You are on page 1of 18

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat:Celeste Ann S. Abesamis
Editor:Rubilita L. San Pedro
Tagasuri ng Nilalaman:Angelica M. Burayag, PhD / Elena V. Almario
Bernadette G. Paraiso / Marie Claire M. Estabillo Lorna G. Capinpin
Tagasuri ng Wika:Donna Erfe A. Aspiras / Bernadeth D. Magat
Tagasuri sa ADM Format:Kristian Marquez
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Donna Oliveros / Bryan Balintec
Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit:Jeiyl Carl G. Perucho
Tagalapat:Katrina M. Matias

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD Ma.
Editha R. Caparas, EdD Nestor P.
Nuesca, EdD Marie Ann C. Ligsay,
PhD Salome P. Manuel, PhD
Rubilita L. San Pedro
Marie Claire M. Estabillo
Melvin S. Lazaro

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San
Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani- kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
Ang modyul na ito ay naglalayong matalakay ang sex at gender at gender roles
sa Pilipinas at sa iba’t ibang lipunan sa mundo (AP10KIL-IIIb-3). Ano ba ang
kahulugan ng sex at gender? Ano-ano ang mga gampanin ng mga kalalakihan,
kababaihan, at Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual
(LGBTQIA+) sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng ating bansa at sa ibang lipunan
sa mundo?

Pagkatapos mong basahin at isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw
ay inaasahang;
1. nakapagpapahayag ng sariling pagpapakahulugan sa sex at gender;
2. natatalakay ang gender roles sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon; at
3. nakasusuri ng gender roles sa iba’t ibang panig ng daigdig.

5
Aralin
Kasarian sa Iba’t Ibang
1 Lipunan

Sa modyul na ito ay matutunghayan mo ang mga konseptong may


kinalaman sa kasarian at lipunan at gender roles sa Pilipinas at sa iba’t ibang
lipunan sa mundo.

Balikan

Panuto: Tukuyin at piliin kung anong kasarian ang gumagamit sa mga bagay na
nasa loob ng kahon. Ipaliwanag kung bakit ito ay para sa lalaki, babae, o pareho.
Isulat sa sagutang papel.

blouse rubber shoes matte lipstick


necktie Polo shoulder bag tailored suit palette
jacket head band eyeshadow
hair wax face powder boxer shorts

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

6
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa kasarian sa iba’t ibang lipunan. Mainam na
gabayan ang mag-aaral sa pagtalakay ng aralin, pagsagawa ng mga gawaing nakapaloob sa
modyul na ito, at pagtala ng kanilang nakamit na pag-unlad. Hayaan ang mga mag-aaral na
tuklasin at pamahalaan ang sariling pagkatuto.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula at sagutan sa isang papel ang mga pamprosesong
katanungan.

PANTAY- PANTAY
Ni: Celeste Ann S. Abesamis

Sa dami ng mga usapin ngayon, natatangi ang isa,


Pagkakapantay-pantay, sinisigaw ng iba.
Hindi lang daw babae at lalaki ang may karapatan,
Sila ring mga kabilang sa ikatlong kasarian.

Marami ang nagsulong ng karapatan para sa kababaihan,


Upang magkaroon ng pantay na gampanin sa lipunan.
Kaya’t ang LGBTQIA+ ay nagsusumamo at nananawagan,
Sila rin ay kilalanin, bigyang puwang at huwag kalimutan.

Kung dati ang mga lalaki ay sinasamba at pinapanginoon,


At ang mga babae naman ay mistulang alipin lamang noon,
Bawat indibiduwal sa lipunan ay nagkamit ng pagsulong,
Kasabay ng pagbabago at pag-unlad ng lipunan ngayon.

Kaya huwag mabuhay sa nakaraan at laging tandaan,


Kalimutan at palayain na ang matandang nakagisnan.
Dito sa lipunan na ating ginagalawan,
Lahat tayo ay pantay-pantay anuman ang kasarian.

7
Pamprosesong tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?


2. Ano-anong gampanin ng kalalakihan at kababaihan ang inilalarawan sa tula?
3. Makatwiran ba ang paghingi ng pantay na karapatan ng kababaihan at
LGBTQIA+? Bigyan ng maikling paliwanag.
4. Sa iyong palagay, dapat bang maging batayan ang kasarian sa
pagkakapantay-pantay ng gampanin sa ating lipunan?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita na pantay ang iyong pagtingin
sa lahat ng tao? Ipaliwanag.

Suriin

Konsepto ng Kasarian
Sa bahaging ito ng aralin ay mauunawaan mo ang kahulugan ng sex at gender,
gayundin ang mga katayuan at gampanin ng kababaihan at kalalakihan mula sa
iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Bago matapos ang aralin, iyong
matutuklasan ang pagtingin sa mga lalaki at babae sa iba’t ibang lipunan sa daigdig.
Hinihikayat kitang basahing mabuti ang mga teksto.

Kahulugan ng Sex at Gender


 Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda
ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at
lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
 Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan nito ay
ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculine
o feminine.

Katangian ng Sex Katangian ng Gender


1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng 1. Ang lalaki ay itinuturing na
buwanang regla samantalang ang malakas at matipuno
mga lalaki ay hindi. samantalang ang mga babae ay
tinitingnan bilang mahinhin at
2. Ang mga lalaki ay may titi at
mahina.
testosterone habang ang babae ay
may suso at estrogen. 2. Ang mga lalaki ang
magtataguyod sa pamilya
samantalang ang mga babae ay
inaasahang gagawa ng mga
8
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
 Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng
isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal,
seksuwal, at malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.

 Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang


malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak.

Sa simpleng pakahulugan, ang oryentasyon seksuwal ay tumutukoy sa iyong


pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang
pagkakakilanlang pangkasarian naman ay ang personal na pagtuturing sa
sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng
anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera,
gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang
pananamit, pagsasalita at pagkilos.

Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at


homosexual.

Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro


ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae
at mga babaeng gusto naman ay lalaki.

Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na


pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian.

Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian,


Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala bilang
LGBTQIA+.

Lesbian (tomboy) -mga babaeng nakararamdam ng pisikal o


romantikong atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi
ng Pilipinas na tibo at tomboy).

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang


kapwa lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na
parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla, beki,
at bayot).

Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang


kasarian.

9
Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay
sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay
hindi magkatugma.

Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang


uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan
ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong kategorya o
kombinasyon ng lalaki o babae.

Intersex - kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may


parehong ari ng lalaki at babae.

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal


sa anumang kasarian.

Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Gender Roles sa Pilipinas


Panahong Pre-Kolonyal
 Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari
ng mga lalaki.
 Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa isla
ng Panay at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay
itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu. Hindi
siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa
magdalaga.
 Ayon sa Boxer Codex ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang
asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
 Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong
gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng
kanilang pagsasama.
 Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala
siyang makukuhang ari-arian.

10
Panahon ng Espanyol
 Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang
bawat pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak. Gayunpaman, naging
malaki ang bahaging kanilang ginampanan sa pagkamit ng kalayaan laban sa
mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito ay si Gabriela Silang, maybahay ni
Diego Silang na isa ring kilalang bayani sa panahon ng himagsikan laban sa
mga Kastila. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga
Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga
katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

 Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of psychiatry, sa kaniyang
pananaliksik na pinamagatang “A Study of Psychopathology and Filipino
Marriages in Crises;” Filipinas are brought up to fear men and some never
escape the feelings of inferiority tha upbringing creates”.

 Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita sa


paghahanapbuhay.

Panahon ng Amerikano
 Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at
kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
 Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at
simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
 Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang
pamamaraan.
 Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng mga
bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang
simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa
politika.

Panahon ng Hapones
 Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa bansa sa
abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan.
 Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
 Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang
pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.

11
Kasalukuyang Panahon

 Patriyarkal man ang paraan ng pamamahala tulad sa Pilipinas subalit


nagkaroon din ng puwang ang mga kababaihan at naging lider ng bansa gaya
nina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Gloria M. Arroyo.

 Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga
gawaing-bahay.

 Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng


pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at iba
pang kasarian o napapabilang sa LGBTQIA+.

Kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas


Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo
Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas,
Taong 1931
mababanggit nang
ang ang
mgaantropologong
babaylan noong si Margaret Mead at ika-17
ika-16 hanggang ang kaniyang
asawa na si Reo
siglo. AngFortune
Babaylá ayn nagtungo
ay isang sa rehiyon ng Sepik
lider-ispiritwal na maysa Papua New Guinea
tungkuling
upang pag-aralan
panrelihiyon. Nagsilbing manggagamot at tagapamahala Sang
ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. kanilang
pananatili roon ay nakatagpo
katutubong nila ang tatlong
kultura bago pananakoppangkulturang
ng mga Españ pangkat; Arapesh,
ol sa
Mundugumor at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga babae at lalaki sa
Pilipinas.
pangkat na ito, natuklasan nila ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa.
Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga
Saasog sa Visayas
Arapesh noong ika-17 siglo.
(na nangangahulugang ‘tao’) Hindi lamang
ay walang sila nagbihis-
pangalan ang mga tao na
babae kundi nagbalat-kayo ring babae upang ang kanilang
naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga mga sa
kanilangpanalangin
mga anak,umano ay pakinggan
matulungin, ng mga
mapayapa, espiritu. Ilan
kooperatibo din sa kanila
sa kanilang pamilya at
pangkat.ay kasal sa lalaki,
Samantala, kung saan
sa pangkat sila ay may relasyong
ng Mundugumor (kilala rinseksuwal
sa tawag na Biwat), ang
mga babae at Dekada
lalaki ay 60
kapwaangmatapang, agresibo, bayolente,
pinaniniwalaang dekada kung at naghahangad
kailan ng
umusbong ang Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong
ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa
homoseksuwalidad.

12
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. Sa Tchambuli (tinatawag din na
Chambri), ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang
lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit ang gampaning
pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakain ng kanilang
pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig
sa mga kuwento.

Mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan lalo na sa mga miyembro ng


komunidad ng LGBTQIA+ sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Mahabang
panahon ang hinintay ng mga kababaihan sa rehiyong ito upang sila ay makalahok
sa proseso ng pagboto.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa
30 bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Tinatayang tatlong milyong kababaihang may
edad na 15 ang sumasailalim sa prosesong ito taon-taon. Ang FGM ay isang proseso
ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa
sa mga batang babae na may edad 0―15 taong gulang. Ayon sa kanilang paniniwala,
mapananatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang
basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na maaaring magdulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap sa pag-ihi at maging kamatayan.
Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian
(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights
Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya
mismo ng mga miyembro ng LGBTQIA+.
Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan sapagkat may
ilang bansang hindi pinapayagan ang mga babaeng maglakbay nang mag-isa o kung
payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at
pisikal).

13
14
A. Gender Swap
Panuto: Suriin ang larawan sa loob ng kahon. Pagkatapos, ipaliwanag kung paano
nagbago ang gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan sa paglipas ng panahon.
Isulat sa sagutang papel.

15
Isaisip

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong natutuhan mula sa paksang tinalakay
gamit ang reflective journal.

Ang aking natuklasan mula sa aralin:

Mga saloobin ko tungkol dito:

Mga aral na natutuhan ko:

16
Isagawa

PHOTO ESSAY
Panuto: Gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng kasalukuyang gampanin o role
ng kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+ sa lipunan.

Rubrik sa pagmamarka ng Photo Essay

Dapat pang
Napakahusay Mahusay
Pamantayan linangin Puntos
5 3
1
Nilalaman Mahusay ang Katamtaman Hindi maganda
pagkakaayos ng ang ganda ng ang pagkakaayos
mga larawan at pagkakaayos ng mga larawan.
nagpapaliwanag ng mga
ng magandang larawan.
impresyon.

Tema Makahulugan Maganda ang Walang kaugnayan


ang bawat mga larawan ang mga larawan
larawan at may ngunit walang sa tema o paksa.
kaugnayan sa masyadong
tema o paksa. kaugnayan sa
paksa.

Pagkamalikhain Nakamamangha Maganda ang Hindi maganda


ang mga mga larawan. ang mga larawan.
larawan.

Kabuuan

17

You might also like