Professional Documents
Culture Documents
Sa ating buhay, humaharap tayo sa maraming katanungan gaya ng “ano,” “alin,” “paano,” at “bakit.” Kailangang gumawa
tayo ng mga pasiya mula sa ating pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang ilan sa mga pasiyang ginagawa natin ay
maituturing na pangkaraniwan lamang, samantalang ang iba ay may kabigatan dahil nakasalalay sa mga ito ang pagbuo ng ating
pagkatao at ang kapakanan ng kapuwa. Sa mga sitwasyong nabanggit, ginagamit natin ang ating konsensiya.
Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan.
Marahil ang pinakatumpak at pinakasimpleng paliwanag sa konsensiya ay ang praktikal na paghuhusga ng isipan na magpapasiya na
gawin ang mabuti at iwasan ang masama (Lipio, 2004, ph. 2).
Kahulugan ng Konsensiya
Sa pamamagitan ng konsensiya, natutukoy ang kasamaan at kabutihan ng kilos ng tao. Sa pagkakakilala ng marami,
sinasabing ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na
pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon (Clark, 1997). Waring bumubulong ito palagi sa tagong bahagi ng
ating sarili na “ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin, ito ang nararapat” o kaya naman ay “ito ay masama, hindi mo ito
nararapat na gawin.” Ang munting tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi ng mabuting dapat gawin o ng masamang dapat iwasan
kundi nagpapahayag ng isang obligasyon na gawin ang mabuti, naghahayag nang may awtoridad at nagmumula sa isang mataas na
kapangyarihan.
Dalawang elemento ng konsensiya.
Una, ang pagninilay upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama; at paghatol na ang isang gawain ay tama o
mali, mabuti o masama. Pangalawa, ang pakiramdam ng obligasyong gawin ang mabuti.
Sa madaling salita, isang paghatol ang ginagawa ng konsensiya kapag sinasabi nito sa atin na ang isang kilos ay masama at hindi
dapat isagawa.
Dalawang mahalagang bahagi ng konsensiya:
(1) ang paghatol moral sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos, at
(2) (2) ang obligasyong moral na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino (Clarke, 1997), ang konsensiya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating
sariling katuwiran.
Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: Gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito
nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.
2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Hinuhubog natin ang konsensiya kapag nagdarasal tayo.
Isang mahalagang hakbang sa pagkilala ng ating sarili ang kamalayan sa dahan-dahang proseso ng paghubog ng konsensiya
na nagaganap mula pa noong bata pa tayo hanggang sa kasalukuyan (Lipio, 2004 ph. 58). Katulad ng iba pang mga kakayahan ng tao,
dahandahan din ang proseso ng paghubog ng konsensiya ng tao. Mahalagang matalakay ang iba’t ibang antas nito.
Una, ang antas ng likas na pakiramdam at reaksiyon. Nagsisimula ito sa pagkabata. Dahil hindi pa sapat ang kaalaman ng
isang bata ukol sa tama at mali, mabuti o masama, umaasa lamang siya sa mga paalala, paggabay, at pagbabawal ng kaniyang
magulang.
Ikalawa, ang antas ng superego. Habang lumalaki ang isang bata malaki ang bahaging ginagampanan ng isang taong may
awtoridad sa kaniyang mga pasiya at kilos. Ang awtoridad na ito ang nagpapatakbo ng kilos moral ng isang bata. Sa yugtong ito,
umiiral ang superego - ang mga pagpapalagay at utos ng mga magulang at taong makapangyarihan na naisaloob na ng tao kasama
ng mga ipinagbabawal ng lipunan at nakaiimpluwensiya sa isang tao mula pa sa pagkabata.
Ikatlo, ang konsensyang moral. Natututuhan niyang tanggapin at isaloob ang mga mabubuting prinsipyo at pagpapahalagang
moral mula sa kaniyang mga magulang.
a. mga taong may kalaman sa at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral, may sapat na kakayahan sa proseso ng paghubog ng
konsensiya tulad ng mga magulang at nakatatanda
b. sa simbahan mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa ng mga pari, pastor, at iba pang namumuno dito
a. Isip.
b. Kilos-loob.
c. Puso.
d. Kamay.