You are on page 1of 13

BANGHAY

ARALIN
SA ARALING
PANLIPUNAN

Inihanda ni:
MITCHIELINN FAYE S. SERVANO
BSE- Social Studies Major
Araling Panlipunan K-12 Basic Education Curriculum
High School- Core Subject
SEKTOR NG PAGLILINGKOD

I. Layunin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap
(Content Standard) (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi
mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti
pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon ng mga sektor ng ekonomiya at mga
at pwersa tungo sa pambansang pagsulong patakarang pangekonomiya nito tungo sa
at pag-unlad. pambansang pagsulong at pag-unlad.

Pamantayan sa pagkatuto (Learning Competencies)

1. Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod


at mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong dito. AP9MSPIVh-
17

Mga Layunin
1. Nabigyang kahulugan ang sektor ng paglilingkod,
2. Natalakay ang iba’t-ibang subsektor na bumubuo sa sektor ng paglilingkod;
3. Malikhaing naipahayag ang mahalagang gampanin ng sektor ng paglilingkod
sa ekonomiya.

II. Nilalaman
A. Paksa
Yunit IV- Mga Sektor at Patakarang Pang-ekonomiya
Nilalamang Aralin:
 Kabanata 4 – Sektor ng Paglilingkod
Sanggunian
 APTek – Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan P. 106-107
 Ekonomiks (Binagong Edisyon) 2020 P. 481-490
Kagamitan
Mga larawan, Laptop, PPT, Printed Materials
Pagpapahalaga
Pagpapahalaga sa gampanin ng sektor ng paglilingkod sa pag-
unlad ng ekonomiya ng isang bansa.
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
“Magandang Umaga sa inyong “Magandang Umaga rin po Ma’am Faye”
lahat”

“Bago natin simulan ang ating araw, “Panginoon maraming salamat po dahil
maaari bang magsimula tayo sa isang nabigyan po kami ng pagkakataon na
magsama-sama ngayon. Buksan nyo po
panalangin?”
ang puso at isipan ng bawat mag-aaral
na narito ngayon upang kanilang
matutunan ang aming pag-aaralan sa
araw na ito. Ito po ang aming samo’t
2. “Bago tayo mag simula, maari dalangin sa matamis na pangalan ni
Hesus,Amen”
ko bang malaman ang tala ng mga
lumiban sa araw na ito?”

“Ikinatutuwa kong ipabatid na walang


lumiban sa klase ngayong araw”

“Mabuti naman at walang lumiban sa


ating klase ngayon.”

“Bilang pagsisimula ng ating araw,


akin mung ipepresenta ang mga
alintuntunin para sa ating klase”.

“Sa ating talakayan ngayon ating


layunin na…

“at iaasahan na…

3. Balik Aral/Balitaan
“Bago tayo dumako sa panibagong
aralin, balik-aralan muna natin ang
ating tinalakay nuong nakaraan
linggo”.

“Noong nakaraang talakayan ay pinagaralan


nating ang tungkol sa sektor ng industriya.
Ito ay ang sektor ng ekonomiya na siyang
nagpoproseso ng mga hilaw na materyales
upang maging tapos na produkto na syang
pinagkukunan natin ng ating mga
pangangailangan”

“Nakapagbasa ba kayo ng susunod


nating aralin?”
“Opo Ma’am”
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
A. “TrabaHugot”
“Bago tayo dumako sa bagong aralin,
magkakaroon tayo ng maikling laro.”

“Handa na ba ang lahat? Ipakita nga


ang thumbs up kung ang handa na
ang lahat.” (Magtataas ng thumbs up ang mga
“Hulaan ang mga naangkop na trabaho o estudyante.)
propesyon na kukumpleto sa mga hugot
o pick-up lines. Gamitin ang mga
pagpipilitan sa ibaba.”

Teacher Drayber
Call center Agent Reporter
Abogado Pulis
Mekaniko Scientist

1.

1. Drayber

2.

2. Pulis

3.
4. 3. Scientist

5.

4. Abogado

B. 5. Reporter
“Upang mas mapalawak pa ang inyong
kaalaman, atin itong talakayin sa
pamamagitan ng isang gawain.”

“Ano ang ipinapakita sa larawan? Ano ang


kanilang mga gampanin sa ating lipunan?”

“Ma’am mga manggagawa po, ang iba


po ay mga frontliners na nagbibigay satin
ng serbisyo.”
“Magaling! Ang mga mangagawang ito ay
nakapaloob sa sektor ng paglilingkod.

“Maliban sa mga produkto o kalakal,


mayroon pa tayong madalas na
kinokunsumo na mahalaga upang
matugunan ang ating mga pangangailangan,
ito ay ang serbisyo o paglilingkod.
Halimbawa, kaya mo bang gupitan ang sarili
mo? O kaya’y ayusin ang sirang TV niyo sa
bahay? Operahan ang sarili mo? Hindi di
ba? Kaya’t hinahayaan natin ang barbero,
TV technician at doktor na gawin ito sa atin.”

“Bilang mga konsyumer, tayo ay mga


pangangailangan at kagustuhan sa ating
buhay. Ngayon tayo ay mamimili, pumili ng
isang nais mong bilhin?”

“Ma’am yung sasakyan po”

“Ano ang ipinapakita sa larawang ito?”

“Ma’am pinapakita po dito yung ibat


ibang transportasyon po tulad ng barko
at kotse.

“Tama! Ang mga nasa larawan ay nasa


ilalim ng subsektor ng paglilingkod na
transportasyon. Kung saan nagbibigay sila
ng serbisyo sa transportasyon panlupa man,
panghimpapawid o pang dagat. Kasama din
dito ang serbisyo sa telepono at mga
pinapaupang bodega”

“Ngayon ay pumili muli ng isa pang


produktong nais bilhin?”

“Prutas, Ano ang ipinapakita sa larawan?”

“Ma’am yung mg prutas po”


“Magaling! Ito ay sa ilalim ng subsektor na
kalakalan.Dito nagaganap ang pagpapalitan “Ma’am pinapakita po yung pagpapalitan
ng mga produkto at serbisyo. Sa ng mga produkto sa pamilihan.”
pagpapalitan, hindi lamang kapwa produkto
ang ipinapalit ngayon at maari na ang salapi.
At hindi lamang limitado sa produkto ang
inihahain, maari rin ang serbisyo.”

“Pumili muli ng produktong nais billhin?”

“Ano ang iyong nakikita sa larawan?”

“Ma’am yung alahas po.”

“Ma’am nakikita po yung taong nakapila


sa isang bahay-sanglaan.

“Tama! Ito ay nakapaloob sa subsekto ng


pananalapi. Ito ang serbisyong
pampinansyal na ibinibigay sa tao. Kasama
sa mga institusyon nagbibigay ng gantong
serbisyo ay ang mga bangko, bahay-
sanglaan, at remittances center.

“Pumili muli ng produkto?”

“Ano ang iyong nakikita sa larawan?”

“Ma’am yung bahay po”


“Pinapakita po ang pagbabago ng laki ng
kabahayan at presyo nito sa pagdaan ng
ilang taon”

“Mahusay! Ang serbisyong ito ay


pumapaloob sa subsektor na real-state at
paupahang bahay. Ito ang nagbibigay
serbisyo sa pamamagitan ng paupahan tulad
ng mga apartment pwede ding halimbawa
developer ng subdivision, townhouse at
condominium.

“Ngayon ay tignan natin ang produktong


ito?”
“Ma’am pinapakita po yung pagbibigay
serbisyo ng mga jollibee crew”.
“Ano ang ipinapakita sa larawan?”

“Mahusay! Ang serbisyong ito ay nasa ilalim


ng subsektor na pampribadong paglilingkod.
Ang mga serbisyong kanilang binibigay ay
nakapaloob sa trabahong kanilang
pinirmahan sa ilalim ng mga institusyong
humahawak sa kanila.”

Tignan naman natin ang huling produkto?”


“Ano ang mapapansin sa larawan?” “Makikita po sa larawan ang mga street
sweepers na siyang naglilinis ng ating
mga kalsada”.

“Mahusay! Ang serbisyong ito ay nasa ilalim


ng serbisyong pampubliko. Sila ang
pagbibigay ng panglilingkod sa ilalim ng
pamahalaan kung saan ibinibigay nila ang
kanilang tulong sa lahat ng tao. Halimbawa
nga ng mga ito ay ang mga public teacher,
pulis, sundalo, public nurse o doctor at ang
nasa larawan ang mga street sweepers.”

“Magaling grade 9, nakapamili na tayo


natuto pa tayo”.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
“Upang lubos nating maintindihan ang ating
talakayan, ating buoin ang isang graphic
organizer na nasa ibaba. Mula sa tinalakay,
Ilagay lamang ang naangkop na subsektor
base sa kahulugang nakatala.
Tanong:
“Makakatulong ang pamahalaan sa
 Sa paanong paraang makakatulong
paraan ng pagpapatupad ng mga batas
ang pamahalaan para mapangalaan
na siyang makakakatulong sa mga tao
ang ating mga manggagawang
para mapaunlad nila ang kanilang mga
Pilipino?”
sarili bukod po dito ay pagpoproteka sa
kanilang mga karapatan.”

“Magaling, ang mga karapatan na ito ay


napoprotektahan sa ilalim ng ng Labor Code
na ating bansa, bukod diyan ay mga
ahensya ding siyang gumagaba sa mgatao
upang makamit ang mga karapatan na ito.”

2. Pagtataya
“Upang ating pamatunayan kung kayo ay
natuto sa ating talakayan magkakaroon tayo
ng maikli pagsusulit. Kumuha ng papel at
isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.”
I-grupo ang mga nakalistang trabaho o Sagot:
propesyon sa kaibibilangan nitong
subsektor. Isulat ang mga ito sa loob ng

kahon.

“Makipagpalit ng papel sa inyong katabi at


ating itatama ang inyong sagot.”
“Pagkatapos ay ibalik sa may -ari at ipasa sa
unahan ang inyong papel”

“Magaling grade 9, at mataas ang mga


puntos na inyong nakuha ibig sabihin ay
may natutunan kayo sa ating talakayan”.

“Tandaan kahit pa gaano kataas ang iyong


marating kung hindi ka marunong magbigay
ng respeto sa pinakamababang tao, hindi
mo makukuha ang respetong inaasam mo”.
“Kuhanin ang inyong kwaderno at isulat ang
inyong takdang aralin.”

Paalam rin po Ma’am Faye. Salamat po


sa inyong pagtuturo.

Dito na natatapos ang ating talakayan


ngayong aral naway isabuhay ninyo ang
inyong mga natutunan ngayong araw.

Paalam mga magaaral.

Pidbak:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________

Inihanda ni:
Mitchielinn Faye S. Servano
Guro sa Araling Panlipunan

You might also like