You are on page 1of 2

Tekstong Naratibo- Essay

Kahandaan sa kalamidad at sakuna ng gobyerno

Sa bansang madalas na nakararanas ng sakuna at kalamidad, importanteng

maging handa tayo dito upang maiwasan ang maaaring mapaminsalang dulot ng ganitong

pangyayari. Ang pagiging alisto at may alam ay mahalaga sa mamamayan upang

masubaybayan ang mga dapat isagawa kung sakaling dumating ang delubyo. Dapat

lamang natin na malaman ang pagiging responsableng Pilipino sa pagharap sa sakuna at

kalamidad sa pamamagitan ng mga programa at reporma ng gobyerno. Hindi lamang ito

para sa kaligtasan at seguridad ng ating mga sarili kundi para rin sa mga mahal natin sa

buhay.

Ayon kay Pedroche (2011), ang pamahalaan ay dapat na maging handa sa mga

iba’t-ibang kalamidad sa mundo tulad ng lindol, tsunami, at bagyo. Ukol dito, may mga

programa na pwedeng ilatag upang maprotektahan ang buhay at mga ari-arian ng bawat

isa. Isang halimbawa ang interactive disaster preparedness/risk reduction software

program ng Santo Tomas, Batangas na kung saan ay magkakaroon ng epektibong

sistematiko ng pagtugon ang gobyerno sa sakuna. Sinusuportahan rin nito ang Philippine

Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na makatutulong sa mga tao na

makiisa at maging parte ng paghahanda laban sa kalamidad. Iniulat ni Astrero (2017) sa

Tamang kahandaan, sandata laban sa sakuna ang ang mga sinabi ng mga opisyal ng

Philippine Disaster Risk Reduction and Management Oiffice [PDRRMO] upang mas

mapatibay ang kasanayan ng taong-bayan at gobyerno laban sa kalamidad. Inilathala ni

Astrero ang sinabi ni Calma na makatutulong ang pagdaraos ng mga drill sa paglindol
para mas maging organisado at maaasahan ang mga plano sa paghahanda laban sa

kalamidad ng gobyerno. Gayunpaman, dapat rin na maging alisto ang mga tao upang

maging matagumpay ang mga nasabing plano. Idiniagdag ng Department of Interior &

Local Government [DILG] (2018) na nakadepende ang kaligtasan ng tao sa hinaharap

base sa mga aksyon natin sa kasalukuyan. Inalerto ng ahensiya ang mga pinuno ng

lalawigan, bayan, at barangay ng Pilipinas na magsagawa ng mga nararapat na solusyon

para maabot ang zero-casualty o walang buhay na masasawi sa sa natural na kalamidad

tulad ng matinding pag-ulan. Isinaad rin ng DILG ang pag-aangat ng antas ng kahandaan

ng bansa sa kabila ng mga pinagdaanan nito laban sa kalamidad.

Kaya’t patunayan natin na sa mga pagsubok na pinagdaanan ng bansa sa

kalamidad at sakuna ay maging paraan ng pagpapayabong ng ating mga natutunan at

kaalaman sa mga ganitong pangyayari. Huwag lamang natin na iasa sa gobyerno ang mga

aksyon kundi makiisa tayo para sa tagumpay ng mga programa. Dahil sa huli, nasa

kamay mo pa rin ang mga dapat gawin upang iligtas ang iyong buhay sa sakuna at

kalamidad.

You might also like