You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay:
Naipapamalas angpag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa
pambangsang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay:
Nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing
ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Ang mga mag-aaral ay:
Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

I. Mga Layunin
a. Natutukoy ang iba’t ibang pamamaraan sa pagsukat ng pambansang
kita gamit ng iba’t ibang uri ng Gross National Income;
b. Napapahalagahan ang iba’t ibang uri ng pagsukat ng Gross National
Income; at
c. Nakasusukat sa pambansang kita sa pamamagitan ng talahanayan
sa pagkompyut ng Price Index at Real GNI.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Iba’t Ibang Uri ng Gross National Income
B. Babasahin: Aralin Panlipunan 9, Ikatlong Markahan – Modyul 3, pahina
3-9
C. Kagamitan: Pandikit, Larawan, Yeso, Manila Paper

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Pagpapaalala sa mga estudyante
 Panalangin
 Pagtala ng mga lumiban

a) Balik-aral
1. Ano ang tatlong paraan ng pagsukat sa GNI at GDP?
2. Bakit mahalaga na mapag-aralan ang pambansang kita?

b) Pagganyak (Buoin Mo Ako!)


 Pangkatin ang klase sa apat
 Suriin ang mga nagkagulo-gulong mga salita at paunahan
sa pagsagot
 Ang maraming naisagot ay ang panalo

SPERYO PRESYO INDEX


RECRNUT
CURRENT REAL

CONSTANT LIMITASYON

GROWTH KOMPYUTASYON
STANTCNO
RWOTHG
DEINX
LARE
MILISYONTA
PYUKOMTANOYS

c) Pagtalakay sa Aralin

Nominal GNI – tinatawag na CURRENT PRICES, ito ay kabuuan


na produksiyon ng bansa nakabatay sa kasalukuyang presyo sa
pamilihan.
Real GNI – tinatawag din itong CONSTANT PRICES, ito ay
tumutukoy sa halaga ng kabuuan na produksiyon ng bansa na ang
batayan ay presyo ng base year.

B. Panlinang na Gawain
a) Gawain 1
 Papangkatin ang klase sa apat
 Bawat pangkat ay gagawa ng talahanayan na nagsusukat
sa pambansang kita sa pamamagitan ng pagkompyut ng
Price Index at real GNI.
 Bibigyan lamang ng limang minuto sa paghahanda at
dalawang minuto sa pagpresenta sa naisagawang
talahanayan

TAON CURRENT/ PRICE INDEX CONSTANT/


NOMINAL GNI REAL GNI
2006 10,500
2007 11,208
2008 12,223
2009 13,505
2010 14,622

b) Pagsusuri
1. Naging madali ba ang pagkumpyot niyo sa Price Index at sa
Constant GNI?
2. Paano niyo nakuha ang inyong mga kasagutan?
3. Ano ang pakiramdam nang kayo ay nakapagkumpyot?

c) Paglalahat sa Aralin
Gawain 2
Panuto: Para sa aytem 1-4. Kompyutin ang Growth Rate ng
Current/Nominal GNI at Growth Rate ng Real/Constant GNI gamit
ang datos na nasa ibaba. Unawain at gamiting gabay ang pormula
sa pagkuha ng growth rate.

Taon Current/ Growth Rate ng Real/ Growth Rate


Nominal GNI Nominal GNI Constant GNI Constant GNI
2016 17,430,338 ------ 9,755,087 ------
2017 19,006,388 9.04 10,394,846 6.55
2018 20,909,891 (1.)________ 11,010,252 (3.)_______
2019 22,315,806 (2.)________ 11,616,982 (4.)_______

d) Aplikasyon

Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga na masukat ang economic


performance sa bansa?

IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang mga pahayag at itala ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa halaga ng kabuuan na produksiyon ng bansa na ang


batayan ay presyo ng base year. CONSTANT PRICE
2. Malalaman naman kung may matatamong pag-unlad sa ekonomiya sa
pamamagitan ng _______________. GROWTH RATE
3. Ito ay tinatawag din na Current Prices. NOMINAL GNI
4. Mga produktong kailangan pang iproseso upang maging yaring produkto o
final goods. INTERMEDIATE GOODS
5. Malaking halaga ng produksiyon at kita ay hindi naiuulat sa pamahalaan tulad
ng transaksyon sa black market. IMPORMAL NA SEKTOR

V. Takdang Aralin
Panuto: Suriin ang ipinapahiwatig ng larawan. Matapos ang pagsuri ay sagutin
ang mga tanong. Itala ang sagot sa kuwaderno.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ipinapahiwatig sa larawan?


2. Ano kaya ang mangyayari sa ekonomiya ng bansa pagkatapos ng
pandemya?
3. Bilang isang mag-aaral mayroon ka bang maitutulong para maibsan ang
suliraning ito?

Inihanda ni:

LAVERNE AUDREY S.ARENDAIN


Nagpapakitang Turo

Pinuna ni:

EVE B. ESPIRITU, LPT


Araling Panlipunan – Cooperating Teacher

You might also like