You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region IV-A CALABARZON| LIPA CITY, BATANGAS


LIPA MONTESSORI SCHOOL OF LEARNING INC.

Photo Essay: Ang Pagusbong ng Teknolihiya sa Makabagong Panahon


Isinulat ni Niño Ryan Ermino
“ Ang mga tsismosa HI-TECH na. Noon nasa
kapitbahay lang sila, ngayon nasa
FACEBOOK na.” Isa sa mga linya na sinabi ni
Ms. Miriam Palma Defensor-Santiago tungkol
sa teknolohiya. Nagpapatunay lamang iyan na
ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa
ating buhay. Nagsasabi din ito na ang
teknolohiya ay maaari rin na maka-apekto sa
bawat sektor ng ating bansa na maaaring
makapagpabago at makapagpaunlad dito. Ilan
nga sa mga maaaring makitaan natin ng
paggamit ng teknolohiya ngayong nasa
makabagong panahon na ay sa
pakikipagkomunikasyon sa isang indibidwal,
pakikitransaksyon, paghahanapbuhay, libangan at sa ating bahay. Patunay lamang iyan na ang
teknolohiya ay isang bagay na kapag nawala sa ating buhay ay maaaring makaapekto sa isang
indibidwal at sa isang bansa.
Nasabi ko na ang teknolohiya ay maaring makita natin
sa pakikipagkomunikasyon at transaksyon ng isang
indibidwal sa kaniyang kapwa, ngunit sa paanong
paraan na ginagamitan ito ng teknolohiya ? Dahil nga
sa patuloy na pagusbong ng teknolohiya lalo na
ngayong nasa makabagong panahon na tayo ay
naging mas madali din ang ating
pakikipagkomunikasyon. Napapadali din nito na
makasagap tayo ng mga impormasyon mula sa ibang
indibidwal, kaya nga sabi ni Ms. Miriam Palma
Defensor-Santiago na hi-tech na ating ma marites
ngayon dahil gumagamit na sila ng mga teknolohiya na
nagpapadali upang makakuha sila ng maiichismis nila
sa kanilang mga kumare nila. Karaniwan sa mga teknolohiya na ginagamit nila ay selphon, telepono,
at telebisyon na kung saan gumagamit sila ng social media application upang makakalap ng
impormasyon. Hindi lamang ang mga marites ang natulungan ng teknolohiya kundi ganoon na din
ang mga may Negosyo. Dahil sa mas napadali nito ang transaksyon nila sa kanilang mga mamimili.
Ilan sa mga halimbawa ng teknolohiya na ginagamit ngayon sa mabilis na transaksyon sa isang
negosyo ay “Cash Register Machine”, “Gcash Payment Method”, at “Credit Card Autopayment
Republic of the Philippines
Region IV-A CALABARZON| LIPA CITY, BATANGAS
LIPA MONTESSORI SCHOOL OF LEARNING INC.

Machines”. Iyan ang dahilan kaya naging malaking tulong ang teknolohiya sa mga negosyo lalo na
ngayong nasa makabagong panahon na tayo.

Sa pagusbong din ng teknolohiya


ay nagkaroon ang mga tao ng paraan
upang libangin ang kanilang mga sarili lalo
na sa panahon ngayon na karamihan sa
atin ay kailangan pumalagi sa kaniya-
kaniyang pamamahay dahil sa patuloy pa
din ang pandemya at mayroon pa ding
mga kaso na naitatala ng mga indibidwal
na nagkakasakit. Ilan nga lamang sa mga
teknolohiya na ginagamit ngayon bilang
libangan ng karamihan ay “Smart TV”,
“Game Consoles tulad ng Nintendo
Switch” at “Cellphones”.

Ang mga teknolohiya na umusbong ngayon ay


karaniwan rin na makikita sa mga pamamahay na
naging dahilan upang mapadali, mapagaan, at
mapasaya ang pamumuhay ng bawat pamilya. Kaya’t
masasabi talaga natin na ang teknolohiya ay bahagi na
ng buhay ng bawat indibidwal. Naging katuwang nila ito
sa kanilang mga gawain o trabaho. Naging paraan ito
upang libangan ang kanilang mga sarili. Higit sa lahat
ay ito ay naging midyum sa komunikasyon at
pagkonekta ng bawat indibidwal sa isa’t isa.
Republic of the Philippines
Region IV-A CALABARZON| LIPA CITY, BATANGAS
LIPA MONTESSORI SCHOOL OF LEARNING INC.

Sa mga nabanggit ko na naging magandang


epekto ng pagusbong ng teknolohiya ngayong
makabagong panahon ay nagpapatunay lamang na
ang teknolohiya ay kahit paano ay mayroong
magandang naidudulot sa atin, kahit na maaari pa din
itong makasira sa ating kalikasan ngunit maaari pa
din natin itong maiwasan basta’t wastong paggamit
ng teknolohiya ay ating ipapairal sa mga kabataan.

You might also like