Isang mahabang paglalakbay ang pagdadaanan nating mga
kabataan bago natin makamit Ang rurok Ng tagumpay sa buhay, ngunit sa mahabang paglalakbay na Ito ay may kalakip na mga problema o mga balakid na maaari nating pagdaanan. Sa panahon ngayon, Isa sa malaking balakid natin sa pagkamit Ng ating mga pangarap ay ang mga labis na kalunglutan, kawalan ng tiwala at pag asa sa buhay na resulta ng tinatawag na depresyon.
Mga pagbabago sa nararamdaman, pananaw at kilos ang
pangunahing sintomas sa sakit na depresyon. Ang mga dating positibo sa iyong pananaw ay unti unting nag iiba ang kulay. Nagiging malabo at madilim na sumisira sa iyong pagiisip. Maraming tao sa mundong ibabaw ang nakararanas ng depresyon. Isa Ito sa ma problema nating mga kabataan sa kasalukuyan ay Kung paano natin haharapin Ang sunod sunod na suliranin sa ating buhay. Bilang isang indibidwal na minsan nang nakaranas ng mga problemang pampamilya, pag aaral, kaibigan, pagdidiin sa aking sariling kakayahan at kaalaman para sa akin ang mga kabataang tulad ko ay maiihahalintulad ko sa mga taong nasa "asylum", pinipili na lamang na lamang na ikulong at ibukod Ang sarili rito. Paunti unting sinisira ang koneksyon mula sa iba na nagiging dahilan ng hindi pagiging mulat. Ang kaliwanagan ay nawawala at wari’y kadiliman na lamang Ang nananalaytay.
Kung saan darating sa punto na makararamdam ng mga guni-
guni o mga bulong na puno ng negatibo ang sinasabi. Sinusubukang hindi pakinggan ngunit sadyang mas malakas ang bulong at natatalo ang pagpipigil. Dahil sa bulong ay napaiigting ang depresyon at mas lalong binabagabag ang pananaw sa mga bagay.
At kung hindi malalabanan ay hahantong sa kamatayan.
Sariling pagkitil sa buhay dahil sa bigat na nararamdaman na hindi na kayang dalhin sa buhay. Sa iyong palagay, makatarungan bang isipin Ang pagkitil sa sariling buhay sa harap lamang ng mga problema? Maituturing pa rin bang pag-asa ang mga kabataan kung gayon rin lang naman ang ipinapakita nila?
Di ko Rin sila masisi dahil bilang estudyante, masasabi kong
minsan ay gusto ko nang umiyak na lamang sa kadahilanan na pagod na ako sa sabay-sabay na mga gawain at mga takdang nakalaan sa akin. Hindi naman kasi natin maitatangging ang tao ay talagang nahahapo minsan sa kalungkutan at sa sobrang pag- iisip. Ngunit may pinang hahawakan ako sa mga panahong ako ay nahuhulog sa kawalan Ito ay ang pananalig ko sa Diyos na siyang gabay sa kaluwalhatian ng aking puso’t isipan. Ikalawa ay ang pagsama sa mga taong nagpaparamdam sa akin ng importansiya’t pagmamahal. Nakadadagdag rin sa pagresolba ng depresyon ay ang pakikinig sa mga payo ng mga taong tunay mong maaasahan sa pagharap ko sa tarik na daan ng aking buhay. At ikatlo, ay ang tiwala sa sarili.
Paano mo masasabing kaya mo kung sa una palang ay hindi
ka na naniniwala sa iyong kapasidad at kakayanan? Kailangan mong ihanda ang sarili mo na ang buhay ay hindi laging nakatapat sa maliwanag na anino ng mga bituin kung hindi minsan ay nakatuon din sa kawasakan ng mga pagsubok at suliranin. Mahirap mang ituring na ang lahat ng dumadaan sa ating buhay ay bagyo, aking maihahayag lamang ay dapat tayong matutong sumabay sa agos ng buhay at tanawin ang mas maganda at matayog na bukas. Lagi rin nating itatak sa puso’t isipan na lahat ng nangyayari ay may dahilan.