You are on page 1of 4

Manuel L.

Quezon High School


Blumentritt St, Sta.Cruz
DAILY LESSON PLAN (Pang- GURO Joanna Joy D. Mercado BAITANG/ANTAS GRADE 8: 3, 4, 6, 7, 8,10, 13
araw-araw na Banghay Aralin sa
Pagtuturo) PETSA/ORAS ASIGNATURA Edukasyon sa Pagpapakatao
APRIL 1-5 , 2024
MARKAHAN Ikaapat
8:00-2:00 PM
WEEK: 1 DAY: 1

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa sekswalidad ng tao.
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag- aaral ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
PAGGANAP nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.
PAMANTAYANG Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa seksuwalidad.
PAGKATUTO (MELC)
BATAYANG Paggalang sa Seksuwalidad
PAGPAPAHALAGA
INTEGRASYON SEL
I. LAYUNIN 1. Nailalarawan ang mga katangian ng isang babae at lalaki.
2. Napapahalagahan ang tungkulin nng sekswalidad sa pagiging ganap ng tao.
3. Nakasusulat ng pansariling obserbasyon tungkol sa mga napapansing pagbabago sa iyong sarili.

II. NILALAMAN A. Paksa: Seksuwalidad: Pagkilala At Pag-Unawa Sa Sarili


B. Konsepto: Ang pagkakaroon ng malawak na kaalamann at pag-unawa sa katuturan ng seksuwalidad
ay nakatutulong sa pagtataguyod ng mga responsibilidad at sekswal na kalusugan.
C. Sanggunian: ESP 8 Modyul Para Sa Mag-aaral 8 Q3 Mod 50, SEL MODULE,
D. Mga kagamitan: Blackboard, chalk, papel, TV, PPT
III. PAMAMARAA A. PANIMULANG GAWAIN
N 1. Panalangin
2. Pag-uulat ng Liban
SEL Social 3. Mga Paalala bago magsimula ang talakayan
Awareness and 4. Balik-aral: Ibahagi ang mga natutuhan sa nagdaang aralin.
Relationship Skills 5. Positive Quotes - Ang guro ay tatawag ng mag-aaral upang ibahagi ang positive quote sa klase.
- Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang napiling kasabihan?

B. PANGUNAHING GAWAIN
1. Pagganyak/Lunsaran: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa sekswalidad.

Gabay Na Tanong:
a. Ano ang napagtanto mo sa mga salita na iyong nakuha mula sa puzzle?
b. Mula sa mga salitang nahanap sa puzzle, anong pumapasok sa iyong isipan kapag nnaririnnig mo ang
salitang sekswalidad?
c. Ano ang tungkuling ginagampanan ng seksuwalidad sa pagiging ganap ng tao?

2.
GAWAIN: magtala ng pagkakaiba ng lalaki at babae sa iba’t ibang aspeto. Maaaring ito ay base sa iyong
karanasan, naoobserbahan, napapanood o sinasabi ng ibang tao sa iyo. Gamitin ang talahanayan sa ibaba
bilang gabay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

3. PAGSUSURI
a. Sino at ano ang nakaimpluwensya sa pagsulat mo ng mga katangian ng lalaki at babae?
b. Ano ang mga aspektong nakaiimpluwensiya sa seksuwalidad ng isang indibidwal?
c. Paano nakaaapekto ang mga kaisipan, opinyon, at damdamin tungkol sa pagiging lalaki o babae sa
pakikipag-ugnayan mo sa kasalungat na kasarian?

4. PAGHAHALAW
 Ang seksuwalidad ay isang behikulo tungo sa lubusang pagkilala at pag-unawa
sa sarili o true self. Ito din ay ang pag-unawang panlipunan na nagbibigay
pagkilala sa kaibahan ng lalaki at babae, batay sa bayolohikal na kasarian
ngunit kasama rin dito ang tungkulin ng indibidwal ayon sa pamantayan ng
lipunan at kultura.

5. PAGBUO NG KONSEPTO
Panuto: kumpletuhin ang pahayag upang mabuo ang konsepto ng aralin.
Ang pagkakaroon ng malawak na (1) _______ at (2) _______ sa katuturan ng seksuwalidad ay nakatutulong
sa pagtataguyod ng mga (3) _______ at sekswal na kalusugan.

6. PAGSASABUHAY
Panuto: Sumulat ng isang pansariling obserbasyon tungkol sa mga napapansing pagbabago sa iyong sarili.
Punan ang tsart sa inyong sagutang papel.

IV. TAKDANG Magsulat ng repleksyon tungkol sa iyong natutuhan mula sa paksang tinalakay. Isulat sa ESP Journal ang
SEL Self-Awareness and SEL Self-Management
ARALIN sagot

You might also like