You are on page 1of 2

KOMENTARYONG PANRADYO: Same- Sex Marriage

(Sound effects)
Louie: Radyong walang kinikilingan,
Janna: Radyong walang pinapaboran,
Louie at Janna: At pawang katotohanan lamang,
Louie at Janna: Magandang umaga sa inyong lahat.
Louie: Ako si Louie Jay Gallevo,
Janna: at ako naman si Janna Jane Labao.
Louie at Janna: Kayo ngayon ay nakikinig sa Radyo Uno.
Louie: Magandang araw partner, ano ang ganap ngayon?
Janna: Andaming ganap partner at isa na rito ay ang isyu tungkol sa same-sex
marriage! Hala! Kabilang ka ba dito?
Louie: Baliw! Single pa ako sa ngayon. Pero tama ka partner! Andami ko ring narinig
tungol diyan.
Janna: At dahil marami akong narinig na balita tungkol diyan. Bakit hindi nalang iyan
ang pag-usapan natin?
Louie: Oo nga naman!
Janna: Nitong Biyernes, naglabas ng makasaysayang desisyon ang Korte Suprema sa
Amerika na kumikilala sa legal na karapatan ng same-sex couples na magpakasal. Ang
tanong. Panahon na rin bang payagan ang same-sex marriage sa Pilipinas?
Janna: Partner, ano nga ba ang same sex-marriage? Ang same sex marriage ay isang
uri ng pagkakasal sa dalawang tao na napapabilang sa parehong kasarian, maaring
lalaki at lalaki o babae at babae. Sa modernong panahon ngayon mas lumalaganp na
ang pagkakaroon ng iba pang kasarian o label ng kanilang gender, kung kaya’t
nagkakaroon ng same-sex marriage.
Louie: Partner sa iyong palagay ano ang iyong opinyon tungkol dito?
Janna: Sa tingin ko, gusto kong ma-ilegal ang same-sex marriage kung hindi ito
makakasama sa sinuman. Dahil ang bawat isa ay may karapatang pumili kung ano,
sino, at paano ang pinakamahusay para sa kanyang sarili. Gayunpaman, kung gusto
mong magpakasal sa parehong kasarian, dapat mong sundin ang mga pamamaraan at
batas na itinakda.
Louie: Hindi kita masisi partner. Ngunit sa aking narinig, may petisyon na inihain sa
Korte Suprema ng Pilipinas na humiling sa mga mahistrado na payagan ang same-sex
union. Ang civil union ay isang legal na relasyon sa pagitan ng dalawang tao na
nagbibigay ng legal na proteksyon sa mag-asawa sa antas ng estado lamang. Ang
isang civil union ay hindi kasal, bagaman. Ang civil union ay hindi nagbibigay ng mga
pederal na proteksyon, mga benepisyo, o mga responsibilidad sa mga mag-asawa, at
ang isang unyon ng sibil ay maaaring hindi kilalanin ng lahat ng mga estado. Ang civil
union, na katulad ng mga domestic partnership sa ilang paraan, ay pangunahing
itinatag bilang alternatibo para sa parehong kasarian na mag-asawa sa mga estado
kung saan hindi puwede ang kasal.
Janna: Alam mo partner para sa akin, kahit wala na iyang same-sex marriage at civil
union na iyan kung mahal niyo ang isa at isa ay malaya kayong magmahalan. Aanhin
niyo ang papeles kung sa huli ay hahanap siya ng iba at lolokohin ka.
Louie: Kaya nga partner, kung mahal mo ipaglaban mo kasal man o hindi kasal, at
legal man o walang kasunduan. Ang importante andiyan ka palagi handa mo siyang
ipagsigawan dahil patuloy niyong panghahawakan ang mga pangakong ihahantong
niyo panghabang-buhay na kasiyahan. Walang mali sa pagmamahal kung alam niyo
lang ang kahahantungan. Huwag nating hayaan na pasokin tayo ng pangamba at mga
aspetong panloloko dahil iyan ang puwedeng makasira sa inyong dalawa na
maghahantong sa hiwalayan.
Janna: Tama ka riyan partner, parang hugot ah? Ayon sa korte mahabang talakayan
ang aspetong iyan kaya hintayin nalang natin hanggang mapag-desisyonan na. Matuto
tayong mag-hintay. Ayon sa tagapagsalita ng korte suprema, aasahang bago
magpapasko ay lalabas na ang ang kongkretong pasiya. Alam mo naman ang proseso
rito sa ating pamahalaan ang napakabagal gayunpaman kailangan pa rin nating
irespeto.
Louie: Oh, siya at sabay-sabay nating tatalakayin ang bagay na iyan kung may bagong
ng balita sa mga susunod na Linggo. Sa mga taong mapanghusga, huwag sana nating
hayaang masaktan ang ating kapuwa sa pamamagitan ng mga salitang lumalabas sa
ating mga bunganga. Sa muli ako si Louie Jay I. Gallevo,
Janna: at ako naman si Janna Jane Labao.
Louie at Janna: At ito ang Radyo Uno.

You might also like