You are on page 1of 2

Himagsik Laban Sa Maling Pananampalataya

Ni: Marc Christopher ASis

Introduksyon

Ang himagsik laban sa maling pananampalataya ay gustong ipakita sa atin ni Francisco


Balagtas sa kanyang akdang “Florante at Laura” na sa kabila ng ating pagkakaiba tayo ay
nagtutulungan at nagkakaunawaan. Ang himagsik laban sa maling pananampalata na isinulat ni
balagtas ay isa lamang sa apat na himagsik na gusto niyang ipakita sa akin. Gusto ng may akda
na ipakita sa atin ang ating pagkakamali ating pag-uugali at sa ating lipunan.

Diskusyon

Ang himagsik laban sa maling pananampalataya na ipinakita ni Balagtas sa akda niyang


“FLorante at Laura” at tungkol sa isang kristyano na tinulungan ng isan Moro. Si Florante ay
nakagapos sa punong higera at hinang-hina na nang siya ay iniligtas ni Alidin. Nang umayos na
ang kalagayan ni Florante at na napuna niya na siya ay nailigtas nang isang Moro ay sinabihan
niya itong mas pipiliin na niyang mamatay kaysa mabuhay dahil sa isang Moro. Ngunit hindi
nagtagal ay nagtaaayos din ang dalawa naging magkaibigan. Ipinakita sa atin ni Balagtas na
kahit ano pa man ang ating pananampalataya, na kahit tayo ay magkalaban tayu ay pwedeng
magkaisa at magtulungan.

Ang “hidwaang” naganap kina Florante at Aladin ay ibinase na mentalidad nating mga
Pilipinong Kristyano sa kapwa Pilipinong Muslim. Mas gugustuhin pa natin na tayu ay
mapahamak kaysa tulungan n gating kalaban at makipagkaibigan.

Isang pambihirang pangyayari na naganap sa St. George’s, humigit kumulang isang daang tao
Kristyano, Muslim, at Jews ang nag ikaisa at nagsama-sama upang maipakita sa mundo na tulol
sila sa karahasan at mga nangyayaring trahedya na may kinalaman sa terrosista, gaya ng sa paris
na 130 tao ang nawalan ng buhay. Gusto nilang ipakita sa mund na kahit iba’t iba man ang
kanilang pananampalataya sila ay pwede magkaisa para sa ikabubuti ng lahat
Konklusyon

Sana ay mag iba ang tingin natin sa isa’t isa at magkaisa para lahat ay maging masaya. Kung
ipapawalang-bahala natin ang ating pagkakaiba ay tiyak lahat ay makikinabang. Katulad sana
nina Florante at Aladin ay tayo ay magkaisa.

You might also like