You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 10

I. Layunin
Content Standards:
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na
nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
upang maitaguyod ang pagkakapantaypantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan.

Performance Standards:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at
hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging
aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa
kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

Layunin
Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa Pilipinas

II. Paksang Aralin


Konsepto ng Kasarian

Kagamitan
Video presentation, Speaker, Prezi presentation, Pictures, Google classroom,
Laptop/computer/cellphone

Sanggunian
Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong
Panlipunan. Araling Panlipunan MELC (Grade 10 – 3rd Quarter
week1-2 p.64)
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga grade 10!

2. Pambungad na panalangin.

Magsitayo ang lahat. Richie maari mo bang


pamunuan ang pagdarasal?

Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat at


ayusin ang inyong mga upuan.
Magandang Umaga Grade 10!

3. Pagtala ng liban at hindi liban


(Tatawagin ng Guro ang class monitor)
_________ may lumiban ba sa araw na ito?

B. Balik aral
Bago tayo tumungo sa panibagong aralin
magkakaroon muna tayo ng balik-aral sa nakaraang
talakayan.

Ano ang Guarded Globalization?

Tama!

Susunod na katanungan, ito ay ang sapilitang


pagpapatrabaho sa isang tao na labag sa kanyang
kalooban?

Ano naman ang tawag sa pang-aalipin ng mga amo


sa kanilang empleyado.

Magaling! Lubusan na nga ninyong naiintindhan


ang ating nakaraang talakayan.

C. Pagganyak
Ngayon naman tayo ay magkakaroon ng
aktibidad, na pinamagatang It’s a boy thing or girl
thing. Mag papakita ako ng mga larawan o mga
salita sa screen sasabihin niyo kung ito ay boy
thing o girl thing. Paunahan sa pagsagot.

1.
2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

Nasiyahan ba kayo? Bigyan natin ang inyong mga


sarili ng pakbet clap!

Batay sa mga larawan at ginawang aktibidad ninyo.


Ano sa palagay ninyo ang ating aralin sa araw na ito?

Magaling!

D. Pagtatlakay
Sa bahaging ito ng ating aralin ay mauunawaan
ninyo ang kahulugan ng sex at gender at iyong
matutuklasan ang ibat-ibang uri ng sexual na
orientasyon.

May idea ba kayo kung ano ang pagkakaiba ng


GENDER sa SEX?

Ano ang Sex? Maari mo bang basahin ang slide?

Mahusay!

Ano naman ang Gender?

Magaling!

Ngayon dumako naman tayo sa katangian ng Sex


at Gender.

Sino ang makapagbibigay ng isang katangian ng


Sex?

Tama! ano pa?

Ngayon dumako naman tayo sa katangian ng


gender.
Magbigay ka nga ng isang halimbawa ng katangian
ng gender .

Magaling
!

Ano pa?

Tama! Ngayon alam na natin ang pagkakaiba ng


sex at gender maging ang kanilang mga katangian.
Dumako naman tayo sa SOGI o ang sexual
orientation at gender identity.

Maari bang pakibasa ang kahulugan ng


oryentasyong sexual (sexual identity) at ang
kahulugan ng pagkakakilanlang kasarian (gender
identity)?

Magaling!

Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri


bilang heterosexual at homosexual.

You might also like