You are on page 1of 2

Alessandra D.

Gumiran
Stem 12B

Replektibong Sanaysay
Pag-aaral sa kabila ng pandemayang kinakaharap

Sa taong 2020 ay nag karoon ng isang hindi inaasaang pangyayari hindi lamang sa Pilipinas kundi sa
buong mundo. Ang pangyayaring ito ay ang COVID-19 pandemic, ang pandemyang ito ay nakaapekto sa
araw-araw na buhay ng tao, na pati mismo ang tradisyunal na paraan ng pag aaral ay naapektuhan. Sa
gitna ng nararanasan pandemya, hindi naging hadlang ang sitwasyong ito upang mag karoon ng academic
freeze, sapagkat itinala ng gobyerno ang online at modular learning para sa mga estudyante.

m
er as
Kung dati ay sa eskwelahan nag aaral ang mga estudyante, ngayon ay umaasa na lamang kami sa bigay na

co
modules at online learning. Hindi na blackboard at chalk kundi cellphone at laptop na ang gamit panturo

eH w
ng mga guro.

o.
rs e
ou urc
Bilang isang estudyante masasabi ko na hindi madali ang pag-aaral ngayong pandemya. Hindi na ito
kasing saya tulad ng face-face class na makakasama at makaka bonding ang mga kapwa estudyante at
o

mga guro. Ang aming learning capabilities ay hindi na tulad ng dati, kung dati ay maraming nag rerecite
aC s

sa klase ngayon ay bilang na lamang ang mga ito. Ang aking konsentrasyon sa pag-aaral ay unti unting
vi y re

nag kukulang habang nagtatagal. Nahihirapan din minsan makahabol sa klase dahil sa hina ng internet
connection at hindi maintindihan ang lektsyur, na nagiging hadlang sa pagpasa at paggawa namin sa mga
aktibidad na ibinigay ng aming mga guro. Hindi lahat ng estudyante ay kayang mag-aral mag isa, hindi
ed d
ar stu

lahat ng estudyante at parehas ang learning skills, ang iba ay kailangan pa rin ng tulong ng isang guro
upang mas maunawaan pa ng lubusan ang kanilang lektsyur. Minsan ay gumagawa na lang ang mga
estudyante ng aktibidad upang may maipasa sa tinakdang deadline, kahit na hindi na nila naiintindihan
is

ang kanila lektsyur. Nag ka karoon din ng mga ilang kaso ng depression at anxiety na dulot umano ng
Th

stress at hindi pag pasa on time ng mga estudyante ng kanilang mga modules. Nakakadulot rin ito ng
pagpupuyat ng mga estudyante, paglabo ng paningin, at sakit sa ulo na dulot ng pag babad sa gadgets.
sh

Ang pag-aaral sa bahay ay hindi kasing dali ng aking inaasahan, gawaing bahay, ingay ng kapit bahay, at
ingay ng mga hayop ang isa sa mga kalaban. Dumagdag pa rito ang kakulangang pinansyal, hina ng
internet, kakulangan sa pambayad ng load, at kakulangan sa kagamitan, na nagiging dahilan sa hindi pag

This study source was downloaded by 100000832679156 from CourseHero.com on 10-18-2021 21:20:15 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93342810/replektibong-sanaysaydocx/
pasok ng ilang estudyante sa kanilang online class. Hindi lamang ang mga estudyante ang nahihirapan,
nahihirapan din ang kanilang mga guro at kanilang mga magulang. Ang kanilang mga guro na
nahihirapan mag monitor ng kanilang klase dahil sa kahinaan ng internet, kaka gawa ng mga modules
upang ang mga estudyante ay may matutunan, at kakacheck ng mga gawain ng mga estudyante upang
masiguro na lahat ay na kapag pasa. Mga magulang na nahihirapan kumayod upang mag karoon ng
panggastos sa pang araw-araw.

Pero para sa kinabukasan tuloy pa rin ang laban, gagawin ang lahat ng paghihirap para sa pangarap.
Kailangan mag-aral upang mag karoon ng magandang kinabukasan, at maayos na pamumuhay sa
hinaharap.

m
er as
co
eH w
o.
rs e
ou urc
o
aC s
vi y re
ed d
ar stu
is
Th
sh

This study source was downloaded by 100000832679156 from CourseHero.com on 10-18-2021 21:20:15 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/93342810/replektibong-sanaysaydocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like