You are on page 1of 7

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Rehiyon I
MYSTICAL ROSE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Mangatarem, Pangasinan
S.Y 2022-2023

MASUSING BANGHAY ARALIN SA


ARALING PANLIPUNAN 9
(EKONOMIKS)

Paaralan Mystical Rose College of Science and Technology Baitang Ika-Siyam


Guro Bb. Rose Ann B. Mayo Asignatura Araling Panlipunan
Petsa at 17 Abril 2023 Markahan Ika-apat na
Oras 9:30-10:15 AM Markahan

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 45-minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang
makakapagtamo ng 80% na tagumpay sa mga sumusunod:
A. natutukoy ang mga pagkilos para sa pambansang kaunlaran;
B. nasusuri ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino
upang makatulong sa pambansang kaunlaran; at
C. nakapagsasagawa ng isang pagpaplano kung paano makapag-
ambag bilang mamamayan sa pag-unlad ng bansa.
II. Nilalaman
Paksa: Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
Sanggunian: EKONOMIKS 9 Modyul ng Mag-aaral, pp. 393-394
Kagamitan: Panturong Biswal, PowerPoint Presentation, Laptop

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating Sa ngalan ng ama, ng anak at espiritu
panalangin na pangungunahan ni Jenny santo. Amen.
Vie. Ama maraming salamat po sa lahat ng
biyayang ipinagkaloob niyo sa amin. Ama,
bigyan niyo po kami ng sapat na kaalaman
na maaari naming ibahagi sa aming kapwa.
Ang lahat ng papuri ay sa iyo aming
Panginoon. Sa ngalan ng ama, ng anak at
espiritu santo. Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsi-upo ay magkakaroon (Isasaayos ng mga mag-aaral ang mga
muna tayo ng kaunting warm-up. upuan)
Itaas ang mga kamay, iunat ang katawan
pagkatapos ay yumuko at pulutin ninyo ang
mga kalat sa inyong paligid at isaayos ang
inyong mga upuan.
Maaari na kayong umupo. Salamat po.

4. Pagatatala ng Lumiban
Bago tayo magsimula, sa unang pangkat Wala po.
tumingin sa inyong kaliwa mayroon bang
lumiban?
Sa ikalawang pangkat tumingin sa inyong Wala po.
kanan mayroon bang lumiban?

Magaling! Ako ay nagagalak at walang


lumiban sa ating klase.
5. Balik-Aral Ma’am ang atin pong tinalakay kahapon ay
Bago tayo dumako sa ating bagong paksa, tungkol sa mga salik ng pag-unlad at
balikan muna natin ang tinalakay natin pagsulong.
kahapon. Ano nga ba ang tinalakay natin
kahapon?

Ang mga salik po ng pag-unlad ay Likas na


Magaling! Anu-ano nga ba ang mga salik Yaman, Yamang tao, Kapital, at
ng pag-unlad at pagsulong na ating Teknolohiya at inobasyon.
tinalakay?

Mahusay!
Pinapatunayan niyo lamang sa akin na
talagang nakinig at may natutunan kayo sa
ating mga tinalakay.

B. Pagganyak
Bago natin simulan ang ating talakayan,
may gagawin muna tayong aktibidad.
Hahatiin ko kayo sa apat na grupo, sa
bawat grupo ay mayroon akong ibibigay na
code at ang bawat numero dito ay may
kaakibat na letra. Kailangan ninyong buuin
ang salita gamit ang mga letrang kaakibat
ng mga numerong ibibigay ko sa inyo.
Pagkatapos ay itutugma niyo ito sa mga
larawang nakadikit sa pisara kung alin sa
tingin niyo sa mga larawan ang
nagpapahiwatig o sumisimbolo sa mga Opo.
salitang inyong nabuo. Mayroon lamang
kayong tatlong minuto sa pagsagot.

Naunawaan ba ang instruksyon?

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
A B C D E F G H I J

11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
K L M N O P Q R S T

21 22 23 24 25 26
U V W X Y Z

1. 13-1-16-1-14-1-7-21-20-1-14
M-A-P-A-N-A-G-U-T-A-N
2. 13-1-1-2-9-12-9-4-1-4
M-A-A-B-I-L-I-D-A-D
3. 13-1-11-1-2-1-12-19-1
M-A-K-A-B-A-N-S-A
4. 13-1-1-12-1-13
M-A-A-L-A-M

Opo.
Sa akin pong palagay ang ating tatalakayin
ngayon ay tungkol sa pagkakaisa tungo sa
kaunlaran.
C. Panlinang ng Gawain
Pagtatalakay
Mula sa aktibad na inyong ginawa, may
ideya na ba kayo kung ano ang ating
tatalakayin ngayong araw? Opo.

Tama, ngayong araw tatalakayin natin ang


tungkol sa sama-samang pagkilos para sa Opo.
pambansang kaunlaran.
Handa na ba kayong makinig?
Dahil lahat po tayo ay bahagi ng ating
Kung gayon simulan na natin. lipunan.
Naniniwala ba kayo na hindi uunlad ang
isang bansa kung hindi tutulong ang
kaniyang mamamayan?
Bakit kaya?

Tama! Ang bawat isa din sa atin ay may Pagbubuwis.


gampanin sa pag-unlad ng bansa. Pagboto.

May ideya ba kayo kung ano ang mga


gampanin na ito?
Agata?
Alyn?

Tama! Dahil sa sinabi ninyong iyan, narito


ang mga pagkilos at gampanin ng Ito po ay ang pagiging responsable sa
mamamayan para sa pagkamit ng pananagutan o sa tungkulin.
pambansang kaunlaran.
Una sa mga pagkilos para sa pambansang
kaunlaran ang pagiging mapanagutan.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng Bilang mamamayan tungkulin po natin ang
mapanagutan. pagbabayad ng buwis.

Ano ba ang mga pananagutan o tungkulin


natin bilang mamamayan? Sinong
makakapagbigay ng halimbawa?
Jea.

Tama! Tungkulin o pananagutan natin


bilang mamayan ang tamang pagbabayad
ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng
tamang pagbabayad ng buwis ay Bilang mamamayan tungkulin po natin ang
makatutulong upang magkaroon ang makialam.
pamahalaan ng sapat na halagang
magagamit sa mga serbisyong Panlipunan
tulad halimbawa ng libreng Edukasyon,
mga programang pangkalusugan at iba pa.
Opo, dahil hindi dapat natin hayaan na
Sino pang makakapagbigay ng ideya o ng lamang ang mga mali sa lipunan dapat
halimbawa? matuto tayong manindigan sa kung ano ang
Rinah. tama.

Tama! Bilang mamamayan dapat


marunong tayong makialam.
Sa palagay ninyo tama ba ang mga
katagang ang mali ay labanan, ang tama
ay ipaglaban?

Mahusay! Tandaan ninyo. ang paglaban sa


mga mali sa lipunan katulad ng mga Pagiging maparaan po.
anomalya at korapsyon maliit man ito o
malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at
pamamahala ay makatutulong para sa pag-
unlad ng ating bansa.

Ngayon dumako naman tayo sa ikalawa,


ang pagiging maabilidad.
Kapag sinabi nating maabilidad ano ba ang Bumuo o sumali sa kooperatiba- ang
ibig sabihin nito? pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang
paraan upang magkaroon ng pagkakataon
Magaling! ang bawat isa na maging kasapi sa
Ang pagiging maabilidad ay ang paglikha ng yaman ng bansa.
pagkakaroon ng kakayahan na gumawa ng
mga bagay at pagiging maparaan.

Una sa pagiging maabilidad, pakibasa.

Wala po.

Salamat.
Sa pagsali sa kooperatiba nakapag-
aambag tayo sa paglikha ng yaman ng
bansa na nakatutulong upang ang ating
bansa ay umunlad.

Ngayon, ano ba yung sinasabi nating


kooperatiba? Sinong may ideya?

Para sa inyong kaalaman, ang kooperatiba Pagnenegosyo- Dapat nating sikapin na


ay isang samahang awtonomo ng mga maging negosyante upang tunay na
boluntaryong taong nagkakaisa para kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng
makamit ang kanilang karaniwang pang- bansa at hindi ng mga dayuhan.
ekonomiya, panlipunan at pang-kalinangan 
mga mga hangad at pangangailangan sa
pamamagitan ng sama-samang ariin at
demokratikong pamahalaan ang negosyo.

Dumako naman tayo ngayon sa pangalawa


ang pagnenegosyo. Pakibasa.

Hindi dapat manatiling manggagawa


lamang ang Pilipino. Dapat sikapin natin na
maging negosyante nang sagayon ang Pagmamahal po sa bansa.
kabuhayan ng bansa natin ay kontrolado
natin hindi ng mga dayuhan dahil tayo din
naman ang makikinabang dito.

Pangatlo sa mga pagkilos upang 1.Pakikilahok sa pamamahala ng bansa-


makatulong sa pag-unlad ng bansa ay Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala
maging Makabansa. ng barangay, gobyernong lokal, at
pambansang pamahalaan upang maisulong
Ano ba ang ibig sabihin ng makabansa? ang mga adhikain at pangangailangan ng
mga Pilipino.
Mahusay!
Maipapakita naman ang pagiging
makabansa sa pamamagitan ng mga
sumusunod.
Mayumie, pakibasa.
2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino-
Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing
tinatangkilik natin ang dayuhang produkto.

Salamat. Dahil sa pagbili po ng mga produktong


Ang pakikilahok sa pamamahala ng bansa Pilipino higit sa kumikita ang mga kapwa
ay kailangang gawin ng bawat natin Pilipino nakadaragdad po ito sa
mamamayan upang umunlad ang bansa. yaman ng ating bansa.
Pangalawa, pakibasa.

Salamat.
Bakit nga ba kailangan natin tangkilin ang
mga produktong sariling atin?
1.Tamang pagboto- Ugaliing pag-aralan
ang mga programang pangkaunlaran ng
Tama. Mahusay! mga kandidato bago pumili ng iboboto.
Kaya dapat lamang nating tangkilikin ang Dapat din nating suriin ang mga isyung
mga produktong Pilipino. pangkaunlaran ng ating bansa upang
masuri kung sinong kandidato ang may
Dumako naman tayo ngayon sa panghuling malalim na kabatiran sa mga ito.
pagkilos para sa pambansang kaunlaran
ang pagiging maalam. Sa pagpili po ng ibobotong kandidato dapat
po yung matalino at hindi korupt.
Para maipakita ang pagiging maalam,
pakibasa ang una, Jomar. Sa pagpili po ng iboboto dapat kilalanin
nating maigi ang kandidato.

Paano ba dapat pumili ng iboboto?


Sinong may ideya?

Tama! Sino pang may ideya? Opo.

Mahusay! 2.Pagtutupad at pakikilahok sa mga


Sa pagboto dapat maging matalino tayo sa proyektong pangkaunlaran sa komunidad-
pagpili ng mga kandidatong ihahalal natin. Maaaring manguna ang mga mamamayan
Dapat nating alamin kung sino sa kanila sa pagbuo at pagpapatupad ng mga
ang higit na makatutulong sa paglutas ng proyektong magpapaunlad sa ating
mga isyu ng ating lipunan lalo na sa mga komunidad.
isyung pang-kaunlaran.

Nauunawaan niyo ba?

Dumako naman tayo ngayon sa ikalawa.


Pakibasa, Giovanna.
Opo.

Wala po.
Hindi dapat umaasa lang tayo sa bigay ng
pamahaalaan, dapat marunong din tayong
makilahok at magpatupad ng mga
proyektong pangkaunlaran katulad ng Ang mga pagkilos po na maari nating gawin
pagtulong sa mga kababayan nating para makatulong sa pambansang kaunlaran
mahihirap. ay maging mapanagutan, maabilidad,
makabansa at maalam.
Naunawaan niyo ba?

May mga katanungan ba kayo?

D. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Kung lubos niyo nang naunawaan ang
ating tinalakay ngayong araw, anu-ano nga
ulit ang mga pagkilos na maari nating
gawin para makapag-ambag sa
pambansang kaunlaran?

Mahusay!

2. Paglalapat
Sa aktibiting ito, hahatiin ko ang klase sa
dalawang grupo. Bawat grupo ay kailangan
bumuo ng isang campaign slogan tungkol
sa mga paraang maari ninyong gawin
upang makatulong sa pag-unlad ng bansa.
Gawin ito sa isang maliit na coupon bond.
Ang bawat grupo ay kailangan magkaroon
ng iba-ibang representante upang
ipaliwanag sa klase ang naging produkto Opo.
ng ginawang aktibiti. Kayo ay bibigyan ko
lamang ng 5 minuto para tapusin ang
inyong aktibiti.
Rubriks para sa Paggawa ng Campaign
Slogan
PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS
Nilalaman Ang mensahe ng
ginawang islogan ay
malinaw na
10
naipahayag
Pagkamalikhain
Angkop sa
Tema
Kalinisan

Naunawaan ba ang instruksyon?

Kung gayon maaari na kayong magsimula.

IV. Ebalwasyon
I.
Panuto: A. (TAMA O MALI) Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang
letrang T kung tama ang nakasaad sa pangungusap at M kung ito ay mali.

_____1. Bilang isang mamamayang mapanagutan tayo ay dapat na nagbabayad ng


buwis at ipinaglalaban ang tama.
_____2. Isang paraan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa ang pagnenegosyo.
_____3. Dapat nating tangkilin ang dayuhang produkto upang makapag-ambag sa
kaunlaran ng ating bansa.
_____4. Upang umunlad ang bansa ang mamamayan ay dapat sama-samang kumilos
tungo sa pag-unlad
_____5. Ang mamamayang maalam dapat marunong pumili ng kandidatong iboboto.
_____6. Ang pagsali sa kooperatiba ay nakatutulong upang mabigyan ng pagkakataon
ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
_____7. Bilang mamamayang makabansa dapat tayong makilahok sa pamamahala ng
ating bansa.
_____8. Ang pagsali sa kooperatiba ay nagpapakita ng pagiging maalam.
_____9. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban.
_____10. Bilang mamamayang maabilidad tayo ay dapat na sumali sa kooperatiba at
makilahok at pagtutupad sa mga proyektong pangkaunlaran.

II.

V. Takdang Aralin

A. Basahin at unawain ang susunod na aralin.

Sangguniang Aklat:
EKONOMIKS 9, p.397

Inihanda ni:

ROSE ANN B. MAYO


Practice Teacher- BSE IV
Major in Social Studies

Binigyang-puna ni:

Gng. Estrella Mondero


Guro

You might also like