You are on page 1of 7

Module 4 :

TUGON SA MGA ISYU SA


KASARIAN AT LIPUNAN

Sa araling ito ay iyong matutunan ang maraming bagay


tungkol sa mga tugon sa mga isyu sa kasarian at lipunan.

Mahalaga na maunawaan ang iba’t ibang diskriminasyon at


mga karahasang nararanasan ng kababaihan, kalalakihan at
LGBTQ+. Sa araling ito ay bibigyan kayo ng mga kaalaman at
kalinawagan sa kung paano dapat tugunan ang iba’t ibang isyu ng
diskriminasyon at karahasan sa kasarian tungo sa pagkakaroon
ng isang lipunang may respeto at pagkakapantay-pantay.

Sa modyul din na ito, magiging pokus ng mga gawain ang


paaran ng pagtatanong at pagtuklas upang mapagtibay mo ang
iyong mga kaalaman hinggil sa mga tugon sa mga isyu sa kasarian
at lipunan.

Ngunit bago ka magpatuloy ay basahin mo muna ang


inaasahang magagawa mo para sa araling ito.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard):


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan
sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard):


Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap
at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies):


1. Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon;
2. Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon;
3. Nakagagawa ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
CONNECTION: ALAMIN NATIN
Orienting and asking questions. Both the teacher and the students dive into
engaging and relevant questions from themselves to drive continued and self-
directed inquiry.
TANUNGIN NATIN!

Mga Pagsusuring Tanong (INQUIRY QUESTIONS):

1. Ano-ano ang kasalukuyang diskriminasyon o di-pagkakapantay-pantay dahil


sa kasarian ang kasalukuyang nararanasan sa aming paaralan?
2. Paano ba dapat tugunan ang mga diskriminasyon at karahasang dinaranas
ng mga kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+ sa ating pamayanan?

A.PAG-USAPAN NATIN
PAG-USAPAN NATIN

GAWAIN BLG 1: “WONDER WALL”


MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA:
(1) Hatiin ang klase sa apat na pangkat
(2) Ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang (5) minute upang bumuo ng kanilang
sariling pagpapakahulugan sa mga sumusunod:
Pangkat Una: Gender at Sex
Pangkat Ikalawa: Transgender at Transsexual
Pangkat Ikatlo: Gender Equality at Gender Equity
Pangkat Ikaapat: Women’s rights
(3) Ang bawat pangkat ay inaasahang makabuo ng kahulugan sa maayos at
malinaw na paraan. Inaasahan din na sila ay makapagbibigay ng mga
konkretong halimbawa.
(4) Bibigyan ang bawat pangkat ng 15 minuto pagkatapos , ang bawat pangkat ay
iuulat ang kanilang mga nabuong kahulugan.
(5) Ang guro ay isusulat ang mga importanteng detalye o impormasyong
mababanggit ng mga mag-aaral sa isang FLIP CHART.
Gawain 2: HEADLINE-SURI

DESKRIPSYON: Ang mga mag-aaral at sa tulong ng kanilang guro ay magbibigay ng


kanilang kaalaman tungkol sa mga larawang balita na makikita sa itaas. Ang mga
kasagutan ay isusulat sa pisara at pagkatapos ay susuriin ang mga ito.

(1) Ano-anong mga isyu ng diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay ang


ipinapakita sa mga balitang nasa itaas?
(2) Batay sa iyong mga nabasa o napakinggan, ano-ano ang sa inyong palagay ang
ginagawa ng iba’t ibang samahan upang mabigyan ng proteksyon ang mga
kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+?
(3) Sa iyong palagay, epektibo ba ang mga pagtugon na kanilang ginagawa? Bakit o
bakit hindi? Ipaliwanag.

GAWAIN BLG 3: VIDEO INTERVIEW


DESKRIPSYON: Hatiin ang klase sa iba’t ibang pangkat at atasan ang mga ito na
magsagawa ng isang video interview sa mga sumusunod:
Una at Ikalawang Pangkat Ikatlo at Ikaapat na pangkat
1 babae, lalaki, lesbian, Gay/Transgender Ang Focal person at mga miyembro ng
mula sa mga mag-aaral School Gender and Development
Committee (SGAD) pati na ang Guidance
Counsellor ng paaralan.
Gamitin ang mga sumusunod na katanungan sa gagawing pakikipanayam

1. Paano ang nagiging pakikitungo sa 1. Ano-ano ang mga uri ng


iyo ng mga sumusunod base sa diskriminasyon o pang-aabuso dahil
iyong oryentasyong sekswal o sa oryentasyong sekswal ang
pagiging nakararating sa inyong tanggapan?
babae/lalaki/lesbian/Gay/Transgend 2. Paano ang naging pagtugon ng
er? inyong tanggapan sa mga kaso ng
a. Pamilya pang-aabuso o diskrimasyon dahil
b. Mga Kaibigan sa oryentasyong sekswal ng isang
c. Komunidad tao?
d. Paaralan 3. Para sa inyo, paano maipapakita
2. Ano-anong halimbawa ng ang paggalang sa sekswalidad at
diskriminasyon ang iyong kasarian ng isang indibidwal?
nararanasan base sa iyong
kasarian o oryentasyong sekswal?
3. Para sa iyo, paano maipapakita ang
paggalang sa sekswalidad at
kasarian ng isang indibidwal?

Ang matatapos na VIDEO INTERVIEW ng bawat pangkat ay iiskoran o


bibigyang puntos gamit ang rubrik sa ibaba:

Rubrik sa Video Interview


PAMANTAYAN LUBOS NA MAHUSAY HINDI KAILANGAN
MAHUSAY GAANONG PANG
MAHUSAY MAGSANAY
NILALAMAN Tama at May isa o May ilang mali Karamihan sa
angkop ang dalawang mali sa mga ibinigay ibinigay na
lahat ng sa mga ibinigay na datos o datos o
ibinigay na na datos o impormasyon impormasyon
datos o impormasyon ay mali
impormasyon
PAGLALAHAD Lubhang Malinaw at Hindi gaanong Malabo at hindi
malinaw at nauunawaan malinaw at maunawaan
nauunawaan ang nauunawaan ang mga
ang pagkakalahad ang nailahad na
pagkakalahad ng mga datos pagkakalahad datos
ng mga datos ng mga datos
EBIDENSYA May sapat na May ilang May isa o Walang
ebidensyang ebidensyang dalawang ebidensyang
naipakita naipakita ebidensyang naipakita
naipakita
PAGHIHIKAYAT Nakahihikayat Nakahihikayat Bahagyang Hindi
ng lubos ang ang output nakahihikayat nakahihikayat
output ang output ang output
PRESENTATION: TALAKAYIN NATIN
Involves their analysis and interpretation of data. They create or
communicate their arguments for the proposition of a model.

GAWAIN BLG. 4: PAGPANOOD SA VIDEO INTERVIEW NA


NAGAWA NG BAWAT PANGKAT
DESKRIPSYON: Mula sa mga napanood na video interview ng mga mag-aaral,
magkaroon ng talakayan gamit ang 3-2-1 tsart.
3 bagong impormasyon tungkol sa konsepto ng kasarian at oryentasyong sekswal
batay sa mga datos na nakalap mula mismo sa inyong komunidad.
2 paraan na naiisip mong higit na makakatulong upang matagumpay na maisulong
ang pagkakapantay-pantay sa lipunan ano man ang kasarian at oryentasyong sekswal
ng isang indibidwal.
1 katanungan na nubuo sa iyo mula sa mga napanood na video interview.

EVALUATION: SURIIN NATIN


Involves their analysis and interpretation of data. They create or
communicate their arguments for the proposition of a model.

GAWAIN BLG. 5: INFORMATION RETRIEVAL PLAN


(PAGTUKOY SA DETALYE AT PAHIWATIG)
DESKRIPSYON: Sa bahaging ito, matapos panoorin ang mga nagawang VIDEO
INTERVIEW ng bawat pangkat, ang mga mag-aaral kasama ang kanilang guro ay
tutukuyin ang mahahalagang punto o detalye sa naging pag-uulat na magiging lunsaran
ng pag-unawa at talakayan tungkol sa nais nitong ipahiwatig o sabihin tungkol sa dapat
na maging pagtugon sa mga isyu ng kasarian at lipunan gamit ang isang information
retrieval plan.
PUNTO MAHAHALAGANG SINASABI NITO O
BLG. PUNTO/DETALYE SA PAG-UULAT IPINAHIHIWATIG

REFLECTION: PAHALAGAHAN NATIN


Think about learning, IBL process. It gives a reflective process for
students to judge their own inquiry.

GAWAIN BLG. 6: 60 SECONDS strategy


(RESPOND, REFLECT, REVIEW)
(1) Gamit ang kanilang natapos na information retrieval plan, muling babalikan ang
dalawang pagsusuring tanong o inquiry questions;
(2) RESPOND – tatawag ang guro ng mag-aaral na sasagutin ang inquiry questions
gamit ang kanyang natapos na information retrieval plan.
(3) REFLECT – ang mag-aaral ay magbibigay ng kanyang sariling pananaw o
opinyon sa maaring ipinahihiwatig o sinasabi ng mga impormasyon/detalye na
kanyang nailista sa kanyang IRP.
(4) REVIEW – ang guro at ilang mag-aaral ay magbibigay ng kanilang mga feedback
o positive affirmation tungkol sa ibinigay na kasagutan ng napiling mag-aaral.

ACTION: ISAGAWA NATIN!


Orienting and asking questions. Both the teacher and the
students dive into engaging and relevant questions from
themselves to drive continued and self-directed inquiry.

GAWAIN BLG. 7: ADBOKASIYA MO, ISULONG MO!


DESKRIPSYON:
(1) Gamit ang naunang pagpapangkat. Makipag-ugnayan sa ilang mga tagapayo ng
bawat baiting at pangkat. Ipaliwanag sa kanila na nais ninyong magbigay ng
impormasyon sa mga kapwa ninyo mag-aaral tungkol sa Gender and
Development partikular na ang mga isyu ng karahasan at diskriminasyon at kung
paano ang mga ito ay maiiwasan.
(2) Hilingin ninyo sa mga tagapayo na kayo ay bigyan ng maikling oras o panahon
upang makapagdaos ng isang SYMPOSIUM sa mga mag-aaral. Maghanda kayo
ng mga material gaya ng poster, leaflet at iba pa na maari ninyong gamitin sa
inyong adbokasiya.
(3) Ang inyong gagawing adbokasiya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
symposium ay bibigyan ng iskor gamit ang rubriks sa ibaba:

Krayterya Napakahusay Mahusay Di-Gaanong Hindi Mahusay


Mahusay
Nilalaman
Metodolohiya
Pagkamalikhain
Partisipasyon

You might also like