You are on page 1of 1

“ANG KAHIRAPAN SA GITNA NG PANDEMYA”

Sa pandemyang dinadaranas natin ngayon, ano na kaya ang sitwasyon


ng mga pamilyang Pilipino?
Ito ang mga katanungan na kadalasang umiikot sa isipan ko.
Habang patuloy ang mga epekto ng pandemyang ito, mapapaisip ka din
kung kailan kaya ito magwawakas?
Isang malaking balakid ang pandemyang ito sa paghihirap ng marami
sa atin; kabilang na sa mga epekto nito ang mga nawalan ng trabaho, mga
at kaligtasan ng isat-isa.
Maraming Pilipino ang nawawalan ng trabaho at mahigit na din sa
349k ang kaso ng Covid-19 sa buong bansa.
Na kung saan naging dahilan sa pagsara at pagtigil ng mga negosyo at ito’y
resulta sa pagdudurusa ng mga manggagawang Pilipino.
Ika nga ni Dr.Jose Rizal,”Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”ngunit dahil sa pandemyang ito, marami na sa mga kabataan ngayon
ay nahihirapan ng mag-aral.Isa na sa mga suliranin ang pagkakaroon dapat
nang internet at compjuter para sa gagawing online classes at kundi man
ang pagbabanta ng virus sa pagkuha ng module sa mga paaralan.Sa
paraang ito,sa tingin niyo meron kayang matutunan ang mga estudyante sa
ganitong paraan?
Marami na ang nasawi at marami na din ang nagsakripisyo.Sa bawat araw na
lumilipas,may kumakalam na sikmura at nahihirapan na ring huminga. Mga
magigiting na frontliners na walang sawang tumutulong para magamot ang
mga naapektohan nito.
Kaya ang mga patnubay ng gobyerno at mga propesyonal ay
sundin.Dahil lahat ng ito ay para naman sa atin.Palagi din suotin ang
positibong isipan at mabuting puso.Bagama’t ang pandemyang ito’y laban
ng lahat, isa man itong problema pero ang laging tatandaan anumang uri ng
pagsubok ay mayroon ding katapusan.

You might also like