You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

EKONOMIKS

GRADE - 9

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nabibigyan kahulugan ang Industriya..
b. Napapahalagahan ang mga kasanayan ng mga manggagawa sa Sektor ng Industriya.
c. Nakakapaguri ng pahayag base sa pangunahing sangkap ng sekondaryang sektor na
nakapaloob ng transpormasyon ng mga produkto.

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA: Sektor ng Industriya
B. KAGAMITAN: mga bagay, powerpoint laptop
C. SANGGUNIAN: Ekonomiks, Pahina 386-389

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO
A. PANG ARAW-ARAW NA GAWAIN

1. Pagdarasal
2. Pagbati sa Guro

B. PAGGANYAK
Pumili ng bagay sa loob ng inyong bag at
pagkatapos makapili ng kanyang gamit ay sabihin (ang mga mag-aaral ay kukuha ng mga gamit o
kung anong materyales ito nagmula. bagay sa kanilang bag)

Klas, anong hilaw na materyal nagmula ang papel? Ma’am sa puno o kahoy
Paano naman ang ballpen anong hilaw na materyal Ma’am sa tinta
naman nagmula?

C. PAGLALAHAD
Sa inyong palagay ano ang kaugnayan sa ating - Ma’am patungkol sa Konsepto ng Industriya
paksa?
Magaling!

D. -PAGTATALAKAY

Sa inyong palagay ano ang pangunahing layunin ng - Ma’am maiproseso ang mga hilaw na materyal ng
Sektor ng Industriya? produkto na ginagamit ng tao.

Anu-ano ang mga hilaw ng materyal na puwedeng


maging produkto? - isda - sardinas
- kahoy - upuan
- corals - palamuti

Tama, ang Sektor ng Industriya ay nahahati sa


dalawa. Anu-ano ang mga yun Klas? - ang primaryang industriya at sekondaryang
industriya

Magaling !
Ang primarya industriya ay nagmumula sa
Agrikultura, Paggugubat, at Pagmimina habang ang
sekondaryang industriya ay tumutukoy sa mas
komplikadong gawain mula sa pagproproseso ng
mga pangunahing produktong agrikultura patungo
sa mas malaking produksiyon na kalimitan ay
gumagamit ng iba’t-ibang uri ng makinarya.

Sa inyong palagay sa sitwasyon ngayon ng Pilipinas


pang-ilan ang Sektor ng Industriya na
nakapagbibigay ng trabaho sa mamamayan? - Ma’am pangatlo po at mas mababa siya kesa sa
agrikultura at paglilingkod

Magaling! Anu-ano ang mga kursong may


kinalaman sa pagpapaunlad sa Sektor ng
Industriya? - Ma’am Architecture, Electrical, Chemical, Civil,
Meachanical, Industrial Engineering at Electronic
and Communication Engineering.

Na kuning kurso ay inhinyero ay magiging isa na


kayo sa nagbibigay kaunlaran sa Sektor ng
Industriya.

Sa inyong sariling kaalaman. Anu-ano naman ang


mga plano ng ating pangulo sa industrilisasyon ng
ating bansa? - (kasagutan ng mga mag-aaral ay base sa kanyang
kaalaman at ideya)

E. PAGBUBUOD

Base sa ating talakayan bukod sa mga trabaho ng


Call Center Agent (BPO). Ano ang primaryang in-
demand na trabaho ang may malaking
kontribusyon sa pagbababa ng unemployment? At
Bakit? - (ang kasagutan ay base sa ideya ng mag-aaral)

F. PAGLALAPAT
Ang tunay na pag-unlad sa sektor ng industriya ay
makamtan rin natin kung may ibayong pagtutok
upang magkaroon ng malusog na
industrilasisasyon kung maging malakas ang sektor
mas maraming tao ang magkaroon ng hanapbuhay
at mataas na kita ng ekonomiya.

G. PAGPAPAHALAGA

Anong maaring gawin kung paano mapaunlad ang


kasanayan ng manggagawa sa Sektor ng
Industriya? - (ang mag-aaral ay magbibigay ng sariling ideya at
opinyon)

IV - EBALWASYON

PANUTO: Gumawa ng essay ayon sa katanungan .


Ito ay15puntos.

Bilang mag-aaral paano at anong paraan para


mapaunlad ang Sektor ng Industriya?

V- TAKDANG ARALIN

Anu-ano ang mga Sub-Sektor ng Industriya ?


Magbasa ng Sektor ng Sektor ng Industriya
Sanggunian: Aklat ng Ekonomiks, pahina 389-394

You might also like