You are on page 1of 2

Ezra Dennis Miguel M.

Magtibay
HIST 1 – D2
AMIGO:
Ang Pagdating ng mga Amerikano

Ang pelikula ay tungkol sa isang lugar sa Pilipinas noong panahong sinakop tayo ng mga

Amerikano habang tayo ay nasa ilalin ng mga Kastila. Makikita sa peilukla kung paano ikinulong

ng mga tao ang isang prayleng Kastila sa isang bahay at itinuring ng mga tao na bihag. Pagdating

ng mga Amerikano ay siya ay napalaya na maaaring isang epekto ng Kasunduan sa Paris na kung

saan tayo ay ibinenta ng mga Kastila sa mga Amerikano.

Mga Sumuko, Sumipsip, at Lumaban

Sa pagdating ng mga Amerikano ang lugar nina Rafael na ginanapan ni Joel Torre na

nagpakilalang Amigo ay agad na sumuko sila sa mga Amerikano. Dito papasok ang salitang mga

sumuko, sa kadahilanang sila ay mga walang mga sandatang panlaban kaya napilitan na lang sila

na sumuko. Sunod naman ay ang sumipsip, makikita na kung paano talaga pwedeng makaapekto

ang kapangyarihan para sa isang tao, gagawin ang lahat para lamang makamtan ang ninanais at

ginugusto. Ang halimbawa ditto ay ang ginanapan ni John Arcilla na si Nenong na simula pa lang

sa prayle ay sumipsip na dahil sa gusto niyang mamuno sa kanilang lugar at maging heneral del

barrio sa kanila. Huli naman ay ang mga lumaban na mga hukbo laban sa mga Amerikano dahil

gusto nilang ipaglaban ang kung kanilang inang bayan na pinamunuan ni Simon na si Ronnie

Lazaro.

Konklusyon

Kung tutuusin, hindi gaanong nalalayo ang ating estado noonng panahon na tayo ay

sinalakay ng mga dayuhan sa ating esatdo ngayon bilang isang malayang bansang Pilipinas. Lagi

na lang tayong minamaliit dahil sa hindi tayo natutuong tumayo sa sarili nating paa. Ang
pagsalakay ng Amerikano ay para tayo ay matulungan para maging bansa pero ngayon parang

intituring pa rin tayong mga bata na aasa’t aasa pa rin sa mga basing ka-alyado natin. Isa pa ay

kung paano tayo sumipsip sa ibang bansa na naabot na sa punto na unti-unti tayong sinasalakay at

lalo pang minamaliit dahil lagi tayong may hinihingi o pabor sa kanila. Tulad na lang ng sa mga

isyu natin sa bansang Tsina na ngayon ay umabot na sa pambabastos ng isang residente ng Tsina

ang pambabastos sa isang mamamyang Pilipino.

Sana lamang ay magising ang mga tao lalo na sa darating na eleksyon n asana ay mamulat

tayo sa lahat ng mga problema ng bansa natin hindi lang sa problema natin sa ibang bansa kundi

problema natin sa loob ng bansa. Sa pagpili ng tamang iuukol sa pwesto ay malaki na ang ating

maitutulong at simula doon ay patuloy na pagsuporta sa mga adhikain nila at kung umabit man sa

punto na mali na ang ginagawa nila, huwag tayong matakot na ipaglaban ang tama. Kung hindi

naman, lagi’t lagi na lamang tayong ituturing na isang bansang malaya na may isip bata.

You might also like