You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

BULACAN STATE UNIVERSITY


Lungsod ng Malolos, Bulacan

Araling Pilipino
(ARP 101)

Gawain 2 (Pangkatang Gawain)


Pangkat 5
Miyembro:
1. Sibal, Shane Hersie H.
2. Sibulangcao, Christian Dave D.
3. Sta. Ana, Roomer John R.
4. Suruiz, Shantina R.
5. Tenorio, Nikita Marie P.
6. Valdez, Jhimson C.

Pamantayan sa Pagmamarka Tumbas Marka


Pananaliksik, pagsusuri, at pagtalakay sa kultura 20
Pag-uugnay ng mga kaisipang naka-bullet at larawan sa kulturang 15
gahum
Paglalahad ng 5 halimbawa at pag-uugnay sa mga danas sa 15
lipunan
Paggamit ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian 10
Kabuuan 60
Panuto: Bigyan ng kahulugan, malalim na pagsusuri, at pagtalakay ang kulturang nasa ibaba.
Magsaliksik, at maglatag ng mga karagdagang impormasyon, halimbawa, at ipaliwanag ang mga
kaisipang nakapaloob sa kulturang ito. Maging handa sa bahagian sa susunod na pagkikita
Kultura ng Machismo at Sexismo

A. Kahulugan/Pagsusuri/Pagtalakay:

Machismo

Ang machismo ay isa sa mga kultura na tinamo ng bansang Pilipinas mula sa manlulupig
na mga Kastila. Ito ay salitang nagmula sa wikang Kastila at Portugues; nanggaling sa ‘macho’
na mayroong pagpapahalaga sa katangian ng mga lalaki at pagpapalagay na superyor ang mga
kalalakihan sa mga kababaihan.

Kabaligtaran ng kulturang ito ay ang kulturang marianismo na nagmula kay Birheng


Maria. Siya and sumisimbolo sa pagiging birhen at katatagan ng mga kababaihan sa moral at
ispirituwal na aspekto. Tumutukoy rin ito sa pagpapasailalim ng mga babae sa mga lalaki.

Ngunit hindi ganito ang sitwasyon ng nakaraan bago dumating ang mga kastila. May
mahahalagang katungkulang ang mga kababaihan. Kung magtatanaw pabalik sa kasaysayan,
may mga babaeng lider o tagapamahala sa ilang organisasyon o samahan. Mayroon ding pantay
na karapataan ang mga kababaihan sa mga kalalakihan. Subali’t, ang impluwensiya ng mga
kastila ay ang nagpasimula ng pagaging dominante at makapangyarihan ang mga lalaki kumpara
sa mga babae.

Nabanggit sa libro ni Glicken (2009) na ang machismo ay pagpigil ng mga kalalakihan sa


kanilang panloob na damdamin sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamalabis ng
maskulinidad.

Sa konsepto ng machismo, nagkaroon ng mataas na pagpapahalaga at pagrespeto sa


katangian ng mga kalalakihan. Inaasahan silang maging matapang, malakas, matalino, marunong
mamahala, at matulungin. Dahil sa machismong kultura ay nagsisimulang kilalanin at respetuhin
ang mga kalalakihang agresibo, brusko na nagreresulta sa mas lalo nilang pagiging superyor sa
iba. Kasama rito ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga pamilya na buhayin at
protektahan. Dagdag pa rito ang karapatang dominahan ang mga babae at ilagay sila sa
“nararapat” na kalagyan.
Ang pagpapaubaya ng paghawak sa katungkulan sa politika, militar, at iba pang
institusyon ay kasama rin sa kulturang ito. Dahil dito, nawawalan ng karapatan ang mga
kababaihan na humawak ng posisyon sa lipunan.

Sexismo

Ang sexismo ay isang uri ng diskriminasyon na nakabatay sa kasarian ng isang


indibidwal. Ito ay nakabatay sa biyolohikal na kasarian ng mga tao. Nililimitahan nito ang kung
anong magagawa ng parehong kalalakihan at kababaihan (Masequesmay, 2022). Dagdag pa rito,
ang paggamit ng sexismo ay makikita sa mga saloobin at aksyon batay sa poot, pagiging
agresibo, pisikal, at karahasan. Karaniwan itong nararanasan ng mga kababaihan, transsexual, at
intersexual na mga indibidwalidad.

Ang pinakauna ay nakadirekta sa mga taong ang kasarian ay babae. Ang madalas na
pagpapababa ng moral ang isa sa mga gawaing nakapasok sa uri na ito.

Ikalawang biktima ay ang mga transsexual o transgender. Ang transsexuality ay


tumutukoy sa pagkakakilanlan sa kasarian na hindi tumutugma sa biyolohikal na kasarian.
Madala na nakikita sa balita ang isyu ng sexismo sa mga transsexual marahil ang pag-atakeng ito
ay nagkakaroon ng seryosong epekto, katulad ng pagkabalisa at sakit na pang-emosyonal na
umaabot sa pagkahiyang ipaalam sa ibang tao ang kanilang sarili.

Panghuli ay ang sexismo laban sa mga intersexual na tao. Hindi masyadong kilala ang
ganitong kasarian marahil kakaunti lamang ang bilang. Tumutukoy ito sa pagkakaiba ng
genitalya at kromosom. Ang kalabuan na ito tungkol sa isang kasarian ng isang tao ay
nagdudulot ng pagtatangi sa maraming kultura, kabilang na ang mga kanluranin.

Hindi rin nawawala ang sexismo pagdating sa kalalakihan. Ito ay malapit na nauugnay sa
konsepto ng misandria. Ang misandria ay isang termino na ginamit upang tukuyin ang poot sa
mga kalalakihan. Nagmula ang salitang ito sa Greek; ‘mis’ na nangangahulugang hate o
pagkamuhi at ‘andros’ na ang ibig sabihin ay male o lalaki. Samakatuwid, “galit sa mga lalaki”
ang kahulugan ng salitang misandria.

Ang karaniwang sexismo ay hindi ipinapahayag sa pamamagitan ng karahasan. Ito ay ang


pagkilos na mahinahon at ipahayag ang isang pagpapatunay sa tradisyunal na mga tungkulin sa
kasarian nang walang iba pang katwiran kundi pasadya. Isang halimbawa nito ay ang
pagtatanong ng mga kamag-anak tuwing pagtitipon sa babae tungkol sa kung kailan niya plano
na makahanap ng asawa.

Ang isa pang uri ng sexismo ay pinapakita sa pamamagitan ng mga kilos na maaring
maunawaan bilang mga hakbangin sa kabaitan. Ang pagpapakita ng disinteres habang
nagpapaliwanag ang isang babae tungkol sa seryosong usapin ay isang halimbawa nito. Dahil sa
kasarian ng babae, hindi sineseryoso ang kaniyang sinasabi marahil malayo sa kaugalian at hindi
binibigyang importansya ang opinyon ng kababaihan ng nakaraan.

Konklusyon

Kung gayon, ang mga salitang sexismo at machismo ay madalas gamitin bilang
kasingkahulugan. Gayunpaman, nilinaw ng papel na ito ang pagkakaiba ng dalawang salita. Ang
machismo ay pangunahing pag-uugali ng pagmamataas sa bahagi ng kalalakihan tungo sa mga
kababaihan. Habang ang sexismo naman ay ang opresyon ng isang kasarian sa iba pang kasarian
dahil sa mga biyolohikal na kondisyon at tradisyon. Ngunit iisa lamang ang pinaparating ng
papel na ito, na ang sexismo ay produkto ng machismo na siyang nakaugat sa kolonisasyon ng
mga Kastila sa Pilipinas.

B. Pag-uugnay ng mga kaisipang naka-bullet at larawan sa kulturang gahum.

Basta Driver, Sweet Lover

Ito ay isang kataga na madalas marinig mula sa mga tsuper na nagmamaneho ng


pampublikong sasakyan — partikular na ang mga Jeep.

Maiuugnay ito sa kulturang machismo dahil tinutukoy nito ang mga drayber na malalakas
at matatapang pagdating sa kalsada, at mahahalintulad sa bawat tahanan o relasyon.

Isa pang interpretasyon ng parirala ay ginagawang normal ang pagiging manloloko ng


mga drayber.
Kung ito naman ay iuugnay sa sexismo, madalas na pinagkakamalang kalalakihan
lamang maaaring magmaneho at maging drayber ng pampublikong sasakyan.

FHHM (For Healthy and Heavy Models Only) ng Eat Bulaga!

Ang FHHM o For Healthy and Heavy Models Only ay isang paligsahan sa Eat Bulaga
noong 2014, kung saan ang mga manlalahok ay mga kababaihan na overweight o mayroong
kalakihan sa timbang.

May kaugnayan ang kulturang sexismo rito. Habang ito ay makukunsiderang women
empowerment at hindi diskriminasyon, tila naman ay ginagamit ng programang Eat Bulaga ang
mga overweight na babaeng kalahok para sa entertainment purposes at upang pagkakitaan ng
pera dahil alam nilang papatok ito sapagkat bago ito sa paningin at tiyak na tututukan ng madla.

Unang larawan
Ang unang larawan ay nagpapakita ng kulturang sexismo
at machismo sa kadahilanang mayroong kakayahan ang lalaki na
gawin ang lahat ng kaya niya ng hindi nakakalaban ang babae
kahit na hindi ito ayos para sa moral ng babae. Ang ganitong
gawain ay isang uri ng diskriminasyon sa mga kababaihang
naaalispusta o nababastos habang sila ay walang magawa kundi
hayaan nalamang o hindi pinapansin. Nagagawa ito ng ibang mga lalaki dahil iniisip nila na
mahina ang mga babae o hindi nila kayang magsumbong sa ibang tao marahil sila ay nahihiya na
malaman ng iba ang tungkol dito. Kaya patuloy lang ang mga lalaki sa pag-abusado dito.

Ikalawang larawan

Pinapakita sa larawang ito ang mga napiling modelo para


sa produktong sigarilyo. Nagpapakita ito ng sexismo sapagkat
napili ang mga tao na may magandang hubog ng katawan.
Ginagawa ito sapagkat ito ang gusto ng mga tao. Nagkakaroon
dito ng diskriminasyon dahil sa tingin nila hindi tatangkilikin
ang isang produkto kung hindi maayos o maganda ang nag-eendurso dito. Nakakadagdag ng mga
bumibili kung ang modelong kanilang makikita ay mayroong magandang hubog ng katawan.
Nangangahulugan din ito na kapag naninigarilyo ka, macho o "sexy" ka.

C. Paglalahad ng 5 halimbawa at pag-uugnay sa mga danas sa lipunan.


1. Pagtago ng nararamdaman ng mga kalalakihan

Ang paniniwalang hindi dapat umiiyak o naglalabas ng anumang emosyon at affection


ang mga kalalakihan ay isang halimbawa ng machismo. Pinaniniwalaan na ang paglabas ng
emosyon ay isang simbolo ng kahinaan at mababawasan ang kanilang pagkalalaki dahil dito —
ito ay salungkat sa konsepto ng machismo. Ang ganitong kaisipan ay nagreresulta sa emotional
constipation na maaring magdulot ng depresyon at kung magtagal, ito ay magdulot ng
pagtatangkang magpatiwakal.

2. Pang-aabuso sa loob ng tahanan

Sa isang pamilya, kung may mapanakit at abusado na lalaki sa kanilang mga asawang
babae. Inaabuso ng kalalakihan ang kanilang angking lakas upang mapasunod sa kanilang mga
gusto ang mga babae. Maaari ring magmula ang pang-aabuso sa asawang babae gamit ang
pagsasalita. Ito ay magdudulot ng emosyonal na trauma sa mga asawang lalaki.

3. Paninisi sa biktima ng pang-aabuso

Hindi makatarungang pagbalik ng sisi sa indibidwal (partikular na ang mga babae) kung
bakit sila nabibiktima ng pang-aabuso.Maiiuugnay ito sa naratibo ng machismo na ang
kalalakihan ay sekswal na agresibo, habang ang mga kababaihan ay dapat na pinangangalagaan
ang sekswalidad. Dinidiktahan din ng lipunan ang mga kababaihan sa kung paano kumilos at
manamit, at ito ay hango naman sa naratibo ng sexismo.

4. Hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa kasarian

Hindi pantay na pagtingin sa lalaki at babae sa iba’t ibang larangan kagaya ng politika,
edukasyon, at iba pa. Isang halimbawang sitwasyon sa isang industriya, ay ang pagbibigay ng
gawaing madadali sa mga babae katulad ng pagtitimpla ng kape kahit hindi naman ito konektado
sa kaniyang posisyon sa trabaho. Ito ay nagreresulta sa pagdududa sa mga kababaihan tungkol sa
kanilang kayang gawin kapag sila ay naluklok sa isang mataas na puwesto. Isa pang halimbawa
ay ang paniniwalang ang isang kasarian ay mas mahina kaysa sa isa. Ang kaisipan na ito ay
nagdudulot sa paglimita ng kakayahan ng isang indibidwal.

5. Stereotype

Ang paniniwala na dapat sumunod sa tradisyon ng nakaraan dahil ito ay ang nakaugalian
noon pa man. Kagaya na lamang ng: dapat na manatili na lamang ang mga babae sa bahay at
mag-alaga ng bata kaysa magtrabaho sa labas.
D. Mga Sanggunian:

Faller, R. (2017, February 6). Ang Machismo…. Pressreader.


https://www.pressreader.com/philippines/liwayway/20170206/281608125168711

FHHM: For Healthy and Heavy Models Only. (2014). Eat Bulaga! Wiki.
https://eatbulaga.fandom.com/wiki/FHHM:_For_Healthy_and_Heavy_Models_Only

Glicken, M. D. (2009). Chapter 12 - Evidence-Based Practice with Gay, Lesbian, Bisexual and
Transgender Children and Adolescents. Evidence-Based Practice with Emotionally
Troubled Children and Adolescents, 201-216.

Masequesmay, G. (2022). Sexism. Britannica. https://www.britannica.com/topic/sexism

Misandry word origin. (2022). Etymologeek. https://etymologeek.com/eng/misandry/16183356

Types of sexism: the different forms of discrimination (n.d.). Warbletoncouncil.


https://warbletoncouncil.org/tipos-sexismo-7496

You might also like