You are on page 1of 9

Page 1 of 9

Republic of the Philippines


UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES
University Town, Northern Samar

GRADUATE STUDIES
Master of Arts in Teaching Social Studies (MATSS)
Social Studies 826a (Methods and Strategies in Teaching Social Studies)

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


(EKONOMIKS IV)
Inihanda ni: GERAMY B. ESPIÑA
Guro

I. LAYUNIN
1. Natatalakay ang kahulugan kahalagahan, mga bumubuo, at mga suliranin sa sektor ng
paglilingkod sa ating bansa.
2. Napapahalagahan an mga sektor na bumubuo sa lakas-paggawa sa Pilipinas.
3. Nakabubuo ng personal na desisyon patungkol sa posibleng maiambag ng isang
indibidwal para sa pagsulusyon ng mga sulinanin sa Sektor ng Paglilingkod.
II. PAKSANG-ARALIN
a. PAKSA
A. Sektor ng Paglilingkod
A.1. Kahalagahan ng Sektor ng Paglilingkod
A.2. Bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod
A.3. Mga Suliranin sa Sektor ng Palilingkod
b. SANGGUNIAN
 Ekonomiks IV, Mga Teorya at Aplikasyon, pahina 278-283.
 Ekonomiks IV, pahina 266-267.
 http://www.neda.gov.ph/wp-contents/uploads/2013/09/CHAPTER-3.pdf
 www.google.com/wikipedia-servicesector/003145
 PSSLC No. 3.1.1.7, pahina 38.
c. MGA KAGAMITAN
 Projector
 Laptop
 Mga pantulong biswal

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Pagdasal at pagbati
 Pagtsek ng lumiban at pumasok
B. Balik-aral

Noong nakaraang linggo ay natalakay Opo, ma’am.


na natin ang kahalagahan ng tindahang
nagtitingi, ang iba’t ibang uri nito, ang
Nasyonalisasyon at Liberalisasyon ng
kalakalang pagtitingi, at ang mga kabutihan at
di-kabutihang dulot nito sa ekonomiya ng
Pilipinas. Tama ba?
Page 2 of 9

At matatandaan din na may pinagawa Opo. Magpanayam ng isang


ako sa inyong gawaingbahay, hindi ba? nagmamay-ari ng tindahan at alamin ang uri
Tungkol saan nga ba ulit iyon? ng tindahan, kapital, regular na kita sa isang
araw, at mga suliranin nila sa pagnenegosyo.

Ano naman ang natutunan ninyo sa Natutunan po naming na hindi madali


inyong gawaing-bahay? ang pagnenegosyo at marami rin silang mga
suliranin sa pagpapatakbo ng negosyo gaya
ng maraming umuutang at kakulangan ng
perang gagamitin para sa kapital.

Tama. Tandaan niyo ang mga iyon


class, dahil konektado ang mga paksang iyon
sa iba pang mga darating na talakayan at
magagamit din niyo ang mga kaalamang iyon
sa hinaharap.

C. Paggayak

Bago ang lahat ay hatiin muna natin (Magbibilang ng isa hanggang tatlo ang mga
ang klase ninyo sa tatlong grupo. Magkakaroon mag-aaral para mahati ang klase sa tatlong
tayo ng gawain. grupo. Pagkatapos ay maghihiwa-hiwalay sila
para pumunta sa kani-kanilang mga grupo.)

Opo, ma’am.
Nasa inyong mga grupo na ba kayo?
Pumili na kayo ng lider ng bawat grupo. Ilista
ninyo ang pangalan ng mga kagrupo ninyo sa ¼
na papel at ipasa niyo sa akin iyon mamaya.
Opo, ma’am.
Ang gawain o laro natin ngayon ay
tinatawag na “Pagkilala sa mga kasapi ng
lipunan.” Ang gagawin ninyo, sa loob lamang ng
isang minuto ay maglilista kayo sa pisara ng
sampung mga trabaho o propesyon na
napapansin, nakikita o naririnig ninyo sa paligid.
Halimbawa nito ay ang janitor, Barangay
Tanod,at iba pa. Ang bawat magkakaparehong
nailistang trabaho ay aalisin natin sa pagbilang
ng puntos kaya maging malikhain kayo sa pag-
iisip ng mga trabaho. Naintindihan?

Mabuti. Magsimula na kayo. (Maglilista ang bawat grupo ng sampung


mga pangalan ng trabaho sa pisara sa loob
ng isang minuto at pagkatapos ay bibilangin
nila ang mga pangalan ng trabahong inilista
nila na walang kapareho sa iba pang grupo
habang ika-cancel nila ang common na
Page 3 of 9

pangalan ng trabaho. Ang bilang ng mga


natirang trabaho ang siyang magiging puntos
ng bawat grupo.)

Magaling! Ngayon, magsibalik na kayo sa


inyong mga upuan. Suriin natin ang inyong mga
ginawa.

D. Talakayan

Ano ba ang napansin ninyo sa laro Lahat ng inilista naming ay mga


natin kanina? trabaho ng tao.

Tama. Sa tingin niyo, ano baa ng Ang kanilang trabaho ay paglilingkod sa


pagkakapareho nilang lahat? kanilang kapwa.

Tama. At iyon ang eksaktong pag-


aaralan natin sa araw na ito—ang sector ng
paglilingkod.

Pero bago ang lahat, alamin muna


natin ang tatlong sektor na bumubuo sa
ekonomiya ng Pilipinas

Makikita natin na inihalintulad ang Nangangahulugan ito na ang bawat


tatlong sektor ng ekonomiya ng Pilipinas sa sektor ay magkakaugnay at umaalalay para sa
hagdanan na kung saan ang agrikultura ay ang pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.
primaryang sektor, ang industriya ang
sekondarya, at ang industriya ay ang
tersyaryang sektor. Ano ng aba ang ibig sabihin
nito?

Narito rin ang iba pang paglalarawan Nangangahulugan ito na ang ekonomiya
sa tatlong sektor ng ekonomiya ng bansa. ng isang bansa ay hindi uusad kung kulang ng
Makikita rito na inihalintulad natin ito sa isang sektor sapagkat ang bawat isa rito ay
katawan ng tao na kung saan ang utak ay ang may mga bahaging ginagampanan para sa
sektor ng paglilingkod, ang mga buto ay ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
sektor ng agrikultura, samantalang ang mga
kamay at paa ay ang sektor ng industriya. Ano
ng aba ang ibig sabihin nito?

Magaling. Ngayong alam na natin kung Ito ay ang sektor na nagbibigay ng


nasaang bahagi na tayo, ano nga ba ang “serbisyo” bilang produkto o intangible goods.
kahulugan ng sektor ng paglilingkod?

Tama. Ano-ano baa ng mga halimbawa ng Ang Serbisyo ay maaaring atensyon,


serbisyo sa ilalim ng sektor ng paglilingkod? payo, access, karanasan, o kasanayan. Ito rin
ay maaaring proseso ng pagbibigay ng
serbisyo ng prodyuser sa kanyang
Page 4 of 9

konsyumer.

Tama. Paano kaya nakakaapekto o Nakatutulong ito sa ekonomiya ng


nakatutulong ang sektor ng paglilingkod sa Pilipinas dahil ang pinagtutuunan ng pansin
ekonomiya ng ating bansa? sa sektor ng paglilingkod ay ang tao—ang
kanyang interaksyon sa kapwa tao at
pagseserbisyo, HINDI ang pisikal na produkto
na gaya ng nasa sektor ng Agrikultura at
Industriya.

Tama. Ano pa? Sila ang nagseserbisyo upang maihatid


sa mga konsyumer ang mga produktong
gawa sa sektor ng agrikultura at industriya.
Sila rin ang nakikipag-ugnayan sa mga tao
upang maihatid ang mga serbisyo.

Magaling. Ano sa tingin niyo ang Sila ang nagbibigay ng serbisyo sa


kahalagahan ng sektor ng paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media,
ekonomiya ng ating bansa? pangangalakal, pananalapi, serbisyo mula sa
pamahalaan, at turismo.

Tama. Ano pa? Sila ang umaalalay sa buong yugto ng


produksiyon (distribusyon, kalakalan, at
pagkonsumo ng produkto sa loob at labas ng
bansa.

Tama. Sa madaling salita, sila ang


nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan,
kaalaman, at serbisyo para sa kaunlarang
pang-ekonomiya.

Ang tanong, ano ano ba ang bumubuo


sa sektor ng paglilingkod? Alamin natin iyan sa
susunod nating gawain.

Ano ba ang gusto mong trabaho sa Doktor.


hinaharap? Pulis.
Teacher.

Ngayon, tunghayan natin ang listahan Ang mga subsector ay ang mga
ng mga subsector na bumubuo sa sektor ng sumusunod:
paglilingkod. Ano-ano nga ba ito?
 Entertainment
 Government
 Telecommunication
 Tourism
 Mass Media
 Healthcare/ Hospitals/ Public Health
 Information Technology
Page 5 of 9

 Waste disposal
 Financial Services
o Banking
o Insurance
o Investment Management
 Professional Services
o Accounting
o Legal Services
o Management Consulting
 Gambling
 Retail Sales
 Franchising
 Real State
 EDUCATION

Saang subsektor sa tingin ninyo


Sa Public Health o Healthcare.
nakalinya ang mga doctor?

Tama. Ang mga pulis naman?


Sa Government dahil sila ay mga
alagad ng batas.

Tama. Ang mga teacher naman?


Sa Education.

Magaling! Tandaan ninyo na ang mga


Ang pinagkaiba nila, ang pampribadong
subsector sa sektor ng paglilingkod ay may
sektor ay kadalasang pag-aari ng mga
dalawang uri—Ang mga pampribado at
pribadong tao, grupo, at mga negosyante,
pampubliko. Ano bang pinagkaiba ng dalawa?
samantalang ang pampublikong sector
naman ay kadalasang pag-aari ng
pamahalaan para magbigay ng serbisyo sa
kanilang nasasakupan.

Magaling. Tingnan naman natin ngayon


Napakataas ng employment sa sektor
ang survey ng Employment by sector dito sa
ng paglilingkod kumpara sa sektor ng
ating bansa mula taong 2008-2011.Ano ang
agrikultura at industriya.
napansin niyo?

Tama. Noong 2011, nakapag-employ ng


Nakatutulong ng malaki sa paglago ng
19.4 million ang sektor ng paglilingkod, higit na
ekonomiya ng Pilipinas ang sektor ng
malaki kaysa sa pinagsamang bilang ng
paglilingkod.
employment sa sektor ng agrikultura at
industriya. Makikita rin natin ang listahan ng
Nangununa ang Overseas Filipino
mga serbisyong malakas ang employment sa
Workers sa employment.
mga nagdaang taon. Ano ng aba ang ibig
sabihin nito?

Tama. Ito ang dahilan kung kaya’t


hinirang ang Pilipinas bilang “Number one
remittance-dependent economy at largest
Page 6 of 9

recipient” sa buong mundo.

Maliban pa rito, mapapansin ding nasa


ikapitong pwesto lamang ang edukasyon sa Opo, ma’am.
listahan. Nangangahulugan ito na may
kahinaan ang employment sa edukasyon kung
ikukumpara sa iba pang mga serbisyo.
Naintindihan niyo?

Mabuti. Ngayon ay dumako na tayo sa


mga suliranin sa sektor ng paglilingkod. Ano- Brain Drain o ang malawakang
ano nga ba ito? pandarayuhan ng mga manggagawang
Pilipino.
Bakit sa tingin niyo nangyayari ito?
Dahil sa kahirapan, kawalan ng
oportunidad sa ating bansa, at globalisasyon.
Tama. Ano pa ba ang iba pang mga
suliranin? Mababang pasahod sa mga
manggagawa. Gaya na lamang sa mga
pelikulang Anak na pinagbidahan ni Vilma
Santos at Caregiver ni Sharon Cuneta. Mas
pinili nilang mangibang-bansa upang kumita
ng mas malaki nang sa gayon ay mapabilis
ang pag-ahon ng kanilang katayuan sa
buhay.
Tama. Ano pa?

Kakaunting Benepisyo. Kaya nga


noong mga nagdaang taon ay ipinatupad na
ang Kasambahay Law na naglelegalize sa
mga kasambahay na magkaroon sila ng
minimum wage, health benefits, insurance,
Tama. Ano pa? day-off at mga bonus.

Kontraktwalisasyon o pagkakaroon
ng ilang buwan o taong kontrata lamang sa
Ano ang ibig sabihin nito? pagtatrabaho.

Nangangahulugan ito na ang isang


manggagawa ay hindi permanente sa
kanyang kasalukuyang trabaho. Suliranin ito
dahil ang ibang mga employer ay hindi
obligadong magbigay ng mga benepisyo sa
Magaling. mga kontraktwal na manggagawa.

E. Values Integration

Pamilyar ba kayo sa kanta ni Gloc9 na


“Walang Natira”?
Hindi po, ma’am.
Page 7 of 9

Ang korus ng kanta ay ganito:

Napakaraming guro dito sa amin ngunit bakit


tila walang natira?
Napakaraming nars dito sa amin ngunit bakit
tila walang natira?
Nag-aabroad sila.
(Gusto kong yumaman,yumaman, yumaman
yumaman, yumaman.)
Nag-aabroad sila.

Ano ang reaksyon niyo tungkol sa liriko


ng kanta?

Kayo, pagkatapos ninyong


makapagtapos sa pag-aaral, mag-aabroad din
ba kayo kung saka-sakali? Nalungkot dahil totoong nangyayari ito
sa ating lipunan ngayon.

Hindi po. Dahil mas makabubuti para


sa akin at sa ating bansa kung ako ay
mamamalagi at magtatrabaho rito sa
Pilipinas. Dagdag pa rito, nangangailangan
ang Pilipinas ng mga manggagawa. Mas
gusto kong tulungan muna ang ating bansa
bago ang iba.

Opo. Dahil sa hirap ng buhay ngayon,


kailangan nating makisabay sa globalisasyon
at makipagkompitensiya sa iba pang mga
Natural lamang na mahati ang inyong mauunlad na bansa. Maliban pa rito, mas
opinyon sa isyung ito. Ang pakatatandaan lang mapapadali ang pag-ahon sa kahirapan dahil
natin, liban sa ating sarili, may papel na higit na mas malaki ang pasweldo sa ibang
gampanin din tayo sa ating bansa. Tulungan bansa.
natin ang ating mga sarili at pamilya,at
tulungan din natin na makaahon ang Pilipinas Opo, ma’am.
mula sa kasalukuyan nitong estado.
Naintindihan?

F. Paglalahat

Ano nga ulit ang kahulugan ng sektor ng


paglilingkod?

Tama. Bakit ito mahalaga sa ekonomiya


Page 8 of 9

ng bansa?
Ito ay ang sektor na nagbibigay ng
“serbisyo” bilang produkto o intangible goods.

Mahalaga ito dahil ito ang sektor na


umaalalay sa sektor ng agrikultura at
industriya. Nagbibigay din ito ng karagdagang
Magaling! Ano naman ang dalawang uri trabaho sa mga manggagawa para sa
ng sektor ng paglilingkod? paglago ng ekonomiya ng bansa.

Tama. Ano-ano naman ang mga


suliranin sa ilalim ng sektor ng paglilingkod?
Pampribado o private sector, at
pampubliko o public sector.

Tama. Ngayon, may mga katanungan pa Brain Drain o malawakang


ba kayo? pandarayuhan ng mga manggagawang
Pilipino, mababang pasahod, kakaunting
Kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel benepisyo, at kontraktwalisasyon.
para sa ating pagsusulit.
Wala na po.

IV. PAGTATAYA

Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

Panuto: TAMA O MALI. Ilagay ang salitang “tama” kung ang pangungusap ay tama. Ilagay naman
ang salitang “mali” kung ito ay mali at tukuyin ang salita o mga salitang nagpamali sa pangungusap.

1. Ang sektor ng paglilingkod ay tumutukoy sa pagtatanim, paghahayupan, at pangisdaan.


2. Ang sektor ng paglilingkod ay nagbibigay ng “serbisyo” bilang produkto sa lipunan.
3. Ang serbisyo ay tumutukoy sa tangible goods sa ilalim ng sektor ng paglilingkod.
4. Ang pampublikong sektor ng paglilingkod ay kadalasang binibigay ng mga negosyante para sa
kanyang nasasakupan.
5. Ang sektor ng paglilingkod ay nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, at kaalaman.

Panuto: PAGKILALA. Ilagay ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan.

a. Overseas Filipino Workers o OFW


b. Education
c. Brain Drain
d. Kontraktwalisasyon
e. Subsektor

6. Tawag sa hindi permanenteng pagtatrabaho ng mga manggagawa na kadalasang nakabase


lamang sa kontrata.
7. Tawag sa isa sa mga pinakamahalagang subsector ng paglilingkod ngunit nasa ikapitong
pwesto lamang pagdating sa serbisyong may malakas na employment.
8. Tawag sa mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod gaya ng telecommunication, mass media,
government, at marami pang iba.
Page 9 of 9

9. Nangunang Employment Service Type ayon sa NSCB at dahilan ng pagkahirang sa Pilipinas


bilang “Number one remittance-dependent economy at largest recipient” sa buong mundo.
10. Tawag sa malawakang pandarayuhan ng mga manggagawa o pag-aabroad.

MGA SAGOT:

1. Mali— pagtatanim, 6. D
paghahayupan, at pangisdaan. 7. B
2. Tama 8. E
3. Mali—Tangible Goods 9. A
4. Mali—Negosyante 10. C
5. Tama

V. GAWAING-BAHAY

Ilagay ito sa isang short bond paper.

Gumawa ng artwork (drawing, sketch, essay, short story, tula o kanta) tungkol sa kalagayan ng
mga manggagawa rito sa Piipinas na nasa ilalim ng sektor ng paglilingkod. Maglagay din ng
pagpapaliwanang tungkol sa ginawang artwork sa hiwalay na bond paper.

Mga Sanggunian:

Ekonomiks IV, Mga Teorya at Aplikasyon, pahina 278-283.


Ekonomiks IV, pahina 266-267.
http://www.neda.gov.ph/wp-contents/uploads/2013/09/CHAPTER-3.pdf
www.google.com/wikipedia-servicesector/003145
PSSLC No. 3.1.1.7, pahina 38.

Inihanda ni:

GERAMY B. ESPINA
Guro

You might also like