You are on page 1of 20

Mga Salik na Nakakaapekto sa

Diskriminasyon sa Kasarian
Cultural Stereotyping
Ang kinagisnang kultura ay may malaking kontribusyon sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian.

Media
Ang napapanood sa pelikula at telebisyon ay nakaiimpluwensiya sa ating mga pananaw sa buhay kabilang na
rito ang pagtingin sa kakayahan at pagkilos na nararapat para sa partikular na kasarian.

Cultural Stereotyping
Ang kinagisnang kultura ay may malaking kontribusyon sa pagkakaroon ng
diskriminasyon sa kasarian.

Media
Ang napapanood sa pelikula at telebisyon ay nakaiimpluwensiya sa ating mga pananaw
sa buhay kabilang na rito ang pagtingin sa kakayahan at pagkilos na nararapat para sa
partikular na kasarian.

Kawalan ng Sapat na Edukasyon


Isang pagkakait na magkaroon ng kapasidad na maunawaan at maipagtanggol ang
kanilang karapatan.
Pamilya
May malaking bahagi sa paghubog ng isang bata bago pa siya maging ganap na
bahagi ng lipunan.

Kawalan ng Kaukulang Batas


Kawalan ng pambansang batas na titiyak na maiiwasan ang diskriminasyon sa kasarian
sa ating lipunan.

2 Written questions

1. Kawalan ng pambansang batas na titiyak na maiiwasan ang diskriminasyon sa kasarian


sa ating lipunan.

TYPE THE ANSWER

2. Ang kinagisnang kultura ay may malaking kontribusyon sa pagkakaroon ng


diskriminasyon sa kasarian.
TYPE THE ANSWER

1 Multiple choice question

1. Isang pagkakait na magkaroon ng kapasidad na maunawaan at maipagtanggol ang


kanilang karapatan.
1. Kawalan ng Kaukulang Batas
2. Pamilya
3. Kawalan ng Sapat na Edukasyon
4. Cultural Stereotyping

2 True/False questions

1. Ang napapanood sa pelikula at telebisyon ay nakaiimpluwensiya sa ating mga pananaw


sa buhay kabilang na rito ang pagtingin sa kakayahan at pagkilos na nararapat para sa
partikular na kasarian. → Media

True False

2. May malaking bahagi sa paghubog ng isang bata bago pa siya maging ganap na
bahagi ng lipunan. → Kawalan ng Kaukulang Batas

True False

Abigail Co BSEd 4L
LGBT in the Philippines

1. Mark Bautista – the singer made headlines recently for coming out of the closet as a bisexual
2. Paolo Ballesteros – the “Eat Bulaga” star revealed that he was in a relationship with a guy. He has
a daughter named Keira Claire
3. Aiza Seguerra – the former child star came out of the closet after a hiatus from showbiz. Aiza broke
into showbiz through the noontime show “Eat Bulaga”
4. Monique Wilson – The famous theatre actress came out of the closet in 2012. She became famous
for starring Miss Saigon. In 2012, she publicly came out as a lesbian in support of the one billion
rising campaign. She recently wed her partner of 17 years in london
5. Rustom Padilla – the former heartthrob has transformed into Bb Gandanghari. Rustom used to be
the husband of actress Carmina Villaroel
6. Florencio fawa batula – the transgender mayor of palapag, northern samar
7. Ricky Reyes – Mother Ricky
8. Geena rocero – model woman,
9. Rosanna roces – the 90s bomba star made headlines when she revealed that she is bisexual. She
has a girlfriend named blessy arias
10.
Reflection on Best
Lesson Plan used.
The best lesson plan that I use is my lesson plan on my demonstration. I really prepare for this
demonstration and I make sure that everything will be fine. For my motivation I choose Puzzle
analysis. Student are going to complete every missing piece of the puzzle when they are finish,
they need to analyze the picture and discuss its relationship with gender roles in the
Philippines. I want to develop my student critical thinking and organizing ideas in their own. It
will also help them to solve problem and find the missing link in the puzzle. Aside from it they
can also connect their previous knowledge on the present topic or lesson. This activity will also
enhance how they will cooperate and work as a team. Another this activity will also set their
mind to answer problems and question on time. For their evaluation they need to present a
tableau that will show the situation of women and men in the Philippines during different times
in the History. First group present the privilege that man have during the pre-colonial era.
Example man has a higher opportunity to be place in higher position in the society like being a
datu. On the other hand women also gain respect and higher value during that time like the “
Binukot” and “babaylan” .This activity will demand the whole body of the student. They need to
use their mind to think for the situation that they are going to portray. They need their kinesthetic
skills to present and portray the situation. This activity will also boost their confidence to deal
with other people. In conclusion you need to include every aspect of your student to ensure that
what they learn will last longer.

I am really happy about the feedback that I got from my student, cooperating teacher and
supervisor. It’s a great achievement for me as a student teacher but a sweet beginning in my
journey as a real teacher. I am overwhelmed about their comment and I will surely cherish their
advice in my heart and in my mind but for now I just want to enjoy every single minute
remaining in my time as a student teacher. I will truly treasure every moment that happen in my
cooperating school. The advice of my supervisor, cooperating teacher and head teacher will
always be my sword and shield in the new battle that I am going to face as a professional teacher.
I know I have a lot of things to learn and to experience for me to be a better teacher. Therefore I
will do everything to be a successful teacher that will lead the next generation in peace and
prosperity.

College of Education
Bulacan State University
Malolos, Bulacan
Lolomboy National High School
Bunducan Bocaue, Bulacan

MASUSING BANGHAY ARALIN SA


ARALING PANLIPUNAN
Ika- 10 Baitang
KONTEMPORARYONG ISYU

Inihanda ni:
ABIGAIL G. CO
BSED- SOCIAL STUDIES
Binigyang Pansin ni:
Gng. ELEONOR C. SIBUNAL
Cooperating Teacher
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IKA-10 BAITANG
( KONTEMPORARYONG ISYU)
Gender Role sa Pilipinas
I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang gender role sa Pilipinas sa iba’t-ibang panahon.

2. Nakagagawa ng representasyon ng katangian, kilos, gampanin at katayuan ng babae at lalaki


sa iba’t-ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa.

3. Napahahalagahan ang pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan sa ating lipunan.

II. PAKSANG ARALIN


 Aralin I : Gender Roles sa Pilipinas
 Sanguniang Aklat : Learning Module Araling Panlipunan Ika-10 baitang
 Modyul pahina 265-269
 https://tl.wikipedia.org/wiki/Kababaihan_sa_Pilipinas
 https://www.youtube.com/watch?v=LqUsd2URcjo
 https://www.youtube.com/watch?v=RbH2a-2t30o
 Materyales :
1. ½ Manila paper o 1 cartolina
2. Marker
3. Laptop
4. Projector
5. Chalk
6. ¼ sheet of paper
7. Colored paper

III. PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati Mag-aaral: Magandang umaga din po !
Magandang umaga sa inyong lahat mga bata! Maam Abi
Nawa ay nasa maayos lahat ang inyong
kalagayan….
2. Panalangin :
Ngayon bago tayo mag simula inaatasan ko ang
isang mag-aaral mula sa klase na pangunahan Mag-aaral :
tayo sa panalangin. Iyuko natin ang ating ulo, ipikit ang ang ating
mga mata at damhin natin ang presensya ng
ating Panginoon,
Ama naming na makapangyarihan sa lahat
salamat po sa araw na ito. Bigyan nyo po kami
ng katalinuhang nanggagaling sa inyo
pagpalain nyo po ang aming talakayan. Kayo
din po ang magbigay ng karunungan sa aming
guro upang matulungan nya kami na
maunawaan ng malalalim ang aming aralin.
3. Pagtatala ng liban Salamat po Amen .
Guro:
Mayroon bang lumiban sa ating klase ngayon?
Monitor;
4. Balik Aral
Aralin I. Konsepto ng kasarian at sex.
Sagot ng Mag-aaral;
Bilang pagbabalik sa ating mga natalakay :
1. Ano ang pagkakaiba ng konsepto ng Sex at
Gender?
2. Ano ang iba’t- ibang uri ng Oryentasyong
seksuwal?  Maam, ang sex po ay tumutukoy sa
pagkakaiba ng kasarian na nakabase sa pisikal
at biolohikal na kalagayan ng isang
indibidwal ang gender naman po ay
tumutukoy sa gampanin na itinakda ng
lipunan.
5. Motibasyon:
 Maam, may tinatawag po tayong homosexual
Motibasyon: at heterosexual.
Puzzle analysis!  Maam, may mga tao rin po na kabilang sa
Panuto: Ang klase ay hahatiin sa limang grupo. LGBT ( Lesbian, Gay, Bisexual at
Ang bawat grupo ay bibigyan ng piraso ng mga Transgender.
gulo-gulong larawan na kinakailangan nilang
ayusin para tuluyang mabuo ang larawan. Ang
bawat grupo ay magpapabilisan na mabuo ang Sagot ng mag-aaral:
larawan. Lahat ng grupo na tapos na sa  Maam, ang mga kababaihan po ay inaasahang
kanilang gawain ay inatasang ididikit sa pisara maging tagapag-aruga ng kanilang mga anak.
ang kanilang nabuong larawan.  Maam, ang mga kalalakihan naman po ay
inaasahang maging tagapagtangol ng kanilang
pamilya laban sa mga kaaway.
Suriin ang larawan at magbigay ng mga
 Maam, ang mga kalalakihan po ay malakas at
katangian o gampanin ng mga babae at lalaki na
sa inyong palagay ay inaasahang makita sa matapang.
kanila ng ating lipunan?
Guro:
Mahusay mga bata, Sa kabuohan o karamihan
ganyan tignan ng lipunan ang mga babae at
lalaki. Kung saan ang mga kababaihan ay
limitado lamang sa mga gawaing pantahan
samantalang ang mga kalalakihan ay
kailanagang gampanan ang mga gawain na may
kinalaman sa pagbibigay ng proteksyon sa
kanyang pamilya at sa pagkakaroon ng
ikabubuhay.
Ngunit ito pa rin nga ba ang pagtingin ng
ating Lipunan sa babae at lalaki sa
kasalukuyan?
Ang tanong na ito ay masasagot natin habang
Lumalalim ang ating talakayan?
Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan
kung ano ang katayuan at gampanin ng babae at
lalaki sa iba’t-ibang panahon ng kasaysayan ng
ating bansa.

B. Paglinang ng Aralin

1. Ano nga ba ang Gender Role?


Guro: Sagot ng mag-aaral:
Tama kayo mga bata,
Ang gender role ay tumutukoy sa kilos,  Maam, Ito po ay tumutukoy sa gampanin na
gampanin at gawain na itinatakda ng lipunan sa ibinibigay natin sa babae at lalaki.

babae at lalaki. Ang ibig sabihin nito kung ikaw Maam, ito po ay ang pagtingin o katangian na
ay ipinanganak na lalaki ang mga katangiang ikinakabit ng isang lipunan sa kababaihan at
pisikal mo ay panlalaki. Ikaw ay may testicles kalalakihan.
at ang hormones mo ay panlalaki. Ang lipunan
ay may hinahangad o inaasahan na karapat-
dapat na kilos para sa iyo.
Hal. Dahil ikaw ay lalaki inaasahan kang
maging malakas ka at mamuno sa digmaan.
2. Magbigay ng mga katangian, gampanin, Sagot ng Mag-aaral
gawain ng mga kalalakihan bago ang panahon  Maam, Ang mga kalalakihan po ng panahon na
ng pananakop sa ating bansa? iyon ay malakas at sila din po ang madalas na
Guro: kasama sa mga digmaan.
Mahusay mga bata!  Maam, ang mga kalalakihan po noon ay
Sa katunayan karamihan sa mga naging pinuno inaasahan sa mabibigat at mapangnanib na mga
ng mga bayan at maliliit na pamayanan ay mga trabaho tulad ng pasisisbak ng kahoy at
lalaki. Masasalamin natin dito na ang ating pangangaso.
lipunan ay may mataas na pagtingin sa mga
kalalakihan noon.
3. Magbigay ng halimbawa ng mga hanapbuhay  Sagot ng mag-aaral:
ng mga kalalakihan noon?  Maam, sila po ay mga mangangaso.
Guro:  Maam, sila po ay mga mangingisda.
Very Good!  Maam, nagsisibak po ng kahoy.
Kung mapapansin ang hanapbuhay noon ng
mga lalaki ay nakatuon sa mga bagay na
nangangailangan ng pisikal na lakas.
4. Ano naman ang katangian o gampanin ng mga Sagot ng Mag-aaral:
kababaihan bago ang panahon ng pananakop sa  Maam, ang mga kababaihan po ng panahon na
ating bansa? iyon ay tumatanggap ng mataas na paggalang
Guro: mula sa lipunanan na kanilang ginagalawan.
Magaling mga bata!  Maam itinuturi rin po silang mga prinsesa.
Tunay na pinapahalagahan ang mga  Maam, Sila po ay pwedeng maging babaylan.
kababaihan noon mayroon din silang karapatan
na mag may-ari ng mga ari-arian at maging
pinuno kung walang lalaking magmamana
kapalit ng dating datu. Mataas ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan dahil sila ang
kadalasang namumuno sa mga ritwal at mga
gawaing espiritwal na pinapahalagahan ng mga
Pilipino noon.

5. Sa inyong palagay mayroon bang di Sagot ng mag-aaral:


pagkakapantay sa pagtingin at sa karapatan ng
mga lalaki at babae noon?  Maam, mayroon din po, dahil kadalasan po
Guro: lalaki po ang namumuno sa pamayanan.
Tama!
Makikita natin na makapangyarihan din ang  Maam, sa aking palagay po mas mataas po ang
mga babae sa panahong ito ngunit hindi pa rin pagtingin sa kalalakihan kaysa sa kababaihan
natin maiaalis na ang mga kalalakihan ay noon.
nagtatamasa ng mas malaking kapangyarihan at
maraming karapatan kumpara sa mga
kababaihan. Ayon sa datos pang-kasaysayan
ang mga kababaihan sa Pilipinas maging sa
pinakamataas na uri o pinakamababa ay
pagmamay-ari ng kanyang asawa. Bukod pa
rito ayon sa boxer codex ang mga lalaki ay
pinapagayang magkaroon ng maraming asawa
at maaaring patayin ng asawang lalaki ang
kanyang asawa kapag nakita niya itong kasama
ng ibang lalaki.
6. May nakaka-alam ba sa inyo kung ano ang Sagot ng Mag-aaral
Boxer Codex?  Maam, ito po ay isang sulatin na nagpapakita
Guro: Mahusay mga bata! ng ating pamumuhay noon.
Ang Boxer Codex ay isang dokumento  Maam, ito po ay naglalaman ng mga
o manuskrito na tinatayang ginawa noong 1595 mahahalagang impormasyon sa pamumuhay ng
naglalaman ito ng mga mahahalagang mga katutubo noong panahon ng espanol.
impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga
Pilipino noon. Nakapaloob dito
ang obserbasyon tungkol sa buhay at kultura ng
mga grupong nakatira sa Pilipinas noong
panahon na iyon. Napakaimportanteng
dokumento ng Boxer Codex dahil naglalaman
ito ng mga larawang-guhit ng kasuotan ng mga
grupo sa Pilipinas bago pa man naging
malawak ang impluwensya at pananakop ng
mga Kastila. Ito ay pagmamay-ari ni Luis Perez
Dasmarinas, ang gobernador heneral ng
Pilipinas noong 1593-1596.

7. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap: Sagot ng mag-aaral:


“Filipinas are brought up to fear men and  Maam, sinasabi po ng pangungusap na ito na
some never escape the feeling of inferiority ang mga kababaihan sa ating lipunan ay pinalaki
that upbringing creates.” na katakutan ang mga kalalakihan at hindi na
Guro: nakakatakas sa ganitong kaisipan ang iba.
Karaniwan na pinapalaki ang mga
kababaihan sa ating lipunan na mahina at ang
mga kalalakihan lamang ang malakas. Ito ay
nagiging dahilan na hanggang sa paglaki ng
mga kababaihan iniisip pa rin nila na mahina
sila kaysa sa mga kalalakihan at kinakailangan
ang tulong nila para mabuhay.
8. Sa inyong palagay si Maria Clara ba ay Sagot ng mag-aaral:
sumasalamin sa gampanin at katangian ng mga  Maam, sumasang ayon po ako na si Maria Clara
kababaihan noong panahon ng mga Kastila? ay sumasalamin sa mga gampanin ng mga
Guro: kababaihan ng panahon ng mga Espanol.
Good Job!  Maam, pwede pong hindi kasi po di naman po
Sa panahon ng mga kastila hinubog ang mga lahat ng mga babae noon ay mahinhin.
kababaihan na maging tulad ng birheng Maria
na kilala bilang mahinhin, mabuti ang
kalooban, mapagbigay at mapanalanginin kaya
ang deskripsyon sa babae noon ay Maria Clara.
Ang ganitong pananaw ay dala ng mga
paniniwala ng mga espanol na tinitignan na ang
kababaihan ay mas mababa kaysa sa mga
kalalakihan. Ayon sa paglalarawan ni Emelina
Ragaza Garcia, sa kanyang sinulat na akdang
The Position of Women in the Philippines. Ang
gampanin ng mga kababaihan sa panahon ng
pananakop ng mga kastila ay nakapokus na
lamang sa pagiging mabuting ina, mga gawaing
pantahanan at sa gawain sa pananampalataya o
simbahan. Ito ay dahil sa paniniwalang
kristyanismo na si Eva ay mula sa hinugot na
tadyang ni Adan. Ang kanilang edukasyon ay
nasa pamamahala ng mga pari at madre. Kaya
naman naging mahigpit ang lipunan sa
katayuan at kilos ng mga kababaihan.

9. Sino ang mga lalaking may malaking Sagot ng mag-aaral:


ginampanan noong panahon ng himagsikan?  Maam, si Dr. Jose Rizal po
Guro:  Maam, si Andress Bonifacio po
Ang ibig sabihin nito malaki ang ginampanan  Maam, si Emilio Aguinaldo po
ng mga kalalakihan sa pakikipaglaban para sa
kasarinlan ng ating bansa.
10. Magbigay ng mga Pilipina na may naiambag o Maam si Gabriela Silang na asawa po ni Diego
nagpakita ng kabayanihan sa panahon ng Silang ipinagpatuloy niya po ang nasimulang
rebolusyon ayon sa video na inyong napanood? laban ng kanyang asawa.
Guro :  Maam si Melchora Aquino po.
Magaling mga bata hindi lamang puro  Maam Tulad po ni Trinidad Tecson.
kalalakihan tulad nila Andres Bonifacio at Jose
Rizal ang nakipaglaban ng panahon ng
himagsikan ang mga kababaihan din sa ating
lipunan ay gumawa din ng hakbang upang
makalaya sa mga kastila, nariyan pa si Gregoria
De Jesus, Marina Dizon at marami pang iba. Ito
ay nagpapakita na ang mga kababaihan ay may
malaki ding ginampanan sa ating lipunan.
11. Bakit sinasabing ang panahon ng Amerikano Sagot ng mga-aaral:
 Maam, sa pagdating po ng mga Amerikano mas
ang nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at
pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. lumawak po ang kaisipan ng mga Pilipino at
nabigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan
Guro: na makapag-aral .
Magaling mga bata sa pagdating ng mga  Maam, nabuksan po ang isipan ng mga
Amerikano ipinagkaloob sa mga kababaihan kababaihang Pilipino na hindi lamang limitado
ang kapangyarihan makaboto. Sa panahong ito ang kanilang gawain sa gawaing bahay.
unti-unting lumalawak ang karapatan ng mga
kababaihan.
12. Bakit mahalaga para sa isang tao ang karapatan Sagot ng mag-aaral
na makaboto?  Maam, dahil po isa malaking kapangyarihan
Guro: ang makaboto.
Nice Job!  Maam, sapagkat ang tao na may kakayahan na
Noong Abril 30, 1937 ang kakayahan na bumoto ay sinasabing may silbi sa lipunan
makaboto ay ibinigay sa mga kababaihan sa
ating bansa.
Mahalaga ang karapatan na bumoto para sa
isang tao kahit lalaki man o babae dahil ito ay
sumisimbolo sa pagkakaroon ng boses at
kapangyarihan sa lipunan at pamahalaan.

13. Ano ang mga pang-aabuso na dinanas ng mga Sagot ng Mag-aaral:


lalaki at babae sa panahon ng pananakop ng  Maam, sa pahanon pong ito ay muli na naman
mga Hapones? pong nawalan ng kakayahan at kapangyarihan
Guro: ang mga kababaihan sa lipunan.
Mahusay!  Marami din pong mga kalalakihan ang napatay
Sa panahon na ito maraming pang-aabuso ang ng panahong ito.

nangyari sa kababaihan at kalalakian ng ating Marami po sa mga kababaihan ang naging
lipunan. Ito ang naging dahilan ng samasama comfort women.
nilang pagtutulungan upang makamit ang  Maam, nagtulong po ang mga kababaihan at
kalayaan mula sa mga mapang- kalalakihan maging ang buong bansa natin para
abusong dayuhan. makalaya sa mga Hapones.

14. Sa inyong palagay ang pagtingin ba ng ating Sagot ng mag-aaral:


lipunan sa mga kababaihan at kalakihan noong
unang panahon ay parehas pa rin sa  Maam, sa panahon po siguro ngayon naging
kasalukuyan? hindi na masyadong mahigpit ang mga
Guro: pamantayan sa mga kababaihan.

Tama mga bata, sa kasalukuyan totoo na Maam, sa mga kalalakihan naman po ay katulad
marami nang karapatan ang naipagkaloob sa pa rin po sa dating panahon ngunit uso na rin po
mga kababaihan. May mga pagkakataon din na ang tinatawag nating house husband kung saan
halos nagkakapalit na ang dating gawain ng ang mga kalalakihan din po ang naiiwan na
mga lalake at babae. mag-alaga ng kanilang mga anak at gumawa ng
Hal. mga gawaing bahay.
Ang mga babae ay pinapayagan na rin na
maghanap buhay para sa kanilang pamilya.
Mayroon din na mga pagkakataon na halos
nagpapalit na ang gampanin ng mga
kababaihan at kalalakihan sa ating lipunan.
Malalayo na nga ang narating ng ating bansa
patungo sa pantay na pagtingin sa kasarian ng
isang nilalang. Bilang pagtatapos matuto
tayong igalang ang karapatan ng bawat isa at
gampanan natin ng tama ang pagiging
mabuting mamamayan ng ating bansa anuman
ang ating kasarian.

C. PAGLALAGOM
1. Bakit mahalaga ang pantay na pagtingin at karapatan para sa mga kababaihan at kalalakihan sa
isang lipunan?
2. Sa paanong paraan mo maipaglalaban o maipapakita ang pantay na pagtingin para sa lahat?

D. PAGLALAPAT

Panuto: Hatiin ang klase sa 5 grupo na may 7-10 na miyembro. Ang bawat grupo ay
magprepresenta ng kilos, katayuan at gampanin ng mga kababaihan at kalalakihan sa ibat-ibang
panahon na ating natalakay sa pamamagitan ng tableau. Ang bawat grupo ay bibigyan ng 2 minuto
upang ipaliwanag ang kanilang ipinakitang senaryo.
I. Unang grupo sa pahanon bago ang panankop ng mg dayuhan.
II. Ikalawang grupo sa pahanon ng pananakop ng mga Espanol.
III. Ikatlong grupo sa pahanon ng pananakop ng mga Amerikano.
IV. Ikaapat na grupo sa pahanon pananakop ng mga Hapones.
V. Ikalimang grupo sa kasalukuyan.
Ang mga sumusunod ang pamantayan sa gawain:

Rubrics
Marka Pamantayan
11-15 Ang paglalarawan o representasyon ng gampanin, kilos, katangian at
katayuan ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t-ibang panahon ay
mahusay na naisalarawan. Malinaw na naipahayag ang mga
gampanin ng mga lalaki at babae sa lipunan ng Pilipinas sa bawat
panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Ang bawat miyembro ng
grupo ay nagkaroon ng gampanin sa presentasyon. Ang pagbuo ng
ideya sa gagawing representasyon ay masusing pinag-isipan at
tahimik na naisagawa.
6-10 Ang paglalarawan o representasyon ng gampanin, kilos, katangian at
katayuan ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t-ibang panahon ay
hindi masyadong mahusay na naisalarawan. Hindi masyadong
malinaw na naipahayag ang mga gampanin ng mga lalaki at babae sa
lipunan ng Pilipinas sa bawat panahon sa kasaysayan ng ating bansa.
Mayroong 1-2 miyembro ng grupo ang hindi nagkaroon ng gampanin
sa presentasyon. Ang pagbuo ng ideya sa gagawing representasyon
ay pinag-isipan at tahimik na naisagawa.
1-5 Ang paglalarawan o representasyon ng gampanin, kilos, katangian at
katayuan ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t-ibang panahon ay
hindi mahusay na naisalarawan. Hindi malinaw na naipahayag ang
mga gampanin ng mga lalaki at babae sa lipunan ng Pilipinas sa bawat
panahon sa kasaysayan ng ating bansa. May 3 pataas na miyembro ng
grupo ang hindi nagkaroon ng gampanin sa presentasyon. Ang
pagbuo ng ideya sa gagawing representasyon ay hindi masusing
pinag-isipan at hindi tahimik na naisagawa.

IV. PAGTATAYA

I. Panuto: Tukuyin kung saang panahon ( bago ang pananakop, pananakop ng Kastila, Amerikano,
Hapones o sa kasalukuyan) nakapaloob ang sumusunod na kilos, katangian at gampanin na
ipinapahayag ng bawat pangungusap.

________1. Ang isyu sa pagboto ng mga kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng


isang plebisito na ginananap noong Abril 30, 1937.
________2. Ang mga lalaki ay maaring kitilin ang buhay ng kanyang asawang babae kapag nahuli
niya itong kasama ang ibang lalaki.
________3. Ang mga kababaihan ay inaasahan na maging mahinhin at mapanalanginin.
________4. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay naging biktima ng pang-aabuso tulad ng
panghahalay at pagpatay.
________5. Tinangap na ng lipunan na ang mga babae ay maaaring magtrabaho tulad ng mga
lalaki.

II. Isulat ang titik ng tamang sagot .


________1. Pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez Dasmarinas na naglalaman ng
obserbasyon sa buhay at kultura ng mga Pilipino noon. Ano ito?
_______2. Ano ang tumutukoy sa kilos, gampanin at gawain na itinatakda ng lipunan sa babae at
lalaki?
________3. Sino ang sumulat ng akdang The Position of Women in the Philippines?
________4. Ano ang tawag sa babae na hindi ipinapakita sa publiko hanggang sa siya ay
magdalaga?
________5. Sino ang tinaguriang ama ng katipunan?

A. Boxer Codex B. Gender Role C. Emelina Ragaza Garcia


D.Binukot E. Jose Rizal F. Andres Bonifacio

V. KASUNDUAN

A. Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa naging katatayuan/gampanin ng babae at lalaki sa ib


a’t ibang panahon sa iyong pamayanan. Alamin din
kung paanong ang katayuan/gampaning ito ay nakaapekto sa pang-unlad ng pamayanan.
Ibahagi sa klase ang ginawang pananaliksik.

B. Basahin at pag-aralan ang susunod na aralin: Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas.

You might also like