You are on page 1of 16

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

Belga, Jasmin Magat, Anna Liezel M.

Lesson Plan Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Heading Baitang 10

Ikaapat na Markahan

Kasanayang
Pampagkatuto 15.1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad
DLC (No. &
Statement)

Dulog o
Values Analysis Approach
Approach

Panlahat na Layunin
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
2

C- Pangkabatiran: nakakikilala ng mga isyung tungkol sa Kawalan ng


Paggalang sa dignidad at sekswalidad

(Objectives)
A- Pandamdamin: nakapaglalarawan at nakapaghahambing ng mga
DLC salik na nakakaapekto kaugnay sa paggalang sa dignidad at sekswalidad
ng isang indibidwal; at

B- Saykomotor: nakagagawa ng mga pagsusuri na nagpapakita


pagsaliwat sa mga isyu tungkol sa Kawalan ng Paggalang sa dignidad at
sekswalidad ng indibidwal sa pamamagitan ng movie analysis.

PAKSA

(TOPIC) Mga Isyung Moral Tungkol sa Kawalang Paggalang sa Dignidad at


Sekswalidad

Value/Dimension
Inaasahang
Pagpapahalaga
Respeto at Paggalang sa Buhay at Dignidad (Social Dimension)
(Value to be
developed)

SANGGUNIAN 1. Brizuela, M. J. (2015). Mga Isyung Moral tungkol sa Seksuwalidad.


In P. J. Amedo, G. Guevarra, E. Fernandez, S. Rivera, E. Celeste, R.
(APA 7th Edition
Balona Jr., B. D. Yumul, G. Rito, & S. Gayola (Eds.), Edukasyon sa
format)
Pagpapakatao 10 (pp. 280–298).
(References)
2. BANA-AG, F. E. (n.d.). Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Ikaapat na
varied
Markahan- Modyul 1 Pagkatao Ko, Igalang Mo!

3. Burce, L., Nerbeja, E., Bradecina, M. L., & Buling, A. (n.d.). Detailed
Lesson Plan in Edukasyon sa Pagpapakatao (Fourth Quarter).

4. Zalun, I. J. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na


3

Markahan- Modyul 2b. Kahalagan ng Paggalang sa Dignidad at


Sekswalidad. DepEd.

5. Zalun, I. J. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na


Markahan- Modyul 2a. Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at
Sekswalidad. DepEd.

Mentimeter

MGA KAGAMITAN Powerpoint Presentation

(Materials) Google Forms

Classroomscreen

Technology
Pamamaraan/Strategy: Scavenger Hunt Integration
Panuto: Ang mga mag-aaral ay maghahanap ng
tatlong gamit sa kanilang paligid na maaaring gamitin
bilang self-defense. Mayroon silang dalawang minuto Classroomscreen-
PANLINANG NA upang maghanap at ipresinta ito sa klase. Timer
GAWAIN

(Motivation) Mga Tanong:

1. Nahirapan ka ba sa paghahanap ng mga


kagamitan sa iyong paligid/bahay?
2. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay
naghahanap ng mga kagamitan?
3. Nabuhayan ba kayo sa ating ginawa?

PANGUNAHING Technology
Dulog o Approach: Values Clarification
GAWAIN Integration
Pamamaraan/Strategy: Mentimeter
(Activity)
Panuto:
Mentimeter
Bibigyan ng 3 minuto ng guro ang mga mag aaral
upang mag isip at mag lagay sa mentimeter ng 2
4

Classroomscreen
salita na unang pumapasok sa isipan nila kapag - Timer
narinig ang salitang “seksuwalidad”. Mag tatawag ng
3-5 mag aaral ang guro upang magbigay ng maikling
paliwanag kung bakit iyon ang kanilang naging sagot.

1.Bakit mahalaga ang magkaroon ng kaalaman Technology


tungkol sa mga isyung kaugnay sa kawalan ng Integration
paggalang sa dignidad at sekswalidad ? (C)
2. Bakit nagkakaroon ng ibat-ibang pananaw tungkol
sa mga isyung moral sa sekswalidad ? (C)
3. Ano ang nararamdaman ninyo kapag nakakabasa o
nakakakita kayo ng mga isyung nagpapakita ng
MGA
kawalan ng paggalang sa moral sa sekswalidad ? (A)
KATANUNGAN
4. Bakit nararapat na magkaroon at maunawaan ninyo
(Analysis) ang inyong sariling pananaw sa mga isyung moral sa
sekswalidad? (A)
C-A-B
5. Sa paanong paraan ninyo maibabahagi sa inyong
komunidad ang inyong mga kaalaman sa mga isyung
may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa
sekswalidad? (S)
6. Sa paanong paraan ka makakatulong o
makikibahagi upang masolusyonan ang mga isyung
moral sa sekswalidad ? (S)

PAGTATALAKAY Technology
Integration
(Abstraction) Balangkas ( Outline)

Seksuwalidad -ay isang malayang pagpili at personal


na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang Powerpoint
kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang
5

kaganapan kaisa ang Diyos. Presentation

Mga Isyung Moral Tungkol sa Sekswalidad

1. Pagtatalik bago ang kasal ( Pre-marital sex)

2. Pornograpiya

3. Mga Pang – aabusong Sekswal

4. Prostitusyon

5. Negatibong Epekto ng Kawalang Paggalang sa


Sekswalidad at Dignidad ng Tao

Nilalaman (Content)

Ano nga ba ang sekswalidad ? Ito ay kaugnay ng


pagiging ganap na babae o lalaki ng isang tao . Ito ay
ang malayang pagpili at personal na tungkulin na
ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan at
espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang
Diyos.

Lahat tayo ay sinusubok na buuin at linangin ang


seksuwalidad upang maging ganap ang pagiging
pagkababae o pagkalalaki. Kung hindi mapag iisa ang
sekswalidad at ang pagkatao maaaring magkaroon ng
kakulangan sa pagkatao pag sapit sa sapat na gulang
6

o adulthood. May malaking impluwensya sa pagkilala


at lubusang pang-unawa sa kanyang sarili ang
sekswalidad.

Maaaring magpakita ng mga manipestasyon na


magdadala sa tao sa mga isyung sekswal kapag
nagkulang ang tao sa aspektong ito.

Mga Isyung Moral Tungkol sa Sekswalidad

1.Pagtatalik bago ang Kasal (Pre-marital sex)- ito

ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala


pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa
kasal. Kapag ganap ng binata at dalaga( puberty ) ang
isang tao mayroon na itong kakayahang makibahagi
sa paglikha kagaya ng Diyos. Subalit, hindi pa rin ibig
sabihin na maari na siyang makipagtalik at magkaroon
ng anak. Magkakaroon lamang ng karapatang
makipagtalik ang isang tao kapag nasa wastong
gulang na at nakatanggap na ng sakramento ng kasal.

Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang pananaw na


siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang
kabataan ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik;

● Ito ay itinuturing na likas na gampanin ng


katawan ng tao upang maging malusog at
matugunan ang mga pangangailangan nito.
7

Hindi mararating ng tao ang kaganapan ng


kaniyang buhay kapag hindi raw ito isinagawa.

● Para sa isipan ng maraming kabataan ang


pakikipagtalik ay maituturing na tama lalo na
kapag may pagsang-ayon ang mga gumagawa
nito. Karapatan ng tao na makipagtalik at may
kalayaan silang gawin ito.

● Isa sa pinaniniwalaan ng mga gumagawa ng


pre-marital sex ay ang may karapatan silang
makaranas ng kasiyahan.

● Isang ekspresyon o pagpapahayag ng


pagmamahal ang pakikipagtalik.

Ang paggamit ng ating mga kakayahang sekswal o


ang pakikipagtalik ay kaloob sa atin ng Diyos. Isa
itong regalo o banal na kaloob, subalit maaari lamang
gawin ng mga taong pinagbuklod sa Sakramento ng
Kasal. Nagpapahayag ng kawalan ng paggalang,
komitment, at dedikasyon sa katapat na kasarian ang
pakikipagtalik ng hindi pa kasal.

2. Pornograpiya- ito ay mga mahahalay na


paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na
naglalayung pukawin ang sekswal na pagnanasa ng
nanonood o nagbabasa. Nagmula sa dalawang salitang
Griyego, "pome," na ang ibig sabihin ay prostitute o
taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at "graphos"
na nangangahulugan namang pagsulat o
paglalarawan.

Ang sumusunod ay ang ibat ibang epekto ng


8

pornograpiya sa isang tao;

● Nagkakaroon ng kaugnayan sa pakikibahagi


ng tao o paggawa ng mga abnormal na
gawaing sekswal, lalong- lalo na ang
panghahalay ang maagang pagkahumaling sa
pornograpiya.

● Dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay may


mga kalalakihan at kababaihan na nahihirapan
magkaroon ng malusog na pakikipag- ugnayan
sa kanilang ay asawa. Sa panonood at
pagbabasa ng pornograpiya sila nakakaranas
ng sekswal na kaligayahan, pang-aabuso sa
sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik.

● Ginagamit rin ito ng mga pedophiles sa


internet upang makuha ang kanilang mga
bibiktimahin. Pumupukaw ng mga damdaming
sekswal ng kabataang wala pang kahandaan
para rito ang mga mahahalay na eksenang
ipinakikita sa pornograpiya at nagdudulot ito
nang labis na pagkalito sa kanilang murang
edad.

Ayon kay Immanuel Kant , nauuwi sa kawalang-


dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga
makamundong pagnanasa. Lahat ng mabuting layunin
sa pakikipag kapwa ay maaaring hindi na matupad
kapag ang tao ay naging kasangkapan sa sekswal na
pangangailangan at pagkahumaling. Ang
pornograpiya ang isa sa dahilan ng pagbabago ng asal
ng isang tao.
9

3. Mga Pang-aabusong Sekswal- walang maaaring


ibigay na pangkalahatang kahulugan ang pang-
aabusong sekswal, isinasagawa ng isang nakatatanda
ang pang-aabuso na siyang pumupuwersa sa isang
nakababata upang gawin ang isang gawaing sekswal.
Maaaring paglalaro sa maselang bahagi ng sariling
katawan o katawan ng iba ang pang-aabusong
sekswal, at paggamit ng ibang bahagi ng katawan
para sa sekswal na gawain at sexual harassment.
Pagpapakita ng sarili na gumagawa ng sekswal na
gawain at sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad
na katawan na nagdudulot ng pagkakaroon ng
kaligayahang sekswal, seksuwal na pag-aari o kaya’y
panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba ay mga
halimbawa ng hindi pisikal na pamamaraan.

Ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang dahilan


o nagtutulak sa mga kabataan na gawin ito o
pumayag sa ganitong uri ng pagsasamantala;

● Ang mga bata o kabataan na may mahinang


kalooban, madaling madala, may kapusukan at
kadalasan iyong mga nabibilang sa mahihirap
at pamilyang hiwalay ang mga magulang ang
karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-
aabusong sekswal.

● Dahil nga sila ay mayroong mahinang


kalooban at wala pa sa tamang edad dito na
pumapasok ang mga taong mapagsamantala,
tulad ng mga pedophile na tumutulong sa mga
batang may mahinang kalooban subalit ang
layunin pala ay maisakatuparan ang
pagnanasa.
10

● May mga pagkakataon pa na ang


nanghihikayat sa kanilang na gawin ito upang
magkapera ay ang kanilang mga magulang
mismo. Ilan sa mga ito ay sila mismo ang
umaabuso sa kanilang mga anak.

Para lamang sa pagtatalik ng mag- asawa na


naglalayong ipadama ang pagmamahal sa isat-isa at
may tunguhin na magkaroon ng anak upang bumuo
ng pamilya ang paggamit ng kasarian. Esensiya ito ng
sekswalidad.

4. Prostitusyon-pagbibigay ng panandaliang-aliw
kapalit ng pera at sinasabing pinakamatandang
propesyon o gawain. Nagbabayad upang makipagtalik
ang taong umupa para makadama ng kasiyahang
sekswal.

● Maihahalintulad sa isang manunulat na


ibinibenta ang kaniyang isip sa pamamagitan
ng kaniyang mga sinusulat ang ginagawang
pagbebenta ng sarili ng isang prostitute.

● Ang kahinaan ng babae o lalaking sangkot


dito ay sinasamantala ng mga taong
“bumibili”.

● Sa prostitusyon, inaabuso ng tao ang kaloob


na handog ng Diyos na seksuwalidad

May kalayaan ang tao na gumawa ng pasiya/desisyon


na sumailalim sa prostitusyon, ngunit dapat isa alang
11

alang kung makabubuti kaya ito sa kaniya. May mga


hindi maaiwasang sitwasyon na maaaring gamitin ng
tao ang kaniyang kalayaan bilang dahilan sa pagpasok
sa prostitusyon, ngunit

laging tandaan na may kaakibat na pananagutan sa


paggawa ng mabuti at ang kalayaan.

5. Negatibong Epekto ng Kawalang Paggalang sa


Sekswalidad at Dignidad ng Tao

Ang pagkalito ng tao sa kung ano ang tama o mali


ang isa sa mga negatibong epekto ng mga isyu
tungkol sa dignidad at sekswalidad. Madalas ay
napipilit ng mga isyung ito ang tunay na mga
pamantayan o ideya ng tao tungkol sa dignidad at
sekswalidad. Ang maaring maging halimbawa nito ay
ang pag aasawa ng kapareha ng sekswalidad, kung
saan ito ay hindi itinuturing na likas o tama at
malinaw na hinahatulan ng bibliya. May mga epekto
ang bawat isyu sa pananaw at pag iisip nating mga
taong bayan. Kung kaya dapat lamang na sa ating
mga lider mismo nagsisimula ang mga pagpapakita ng
kung ano ang nararapat nating gawin upang maiwasan
na ang mga isyung ito at matigil na rin ang mga
negatibong epekto nito sa buhay at pag iisip lalo na
ng ating mga kabataan na dapat makikita at mapag
tuunan ng pansin sa mga isinusulong nila.

● Depresyon- Maaaring maging sanhi ng labis


na emosyon at pakiramdam na siya ay mahina
lalo na sa mga kababaihan. Maraming
kababaihan ang nagsisisi pagkatapos nilang
gawin ito na nagiging sanhi ng depresyon o
12

labis na kalungkutan pakiramdam nila ay


marumi sila

● Maagang pagbubuntis ( teenage pregnancy) -


dahil nga kulang pa ang kaalaman ng ibang
kabataan sa mga isyung moral sa sekswalidad
hindi nila naisasa isip ang mga magiging
epekto o bunga ng kanilang mga ginagawa.
Maraming mga kabataan na wala pa sa
tamang gulang ang nakakaranas nito lalo na
kung walang maayos na gabay mula sa
kanilang mga magulang o di naman kaya ay sa
impluwensya ng mga taong nakakasalamuha
nila.

● Aborsyon- dahil nga kakulangan sa kaalaman


ng mga isyung moral sa sekswalidad maaaring
magdulot din ito ng mga maling desisyon na
magagawa ng isang tao, isa na rito ay ang
pagkitil ng buhay ng isang sanggol sa
sinapupunan. Maraming nagiging
komplikasyon sa katawan ng isang babae ang
pagpapalaglag tulad ng labis na pagdurugo,
pagkakaroon ng kanser pagkabaog at ang iba
pa nga ay ikinamamatay nila ito.

PAGLALAPAT Technology
Pamamaraan/Strategy: Speech Advocacy Integration
(Application)
Panuto: Ang mga mag-aaral ay mahahati sa apat na
grupo. Mayroong nakatakdang isyu ang bawat
pangkat upang bumuo ng adbokasiyang naglalahad na
makatutulong upang maipalaganap ang kamalayan ng
mga mamamayan.

Unang Pangkat- Pre-Marital Sex

Pangalawang Pangkat- Pornograpiya


13

Ikatlong Pangkat- Pang-aabusong sekswal

Ikaapat na Pangkat- Prostitusyon

ang larawan na ito ay nagmula


https://psu.instructure.com/courses/1810541/assignments/9176404

PAGSUSULIT Mga Uri ng Pagsusulit: Technology


Integration
(Evaluation/ Panuto: Tukuyin ang mga salitang naglalarawan o
Assessment) nagsasaad sa mga sumusunod na pangungusap.

A. 1-5 Google Forms


1. Ito ay may malaking impluwensiya sa pagkilala
at lubusang pag-unawa sa sarili.
2. Nagdudulot ng abnormal na gawaing sekswal
halimbawa nalang ng paghahalay.
3. Paglalaro ng sariling sa maseselang bahagi ng
katawan o katawan ng iba.
4. Ang pinakamadalas na biktima ng mga pang-
aabusong sekswal.
5. Ito ay ang pagbabayad sa sa isang indibidwal
upang magbigay-aliw o makipagtalik.

Panuto: Iugnay ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa tabi ng bilang.

B.

Hanay A

6. Mahahalay na paglalarawan upang pukawin


ang sekswal na emosyon.
7. Pagtatalik ng dalawang tao na hindi pa kasal o
wala pa sa tamang edad.
14

8. Magpadama ng pagmamahal at tunguhin


upang magkaroon ng anak.
9. Tumutulong sa mga batang may mahinang
kalooban nang may pagnanasa.
10. Dahilan ng paglaganap ng pang-aabusong
sekswal.

Hanay B

a. pedophile
b. pre-marital sex
c. kahirapan
d. pornograpiya
e. pakikipagtalik

Panuto:

C. Sanaysay– 2 tanong

Panuto: Batay sa mga natalakay na mga aralin.


Bumuo ng sanaysay na magbabalangkas sa mga
sumusunod na katanungan.

1. Nasasalamin ba ang mga isyung nabanggit sa


mga aralin upang matukoy ang mga moral na
pagpapahalaga ng indibidwal sa kanyang
sekswalidad at dignidad?
2. Bilang isang indibidwal, ano ang maaari mong
ipamalas upang maipakita ang iyong dignidad
at paggalang sa sekswalidad sa ating lipunan?

Mga Kasagutan:

A.

1. sekswalidad

2. pornograpiya

3. pang-aabusong sekswal

4. kabataan
15

5. prostitusyon

B.

6. D

7. B

8. E

9. A

10. C

C.

ang larawan na ito ay nagmula sa https://brainly.ph/question/7886269

TAKDANG- Technology
Panuto: Panoorin ang pelikulang “A girl and the Gun”
ARALIN Integration
at gumawa ng movie analysis patungkol sa mga
(Assignment) isyung napapaloob dito. Maglalaman ito ng mga
pagpapahalagang moral kaugnay sa sekswalidad at
dignidad ng isang indibidwal at kanyang lipunan.
16

ang larawan ay nagmula sa https://www.scribd.com/document/357693583/Film-


Review-Rubric

Technology
Pamamaraan/Strategy: Values Analysis Integration
Panuto: Pagbabalik-tanaw sa pangunahing gawain,
ang mga salitang nakalap ay magsisilbing sanggunian
Pagtatapos na ng talakayan. Classroomscreen
Gawain - Random Name
Gamit ang Random Name sa Classroomscreen, ang
(Closing Activity) mapipiling mag-aaral ay maaaring magbahagi ng
kanilang mga karanasan o nararamdaman patungkol
sa mga salitang napili. Ito ay magiging pagpapalalim
sa mga kaalaman na kanilang nakalap sa araling ito.

You might also like