You are on page 1of 2

Pagcaliwagan, Ivy Enero 23, 2020

12- ABM Manager Gng. Regina Rosales

BUHAY ABM

Magandang hapon sa ating panauhing pandangal, mga guro, mga magulang, mga bisita,
sa aking mga kamag-aral at sa mahal kong mga Grade 10 students. Bilang mag-aaral mula sa
Grade 12, narito ako sa inyong harapan upang magbigay ng maikling talumpati na maaaring
makapagbigay ng motibasyon sa inyo.

“For every dark night, there’s a brighter day” yan ang kasabihan na nagbigay ng
inspirasyon sa akin. Alam ko sa sarili ko na ang bawat pagsubok na dumating sa buhay ko ay
malalampasan ko. Kahit gaano pa kasaklap ang nangyari sa nakaraan, kakayanin ko ito sa
kasalukuyan para sa aking magandang kinabukasan.

Sa pagpasok ko sa paaralan ng Oriental Mindoro National High School hindi naging


madali para sakin ang lahat. Bagong mundo na naman ang pinasok ko, malayo sa kinalakihan
ko, at malayo sa mga kaibigan ko. Sa pagtahak ko sa bagong mundo na ito, mababago din pala
ang kurso na kukunin ko. Oo! Nag-ABM ako kahit hindi ito ang gusto ko. Sinunod ko kung ano
ang gusto ng mga taong magpapaaral sa akin. Kahit alam ko sa sarili ko na mahihirapan ako.
Accountancy? Business? At Management? Wala naman akong alam pagdating dito, pero sige
kakayanin ko. Sabi nga ng Nanay ko sa akin tuwing pinapalakas nya ang loob ko “ kaya nga ng
iba, kaya mo rin”. Ano nga ba ang buhay meron ang ABM Students?

Ang ABM o Accountancy, Business and Management ay kabilang sa kursong


pinagpipilian ng mga mag-aaral sa Senior High School. Ibang-iba ang tinatalakay na aralin dito
kumpara sa pinag-aaralan sa sekondarya. Hindi biro ang magiging karanasan. Minsan,
mapapaiyak ka na lang kapag sa oras ng pagsusulit hindi ka makapagbalanse o naiwan mo ang
iyong calcu. Kapag may biglaang recitation at long test tapos hindi ka nakapag-aral. May araw
na talaga namang mapapasabi ka na lang ng "ayoko na! Di ko na kaya, ano ba itong pinasok
ko?", dahil sa nagkakasabay-sabay ang recitation, long quiz at projects. At minsan, hindi na
natin napapasa on-time ang mga projects natin dahil kulang ang oras. Sa mga karanasan na ito,
dito tayo natututo, kaya patuloy tayo na lumalaban para tapusin ang ating nasimulan.

Mahirap! Oo, mahirap ang maging estudyante. Nariyan ang tambak na gawain sa iba't
ibang aralin. May kailangang ipasa na business proposal at research sa nakatakdang oras. May
mga culminating activities na dapat gawin. At sabayan pa ng di mabalanse ng transaksyon.
Struggle is real, ika nga. Pero huwag ka agad susuko, hindi lahat ng bagay nakukuha ng
madalian. Tandaan mo, mas mahirap ang nararanasan ng mga taong nagpapa-aral sa atin sa
kanilang araw-araw na paghahanapbuhay para matustusan ang pangangailangan natin.
Yung pakiramdam na nakapasa ka sa exam, nakapagbalanse ka ng transaksyon at
naaprubahan ang business plan na pinagpuyatan, nakakuha ng kahit hindi ganon kataas na
marka sa major subjects na akala nami’y hindi na kakayanin ay napakasaya at napalaking
karangalan na para sa amin. Maraming masayang alaala ang nabuo sa loob ng dalawang taon na
samahan. Pero ang pinakamasaya sa lahat ay ang sama-sama kaming aakyat sa entablado
upang tanggapin ang diploma na bunga ng aming paghihirap.

Sa kabila ng mga paghihirap at mga karanasan, natututo tayo. May mga bagay noong
una’y ayaw natin, pero sa huli ito pala ang magiging daan para malaman natin kung alin ang atin
dapat na tahakin. “Success always demands a greater effort”, hindi tayo magtatagumpay kung
magiging tamad tayo. Kaya kung gusto mo maging matagumpay pagdating ng araw, ngayon pa
lang ay simulan mo na ang pagsisikap, dahil ito ang magdadala sa iyo sa tagumpay. Huwag kang
matakot sa kursong kukunin mo pagdating ng Senior High School. Walang madaling kurso, lahat
ay mahirap pero lahat ay makakaya nating mapagtagumpayan kung tayo’y magsisikap.

You might also like