Sila yung mga taong di na kinaya ang pag-aaral at mas pinili nalang ang magpatiwakal.
Nakakalungkot isipin na sa murang edad pa lang ay binawian na sila ng buhay nang dahil sa
kanilang pag-aaral.

Ngunit sa kabilang banda naman ay may mga postibong katangian naman ang bagong
paraan ng pag-aaral ngayon. Unang-una nakatulong ito upang hindi na lumobo ang kaso ng
Covid-19 sa bansa sapagkat walang face-to-face classes ang mga guro at mag-aaral. Pangalawa,
naging tulay ito upang mas mahasa pa ang isang estudyante sa paggamit ng kompyuter. At
panghuli, ang bagong paraan ng pag-aaral ay nakatulong sa mag-aaral na tukuyin ang sagot sa
mga katanungan base sa kaniyang pag intindi.

Bagamat marami ang hindi pabor sa panibagong paraan ng pag-aaral ngayon dapat nating
isipin na ito ay isang paraan upang maging ligtas tayo. Sa panahon nitong pandemya pananatili
nga naman sa bahay ay isang hakbang upang hindi na dumami ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sa mga mag-aaral na nahihirapan sa online at modular learning, laban lang para sa kinabukasan.

Ang mga Pilipino nga naman ay kilala sa pagiging matatag anumang hamon ang
dumating sa buhay. Napatunayan na natin ito sa pagbangon mula sa matitinding sakuna. Ang
hamon ng Covid-19 ay hindi magiging hadlang upang makamit ng bawat mag-aaral ang inaasam
na tagumpay sa buhay. Mapa online o modular learning man yan magagawan talaga ng paraan
kung may nais kang marating sa buhay. Kaya para sa ating mga mag-aaral, lagi nating isaisip na
walang pandemya ang makakahadlang sa pagkamit natin ng ating mga pangarap sa buhay.

You might also like