You are on page 1of 5

Banghay- Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa

Ikasiyam na Baitang

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok.
2. Natutukoy ang kahulugan ng pagkita, pagkunsumo at pag-iimpok.
3. Napahahalagahan ang pakinabang ng pag-iimpok

II. NILALAMAN

A. Paksa - Ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo

B. Sanggunian
Ekonomiks – Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral pahina 261-263

C. Mga Kagamitan
Laptop Flash Card Speaker
Projector

III.PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban sa klase
4. Balik-Aral (HULA LETRA)
Ating balikan ang ating aralin kahapon. May pahuhulaan ako ngayon sa inyo. Itaas
lamang ang inyong kamay sa gusting sumagot at isulat ang sagot sa pisara.
1. Pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma , bunga ng tuloy tuloy
na paggamit paglipas ng panahon.
D_ _ _ E _ _ _ _ _ N Sagot: DEPRESASYON
2. Salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng
kaplit na produkto o serbisyo.
S_B____Y_ Sagot: SUBSIDIYA

3. Ang tawag sa pamilihan ng illegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan, illegal


na pasugalan at maanumalyang transaksyong binabayaran ng ilang kumpanya
upang makakuha ng resultang pabor sa kanila
_L___ M__K__ Sagot: BLACK MARKET

5. Pagganyak
Panuto: Kailanang ko ng dalawang mag-aaral na pumunta sa unahan upang
obserbahan ang larwang nakikita ninyo sa pisara.
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?


2. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?

(Sa inyong Palagay ano kaya ang usaping ating pag-aaralan ngayong araw?)

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Pagpapakita ng “video presentation”


Ipon-Ipon Din: A Savings Video

https://www.youtube.com/watch?v=dIusl- RE8gQ

Ano sa tingin ninyo ang ipinararating na mensahe ng video na inyong napanood?


(Sagot: May kinalaman sa pag-iipon ng pera sa banko)

2. Pangkatang Gawain: Hatiin sa limang pangkat ang mga mag-aaral

Unang Pangkat: Punan ang organizational chart na magpapakita ng ugnayan ng Kita,


Pagkonsumo at Pag-iimpok.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok?


2. Paano magagamit ang wastong kaalaman sa kita, pagkonsumo at pag-iimpok?
3. Bakit may mga taong nahihirapan magbalanse ng kita, konsumo at ipon?

Ikalawang Pangkat: Ibigay ang sariling pagkakaunawa ng kahulugan ng Kita, Pagkonsumo, at


Pag-iimpok. Isulat sa kahon ang mga sagot.
Pamprosesong Tanong

1. Ano ang inyong naunawaan sa kahulugan ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok?


2. Ang sapat na kaalaman sa paggasta, pagkonsumo at pag-iimpok ay may malaking
epekto sa ekonomiya sang-ayon ka ba dito? Bakit?

Ikatlong pangkat: Isulat sa kahon ang mga salik na panagkukunan


ng kita.

Pamprosesong Tanong:

1.Anu-ano ang pinagmumulan ng kita ng inyong pamilya?


2. Bakit may mga tao na malaki ang kita at may iba naman na maliit lang ang kinikita?

Ikaapat na pangkat: Sagutin ang tanong: Ano ang Pagkonsumo? Ilagay


sa kahon ang inyong kasagutan.

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang pangunahing gastusin ng pamilya?
2. Kapag may nakita kang isang bagay na gustong-gusto mo binibili mo ba iyon?

Ikalimang Pangkat: Sa inyong pagkakaunawa, Ano ang kahulugan ng pag-iimpok? Ilagay ang
inyong sagot sa loob ng bahay na hindi lalampas sa tatlumpung letra.
Anu-ano ang pamamaraan ng pag-iimpok? Isulat ang mga sagots sa hugis bilog
Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang pag-iimpok o Savings?
2.Ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok sa alkansiya at pag-iimpok sa bangko?

Pamantayan sa pagmamarka sa Pangkatang Gawain

Kraytirya 4 3 2 1
Mahusay na naipapaliwanag nang Naipaliwanag ang Naiugnay ang Walang
malinaw ang mga relatibong detalye paksa ngunit may relasyon ng pang- kaugnayan ang
na may kaugnay sa paksa. kaunting kakulangan suportang detalye teksto sa paksa
Paksa sa paksa ngunit
hindi malinaw

Mahusay na naisasaayos nang Naisaayos nang Ang organisasyon Hindi


mabuti ang pagkakasunodsunod mabuti ang ng mga ideya ay organisado ang
Organisasyon nang mga detalye at pagkasunodsunod ng hindi sunudsunod at gawain
nakapagprodyus ng isang kaaya- mga detalye ngunit kulang
ayang komposisyon may kaunting
kakulangan

Pamamahala Mahusay na naipamalas ang mga Ginamit ang sapat na Naisagawa ang Hindi naisagawa
ng oras gawain sa itinakdang oras at oras ngunit may gawain ngunit hindi ang pangkatang
naipresenta ng maganda ang kaunting kakulangan maayos ang gawain dahil
pangkatang Gawain sa preparasyon preparasyon at hindi
walang kahandaan napamahaalan
ang oras

C. Pagtatalakay

1. Pagtatalakay kung anu-ano ang nag uugnay sa Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok


 Kita
 Pera
 Pagkonsumo
 Pag-iimpok

2. Pagtalakay patungkol sa “7 Habits of Wise Saver”a PDIC deposit

1. Kilalanin ang iyong bangko


2. Alamin ang produkto ng iyong bangko
3. Alamin ang mga serbisyo at mga bayarin sa iyong banko
4. Ingatan ang iyong bank records at siguraduhing up-to-date
5. Makipagtransaksyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadong tauhan nito
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance
7. Maging maingat

D. Aplikasyon / Pagpapahalaga

Balik sa inyong mga pangkat, maari nyo bang talakayin ang mga sumusunod na
mga katanungan at ibabahagi ito ng inyong napiling representante ng inyong pangkat
ang inyong mga kasagutan ditto sa harapan.
1. Paano mo pahahalagahan ang perang kinikita ng iyong magulan?
2. Magkano ang dapat na inihulog sa alkansiya mula sa baon na ibinibigay ng
inyong magulang?

IV. PAGLALAHAT

(Ang mga mag-aaral ay mgabibigay ng mga kasugtan sa mga sumusunod na mga tanong)

1. Ano ang ugnayan ng Kita, Pagkonsumo at Pag-iimpok?


2. Ano ang kahalagahan ng pagiimpok?
3. Anu-ano ang 7 Habits of a wise saver?

V. PAGTATAYA

Panuto: Kumuha ng ika-apat na bahagi ng papel at sagutan ang mga sumusunod.

____________1. Ano ang tawag sa isang tao na basta may pera ay bili lang nga bili hanggang
sa maubos ang pera?
____________2. Ito ang ginagamit sa pagbiling mga bagay na kinakailangan upang mapunan
ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao?
____________3. Ito ay tumutukoy sa kitang hindi nagastos sa pagkonsumo o
pangangailangan?

____________4. Dito inilalagak ang perang hindi nagastos sa pagkonsumo o


pangangailangan?

____________5. Ang tawag sa kita na binibigay ng banko mula sa naipong pera na inilagak sa
loob ng tatlong buwan?

Mga sagot: 1. Impulse Buyer 2. Pera 3. Savings o Ipon 4. Bangko 5. Interest

VI. TAKDANG ARALIN

Panuto: Mag saliksik tungkol sa IMPLASYON at sagutan ang mga sumusunod na katanungan

1. Ibigay ang kahulugan ng implasyon?


2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng implasyon?
3. Ano ang SALN?

Inihanda ni:

Nelenor Malvar-Baron
Teacher Applicant

You might also like