You are on page 1of 10

Modyul 3 :

MGA ISYU SA PAGGAWA


Sa araling ito ay iyong matututunan ang maraming bagay
tungkol sa isyu ng paggawa.

Sa kasalukuyan, maraming isyu ang kinakaharap sa larangan


ng paggawa sa bansa. Higit mong matututunan ang pagbibigay
halaga sa mga manggagawang Pilipino at ang mga paraan na dapat
isagawa upang matulungan ang manggagagawa sa mga suliraning
kanilang kinakaharap gaya ng paglaganap ng Globalisasyon na
nagtutulak sa mga manggagawang Pilipino upang mahirapan
makasabay sa hinihingi ng umuunlad na panahon.

Sa modyul na ito, magiging sentro ng mga talakayan at gawain


ang paraan ng pagtatanong at pagtuklas upang mapagtibay ang
iyong kaalaman hinggil sa mga isyung kinakaharap ng paggawa.

Ngunit bago ka magpatuloy ay basahin muna ang inaasahang


magagawa para sa araling ito.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard):


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang-ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong
pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard):


Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies):


1. Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa;
2. Natataya ang implikasyon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at sa pag-
unlad ng ekonomiya ng bansa;
3. Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang suliranin sa paggawa.
ALAMIN NATIN!
Ito ang unang bahagi ng Inquiry-Based learning kung
saan magiging pokus ng gawain ang pagsusuring tanong
(inquiry-questions) at ang inisyal na pagtuklas sa
pagpapatibay ng iyong kaalaman.

1. Ano-anong hamon sa paggawa ang


kasalukuyang kinakaharap ng
manggagawang Pilipino lalo na sa
aming paaralan at komunidad?
2. Ano-ano ang mga dahilan, epekto at
solusyon sa pagkakaroon ng kawalan
ng trabaho?

Sa pagtatapos ng modyul, muling balikan ang mga


pagsusuring tanong (inquiry-questions) ng aralin.
PAG-USAPAN NATIN

Gawain 1: DATOS-SURI
Panuto: Mula sa talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng bahagdan ng mga
Pilipinong may trabaho, pag-usapan ang mga sumusunod:
1. Saang industriya nakapaloob ang maraming manggagawang Pilipino?
2. Ano ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor ng lipunan?
TABLE 6B Percent Distribution of Employed Persons by Sex, by Region and
Major Industry Group: July 2016
Region and Major Industry Group Total Male Female
Philippines 40,954 25,104 15,849
Number (in thousands)
Total 100.0 100.0 100.0
Agriculture, hunting and forestry 24.2 28.8 16.9
Fishing 3.1 4.7 0.6
Mining and quarrying 0.6 0.8 0.1
Manufacturing 8.2 7.7 9.2
Eletricity, gas, steam and air conditioning supply 0.3 0.3 0.1
Water supply, sewerage, waste management 0.2 0.2 0.1
and remediation activities
Construction 8.6 13.6 0.5
Wholesale and retail trade; repair of motor 19.8 12.9 30.6
vehicles and motorcycles
Transportation and storage 7.6 11.9 0.7
Accomodation and Food service activities 4.2 2.9 6.3
Information and communication 0.9 0.9 0.8
Financial and insurance activities 1.3 0.9 1.8
Real estate activities 0.4 0.3 0.6
Professional, scientific and technical activities 0.5 0.4 0.7
Administrative and support service activities 3.3 3.5 3.0
Public administration and defense; compulsory 5.2 4.8 5.7
social security
Education 3.2 1.4 6.1
Human health and social work activities 1.2 0.6 2.1
Arts, entertainment and recreation 0.7 0.7 0.8
Other service activities 6.8 2.7 13.4
Activities of households as employers; 0.0 0.0 0.0
undifferented goods and services-producing
activities of households for own use
Activities of extraterritorial organization and 0.0 0.0 0.0
bodies
Pinagmulan: https://psa.gov.ph/content/statistical-tables-labor-force-survey-lfs-
july-2016
Gawain 2: G-P-S REACT!
Deskripsyon: Kumpletuhin ang impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. Itala sa G ang Globalisasyon at ugnayan nito sa
Sektor ng Paggawa. Sa P naman ay itala ang epekto ng kontrakwalisasyon sa
sektor ng paggawa. Samantalang sa S naman ay itala ang dahilan bakit
maraming manggagawa ang may mababang sahod.

Globalisasyon Kaugnayan ng Globalisasyon


sa Sektor ng Paggawa

Paggawa Epekto ng kontrakwalisasyon sa


Sektor ng Paggawa

Sahod Dahilan ng pagkakaroon ng


mababang sahod
PAUNLARIN NATIN
Sa bahaging ito higit na nabibigyang diin ang lalong
mapalalim ang pag-unawa sa paksang tinatalakay sa
pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyon mula
mismo sa konteksto ng inyong komunidad na
kinabibilangan.

Gawain 3: IMBENTARYO NG MGA MANGGAGAWA


Panuto: Kumpletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbentaryo ng mga
manggagawa sa iyong pamilya, komunidad at paaralan. Magbigay ng limang (5)
manggagawa sa imbentaryo.

A. Manggagawa sa inyong pamilya, komunidad at paaralan


Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos Hanapbuhay Status: Regular,
na Kurso Kontrakwal

B. Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga benepisyong iyong natatanggap?
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho, anong
hanapbuhay ang nais mong pasukan?
3. Ano-ano ang nararanasang isyu o suliranin sa iyong kasalukuyang
hanapbuhay ngayon? Sa iyong pananaw, bakit nararanasan ang mga
suliraning ito?
4. May maimumungkahi ka bang programa na dapat isagawa ng pamahalaan na
makatutulong sa mga manggagawang tulad mo?
5. Naranasan mo na bang mawalan ng trabaho? Ano ang dahilan bakit ito
nangyari at ano ang naging epekto nito sa iyong buhay?
TALAKAYIN NATIN
Sa bahaging ito,isinasagawa ng pag-uulat o
presentasyon ng mga nakalap na impormasyon sa
isinagawang pagsusuri. Higit pang maipapakita ang
inyong ganap na pagkaunawa sa pamamagitan ng
paglinang sa mapanuri o kritikal na pag-iisip.

Gawain 4: K-K-P-G TSART


Panuto:
 Kumpletuhin ang K-K-P-G Tsart gamit ang natapos na imbentary ng
mga manggagawa. Gagawin ito ng pangkat.
 Suriin ang mga datos na nakalap tungkol sa mga isyung kinaharap ng mga
manggagawa. Pagkatapos, iulat ito sa klase.

K K P G
(Kinakaharap (Kasalukuyang (Programa) (Gagawin ko)
na suliranin o kalagayan nila
isyu) bilang
manggagawa)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


a. Ano-ano ang uri ng manggagawa mayroon ang inyong pamilya, paaralan
at komunidad?
b. Sa kasalukuyan, may manggagawa ba sa inyong pamilya, paaralan o
komunidad ang naghahanapbuhay na malayo o walang kinalaman ang
kanyang hanapbuhay sa tinapos na kurso? Ipaliwanag.
c. Sa iyong palagay, ano ang uri ng mga manggagawa ang nakararanas ng
hindi pantay na oportunidad o mas vulnerable sa mga pang-aabuso?
SURIIN NATIN
Ito ay mga mapaghamong pagsasanay na inilalaan
kapag naging lubusan na ang pagkatuto ng mga mag-
aaral base sa resulta ng mga gawain at pagsasanay sa
PAUNLARIN NATIN at TIYAKIN NATIN.

Gawain 6: DAHILAN-EPEKTO-SOLUSYON
Panuto: Batay sa imbentaro ng manggagawa nakalap sa iyong komunidad, ilista
ang mga dahilan at epekto sa kawalan ng trabaho sa mga mamamayan at ilahad
kung paano din ito mabibigyan ng solusyon. Itala ang mga sagot sa nakalaang
espasyo.
PAHALAGAHAN NATIN
Ito ang pinakapuso sa proseso ng Inquiry-Based
Learning. Dito inaasahang malilinang ang mabubuting
pagpapahalaga o pagpapahalagang pangkatauhan na
binibigyang-diin sa bawat aralin.

Gawain 5: BASKET NG REPLEKSYON SA PAGKATUTO


Panuto: Ilagay sa PAK basket kung may natutunan ngunit may tanong habang
ilagay naman sa PAK NA PAK basket kung lubos nang natutunang ang naging
aralin. Ipaliwanag ang iyong sagot.
ISAGAWA NATIN!
Ito ang inaasahang pagganap, makatotohanan at
maghahanda sa mga mag-aaral sa totoong buhay. Sa
bahaging ito ay higit na makikilala ang kahalagahan ng
natutuhan sapagkat makikita kung paano ito maisasalin
sa isang makatotohanang gawain.

Gawain 6: INFORMATIONAL CAMPAIGN VIDEO


Panuto: Gumawa ng isang informational campaign video ukol sa inyong mga
mungkahi sa paglutas sa iba’t ibang mga suliraning kinahaharap ng sektor ng
manggagawa sa kasalukuyan. Ito ay gagawin sa loob lamang ng paaralan at ang
video ay dapat nasa 3-5 minuto. Ang informational campaign video ay bibigyan ng
iskor gamit ang rubrik sa ibaba.
Katangi-tangi Mahusay Katamtaman Kailangan ng
(5) (4) (3) dagdag na
pagsasanay
(2)
Higit na wasto at Wasto at mahalaga May ilan na di- Hindi wasto at
mahalaga ang ang mensaheng wasto at mahalaga mahalaga ang
mensaheng binigyan ng sa mga mensaheng mensaheng
binigyan ng interpretasyon binigyan ng binigyan ng
interpretasyon interpretasyon interpretasyon
Higit na mabisang Mabisang nailahad Hindi lahat ay Hindi mabisang
nailahad ang ang mensahe. mabisang nailahad nailahad ang
mensahe ang mensahe. mensahe.
Angkop na angkop Angkop sa paksa May ilang di angkop Hindi angkop sa
sa paksa ang mga ang mga ginamit na na ginamit na estilo paksa ang mga
ginamit na estilo at estilo at materyales at materyales ginamit na estilo at
materyales tungkol sa paksa. materyales
Sobrang masining Masining ang Hindi lahat masining Hindi masining na
ang pagkakalahad pagkakalahad ng nailahad ang nailahad ang
ng gawain mula sa gawain mula sa gawain mula sa gawain mula sa
mga eksena, mga eksena, mga eksena, mga eksena,
musika at props na musika at props na musika at props na musika at props na
ginamit ginamit ginamit ginamit
Natapos ang Natapos ang 1 araw na nahuli sa 2 o higit pang araw na
gawain sa takdang gawain sa takdang pagtapos ng nahuli sa pagtapos ng
panahon panahon gawain. gawain.

You might also like