You are on page 1of 9

Page 1 of 9

I. LAYUNIN
1. Natatalakay ang kahulugan kahalagahan, mga bumubuo, at mga suliranin sa sektor ng
paglilingkod sa ating bansa.
2. Napapahalagahan an mga sektor na bumubuo sa lakas-paggawa sa Pilipinas.
3. Nakabubuo ng personal na desisyon patungkol sa posibleng maiambag ng isang
indibidwal para sa pagsulusyon ng mga sulinanin sa Sektor ng Paglilingkod.
II. PAKSANG-ARALIN
a. PAKSA
A. Sektor ng Paglilingkod
A.1. Kahalagahan ng Sektor ng Paglilingkod
A.2. Bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod
A.3. Mga Suliranin sa Sektor ng Palilingkod
b. SANGGUNIAN
 Ekonomiks IV, Mga Teorya at Aplikasyon, pahina 278-283.
 Ekonomiks IV, pahina 266-267.
 http://www.neda.gov.ph/wp-contents/uploads/2013/09/CHAPTER-3.pdf
 www.google.com/wikipedia-servicesector/003145
 PSSLC No. 3.1.1.7, pahina 38.
c. MGA KAGAMITAN
 Projector
 Laptop
 Mga pantulong biswal

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Pagdasal at pagbati
 Pagtsek ng lumiban at pumasok
B. Balik-aral

Noong nakaraang linggo ay natalakay Opo, ma’am.


na natin ang kahalagahan ng tindahang
nagtitingi, ang iba’t ibang uri nito, ang
Nasyonalisasyon at Liberalisasyon ng
kalakalang pagtitingi, at ang mga kabutihan
at di-kabutihang dulot nito sa ekonomiya ng
Pilipinas. Tama ba?

At matatandaan din na may pinagawa Opo. Magpanayam ng isang


ako sa inyong gawaingbahay, hindi ba? nagmamay-ari ng tindahan at alamin ang uri
Tungkol saan nga ba ulit iyon? ng tindahan, kapital, regular na kita sa isang
araw, at mga suliranin nila sa pagnenegosyo.

Ano naman ang natutunan ninyo sa Natutunan po naming na hindi madali


inyong gawaing-bahay? ang pagnenegosyo at marami rin silang mga
suliranin sa pagpapatakbo ng negosyo gaya
ng maraming umuutang at kakulangan ng
perang gagamitin para sa kapital.
Page 2 of 9

Tama. Tandaan niyo ang mga iyon


class, dahil konektado ang mga paksang iyon
sa iba pang mga darating na talakayan at
magagamit din niyo ang mga kaalamang iyon
sa hinaharap.

C. Paggayak

Bago ang lahat ay hatiin muna natin (Magbibilang ng isa hanggang tatlo ang
ang klase ninyo sa tatlong grupo. mga mag-aaral para mahati ang klase sa
Magkakaroon tayo ng gawain. tatlong grupo. Pagkatapos ay maghihiwa-
hiwalay sila para pumunta sa kani-kanilang
mga grupo.)

Nasa inyong mga grupo na ba kayo? Opo, ma’am.


Pumili na kayo ng lider ng bawat grupo. Ilista
ninyo ang pangalan ng mga kagrupo ninyo sa
¼ na papel at ipasa niyo sa akin iyon
mamaya.
Opo, ma’am.
Ang gawain o laro natin ngayon ay
tinatawag na “Pagkilala sa mga kasapi ng
lipunan.” Ang gagawin ninyo, sa loob lamang
ng isang minuto ay maglilista kayo sa pisara
ng sampung mga trabaho o propesyon na
napapansin, nakikita o naririnig ninyo sa
paligid. Halimbawa nito ay ang janitor,
Barangay Tanod,at iba pa. Ang bawat
magkakaparehong nailistang trabaho ay
aalisin natin sa pagbilang ng puntos kaya
maging malikhain kayo sa pag-iisip ng mga
trabaho. Naintindihan?
(Maglilista ang bawat grupo ng sampung
Mabuti. Magsimula na kayo. mga pangalan ng trabaho sa pisara sa loob
ng isang minuto at pagkatapos ay bibilangin
nila ang mga pangalan ng trabahong inilista
nila na walang kapareho sa iba pang grupo
habang ika-cancel nila ang common na
pangalan ng trabaho. Ang bilang ng mga
natirang trabaho ang siyang magiging puntos
ng bawat grupo.)

Magaling! Ngayon, magsibalik na kayo


sa inyong mga upuan. Suriin natin ang inyong
mga ginawa.

D. Talakayan
Lahat ng inilista naming ay mga
Page 3 of 9

Ano ba ang napansin ninyo sa laro trabaho ng tao.


natin kanina?
Ang kanilang trabaho ay paglilingkod
Tama. Sa tingin niyo, ano baa ng sa kanilang kapwa.
pagkakapareho nilang lahat?

Tama. At iyon ang eksaktong pag-


aaralan natin sa araw na ito—ang sector ng
paglilingkod.

Pero bago ang lahat, alamin muna


natin ang tatlong sektor na bumubuo sa
ekonomiya ng Pilipinas
Nangangahulugan ito na ang bawat
Makikita natin na inihalintulad ang sektor ay magkakaugnay at umaalalay para
tatlong sektor ng ekonomiya ng Pilipinas sa sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.
hagdanan na kung saan ang agrikultura ay
ang primaryang sektor, ang industriya ang
sekondarya, at ang industriya ay ang
tersyaryang sektor. Ano ng aba ang ibig
sabihin nito?
Nangangahulugan ito na ang
Narito rin ang iba pang paglalarawan ekonomiya ng isang bansa ay hindi uusad
sa tatlong sektor ng ekonomiya ng bansa. kung kulang ng isang sektor sapagkat ang
Makikita rito na inihalintulad natin ito sa bawat isa rito ay may mga bahaging
katawan ng tao na kung saan ang utak ay ang ginagampanan para sa paglago ng
sektor ng paglilingkod, ang mga buto ay ang ekonomiya ng Pilipinas.
sektor ng agrikultura, samantalang ang mga
kamay at paa ay ang sektor ng industriya. Ano
ng aba ang ibig sabihin nito?

Magaling. Ngayong alam na natin Ito ay ang sektor na nagbibigay ng


kung nasaang bahagi na tayo, ano nga ba ang “serbisyo” bilang produkto o intangible goods.
kahulugan ng sektor ng paglilingkod?

Tama. Ano-ano baa ng mga halimbawa ng Ang Serbisyo ay maaaring atensyon,


serbisyo sa ilalim ng sektor ng paglilingkod? payo, access, karanasan, o kasanayan. Ito
rin ay maaaring proseso ng pagbibigay ng
serbisyo ng prodyuser sa kanyang
konsyumer.

Tama. Paano kaya nakakaapekto o Nakatutulong ito sa ekonomiya ng


nakatutulong ang sektor ng paglilingkod sa Pilipinas dahil ang pinagtutuunan ng pansin
ekonomiya ng ating bansa? sa sektor ng paglilingkod ay ang tao—ang
kanyang interaksyon sa kapwa tao at
pagseserbisyo, HINDI ang pisikal na
produkto na gaya ng nasa sektor ng
Agrikultura at Industriya.
Page 4 of 9

Tama. Ano pa? Sila ang nagseserbisyo upang


maihatid sa mga konsyumer ang mga
produktong gawa sa sektor ng agrikultura at
industriya. Sila rin ang nakikipag-ugnayan sa
mga tao upang maihatid ang mga serbisyo.

Magaling. Ano sa tingin niyo ang Sila ang nagbibigay ng serbisyo sa


kahalagahan ng sektor ng paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media,
ekonomiya ng ating bansa? pangangalakal, pananalapi, serbisyo mula sa
pamahalaan, at turismo.

Tama. Ano pa? Sila ang umaalalay sa buong yugto ng


produksiyon (distribusyon, kalakalan, at
pagkonsumo ng produkto sa loob at labas ng
bansa.

Tama. Sa madaling salita, sila ang


nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan,
kaalaman, at serbisyo para sa kaunlarang
pang-ekonomiya.

Ang tanong, ano ano ba ang bumubuo


sa sektor ng paglilingkod? Alamin natin iyan
sa susunod nating gawain.

Ano ba ang gusto mong trabaho sa Doktor.


hinaharap? Pulis.
Teacher.

Ngayon, tunghayan natin ang listahan Ang mga subsector ay ang mga
ng mga subsector na bumubuo sa sektor ng sumusunod:
paglilingkod. Ano-ano nga ba ito?
 Entertainment
 Government
 Telecommunication
 Tourism
 Mass Media
 Healthcare/ Hospitals/ Public Health
 Information Technology
 Waste disposal
 Financial Services
o Banking
o Insurance
o Investment Management
 Professional Services
o Accounting
o Legal Services
o Management Consulting
 Gambling
Page 5 of 9

 Retail Sales
 Franchising
 Real State
 EDUCATION

Saang subsektor sa tingin ninyo Sa Public Health o Healthcare.


nakalinya ang mga doctor?

Tama. Ang mga pulis naman? Sa Government dahil sila ay mga


alagad ng batas.

Tama. Ang mga teacher naman? Sa Education.

Magaling! Tandaan ninyo na ang mga Ang pinagkaiba nila, ang


subsector sa sektor ng paglilingkod ay may pampribadong sektor ay kadalasang pag-aari
dalawang uri—Ang mga pampribado at ng mga pribadong tao, grupo, at mga
pampubliko. Ano bang pinagkaiba ng negosyante, samantalang ang pampublikong
dalawa? sector naman ay kadalasang pag-aari ng
pamahalaan para magbigay ng serbisyo sa
kanilang nasasakupan.

Napakataas ng employment sa sektor


Magaling. Tingnan naman natin ng paglilingkod kumpara sa sektor ng
ngayon ang survey ng Employment by sector agrikultura at industriya.
dito sa ating bansa mula taong 2008-
2011.Ano ang napansin niyo?

Nakatutulong ng malaki sa paglago ng


Tama. Noong 2011, nakapag-employ ekonomiya ng Pilipinas ang sektor ng
ng 19.4 million ang sektor ng paglilingkod, paglilingkod.
higit na malaki kaysa sa pinagsamang bilang
ng employment sa sektor ng agrikultura at Nangununa ang Overseas Filipino
industriya. Makikita rin natin ang listahan ng Workers sa employment.
mga serbisyong malakas ang employment sa
mga nagdaang taon. Ano ng aba ang ibig
sabihin nito?

Tama. Ito ang dahilan kung kaya’t


hinirang ang Pilipinas bilang “Number one
remittance-dependent economy at largest
recipient” sa buong mundo.
Opo, ma’am.
Maliban pa rito, mapapansin ding nasa
ikapitong pwesto lamang ang edukasyon sa
listahan. Nangangahulugan ito na may
kahinaan ang employment sa edukasyon
kung ikukumpara sa iba pang mga serbisyo.
Naintindihan niyo?
Brain Drain o ang malawakang
Page 6 of 9

Mabuti. Ngayon ay dumako na tayo sa pandarayuhan ng mga manggagawang


mga suliranin sa sektor ng paglilingkod. Ano- Pilipino.
ano nga ba ito?
Dahil sa kahirapan, kawalan ng
Bakit sa tingin niyo nangyayari ito? oportunidad sa ating bansa, at globalisasyon.

Mababang pasahod sa mga


Tama. Ano pa ba ang iba pang mga manggagawa. Gaya na lamang sa mga
suliranin? pelikulang Anak na pinagbidahan ni Vilma
Santos at Caregiver ni Sharon Cuneta. Mas
pinili nilang mangibang-bansa upang kumita
ng mas malaki nang sa gayon ay mapabilis
ang pag-ahon ng kanilang katayuan sa
buhay.

Tama. Ano pa? Kakaunting Benepisyo. Kaya nga


noong mga nagdaang taon ay ipinatupad na
ang Kasambahay Law na naglelegalize sa
mga kasambahay na magkaroon sila ng
minimum wage, health benefits, insurance,
day-off at mga bonus.

Tama. Ano pa? Kontraktwalisasyon o pagkakaroon ng


ilang buwan o taong kontrata lamang sa
pagtatrabaho.

Ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na ang isang


manggagawa ay hindi permanente sa
kanyang kasalukuyang trabaho. Suliranin ito
dahil ang ibang mga employer ay hindi
obligadong magbigay ng mga benepisyo sa
mga kontraktwal na manggagawa.

Magaling.

E. Values Integration

Pamilyar ba kayo sa kanta ni Gloc9 na Hindi po, ma’am.


“Walang Natira”?

Ang korus ng kanta ay ganito:

Napakaraming guro dito sa amin ngunit bakit


tila walang natira?
Napakaraming nars dito sa amin ngunit bakit
tila walang natira?
Nag-aabroad sila.
(Gusto kong yumaman,yumaman, yumaman
yumaman, yumaman.)
Page 7 of 9

Nag-aabroad sila.

Ano ang reaksyon niyo tungkol sa liriko


ng kanta?

Kayo, pagkatapos ninyong Nalungkot dahil totoong nangyayari ito


makapagtapos sa pag-aaral, mag-aabroad sa ating lipunan ngayon.
din ba kayo kung saka-sakali?
Hindi po. Dahil mas makabubuti para
sa akin at sa ating bansa kung ako ay
mamamalagi at magtatrabaho rito sa
Pilipinas. Dagdag pa rito, nangangailangan
ang Pilipinas ng mga manggagawa. Mas
gusto kong tulungan muna ang ating bansa
bago ang iba.

Opo. Dahil sa hirap ng buhay ngayon,


kailangan nating makisabay sa globalisasyon
at makipagkompitensiya sa iba pang mga
mauunlad na bansa. Maliban pa rito, mas
mapapadali ang pag-ahon sa kahirapan dahil
Natural lamang na mahati ang inyong higit na mas malaki ang pasweldo sa ibang
opinyon sa isyung ito. Ang pakatatandaan bansa.
lang natin, liban sa ating sarili, may papel na
gampanin din tayo sa ating bansa. Tulungan Opo, ma’am.
natin ang ating mga sarili at pamilya,at
tulungan din natin na makaahon ang Pilipinas
mula sa kasalukuyan nitong estado.
Naintindihan?

F. Paglalahat

Ano nga ulit ang kahulugan ng sektor


ng paglilingkod? Ito ay ang sektor na nagbibigay ng
“serbisyo” bilang produkto o intangible goods.

Tama. Bakit ito mahalaga sa Mahalaga ito dahil ito ang sektor na
ekonomiya ng bansa? umaalalay sa sektor ng agrikultura at
industriya. Nagbibigay din ito ng
karagdagang trabaho sa mga manggagawa
para sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Magaling! Ano naman ang dalawang Pampribado o private sector, at


Page 8 of 9

uri ng sektor ng paglilingkod? pampubliko o public sector.

Tama. Ano-ano naman ang mga Brain Drain o malawakang


suliranin sa ilalim ng sektor ng paglilingkod? pandarayuhan ng mga manggagawang
Pilipino, mababang pasahod, kakaunting
benepisyo, at kontraktwalisasyon.

Tama. Ngayon, may mga katanungan Wala na po.


pa ba kayo?

Kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel


para sa ating pagsusulit.

IV. PAGTATAYA

Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

Panuto: TAMA O MALI. Ilagay ang salitang “tama” kung ang pangungusap ay tama. Ilagay naman ang
salitang “mali” kung ito ay mali at tukuyin ang salita o mga salitang nagpamali sa pangungusap.

1. Ang sektor ng paglilingkod ay tumutukoy sa pagtatanim, paghahayupan, at pangisdaan.


2. Ang sektor ng paglilingkod ay nagbibigay ng “serbisyo” bilang produkto sa lipunan.
3. Ang serbisyo ay tumutukoy sa tangible goods sa ilalim ng sektor ng paglilingkod.
4. Ang pampublikong sektor ng paglilingkod ay kadalasang binibigay ng mga negosyante para sa
kanyang nasasakupan.
5. Ang sektor ng paglilingkod ay nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, at kaalaman.

Panuto: PAGKILALA. Ilagay ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan.

a. Overseas Filipino Workers o OFW


b. Education
c. Brain Drain
d. Kontraktwalisasyon
e. Subsektor

6. Tawag sa hindi permanenteng pagtatrabaho ng mga manggagawa na kadalasang nakabase


lamang sa kontrata.
7. Tawag sa isa sa mga pinakamahalagang subsector ng paglilingkod ngunit nasa ikapitong
pwesto lamang pagdating sa serbisyong may malakas na employment.
8. Tawag sa mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod gaya ng telecommunication, mass media,
government, at marami pang iba.
9. Nangunang Employment Service Type ayon sa NSCB at dahilan ng pagkahirang sa Pilipinas
bilang “Number one remittance-dependent economy at largest recipient” sa buong
mundo.
10. Tawag sa malawakang pandarayuhan ng mga manggagawa o pag-aabroad.

MGA SAGOT:

1. Mali— pagtatanim, 3. Mali—Tangible Goods


paghahayupan, at pangisdaan. 4. Mali—Negosyante
2. Tama 5. Tama
Page 9 of 9

6. D 9. A
7. B 10. C
8. E

V. GAWAING-BAHAY

Ilagay ito sa isang short bond paper.

Gumawa ng artwork (drawing, sketch, essay, short story, tula o kanta) tungkol sa
kalagayan ng mga manggagawa rito sa Piipinas na nasa ilalim ng sektor ng paglilingkod. Maglagay
din ng pagpapaliwanang tungkol sa ginawang artwork sa hiwalay na bond paper.

Mga Sanggunian:

Ekonomiks IV, Mga Teorya at Aplikasyon, pahina 278-283.


Ekonomiks IV, pahina 266-267.
http://www.neda.gov.ph/wp-contents/uploads/2013/09/CHAPTER-3.pdf
www.google.com/wikipedia-servicesector/003145
PSSLC No. 3.1.1.7, pahina 38.

Inihanda ni:

Rhea Marie Y. Lanayon


Guro

You might also like