You are on page 1of 1

Ubay National Science High School

Fatima, Ubay, Bohol

10-Newton
Araling Panlipunan 10
Suliraning Pang-Ekonomiya

I. Panimula
Ang mga nilalaman nitong critical analysis paper ay tungkol sa Suliraning Pang-ekonomiya na
kung saan ipapakilala ang paksa, ang depenisyon kung ano ang Migrasyon at ang mga dahilan
kung bakit ito suliranin. Nakalagay rin ditto ang paglalahad at pagsusuri ng mga datos,
konklusyon at solusyon sa Migrasyon.
II. Suliraning Pang-ekonomiya – Mirasyon
Ang migrasyon ay ang paglipat ng paninirahan ng tao sa mula sa isang pook papunta sa ibang
lugar. Ang miggrasyon ay maaaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o
permanente.Ang migrasyon ay nangyari dahil sa iba’t ibang mga dahilan, kagaya ng:

1. Mas Malaki ang kita sa ibang bansa. Ito ay ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy
ang pagdami ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa panahon ngayon.
2. Mas ligtas sa ibang bansa. Isa sa mga pinakamalaking isyu ng Pilipinas ay ang kawalan
ng kaligtasan. Dahil ditto, nais ng mga Pilipino na lumipat sa ibang bansa na mas ligtas.
3. Pagnanais na makasama ang mga kamag-anak o pamilya sa ibang bansa.
4. Kagustuhang mag aral sa ibang bansa upang makakuha ng mas maayos na edukasyon.
at iba pa.

You might also like