You are on page 1of 4

Manuel L.

Quezon High School


Blumentritt St, Sta.Cruz
DAILY LESSON PLAN (Pang- GURO Joanna Joy D. Mercado BAITANG/ANTAS GRADE 8: 3, 4, 6, 7, 8,10, 13
araw-araw na Banghay Aralin sa
Pagtuturo) PETSA/ORAS ASIGNATURA Edukasyon sa Pagpapakatao
APRIL 1-5 , 2024
MARKAHAN Ikaapat
8:00-2:00 PM
WEEK: 2 DAY: 1

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa sekswalidad ng tao.
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag- aaral ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
PAGGANAP nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.
PAMANTAYANG Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay
PAGKATUTO (MELC) mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na
magmahal.
BATAYANG Paggalang sa sekswalidad
PAGPAPAHALAGA
INTEGRASYON SEL
I. LAYUNIN 1. Naipapaliwanag ang sariling pananaw tungkol sekswalidad.
2. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad.
3. Nahihinuha ang kahalahagan ng pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad.

II. NILALAMAN A. Paksa: Kahalagahan Ng Tamang Pananaw Sa Sekswalidad


B. Konsepto: Kailangan natin ang tamang pananaw sa sekswalidad sapagkat ito ay isang aspeto ng
ating pagkatao na malaki ang epekto sa ating buhay.
C. Sanggunian: ESP 8 Modyul Para Sa Mag-aaral 8 Q3 Mod 47, SEL MODULE,
D. Mga kagamitan: Blackboard, chalk, papel, TV, PPT
III. PAMAMARAA A. PANIMULANG GAWAIN
N 1. Panalangin
SEL Social 2. Pag-uulat ng Liban
Awareness and 3. Mga Paalala bago magsimula ang talakayan
Relationship Skills 4. Balik-aral: Ibahagi ang mga natutuhan sa nagdaang aralin.
5. Positive Quotes - Ang guro ay tatawag ng mag-aaral upang ibahagi ang positive quote sa klase.
- Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang napiling kasabihan?
B. PANGUNAHING GAWAIN
1. Pagganyak/Lunsaran: Basahin at unawain ang maikling kwento at sagutin ang mga gabay na tanong..

2. GAWAIN: hulaan ang salitang ibig ipakahulugan ng mga larawan, pagkatapos ay ipaliwanag ang ibig
sabihin ng salitang nahulaan, ipaliwanag kung ano ang kaugnayan nito sa sariling pananaw tungkol sa
sekswalidad. Sa tulong ng talahanayan isulat ang sagot sa sagutang papel.

3. PAGSUSURI
a. bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang panannaw tungkol sa sekswalidad?
b. Gaano ng aba kahalaga ang paghihintay sa tamang panahon?
c. Paano mo bibigyan ng payo ang lkapwa kabataan upang mahikayat sila na magkaroon ng tamang
pananaw sa kanilang sekswalidad?

4. PAGHAHALAW
 Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga tamang pananaw ukol sa sekswalidad:
• May dalawa sa maraming paraan sa pagtupad ng bokasyon ng tao upang magmahal. Una ay
ang pagkakaroon ng asawa at pamilya, pangalawa ay ang celibacy o buhay na walang asawa
subalit patuloy na nagsisilbi at nagpapamalas ng malasakit at pagmamahal sa kapwa.
• Ayon kay St. John Paul II, upang maging katangi-tangi, buo at ganap ang pagmamahal
kailangan mailakip dito ang lahat ng elemento ng tunay na pag-ibig gaya ng sekswal na
pagnanasa (sex drive), Kilos-loob (will), pandama at emosyon, pakikipagkaibigan at
kalinisang puri.
 Ang sekswal na pagnanasa ay isang natural na karanasan, subalit kailangan itong
mapamahalaan ng maayos upang ito ay makatulong sa ating paghahanda bilang ganap na
babae, lalaki o kaya mapabilang sa LGBTQ+. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad
ng tao, ito ayAng mga isyung kaugnay ng seksuwalidad ay bunga ng pagpili, may tuon at
nag-uugat sa pagmamahal.
• Ang puppy love ay kadalasang napagkakamalang tunay na pagmamahal, ito ay bunga ng
senswalidad na pinupukaw ng pandama at damdamin. Subalit pakatandaan na ikaw ay nasa
proseso pa lamang ng paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal. Gayun paman
ang puppy love ay maaring maging pundasyon ng tunay at wagas na pagmamahalan sa
pagdating ng tamang panahon.
• Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal. Ito ay
isang kilos-loob at hindi nadidiktahan. Dapat ito ay kapwa nagpapabuti sa inyo, gaya ng
inyong pag-aaral upang kayo ay maging handa sa magiging responsibilidad ninyo sa
pagdating ng tamang panahon.
• May mga kasunduan at mga kasulatan ang United Nation Declaration of Human Rights, na
nagsasabing ang karapatang pang sekswalidad ay isang karapatang pantao. May mga batas
laban sa diskriminasyon ayon sa usapin ng pagkakakilanlang sekswal (gender identity) at sa
sekswal na oryentasyon (sexual orientation).

5. PAGBUO NG KONSEPTO
Panuto: anong konsepto ang iyong natutuhan mula sa aralin?

6. PAGSASABUHAY
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumunod na pahayag. Ipaliwanag ang mensahe ayon sa paksang
pinag-aralan
“Hindi dapat laging nagmamadali. Lahat ay may tamang panahon. Tandaan: Ang
mga bagay na madaling makuha ay mga bagay na madali ring mawala”
IV. TAKDANG Magsulat ng repleksyon tungkol sa iyong natutuhan mula sa paksang tinalakay. Isulat sa ESP Journal ang
ARALIN sagot SEL Self-Awareness and SEL Self-Management

You might also like