You are on page 1of 49

MGA PALATANDAAN NG

PAMBANSANG KAUNLARAN
Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran AP9MSP-IVa-2
PANIMULA
Ang Pambansang Kaunlaran ay hindi nakakamit sa isang iglap
lamang. Napakalawak at napakasalimuot ng ating ekonomiya dulot
ng pinagsama-samang sektor na nakikibahagi nito. Nandiyan pa ang
mga suliraning hinaharap natin tulad ng kahirapan, kakulangan sa
trabaho, kurapsiyon at iba pa.
Sa kabila nito patuloy pa rin tayong nagsusumikap na
mapagtagumpayan ito at makaahon tayo sa hirap at hamon ng
buhay.
PANIMULA
Kung titignan natin ang pambansang ekonomiya sa pinakamaliit na
lebel tulad ng sambahayan, higit nating mauunawaan ang
kalagayan ng ating ekonomiya sa kabuuan. Tulad ng isang
sambahayan, masasabi natin na may pag-unlad at pagsulong kung
may matibay tayong batayan nito.
Kagaya ng masiglang pangkabuhayan at may sapat na resources
na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat
kasapi nito.
PANIMULA
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat kasapi na may
kanya-kanyang tungkuling ginagampanan, ito ay magdudulot
ng masayang pamumuhay. Kung may suliranin mang
dumaan sa sambahayan, nasosolusyonan kaagad ito sapagkat
may pagkakaisa ang bawat kasapi.
Sa tamang pamamahala ng mga magulang nagagabayan nila
nang wasto ang sambahayan.
PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang


mga pahayag sa ibaba. Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
PAUNANG PAGTATAYA
1. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na
masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa
matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang
bansa.
A. kaunlaran
B. katuparan
C. kaginhawaan
D. katagumpayan
PAUNANG PAGTATAYA
2. Alin sa mga salik na ito ang nagagamit nang mas
episyente upang mas marami pa ang mga malilikhang
produkto at serbisyo?
A. kapital
B. yamang- tao
C. likas na yaman
D. teknolohiya at inobasyon
PAUNANG PAGTATAYA
3. Sino ang naniniwala na ang kaunlaran ay matatamo
lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay?
A. Fajardo at Dy
B. Todaro at Smith
C. Benjamin Castro
D. Feliciano Fajardo
PAUNANG PAGTATAYA
4. Sa usaping pagsulong, alin sa mga sumusunod na
pahayag ang tinutukoy ni Fajardo na nagbibigay ng
totoong pag-unlad?
A. pag-alis
B. pagsukat
C. paghawak
D. pagbahagi
PAUNANG PAGTATAYA
5. Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking hamon sa taong 2020
hanggang sa kasalukuyan, binago nito ang pamumuhay ng tao at
ekonomiya. Sa iyong palagay, may pag-asa pa ba tayong uunlad muli?
A. Wala, dahil bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.
B. Mayroon, dahil hindi tayo pababayaan ng gobyerno.
C. Wala, dahil limitado ang galaw o kilos ng bawat tao para maghanapbuhay.
D. Mayroon, kung magkakaisa tayong lahat upang labanan ang pagkalat ng
virus.
GAWAIN 1: INSTA-SAGOT
Pansinin ang mga larawan sa susunod na
pahina. Suriing mabuti ang kalagayan ng
bawat larawan. Bigyan ng malikhaing
pamagat ang bawat larawan.
GAWAIN 1:
INSTA-SAGOT
GAWAIN 1:
INSTA-SAGOT
GAWAIN 1:
INSTA-SAGOT
GAWAIN 1:
INSTA-SAGOT
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na
nakapukaw ng iyong pansin? Bakit?
2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinigay mo sa mga
larawan ang ninais mong maging kalagayan ng iyong
lipunan at ng ating bansa? Ipaliwanag.
3. Paano nga ba mailalarawan ang isang bansang maunlad?
*yan ang ating tatalakayin ngayon araw.
ANG PAMBANSANG
KAUNLARAN…
- ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat
ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng
ekonomiya ng isang bansa.
-Ito rin ay nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang
kabutihan para sa panlipunang kapakanan tulad ng edukasyon,
kalusugan, imprastraktura at iba pang serbisyong panlipunan.
-Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at
kagamitan, pangkalahatang pagbabagong pangkabuhayang gawain mula
agrikultura patungo sa sektor ng industriya.
MGA PALATANDAAN NG
PAMBANSANG KAUNLARAN
1. Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa.
2. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura.
3. Pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao o ang pagbawas sa mga iskwater.
4. Hindi makikita ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na antas ng
pamumuhay ng mga tao.
5. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa.
6. Mayroong kalayaan ang mga tao na makaahon sa kahirapan.
7. Mababa ang bilang ng mga krimen na nagaganap.
DIKSIYONARYONG MERRIAM-
WEBSTER

-ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa


tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.

- Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan


din sa salitang pagsulong.
FELICIANO R. FAJARDO

Ayon sa sinulat ni Feliciano R. Fajardo, inilahad niya ang


pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad.
Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso.
Ang pagsulong ay nakikita at nasusukat tulad halimbawa
ng daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko,
paaralan at marami pang iba.
FELICIANO R. FAJARDO
Ang pagsulong ay nakikita at nasusukat.
Ang mga halimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali,
pagamutan, bangko, paaralan, at marami pang iba.
Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad. Subalit hindi doon nagtatapos ang
pag-unlad. Dapat itong makalikha ng mas marami at lalong mabuting
produkto at serbisyo.
Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng
pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng
kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at
pananamantala.
MICHAEL P. TODARO AT
STEPHENE C. SMITH
Sa kabilang banda, ayon naman kina Michael P.
Todaro at Stephene C. Smith sa tradisyunal na
pananaw, binigyang diin ang pag-unlad bilang
pagtamo ng patuloy na pagtaas ng income per
capita nang sa gayon ay mapabibilis ang pagdami ng
awtput ng bawat bansa kaysa sa bilis ng pag-unlad ng
populasyon.
MICHAEL P. TODARO AT
STEPHENE C. SMITH
Sa makabagong pananaw naman ang pagsulong ay
kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong
sistemang panlipunan. Dapat ituon ang pansin sa iba’t ibang
pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao upang
masiguro ang paglayo mula sa di- kaaya-ayang kondisyon ng
pamumuhay tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya.
SA AKDANG “DEVELOPMENT AS
FREEDOM” (2008) NI AMARTYA SEN
Ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung
“mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya nito”.
Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang
pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng
kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng
iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga
mamamayan.
PAGSASANAY BILANG 1:
 Basahin at suriin ang
mga nilalaman ng Konsepto ng Pag-unlad at Pagsulong

dayagram na “Power
Thinking”. Hanapin Kahulugan ayon sa
Diksyonaryo
Kahulugan ayon kay
Feliciano Fajardo
Kahulugan ayon
kina Todaro at Smith
Kahulugan ayon kay
Sen

ang kasagutan upag


makompleto ang Pag-unlad: Pag-unlad: Pag-unlad: Pag-unlad:

bawat kahon.
Pagsulong: Pagsulong: Pagsulong:
Pagsulong:
MGA PALATANDAAN NG
PAG-UNLAD

Maaari kayang magkaroon ng


pagsulong kahit walang pag-
unlad?
MGA PALATANDAAN NG
PAG-UNLAD
 Pagsulong:
Maraming bansa sa kasalukuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo.
Maraming modernong gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa. Maraming
mga korporasyon ang kumikita nang malaki subalit karamihan sa mga ito ay
pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga dayuhang mamumuhunan.
Sa katunayan, sa kauna-unahang pagkakataon ay naiulat ng United Nations Conference
on Trade and Development (UNCTAD) na noong 2012 ay mas malaki ang bilang ng
mga dayuhang mamumuhunan (FDI) sa mga papaunlad na bansa kompara sa mauunlad
na bansa.
MGA PALATANDAAN NG
PAG-UNLAD
 Ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunang
ito ay nakapagtataguyod ng mas mabilis na
paglago at pagsulong ng kanilang ekonomiya.
 Subalit, laganap pa rin ang kahirapan, kawalan ng
sapat na edukasyon, at patuloy na pagbaba ng antas
ng kalusugan sa mga nasabing papaunlad na bansa.
MGA PALATANDAAN NG
PAG-UNLAD
 Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitulong
ng mga likas na yaman tulad ng langis sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa.
 Karamihan ng mga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng
UAE, Qatar, at Saudi Arabia ay nagtamo ng mabilis na
paglago ng ekonomiya dala ng kanilang kita mula sa langis
ayon na rin sa ulat ng International Monetary Fund noong
2013.
MGA PALATANDAAN NG
PAG-UNLAD
 Nakapagpatayo sila ng maraming gusali at
imprastraktura na talaga namang nakatulong sa pag-
unlad ng mga nasabing bansa. Bunga nito, nakapag-
angkat sila ng mga makabagong teknolohiya, magagaling na
manggagawa, at mga dekalidad na hilaw na materyales
mula sa ibang bansa.
MGA PALATANDAAN NG
PAG-UNLAD
Bukod pa sa mga likas na yaman, may iba pang mga
salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa. Sa librong Economics,
Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek, John
Morton at Mark Schug, inisa- isa nila ang mga ito.
MGA SALIK SA PAG-
UNLAD AT PAGSULONG
1. Likas na Yaman -Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa
pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig,
kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa
mabilis na pagsulong ng isang bansa.

2. Yamang-Tao - Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng


ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang
bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito.
MGA SALIK SA PAG-UNLAD
AT PAGSULONG
3. Kapital - Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng
ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa
mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.

4. Teknolohiya at Inobasyon- Sa pamamagitan ng mga salik na ito,


nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang –yaman upang
mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
MGA SALIK SA PAG-UNLAD
AT PAGSULONG
 Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong,
sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon.
Sa pagsukat nito, ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product
(GNP), GDP/ GNP per capita at real GDP/ GNP.
 Sa kabilang banda, hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at
serbisyo dahil hindi nito naipakikita kung paano naipamamahagi ang kita at yaman ng
bansa sa mga mamamayan nito. Samakatuwid, hindi sapat ang mga numero,
makabagong teknolohiya, at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang
isang bansa.
MGA SALIK SA PAG-UNLAD
AT PAGSULONG
Higit pa rito ang kahulugan ng pag-unlad. Higit
pa ito sa mga modernong kagamitan at mga
makabagong teknolohiya sapagkat kasama rito
ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng
pamumuhay ng mga tao.
PAGSASANAY BILANG 2:
Itala ang mga salik na nakatutulong
sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa
gamit ang concept mapping chart.
Gamit ang mga salik na iyong
naitala, ipaliwanag naman sa text box
kung paano pa mapagbubuti ng
Pilipinas ang pagsulong ng
ekonomiya nito.
FORMATIVE ASSESSMENT
Panuto: Isulat sa sagutang papel
ang tamang salita upang mabuo
ang pahayag. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.
 ______________________1. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng
isang bansa na suportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao
para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng
isang bansa.
 ______________________2. Ito ang mga salik na ginagamit
nang mas episyente sa mga pinagkukunang yaman upang mas
maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
 ______________________3. Isa sa mga mahahalagang salik
na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya.
 ______________________4. Malaki ang naitutulong nito sa
pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang yamang-lupa,
tubig, kagubatan, at mineral.
______________________5. Ito naman
ay sinasabing lubhang mahalaga sa
pagpapalago ng ekonomiya ng isang
bansa.
PAGLALAPAT
 1. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang maaari mong gawin
upang makatulong sa pag-unlad ng bansa? Paano mo
hihikayatin ang ibang tao na tulungan ang bansang Pilipinas
na bumangon mula sa kahirapan? Gawin ito sa sagutang
papel.
 _____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________.
PAGLALAHAT
Katanungan:
Ano ang pagsulong?
Ano ang pag-unlad?
Ano ang mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran?
Ano ang mga salik sa Pag-unlad at Pag-sulong?
PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang


mga pahayag sa ibaba. Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
PAGTATAYA
1. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na
masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa
matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang
bansa.
A. kaunlaran
B. katuparan
C. kaginhawaan
D. katagumpayan
PAGTATAYA
2. Alin sa mga salik na ito ang nagagamit nang mas
episyente upang mas marami pa ang mga malilikhang
produkto at serbisyo?
A. kapital
B. yamang- tao
C. likas na yaman
D. teknolohiya at inobasyon
PAGTATAYA
3. Sino ang naniniwala na ang kaunlaran ay matatamo
lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay?
A. Fajardo at Dy
B. Todaro at Smith
C. Benjamin Castro
D. Feliciano Fajardo
PAGTATAYA
4. Sa usaping pagsulong, alin sa mga sumusunod na
pahayag ang tinutukoy ni Fajardo na nagbibigay ng
totoong pag-unlad?
A. pag-alis
B. pagsukat
C. paghawak
D. pagbahagi
PAGTATAYA
5. Ang Pilipinas ay humaharap sa malaking hamon sa taong 2020
hanggang sa kasalukuyan, binago nito ang pamumuhay ng tao at
ekonomiya. Sa iyong palagay, may pag-asa pa ba tayong uunlad muli?
A. Wala, dahil bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.
B. Mayroon, dahil hindi tayo pababayaan ng gobyerno.
C. Wala, dahil limitado ang galaw o kilos ng bawat tao para maghanapbuhay.
D. Mayroon, kung magkakaisa tayong lahat upang labanan ang pagkalat ng
virus.
TAKDANG ARALIN
Magsaliksik tungkol sa mga
Pagkilos para sa Pambansang
Kaunlaran, isulat ang mga
sagot sa inyong kwaderno.

You might also like