You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III Central Luzon

DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Araling Panlipunan Grade 10
Quarter 2 – WEEK 2

A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):


Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga local at pandaigdigang isyung pang-
ekonomya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang
kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):


Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang nakaaapekto sa
kanilang pamumuhay.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies:


MELC No. 1 – Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon
Paksa: Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon

D. Layunin (Objectives)
1. Natutukoy ang mga anyo ng globalisasyon;
2. Nasusuri ang epekto ng globalisasyon sa buhay ng tao at sa lipunan; at
3. Naipaliliwanag ang mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.
Mga Sangguniang (References):
 "Globalization, Governance, And the Philippine State". 2011. Philippine Institute for Development Studies.
https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/ pidsbk11-globalization.pdf.
 K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig: Department of Education.
 K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu At Hamong
Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig: Department of Education.
 "Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource Management and Development
System. https://lrmds.deped.gov.ph/ download/18275.
 "Statement of The Philippines 17th Session of The General Conference of UNIDO - The National Economic and
Development Authority". 2017. The National Economic and Development Authority. http://www.neda.gov.ph/1321/

Pamamaraan (Procedure)
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:
Binago at patuloy na binabago ng globalisasyon ang buhay ng tao. Nakakaapekto
ito sa aspektong ekonomikal, sosyo-kultural at politikal na buhay ng tao. Mayroon itong postibo at
negatibong epekto sa ating pamumuhay. Halina at pag- aralan natin upang maintindihan pang lubusan
ang globalisasyon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)


Ang aralin na ito ay may dalawang paksa o leksyon:
• Leksyon 1 – Anyo ng Globalisasyon
• Leksyon 2 – Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon

Kapag natapos mo ang aralin na ito, ikaw ay inaasahang;


1. natutukoy ang mga anyo ng globalisasyon;

Page 1 of 9
2. nasusuri ang epekto ng globalisasyon sa buhay ng tao at sa lipunan; at
3. naipaliliwanag ang mga tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon.

Si Maria ay isang batang masayahin lagi lang siyang nasa loob ng bahay bilang pagsunod o
pagtalima sa utos na quarantine protocol ng pamahalaan. Hindi man siya makalabas ng
bahay ay masaya naman siya. Gamit ang kanyang cellphone ay nakakapaglaro siya,
nakakausap niya ang kaniyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan . Nalilibang niya ang
kanyang sarili sa panunuod sa kanilang smart TV ng mga palabas mula sa Netflix kung
saan nakikita niya ang kaniyang idolong artista. Kung siya naman ay nagugutom ay nag-
oorder siya sa fast food gamit ang isang delivery application. Sa pamimili naman ng
mga pangangailangan sa bahay, hindi na nila kailangang lumabas dahil gamit ang
kanyang touch screen na laptop ay nag-oonline shopping sila ng kanyang nanay.
Tunay na nabago ang sistema ng pamumuhay ni Maria dulot ng globalisasyon.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang napansin mo sa mga gamit ni Maria?
2. Paano siya naiimpluwensiyahan ng mga ito?
3. Ganito ka rin ba? Paano mo ginawang kapaki-pakinabang ang iyong oras sa
panahon ng quarantine?
Kung ang sagot mo sa mga tanong ay makabago, nasa uso at napapanahon ang mga gamit ni
Maria at malaki ang nagiging impluwensiya nito sa kanyang buhay dahil nakakatulong ito upang
magkaroon siya nang mabilis na komunikasyon, nalalaman niya ang kultura ng ibang bansa na
minsan ay nagagaya niya at mabilis niyang nabibili ang kaniyang pangangailangan ay binabati
kita sapagkat may kahandaan ka ng matutunan ang paksang araling ito. Magpatuloy ka!

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1(Paglinang/


Alamin Mo/Paunlarin)
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon
at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer,2011)

Ang globalisasyon ay may iba’t ibang pagkakakilanlan. Ito ay ekonomiko, teknolohikal, sosyo-
kultural at politikal, samantalang ang Overseas Filipino Worker (OFW) ay itinuturing na buhay na
manipestasyon nito.

Globalisasyong Ekonomiko

Mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig.


Ito ang dahilan ng pagsibol ng maraming multinational at transnational companies na
naging dahilan ng paglitaw ng maraming produkto at serbisyo.

a. Multinational companies – kompanyang namumuhunan sa ibang bansa.

Page 2 of 9
Layunin nito na palawigin ang kalakalan upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng
konsyumer maging lokal man o international. Ang mga produkto at serbisyong ipinagbibili ay
hindi pangangailangang lokal. Halimbawa: Coca Cola, Toyota Motor, McDonald’s, Unilever,
Starbucks, Seven-Eleven

b. Transnational companies – mga kompanyang itinatatag sa ibang bansa ang kanilang


ibenebentang produkto at serbisyo ay pangangailangang lokal. Karamihan sa kanila ay
kompanya ng petrolyo, pharmaceutical IT consulting at iba pang kauri nito. Halimbawa: Shell,
Accenture, Glaxo- Smith Klein at TELUS International Phils.

Ipinakilala ng mga korporasyong nabanggit ang mga produkto at serbisyong ginagamit natin sa
ating pamumuhay.

Pangkaraniwan ang mga korporasyon at kompanyang ito ay pag-aari ng lokal at dayuhang


namumuhunan na may malaking puhunan na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ayon
sa datos ng International Monetary Fund ang ilan sa multinational companies at transnational
companies ay mataas ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa.

Batay sa artikulong Top Filipino firms building Asean empires na nailathala ng Philippine Daily
Inquirer noong Pebrero 9, 2017 ang ilan sa mga multinational companies at transnational
companies tulad ng Jollibee, Unilab, San Miguel Corporation na matatagpuan sa Vietnam,
Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino.

Sinasaad sa artikulo ni John Magun hindi lamang sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang
mga korporasyong pag-aari ng mga Pilipino maging sa bansang China ay itinayo rin ang mga
sumusunod na korporasyong Pilipino SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, Liwayway Marketing
Corporation at ito ay mababasa sa pahayagang Business Mirror na nailathala noong Marso 9, 2017.

Positibo at negatibong epekto ng pagdami ng multinational at transnational corporations:


a. Pagdami ng produkto at serbisyo na mapagpipilian ng mga mamimili na naging dahilan
upang bumaba ang presyo nito
b. Nagkakaloob ng hanapbuhay
c. Pagkalugi ng lokal na namumuhunan dahil sa hindi patas na kompetisyon d. Pagsasara ng mga
lokal na namumuhunan
e. Higit na paglakas at pagyaman ng multinational companies at transnational companies.

Outsourcing
• Ang outsourcing ay ginagamit ng malalaking pribadong kompanya.
• Pagbili ng serbisyo ng isang kompanya mula sa isang kompanya na may bayad
Halimbawa: Ang paniningil ng mga institusyong pinansiyal sa mga credit card holder
imbes na sila ang direkta na maningil ina-outsource nila ito sa ibang kompanya.

Dalawang Uri ng Outsourcing Batay sa Serbisyong Ibinibigay

1. BPO (Business Process Outsourcing)- ay isang pamamaraan ng pangongontrata


sa isang kompanya para sa iba’t ibang operasyon ng pagnenegosyo. Halimbawa:
Accenture Inc., Telephilippines Inc., Coca-Cola Far East Ltd, Convergys Philippines services Corp.
at iba pa.
2. KPO (Knowledge Process Outsourcing)- sumasaklaw sa pagkuha ng mga
serbisyong teknikal na kailangan ng isang kompanya tulad ng pagsusuri sa mahahalagang
impormasyon, mga usaping legal at pananaliksik.

Uri ng Kompanya na Nakabatay sa Layo at Distansya


1. Offshoring – pagbili ng produkto at serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na
may mas mababang kabayaran. May mga outsourcing na kompanya mula sa United States at
mga bansa sa Europa na kumukuha ng serbisyo sa mga bansang Asyano upang makatipid. Ang
mga halimbawa nito ay ang pagbebenta ng produkto at serbisyo at paniningil ng bayad sa nagamit na
serbisyo. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbebenta ng produkto at serbisyo, paninigil sa

Page 3 of 9
bayad sa nagamit na serbisyo halimbawa ay paniningil sa serbisyo ng internet, pagkuha
ng impormasyon ng mga namumuhunan sa mga mamimili.

2. Nearshoring- pagbili ng produkto at serbisyo mula sa kompanya sa isang kalapit na bansa


3. Onshoring – pagbili ng produkto o serbisyo sa isang kompanya sa loob ng bansa
Sa kasalukuyang panahon, sa Pilipinas pangkaraniwan sa mga kompanya ay offshore outsourcing,
halimbawa nito ay ang paglitaw ng maraming call center company na ang nagmamay-ari ay
mga dayuhan mula sa United States, United Kingdom at Australia.Sapagkat mataas ang
pasahod sa mga call centers ito ang dahilan kung kaya’t maraming graduates ang dito ay
nagtatrabaho.

Sa top 100 outsourcing destinations for 2016, ang Maynila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong
mundo na destinasyon ng BPO batay ito sa Tholons. Mula sa indutriya ng outsourcing tumaas ang
ekonomiya ng ating bansa. Ito ang nagsilbing pangalawa sa pinagkukuhanan ng dolyar ng ating
bansa, malamang na malagpasan pa nito ang inuuwing dolyar ng mga OFW batay sa
Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP)

Nakatulong din ito upang magkaroon ng karagdagang kita ang maraming Pilipino na
nagbunsod sa pagkakaroon ng surplus na budget na inilagak sa institusyong pinansiyal
bilang ipon.

OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon

Sila ang mga manggagawang Pilipino na


nagtratrabaho at nangingibang bayan upang
maghanapbuhay. Karamihan sa mga
manggagawang Pilipino ay nagtutungo sa
Timog Kanlurang Asya partikular sa mga
bansang Qatar, Saudi Arabia, at United Arab
Emirates, Silangang Asya tulad ng Taiwan,
Hongkong, South Korea, China at Japan.
Marami ding Overseas Filipino Worker
(OFW) ang nakikipagsapalaran upang
maghanapbuhay sa kontinente ng Europa
at America partikular sa bansang Canada at
United States.

Nagsimula ang pagtungo ng mga OFW sa ibang bansa sa panahon ng administrasyon ni


dating pangulo Ferdinand Marcos. Ang pangingibang bayan ng mga OFW upang maghanapbuhay
ay nagdudulot ng implikasyon kung saan marami ang nabibigyan ng hanapbuhay, nagpapasok ng
dolyar, nababawasan ang bilang ng mga propesyunal (Brain Drain na manggagawa) at skilled
workers (Brawn Drain) ng ating bansa.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2(Paglinang/


Alamin Mo/Paunlarin)

Globalisasyong Teknolohikal
Pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiya na nagreresulta ng
malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao, tumutulong upang mapagaan at mapabilis ang
mga gawain.

Ang paggamit ng cellular phones o mobile phone ay pinasimulan ng maunlad na bansa


hanggang sa ito ay tinangkilik gamitin ng buong mundo dahil sa kahagahan na naipagkakaloob
nito. Batay kay Dr. Pertierra ang cellphone ay nagsisilbing ekstensyon ng buhay ng tao, ibig sabihin
bahagi na ng buhay ng tao ang cellphone dahil ito ang kagamitan na pangunahing gamit
natin sa mabilis na pakikipagkomunikasyon. Malaki ang hatid na pagbabago sa atin sa

Page 4 of 9
paggamit ng computer at internet sapagkat ito ay nagiging kaagapay ng ibat’ ibang uri ng
serbisyo tulad ng email. Maging ang pag-a-aply sa trabaho ay naisasagawa na rin online, madali
na rin ang pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo, maging pagkuha ng impormasyon at
balita ay mabilis na rin dahil sa tulong ng paggamit ng internet gayundin ang pagbili ng produkto.

Bunga ng paggamit sa social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at


MySpace ay naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin sa isang paksa. Ang mga netizen ay
lubos na nakikibahagi sa usaping nakakaapekto sa kanya. Netizen ang tawag sa mga taong
tumatangkilik sa mga social networking site bilang paraan ng pagpapahayag ng saloobin.
Nalaman natin ang mabuting hatid ng globalisasyong teknolohikal sa ating buhay subalit sa
kabila nito mayroon din itong negatibong epekto tulad ng pagkalat ng iba’t ibang viruses at
spam, intellectual dishonesty kung saan nakokopya ang mga impormasyon, pagkalat ng
maling impormasyon, at ang paggamit ng mga terorista sa internet bilang kasangkapan sa
pagpapalaganap ng takot at karahasan.

Globalisasyong Sosyo-kultural

Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa hindi lamang sa produkto


at serbisyo kundi maging pelikula, artista, awitin at drama na nagreresulta ng pagtangkilik sa
mga ideyang nagmumula sa ibang bansa.

Ang impluwensiyang ito ng ibang bansa ay makikita natin sa pananamit, pagsasalita, at


pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino. Ang impluwensya ng bansang Amerika ay
nagdudulot upang maging liberal ang kaisipan ng ibang bansa gaya ng Pilipinas.

Globalisasyong Politikal

Paglawak ng pandaigdigang samahang politikal, maging ito man ay sa pagitan ng mga bansa,
rehiyunal o pang-internasyunal. Nagkakaroon ng epektibong ugnayan ang bawat bansa
na nagreresulta ng mabilis na kalakalan, paglaganap ng ideya at kalagayang teknikal at
migrasyon dahil sa kasunduang bilateral at multilateral.

Ang maayos na ugnayan ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba
pang bansa ay nakatulong upang magkaroon ng opurtunidad ang ating bansa sa pang-
ekonomiko at pangkultural. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN sa Timog Silangang Asya ay
mas solido ang ugnayan kaya ito ang dahilan ng pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon.

Tinutukoy din sa globalisasyong politikal ang papel ng pandaigdigang institusyon sa


pamamahala ng mga bansa. Batay sa The Reality of Global ni Prof. Randy David ang mga
pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations, European Union, Amnesty International
ay lumalahok sa mga polisiya at programa na kinahaharap ng bansa.

Page 5 of 9
F. Paglinang sa Kabihasnan (Pagyamanin)
A. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at
MALI kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Dahil sa mga social networking sites tulad ng Facebook, twitter, instagram at my


space naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin.

2. Karamihan sa mga OFW ay nagtutungo sa Timog Kanlurang Asya, Silangang Asya at


maging sa kontinente ng Amerika at Africa upang maghanapbuhay.

3. Ayon kay Dr. Cruz ang paggamit ng cellphone ay nagsisilbing ekstensyon ng buhay
ng tao.

4. Dahil sa kasunduang bilateral at multilateral nagkakaroon ng epektibong ugnayan ang


bawat bansa.

5. Mula sa industriyang outsourcing umangat ang ekonomiya ng ating bansa.

6. Ang pamahalaan ay may malaking gampanin sa pagharap sa hamon ng globalisasyon.

7. Ayon sa artikulong Top Filipino firms building ASEAN empires na nailathala ng Philippine
Daily Inquirer ang ilan sa mga MNCs at TNCs na matatagpuan sa Vietnam, Thailand at
Malaysia ay pag-aari ng mga Hapones.

8. Netizen ang tawag sa mga taong gumagamit ng social networking site bilang midyum ng
pagpapahayag.

9. Ang impluwensya ng bansang Japan ay nagdudulot upang maging liberal ang kaisipan ng
ibang bansa gaya ng Pilipinas.

10.Ang anyo ng globalisasyon ay nagdudulot ng malaking implikasyonsa buhay ng tao.

B. Fast Talk!
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na mga halimbawa. Sabihin ang MC kung
Multinational Companies at TC kung transnational companies.

____________1. Mc Donald’s ____________ 6. Shell


____________2. Glaxo-Smith Klein ____________ 7. Starbucks
____________3. Coca-Cola ____________ 8. Accenture
____________4. Jollibee ____________ 9. Seven Eleven
____________5. Unilever ____________ 10. Toyota Motor

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin mo/Aplikasyon)


Performance Task (20 puntos)

Globalisasyon, Impluwensiya Sa Gawain Ko


Panuto: Isulat sa loob ng tsart kung paano ka naimpluwensiyahan ng globalisasyon sa pagsasagawa
ng mga sumusunod na gawain at sagutan ang pamprosesong tanong. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Gawain Impluwensiya ng Globalisasyon


1. Pagbili ng produkto

2. Paglilibang

3. Komunikasyon

Page 6 of 9
4. Transportasyon

5. Gawaing Bahay

(2 puntos bawat bilang = 10 puntos)

Pamprosesong Tanong:

1. Paano binago ng globalisasyon ang iyong buhay?


Paliwanag:

2. Nagdulot ba ito ng kabutihan sa iyo o hindi?


Pangatwiranan:

3. Sa palagay mo, ang globalisasyon ba ang susi upang makamit ang pag-unlad ng isang
bansa? Bakit?
Paliwanag:

Rubrik para sa Pamprosesong Tanong


10 puntos 7 puntos 5 puntos
 Naipaliwanang nang  Hindi masyadong  Hindi naipaliwanang
maayos at malinaw ang naipaliwanang nang nang maayos at malinaw
bawat tanong. maayos at malinaw ang ang bawat tanong.
 Gumamit ng mga bawat tanong.  Hindi gumamit ng mga
halimbawa sa  Sa mga ilan ay gumamit halimbawa sa
pagpapaliwanag ng mga halimbawa sa pagpapaliwanag
 Ginamit ang sariling pagpapaliwanag
 Hindi nagbanggit o
karanasan sa  Hindi masyadong
gumamit ng sariling
pagpapaliwanag nakapanghihikayat ang
 Nakapanghihikayat ang paliwanag at kulang sa karanasan sa
paliwanag impormasyon pagpapaliwanag

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)

Para sa paglalagom ng aralin, magbigay ka ng 3 bagong aral o konseptong iyong natutuhan.


(sagutin ito nang pasalita)

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/Isagawa)


A. Panuto: Piliin ang TITIK ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon.


a. ekonomiko c. sosyo-kultural
b. OFW d. teknolohikal

2. Alin sa mga sumusunod na internasyunal na organisasyon ang binubuo ng mga bansa sa Timog-

Silangang Asya?
a. United Nations c. ASEAN
b. APEC d. European Union

3. Mabilisang ugnayan ng mga bansa, samahang rehiyunal at pandaigdigang organisasyong


pinamumunuan ng pamahalaan.
a. globalisasyong politikal c. globalisasyong teknolohikal
b. globalisasyong sosyo-kultural d. OFW
Page 7 of 9
4. Tumutukoy ang Brain Drain sa anong uri ng mga manggagawa?
a. professional workers c. skilled workers
b. domestic workers d. local workers
5. Ang mga sumusunod ay anyo ng globalisasyon maliban sa .
a. ekonomiko c. sikolohikal
b. politikal d. teknolohikal
6. Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng bawat bansa hindi lamang sa produkto at
serbisyo kundi maging pelikula, artista, awitin at drama na nagreresulta ng pagtangkilik sa
mga ideyang nagmumula sa ibang bansa.
a. globalisasyong ekonomiko c. globalisasyong sosyo-kultural
b. globalisasyong politikal d. OFW
7. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya ang kadalasang pinupuntahan ng mga
manggagawang Pilipino upang maghanapbuhay.
a. Hilagang Asya c. Timog Asya
b. Silangang Asya d. Timog Silangang Asya
8. Kompanyang itinatatag sa ibang bansa ang kanilang ibenebentang produkto at serbisyo ay
pangangailangang lokal. Karamihan sa kanila ay kompanya ng petrolyo, pharmaceutical IT
consulting at iba pang kauri nito.
a. multinational companies c. outsourcing
b. nearshoring d. transnational companies
9. Pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong teknolohiya na nagreresulta ng malaking
impluwensiya sa pamumuhay ng tao, tumutulong upang mapagaan at mapabilis ang mga gawain.
a. globalisasyong ekonomiko c. globalisasyong sosyo-kultural
b. globalisasyong politikal d. globalisasyong teknolohikal
10. Mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa
daigdig. Ito ang dahilan ng pagsibol ng maraming multinational at transnational companies.
a. globalisasyong ekonomiko c. globalisasyong sosyo-kultural
b. globalisasyong politikal d. globalisasyong teknolohikal
11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbili ng mga produkto o serbisyo mula sa loob
mismo ng bansa?
a. inshoring c. offshoring
b. onshoring d. nearshoring
12. Alin sa mga sumusunod ang negatibong implikasyon ng globalisasyong
teknolohikal?
a. intellectual dishonesty c. napapabilis ang mga gawain
b. mabilis na komunikasyon d. online selling
13.Alin sa mga sumusunod ang negatibong implikasyon ng paglitaw ng maraming
MNCs at TNCs?
a. Nagkakaloob ng hanapbuhay c. Pagbaba ng presyo ng produkto
b. Nalulugi ang lokal na namumuhunan d. Pagdami ng produkto at serbisyo
14. Sa panahon ng administrasyon niya nagsimula ang pangingibang bansa ng mga OFW.
a. Corazon Aquino c. Fidel Ramos
b. Ferdinand Marcos d. Ramon Magsaysay
15. Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto ng globalisasyong teknikal?
a. cyber crime c. intellectual dishonesty
b. fake news d. mabilis na komunikasyon

Page 8 of 9
B. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong anyo ng globalisasyon
ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang GE kung Globalisasyong
Ekonomiko, GT kung Globalisasyong Teknolohikal, GSK, kung Globalisasyong Sosyo-
kultural, at GP kung Globalisasyong Politikal. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Masayang nag-uusap ang magkaibigan gamit ang kanilang bagong cellphone.

2. Ang magkakabarkada ay libang na libang sa panunuod ng mga palabas sa Netflix.

3. Mabilis na nakaorder ng pagkain si Edna gamit ang kanyang cellphone.

4. Ang isang bansa na tinamaan ng kalamidad o sakuna ay madaling nakakabangon sa


pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat bansa.

5. Si Ana ay bumibili ng kanyang pangangailangan sa pamamagitan ng pag-order sa online.

6. Sina Susan at Karen ay abalang-abala sa paghahanda sa nalalapit na panunuod ng


concert ng Momoland.

7. Si Raymond ay nahihilig bumili ng sapatos na Nike sapagkat ito ay kanyang koleksyon.

8. Mabilis na natatapos sa kanyang trabaho si Celya sa bahay sapagkat mabilis ang linya
ng kanilang internet.

9. Sa dami ng mga produktong pagpipilian sa pamilihn ay nalilito si Jaime kung ano ang bibilhin.

10. Mabilis na natatapos ni Sandy ang kanyang paglalaba at pagluluto sa tulong ng paggamit ng
washing machine at gas stove.

J. Karagdagang Gawain at Remediation


Panuto: Punan ng tamang sagot ang tsart. Ibigay ang positibo at negatibong epekto ng anyo
ng globalisasyon sa buhay ng tao at maging sa lipunan. Sagutan ang pamprosesong tanong.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. (sagutin ito nang pasalita).

Page 9 of 9

You might also like