You are on page 1of 7

Saint Adelaide School Philippines

Don Matias, Burgos, Pangasinan

Gabay sa Pag-aaral: Edukasyon sa Pagpapkatao 10


GRADE LEVEL / STRAND 10
TOPIC/ LESSON Ang Gawang Nagpapakita ng Makataong Karanasan
Mula sa Panawagan sa Karahasan Hanggang sa Panawagan sa Kapayapaan
Isip at Kilos-Loob Tungo sa Katotohanan at Kabutihan
WEEK/S 1-3
Date Nov. 29- Dec. 17, 2021
Week 1
I. Panimula
Maligayang pagbabalik sa ating lahat mga minamahal kong mag-aaral, panibagong taon na naman ang
ating kakaharapin. Nawa’y sinalubong natin ito ng maligaya.
II. Saklaw sa Gabay ng Pag-aaral
1. Naipapaliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos.
2. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong pagkilos.
3. Makapagsuri ng mga sariling kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos at pasya.
III. Pagtatalakay sa Aralin at Self-Check

Ang Gawang Nagpapakita ng Makataong Karanasan


 Ang isang tao ay maaring tingnan sa maraming paraan, subalit pagdating sa moral na
pamumuhay, mahalagang ang alinmang katangian ay dapat na nagpapakita ng kaniyang
kahalagahan.
 Eudaimonia pagyabong, sariling kagalingan, at kaligayahan.
 Ang paglalarawan sa mga tao ay nagbibigay na sa atin ng isang pagsulyap sa mga
inaasahan sa mga pagpiling dapat niyang gawin.
 Magiging mas kapaki-pakinabang kung bubuuin natin ang sirkulo: ang tungkol sa
pagtingin sa mga aksiyong pantao upang isiwalat ang kaniyang kahalagahan, saka
maunawaan siya nang lubos,
 NAGPAPAKITA NG IYONG PAGKATAO ANG IYONG MGA GAWA
Mga hinihingi ng moralidad sa bawat isa sa atin
1. Pag-iisip.
2. Pakiikramdam
3. Paggagayak
4. Pagkilos
IV. Pagtataya
1. Sa iyong pagsusuri, paano mo masasabing nakamit na ng tao ang Eudaimonia (hindi lalagpas sa
limang pangungusap.)
V. Sanggunian
Pagtataguyod ng Pagkakasundo sa Sansinukob 10. Ma. Belen B. De Jesus, PhD.,
Phoenix Publishing House Inc.

1|Page
Week 2
I. Panimula
Magandang araw sa inyong lahat mga minamahal kong mag-aaral, panibagong linggo na naman
ang sumapit. Panibagong talakayan na naman n gating hahaharapin, nawa’y maipagtuloy nito ang
inyong paglago hindi lamang bilang isang mag-aaral, bagkus ay bilang sa isang tao.
II. Saklaw sa Gabay ng Pag-aaral
1. Naipapaliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakakitaan ng kahalagahan ng
delibirasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos.
2. Nakakapagsuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at
nakakagawa ng plano upang maitama ang kilos at pasya.
III. Pagtatalakay sa Aralin at Self-Check
Mula sa Panawagan sa Karahasan Hanggang sa Panawagan sa Kapayapaan
Kaalamang Moral
 Kung ang samahan ay isang relihiyon, inuugnay ang mga paniniwala sa mga pormal na
tuntunin na ating pag-uugali.
 Ang mahigpit na pagsunod sa mga tunttunin ay inilalantad ang isang tao sa mga tiyak na
pagkadama na maaring humantong sa makapangyarihang emosyonal na pagtugon kapag
nilbag ang isang tuntunin.
 Maaring may dahian kung bakit ginagawa ang mga bagay at kung bakit pinipili ng mga
taong gawin ang mga iyon,gaano man kapait ang katapusan.
Dalawang Uri ng Pagkaunawa
(Dalawang uri ng tao batay sa dalawang uri ng pagkaunawa)
1. Makasarili (immoral)
- Mga taong alituntunin ng moralidad ay ang sarili ang una sa lahat ng iba kong pang
konsiderasyon, kung kaya ang kanilang pag-uugali ay kinokontrol lamang ng
kaginhawahan.
2. Hindi makasarili (moral)
- Mga taong gumagalang sa mga alituntunin ng moralidad higit sa kanilang mga sarili na
komokontrol sa kanilang pag-uugali. Pinahahalagahan nang hindi makasarili o moral na
tao ang isang bagal maliban sa pansariling pagpapakalabis, iginagalang ang iba,
nagpapakita ng ugaling makatuwiran, at nakakatagpo ng kaligayahan.
Pagpapalakas ng Ating Moralidad
 Maaaring mapalakas n gating moralidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng
pangunahing pagpapahalaga ng pamumuhay Kristiyano pagmamahal sa katarungan at
kapayapaan, pagkakapantay
IV. Pagtataya
1. Magbigay ng limang halimbawa ng iyong pagiging makasarili.
2. Magbigay ng limang halimbawa ng iyong pagiging hindi makasarili.
V. Sanggunian
Pagtataguyod ng Pagkakasundo sa Sansinukob 10. Ma. Belen B. De Jesus,
PhD., Phoenix Publishing House Inc.

2|Page
Week 3
I. Panimula

II. Saklaw sa Gabay ng Pag-aaral


1. Napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay nagtatakda ng pagkamabuti o
pagkamasama ng kilos tao.
2. Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may dilemma
batay sa layunin paraan at sirkumstansya nito.
III. Pagtatalakay sa Aralin
 Ang tao ay bukod-tangi sa lahat
 Nagtataglay ng konsiyensiya, pandamdam at emosyon.

Isip at kilos-loob
- ito ay naagbibigay kapangyarihan sa iyo bilang tao na pumili o magpasiya.
 Mabuti ang bunga ng ating pagkatao.
 Isasagawa ang kabutihan at iiwasan ang kasamaan.
Pandamdam
- ito ay tumutukoy sa limang pangunahing pandamdam (paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pandama.) na tumutulong sa isip ng tao na makakalap ng impormasyon.
Emosyon
- Ito ay tumutukoy sa nararamdaman ng isang tao katulad ng pagkagalit, pagkalungkot,
pagkagulat, pag-asam, pagkagalak, at pagkatakot.
Konsiyensiya
- Ito ay tagahusga kung ang isang bagay ay mabuti o masama para sa iyo.
Kaisipan
- Tagasuri ng tao upang malaman niya ang tama o mali.
IV. Pagtataya
1. Magbanggit ng isang sitwasyon kung saan napangunahan ka ng iyong emosyon?
V. Reference
https://www.youtube.com/watch?v=LGr8M7Yeok4

3|Page
Saint Adelaide School Philippines
Don Matias, Burgos, Pangasinan

Gabay sa Pag-aaral: Edukasyon sa Pagpapkatao 10


GRADE LEVEL / 10
STRAND
TOPIC/ LESSON Ang Paghubog ng Nilalang sa Makataong Paggawa
Ang Sansinukob sa Aking Sarili
Ang Sansinukob sa Aking Sarili
WEEK/S 4–6
Date Jan. 03- 21, 2021
Week 4
I. Panimula
II. Mapagpalang umaga sa inyo mga minamahal kong mag-aaral, ang ating talakayan ngayong linggong
ito ay iikot patungkol sa dignidad. Nawa’y ito ay maging karagdagang sangkap sa pagpapaunlad sa
ating mga sarili upang malinang pa ang ating pagkatao.

III. Saklaw sa Gabay ng Pag-aaral


1. Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at sirkumstansya ng makataong kilos.
2. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa
layunin , paraan at sirkumstansya.
IV. Pagtatalakay sa Aralin at Self-Check

Ang Proseso ng Pagsasakatuparan ng Gawang Tao


Laging may mga misteryosong aspeto sa mga bagay na hindi nasasalat at bawat gawang pantao, gaya
ng nasabi na, ay talagang nangangailangan ng kilos-loob at talino. Nagiging kongkreto lamang ang
mga ito sa pamamagitan ng mga aktuwal na gawa, dahil nagbibigay ang mga ito ng mga tiyak na
epekto. Ang pag-uugnay ng kilos-loob at talino ay nagbibigay-liwanag sa pagiging masalimuot na
pagtataling nagdadala sa sikolohiya at henetiko, na nagbibigay-pansin sa waking-katapusang
kaguluhan ng pael ng paglinang laban sa papel ng mga kaguluhan, sa halip ay magbibigay pansin sa
mahahalagang bagay.

Unang Hakbang: Gusto ko ang isang bagay: kumikilos ang isang tao dahil nakatawag ng atensiyon
niya ang isang bagay.
Ikalawang Hakbang: Loloobin koi to: dahil may isang mabuting bagay, ang kakayahan ng kilos-loob ay
tumatakbo.
Ikatlong Hakbang: Lubos na mabuti ito, ninanais o ninanasa ko ito Napatunayan ang katangian ng
mabuting bagay na iyon at kapag nagging matindi ito, nagiging isang pagnanasa o pagnanais ito.
Ikaapat na Hakbang: Hinahangad ko ngayon ang pagnanasa rito: Ang kilos-loob ay kaagad na lillikha
ng hangaring iyon, bagaman hindi pa isinasaalang-alang ang paraang ng pagsasakatuparan nito nito.
Ikalimang na Hakbang: Sinasanay ko muna ang mabuting paghuhusga. Ang talino ay pumapasok sa
proseso, at sa pamamagitan ng masusing pag-iisip ay isininasaalang-alang ang paraan ng pagtatamo.
Ikaanim na Hakbang: Nagpasya akong isagawa ang bagay na ito: Sa huli, ang kilos-loob ay sumuko sa
kapangyarihan ng katuwiran; naisagawa na ang isang desisyon. Ang desisyon ay kinapapalooban ng
pagpili at pagsang-ayon. Tinimbang ang mga kahihinatnan at nagpasya ang isang tao na mas gusto
niya ang isang bagay kaysa sa iba. Isa itong sandali ng pagpili. Sumasang-ayon ang kilos-loob sa
iyong katuwiran at nagbibigay ng hudyat. Isa itong sandal ng pagsang-ayon.

4|Page
Ikapitong Hakbang: Dapat gawin ko ito ngayon: ito ang bahagi kung saan ang utos ng talino na gawin
ang isang bagay ay isinasakatuparan ng kilos-loob.
Ikawalong Hakbang: Ginagawa ko ito ngayon: Bilang huling hakbang sa proseso, tinitipon mo ang lahat
ng paraan upang maisakatuparan kung ano ang gusto mong gawin, at ipinalalagay na kung ano ang
ginagawa mo ay nagbibigay sa iyo ng isang diwa ng katuparan.

V. Evaluation
1. Ibahagi ang iyong proseso ng pagdedesisyon noong pinili mong mag-aral sa Saint Adelaide School
Philippines.
VI. Reference
Pagtataguyod ng Pagkakasundo sa Sansinukob 10. Ma. Belen B. De Jesus, PhD.,
Phoenix Publishing House Inc.

5|Page
Week 5
I. Panimula
II. Saklaw sa Gabay ng Pag-aaral
1. Nakapagpaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos.
2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongreto pangyayari
sa buhay.
III. Pagtatalakay sa Aralin at Self-Check
Ang DIyos ay nasa Sansinukob, Ang Diyos ay nasa Akin
Isang hapon, talong tinedyer ang nagtatalo sa ilang bagay na nakagulo sa kanilang isip.
Ang kanilang maikling pagpapalitan ng mga ideya, katananungan at kagustuhan na kakatwa ang
ilan, puno ng pagmamalasakit ang iba at intelektuwal naman ang iba pa ay nakapagpamangha at
nakapagpangarap sa kanila. “bakit may araw at gabi?” “Bakit hindi maging araw na lamang nang
sa gayon ay makapaglaro tayo nang sama-sama sa lahat ng oras?” Tanong ng pinakatamad sa
kanila, “Bakit hind imaging gabi na lamang, para sa makapagpahinga ako sa lahat ng oras?” “Bakit
hindi maaring mabuhay ang mga isda sa lupa? At bakit hindi nabubuhaay ang mga tigre sa
dagat?”
Sumabad ang pangatlo, “Baakit hindi makalipad ang mga tao? Lagi kong nais na
makalipad.”
“bakit hindi ako nagging isang leon? Nang sa gayo, maari kong pamunuan ang lahat ng
hayop bilang hari!”
“Nais kong maging isang dinosaur. Kung isa akong dinosaur, hindi malilipol ang aking uri.”
“Bakit lagging umuulan sa Louisiana samantalang may mga taon ng tagtuyot at taggutom
sa Ehipto?”
Ang Sansinukob sa Aking Sarili
Ang kalawakan ng mga karagatan at dagat ng daigdig ay isang kahanga-hangang
patunay sa kapangyarihan ng Diyos na hindi maaaring pasubalian ninuman. Ang pagiging
kahanga-hanga nito ay kinabibilangan din ng mayaman at matabang lupa at ng kamangha-
mangha at lubhang kinakailangang malinis na hangin.
 Nang ang mga unang astronaut ay ipinadala sa kanilang paglalakbay sa pandaigdig na
estasyong pangkalawakan, nagkaroon sila ng unang sulyap sa daigdig sa ganap na
kamanghaan nito.
 Natuklasan ni Edwin Hubble, isang Amerikanong astronaut na ang mga Galatia ay
patuloy na kumikilos palayo sa atin aat hinulaan na lumalaki ang sansinukob.
 Ang buong sansinukob ay nalikha mula sa isang kahiwagaa, isang atomo ng buhay.
IV. Evaluation
 Isipin moa ng iyong sarili bilang unang astronaut sa buwan. Isipin ang iyong sarili na
nagmamasid sa paligd ng ibabaw ng buwan.
1. Ano ang iyong nakikita?
2. Ano ang nararamdaman mo sa pagmamasid sa kalakhan ng kalawakan?
3. Nakkikita mo ba ang daigidig mula sa inyong magandang kinalalagyan? Ipaliwanag
ito.
V. Reference
Pagtataguyod ng Pagkakasundo sa Sansinukob 10. Ma. Belen B. De Jesus, PhD.,
Phoenix Publishing House Inc.

6|Page
Week 6
I. Panimula
Maligayang pagdating sa huling linggo ng ating 3 rd quarter, nawa’y nasa mabuting kalagayan ang
lahat. Panibagong linggo na naman ng talakayan, umaaasa akong muli itong makakatulong sa
paglago nating lahat bilang isang tao.
II. Saklaw sa Gabay ng Pag-aaral
1. Napangangatwiran na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa.
2. Nakakagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.
III. Pagtatalakay sa Aralin
Ang sumusunod na seleksiyon ay mula sa Genesis 1:1-31; 2:1-7
 Nilikha ng Diyos ang liwanag. Inihiwalay Niya ang Liwanag sa kadiliman. Tinawag Niyang
Araw at Gabi ang kadiliman.
 Sa ikalawang araw, inihiwalay ng Diyos ang mga tubig na nasa ibabaw sa mga tubig na
nasa ilalim sa pamamagitan ng isang matibay na taluktok, at tinawag Niyang Langi tang
matibay na taluktok.
 Sa ikatlong araw, pinagsama-sama Niya an mga tubig nang sa gayon ay lumitaw ang
tuyong lupa. Tinawag Niyang Tuyong Luoa ang dakong tuyo at Dagat ang mga tubig na
pinagsama-sama. Sa araw ring iyon, nilikha ng Diyos ang mga halamang namumunga sa
tuyong lupa.
 Sa ikaapat na araw, inihiwalay ng Diyos ang araw sa gabi at ang mga palatandaan ng
mga panahon, araw at taon. Nilikha Niya ang mas malaking ilaw upang pamahalaan ang
maghhapin at ang maliit na ilaw at mga bituin upang pamahalaan ang magdamag.
Inilagay Niya ang mga iyon sa taluktok ng kalangitan upang ihiwalay ang liwanag sa
kadiliman.
 Sa ikalimang araw, nilikha ng Diyos ang mga buhay na nilalang sa mga tubig at mga
ibong lumilipad sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng taluktok ng kalangitan.
 Sa ikaanim na araw, nilikha ng Diyos ang iba’t uri ng hayop na gumagapang sa lupa.
 Sa ikapitong araw. Natapos ng Diyos ang Kaniyang ginawang trabaho. Nagpahinga Siya
sa araw na iyon. Pinagpala Niya ang araw na iyon.

IV. Evaluation
1. Ikaw ay isang guro ng ESP, paano mo mapapabuti o mapapaunlad ang pagkatao ng iyong mga
estudyante?
V. Reference
Pagtataguyod ng Pagkakasundo sa Sansinukob 10. Ma. Belen B. De Jesus, PhD.,
Phoenix Publishing House Inc.

7|Page

You might also like