You are on page 1of 2

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang, “Epekto ng emotional intelligence sa

akademikong pagganap ng mga unang taon na estudyante na kabilang sa departamento ng CASE

ng CSAB A.Y. 2018-2019”. Sa pananaliksik na ito, ninanais ng mga mananaliksik na mabigyan

ng ideya ang iba’t ibang institusyon o mga taong nasa palibot ng mga mag-aaral na sakop ng

aming pananaliksik. Ang mga sumusunod ay ang mga makakabenepisyo sa pag-aaral na ito:

 Tagapamahala ng paaralan- sa tulong ng pananaliksik na ito, magkakaroon ng paraan

ang mga namumuno sa paaralan kung paano mas mapapaangat ang akademikong

pagganap ng mga mag-aaral. Malalaman din ng mga tagapamahala ng paaralan ang iba’t

ibang kahinaan at kalakasan ng epekto ng emotional intelligence sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral.

 Guro- Bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral, kinakailanang magkaroon ng

kamalayan ang mga guro sa mga hinaharap ng kanilang mga estudyante. Sa tulong ng

pag-aaral na ito, mas mapag-iisipan ng mga guro na magkaroon sila ng mga gawain na

lalong magpapasigla sa utak ng kanilang mga estudyante ng sa gayon ay mas mapabuti

ang emotional intelligence at akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

 Mga magulang- Makakatulong ang pag-aaral na ito na mas makilala ng mga magulang

ang kanilang mga anak at matulungan nila sa mga hinaharap na problema na nauugnay sa

kanilang emotional intelligence. Ang pag-aaral na ito rin ay magsisilbing gabay na rin

nila sa landas ng paglago ng kanilang mga anak lalong-lalo na sa akademikong pagganap.


 Mananaliksik- Ang mga mananaliksik mismo ay magkakaroon ng kamalayan sa paligid

at malalaman din nila na bilang isa ring mag-aaral, kinakailangang pahalagahan ang

akademikong pagganap ngunit mas mabuting balanseheng mabuti ang emotional

intelligence at akademikong pagganap

You might also like