You are on page 1of 7

I.

Layunin
A. Maipaliliwanag kung paano mababatid ang kabuuang produksyon ng bansa,
B. Matukoy ang mga limitasyon ng pagtutuos ng GNI at GDP; at
C. Makilala ang mga paraan ng pagsukat ng GNP sa iba`t-ibang paraan.

II. Paksa
A. Paksa: Pambansang Kita/ GNI at GDP
B. Sanggunian:
C. Gamit:

III. Pagtalakay:

AKTIBIDAD NG GURO AKTIBIDAD NG MAG-AARAL


A. Paghahanda
1. Panimula
A. Pagbati
Magandang umaga sa inyong Magandang umaga din po!
lahat.
B. Panalangin
C. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
D. Pag-check ng atendans

B. Pagtuklas
1. Pagganyak
Kaylan nga ba malalaman na may Ma`am kung may narating na pagsulong at pag-
natamong pag-unlad ang isang unlad ang ekonomiya ng isang bansa sa
bansa? pamamagitan ng pagsusuri sa economic
performance nito.

Tama! Ang economic performance ay


isang repleksyon kung may mahusay
bang pamamalakad ang ekonomiya.
Malalamng may positibong economic
performance ang bansa kapag may
pag-angat ito sa Gross Domestic
Product dahil nasusukat ang
economic performance sa
pamamagitan ng GNI at GDP

Halika at sama-sama nating alamin


ang GNI at GDP!
C. Paunlarin
1. Pagtalakay
Ang pambansang kita o national income ay ang
kabuuang halaga ng mga produkto o serbisyo na
nayari sa bansa sa loob ng isang taon. Ito ay
kabuuang kinita ng mga bahay-kalakal at ng mga
sambahayan mula sa kanilang pagbebenta ng
mga salik sa produksiyon at produkto o serbisyo.

Ito ay ginagamit upang maging batayan ng isang


bansa ang pag-unlad ng ekonomiya. Sinusukat din
ito ang ambag ng bawat tauhan o sektor sa
pagpapa-unlad ng ekonomiya.

Ang Pilipinas ay gumagamit ng economic


indicators upang itakda ang bawat ambag ng mga
pangunahing sektor. Itinutuos at sinusukat
naman ito ng Philippine Statistic Authority upang
maisalin ito sa polisiyang pang-ekonomiya ng
pamahalaan. Ang National Economic
Development Authority o NEDA naman ang
ahensiya ng pamahalaan sa paghahanap ng
pambansang kita: ang Gross National Income o
GNI at Gross Domestic Product o GDP.

Ano ng ba ang tinatawag nating GNI? Ang Gross


National Income o tinatawag natin noong Gross
National Product ay tumutukoy sa kabuuang
pamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mga mamamayan sa loob lamang ng isang
bansa.

Samantala,

Ang Gross Domestic Product ay tumutukoy sa halaga


ng kabuuang produkto at serbisyo kasama ang
partisipasyon ng mga dayuhan. Sa madaling sabi,
sinusukat ang GNI sa pamamagitan ng kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong produkto
at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon.
Kasama dito ang kinita ng mga mamamayan ng bansa
ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyong ito
kahit saang bahagi ng daigdig ito ng ginawa. Ang
Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa
kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na
produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang
takdang panahon sa loob ng isang bansa. Kasama din
dito ang pagmamay-ari ng dayuhan na matatagpuan
sa loob ng bansa.
Maliwanag ba ang lahat? Opo ma`am.

May mga tanong pa ba? Wala na po.

Kung gayon, basahin ang mga parirala at tukuyin ninyo


kung ito ba ay GNI o GDP. Maliwanag?

1. Jojo, call center agent sa Singapore 1. GNI


2. Korean Hotspring sa Laguna 2. GDP
3. Pilipinong Guro sa Amerika 3. GNI
4. Computer shop ni Mr. Cruz sa Quezon City 4. GNI
5. Grocery Store ng isang Chinese sa Roxas 5. GDP

Magaling mga bata! May tanong pa ba tungkol


dito?

Ma`am, paano po natin mahahanap ang Gross


National Income?

Good question.

Naririto ang mga iba`t-ibang pamamaraan upang


makompyut ang GNI.

1. Industrial Origin Approach


Isang paraan ng pagtutuos ng GNI gamit ang mga
input na nakita mula sa iba-ibang sektor ng
ekonomiya sa bansa. Ang Industrial Origin
Approach ay tinatawag din na Value Added
Approach. Sa Industrial Origin Approach, ang
lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating
bansa ay kinukuwenta.

2. Factor Income Approach


Ang Factor Income Approach ay isa
naman paraan ng pagtutuos ng GNI batay
sa proseso ng produksiyon. Ito ay isang
detalyadong paraan ng paghahanap ng
kita dahil ipinapakita nito ang lahat ng
transaksiyong nagaganap sa pagitan ng
mga tauhan sa paikot na daloy ng
ekonomiya. Kasangkot dito ang mga
sambahayan na nagmamay-ari ng mga
salik sa produksiyon na siyang
nagbebenta nito sa mga bahay-kalakal
kapalit ang sahod. Hinahanap ang GNI
rito mula sa mga bahagi ng GDP dito ay
binubuo ng mga sumusunod na panukat.

Kita ng Sambahayan (KS) – kabuuang kita


ng sambahayan na nagmumula sa mga
sumusunod:
- sahod na tinatanggap ng mga
manggagawa at mga empleyado;
- upa o renta bilang kabayaran sa
paggamit ng lupa pati na rin ang
mga itinayong gusali tulad ng mga
pagawaan, bodega, at iba pa.
- interes mula sa pamumuhunan sa
mga pamilihang pampinansiya
tulad ng mga deposito sa bangko,
bonds, at mga pautang.
Kita ng Bahay-Kalakal (KB) – kita mula sa
pagbebenta ng mga produkto at serbisyo
sa mga sambahayan na nagiging pondo
para sa panustos sa pagpapalago nito;
puhunang nagmumula sa pag-iimbak ng
kita sa mga pamilihang pampinansiyal.
Kita ng Pamahalaan (KP) – kita mula sa
pamumuhunan ng pamahalaan sa mga
GOCCs tulad ng Government Service
Insurance System o GSIS, Philippine
Amusement and Gaming Corporation o
PAGCOR, Philippine Charity Sweepstakes
office o PCSO, at Social Security System o
SSS.
Depreciation (Dy) – ang pagbaba ng
halaga ng produkto o pagbaba sa kaledad
ng salik ng produksiyon.
Kita mula sa Di-tuwirang Pagbubuwis
(KDP) – buwis na ipinapataw sa mga
kalakal at serbisyong nabuo o nayari sa
di-tuwirang paraan sa pamamagitan ng
bahay-kalakal tulad ng value-added tax.
Subsidiya mula sa ibang tauhan (S) –
karagdagang kita o puhunang ibinibigay
sa mga sambahayan at bahay-kalakal
mula sa iba pang tauhan para sa
karagdagang gastusin ng bawat isa.
3. Final Expenditure Approach
- Ang Final Expenditure Approach
naman ay isang paraan upang
makuha ang GNI mula sa
pagsasama-sama ng kabuung
gastusin ng mga bahay-kalakal at
sambahayan mula sa kanilang
kinita. Kasama sa paraang ito ang
pagbibilang ng mga produktong
iniluluwas at inaangkat ng bansa.
Ito ang paraan ng paghahanap sa
halaga ng mga final goods na
pinaggagastusan ng mga tao sa
loob ng isang taon.
Personal na Gastos-Pagkonsumo (GP) –
kabuuang halagang ginastos ng
sambahayan mula sa pamimili mula sa
mga pamilihang pamprodukto.
Gastos-Pagkonsumo ng Pamahalaan
(GG) – kabuuang halagang ginastos ng
pamahalaan para sa mga serbisyo nito
mula sa pagbubuwis.
Gastos-Pagbuo ng kapital (GK) –
puhunang idinagdag sa pisikal na aspekto
ng ekonomiya o fixed assets na
kinabibilangan ng mga sumusunod:
- mga biniling makinarya at binuong
planta;
- mga imprastruktura tulad ng mga
tulay, kalsada, bagong tayong
bahay o high-rise buildings na
lagpas tatlong palapag, at mga
bagong gusaling pangkomersiyo o
pang-industriya
Netong Luwas (NL) – kabuuang halaga ng
mga iniluwas na mga produkto na may
pagbabawas sa kabuuang halaga ng mga
inangkat na produkto.
Statistical Discrepancy (SD) – di-
maiiwasang labis o kulang na bilang sa
pagtutuos ng GNI; nagkakaroon naman
ng statistical discrepancy sa pagbibilang
ng GNI dahil magkakaiba ang mga
pinagkukunan ng impormasyon tungkol
sa mga pinaggastusan ng mga tao at
magkakaiba ang ibinibigay na
impormasyon dahil sa pagtataya o
estimation na ginagawa ng mag
ahensiyang naatasan sa pagtala nito.

Limitasyon ng Pagtutuos ng GNI at GDP

Ang pagtutuos ng GNI at GDP ay mahalagang


batayan ng pag-unlad ng ekonomiya subalit may
limitasyon ito. Una, hindi lahat ng mga gawaing
pang-ekonomiya ay naitatala tulad ng
kontribusyon ng mga tauhan sa impormal na
sektor gaya ng street vendor, barker at iba pa.
Ikalawa, magkakaiba ang impormasyon na
naibibigay ng iba-ibang ahensiyang naatasang
magtala ng kinikita ng bawat tauhan, at ikatlo,
mahirap ang pagbabantay sa pambansang kita
kapag ang pagtutuos nito ay mali.

D. Paglalahad
Ngayong malinaw na sa inyo ang pinagkaiba
ng GNI at GDP, maaari niyo bang ilahad sa Mag-aaral 1: Ma`am may ganap na
lahat kung ano ang mga batayan ng isang industrilisasyon.
maunlad na bansa?
Mag-aaral 2: Magaling na produksyong
agricultural

Mag-aaral 3: Mataas na kita ng bawat indibidwal

Mag-aaral 4: Malaking bahagdan ng mga


mamamayang may hanapbuhay.

Magaling mga bata, ngayon, masasabi niyo bang


ang bansang Pilipinas ay isang maunlad na bansa?
Mag-aaral 1: Kung titignan natin ang GDP ng
Pilipinas, ito nga ay umangat ngunit kung itatabi
natin ito sa ating karatig na bansa, sadyang
nakakahiya dahil sobrang laki ng tinaas ng
kanilang GDP

Mag-aaral 2: Sa tingin ko, umunlad naman ang


Pilipinas kamakailan, rumami ang mga
inprastruktura kagaya ng mga condominium,
malls, offices, atbp. Gumanda rin ang ekonomiya
ng bansa, tumaas ang GDP at GNP, at naging
ikalawa sa Fastest Developing Countries sa Asya
(pero ngayon ika-apat na lamang). Marami na
ring mga foreign investors na nagiinvest sa
Magaling mga mag-aaral, palakpakan Pilipinas, at tinutulungan ang mga negosyo dito. 
niyo ang inyong mga sarili hehe.

E. Pagsusulit
Pagkilala: Tukuyin at isulat sa patlang
ang tamang sagot.

_____1. Kontribusyong sinisingil ng pamahalaan


sa tao at Negosyo.
_____2. Batayan ng pag-unlad ng isang bansa.
_____3. Halaga ng produkto at serbisyo na
umiiral sa bansa.
_____4. Mga produktong tapos na at hindi na
kailangan, proseso upang maging yaring
produkto.
_____5. Kahulugan ng GNI
_____6. Kahulugan ng GDP
_____7. Kabuuang halaga ng mga tinanggap na
kita ng mga sektor ng ekonomiya
_____8. Produkto at serbisyo na ginawa sa loob
ng isang bansa.
_____9. Kabuuang halagang ginastos ng
sambahayan mula sa pamimili mula sa mga
pamilihang pamprodukto.
_____10. Ito ang pagsasamasama sa presyo ng
lahat ng final goods na nabuo ng mga sektor ng
agrikultura, industriya, at serbisyo

You might also like