You are on page 1of 8

Masusing Banghay–Aralin sa Araling Panlipunan 10

I. Layunin

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag- aaral ay inaasahang makatatamo ng humigit kumulang
na 80% sa mga kasanayan na:
1. Natatalakay ang iba’t ibang kasarian sa lipunan;
2. Nabibigyang halaga ang pag-aaral ng iba’t ibang kasarian sa lipunan; at
3. Nakabubuo ng maikling sanaysay na nagsusulong ng paggalang sa iba’t ibang kasarian
at sekswalidad sa daigdig.

II. Nilalaman

1. Paksa: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan


2. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 Modyul Ikatlong Markahan Week 1
3. Mga kagamitang panturo: Laptop, Internet, at Aklat (AP10KIL-IIIb-3)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid aralan
4. Pagtala ng liban

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

B. Balik-Aral (JUMBLED LETTERS)

Klas, bago tayo dumako sa ating bagong aralin, atin na munang


balikan ang ating nagdaang talakayan. Magkakaroon tayo ng
isang aktibidad na tatawagin nating “WIKA MIX!”.

Panuto: Ayusin ang mga gulong salita at tukuyin kung ano ang
mga isinasaad na halimbawa ng pang-aabuso sa karapatang
pantao, sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng mga larawan.

Ang makakakuha ng tamang sagot ay magkakaroon ng puntos sa


partisipasyon sa klase. Maliwanag ba ang gagawin klas?
Opo Ma’am.
Magaling! Atin nang simulan ang ating aktibidad.

JUMBLED LETTERS:
1. JUEXCIALDITRA LINGKIL
2. TERMOORIS
3. HYPSICAL BUSEA
4. TENMAL SUEBA
MGA LARAWAN:

Mga Sagot:
1. Extrajudicial Killing
2. Terorismo
3. Physical Abuse
4. Mental Abuse
Mahusay! Natutuwa akong malaman na talaga ngang naunawaan
ninyo ang ating nagdaang aralin.

C. Pagganyak (DUGTUNGAN)

Bago tayo dumako sa susunod na aralin ay may inihanda akong


isang pang aktibidad, at ito ay ang “DUGTUNGAN
CHALLENGE”. Ito ay magbibigay ideya sainyo kung tungkol
saan nga ba ang ating bagong aralin.

Panuto: Dugtungan ng tamang sagot ang pangungusap sa


pamamagitan ng pag-aanalisa ng larawan.

Ang unang makakabuo ng pangungusap at makakapagsabi ng


tamang salitang isinasaad nito ay makakakuha ng karagdagang
puntos. Maliwanag ba klas?
Opo Ma’am.
DUGTUNGAN:

____________________________________ sa iba’t ibang

_____________________________________.
Mula sa inyong nabuong pangungusap tungkol saan kaya ang
ating bagong aralin? Ma’am, ito po ay patungkol sa
Kasarian sa iba’t ibang Lipunan.

Magaling! Ang ating bagong aralin klas ay patungkol sa


Kasarian sa iba’t ibang Lipunan.

D. Pagtalakay sa Aralin

Klas, ang paksang ating pag-aaralan ay tungkol sa Kasarian sa


iba’t ibang Lipunan. Bago ang lahat maaari ninyo bang basahin
ang ating layunin ngayong araw?
Sa katapusan ng aralin, 100% ng
mga mag- aaral ay inaasahang
makatatamo ng humigit kumulang
na 80% sa mga kasanayan na:

1. Natatalakay ang iba’t


ibang kasarian sa
lipunan;

2. Nabibigyang halaga
ang pag-aaral ng iba’t
ibang kasarian sa
lipunan; at

3. Nakabubuo ng
maikling sanaysay na
nagsusulong ng
paggalang sa iba’t ibang
kasarian at sekswalidad
sa daigdig.

Maraming Salamat!

Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan.


(Konsepto ng Kasarian)

Kahulugan ng Sex at Gender

SEX- Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na


katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin
ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay
reproduksiyon ng tao.

GENDER- Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang


gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki. Karaniwang batayan nito ay ang gender identity
at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculine o
feminine.

Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity


(SOGI)?
Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy
sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal, at malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.

Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay


kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak.

ORYENTASYONG SEKSUWAL:

Heterosexual: mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa


miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.

Homosexual: mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal


na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian.

Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag


tayong Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex,
at Asexual o mas kilala bilang LGBTQIA+.

Lesbian (tomboy) -mga babaeng nakararamdam ng pisikal o


romantikong atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang
bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy).

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa


kanilang kapwa lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng
Pilipinas na bakla, beki, at bayot).

Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang


kasarian.

Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay


nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma.

Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang


uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang
pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae,
parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.

Intersex - kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong


may parehong ari ng lalaki at babae.

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong


seksuwal sa anumang kasarian.

Maliwanag ba ang ating naging talakayan klas?


Mayroon ba kayong mga katanungan?
Opo Ma’am.
Upang mas lalo nating masukat ang inyong mga kaalaman,
magsasagawa tayo ng ilang aktibidad. Wala po.

E. Paglalahat (Sino ba ang Beshy ko?)

Panuto: Tukuyin kung sino o anong kasarian ang isinasaad sa


mga pahayag sa ibaba.

Idugtong ang inyong sagot sa salitang “Ang beshy ko ay isang...”


Mga Sagot:
1. Ako ay isang babaeng nakararamdam ng pisikal o
romantikong atraksyon sa kapwa babae 1. Ang beshy ko ay isang Lesbian.

2. Ako ay isang babae/lalake na nakararamdam ng atraksyon


sa dalawang kasarian. 2. Ang beshy ko ay isang Bisexual.

3. Ako ay isang tao na may parehong ari ng lalaki at babae


3. Ang beshy ko ay isang Intersex.
4. Ako ay isang lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kapwa
lalaki.
4. Ang beshy ko ay isang Gay.
5. Ako ay isang taong walang nararamdamang atraksyong
seksuwal sa anumang kasarian.
5. Ang beshy ko ay isang Asexual.

Tumpak! Natutuwa akong makita na talagang may natutunan


kayo saating talakayan. Ngayon naman upang mas lalo pa nating
masukat ang inyong kakayahan, dumako na tayo sa susunod
pang gawain.

F. Pagpapahalaga (Freedom Wall)

Panuto: Magbigay ng isang kahalagahan ng pag-aaral ng iba’t


ibang kasarian sa lipunan, isulat ito sa inyong papel at idikit sa
pisara sa harap ng silid-aralan.

Mayroon lamang kayong tatlong minuto para gawin ito.

Maliwanag ba klas?
Opo Ma’am.

Mahusay! Talaga namang kahangahanga ang inyong mga


kasagutan klas. Ngayon naman ay tayo ng dumako sa ating
sunod na aktibidad.

G. Paglalapat (OPEN MINDED KA BA?)

Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay na nagsusulong ng


paggalang sa iba’t ibang kasarian at sekswalidad sa daigdig.

OPEN MINDED KA BA?

Isulat ito sa isang buong papel. Mayroon lamang kayong limang


minuto upang gawin ito. Mayroon ba kayong mga katanungan
klas?
Wala na po Ma’am.

Magaling klas. tunay ngang kayo ay mga open minded na


kabatan at naisusulong ang paggalang sa iba’t ibang kasarian sa
ating lipunan.

Ngayon upang mas masukat pa natin ang inyong kaalam ukol


saating aralin, dumako naman tayo sa ating tayahin.

V. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag sa ibaba at piliin ang letra ng wastong sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng


babae sa lalaki.

a. Heterosexual
b. Homosexual
c. Gender
d. Sex

2. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga


taong nabibilang sa katulad na kasarian.

a. Asexual
b. Queer
c. Homosexual
d. Heterosexual

3. Siya ay isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang
pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.

a. Gay
b. Bisexual
c. Queer
d. Transgender

4. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan


para sa mga babae at lalaki.

a. Sexual Orientation
b. Gender
c. Sex
d. Heterosexual

5. Ito ay isang kasarian na pangkaraniwang kilala bilang hermaphroditism.


a. Intersex
b. Gay
c. Bisexual
d. Queer

Sagot:
1. D
2. C
3. D
4. B
5. A

V. Takdang Aralin
Sainyong kwaderno, bumuo ng akrostik ng salitang “KASARIAN” na naglalaman ng iyong mga
natutunan sa araling ito.
HAL.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

Iprinisinta ni: Michaela A. Buyok


Guro sa Araling Panlipunan

Iprinisinta kay: Gng. Alicia H. Valencia


Punong Gurong

You might also like