You are on page 1of 8

KONSENSIYA

"Maliit na bagay lang naman ang nagawa ko, ngayon lang ito. Hindi ko na ito uulitin." Narinig mo na ba ang
katagang ito? Nasabi mo na rin ba ito sa iyong sarili? Sa anong pagkakataon ito nangyari? Bakit mo ito nasabi sa
iyong sarili?

Bahagi na ng buhay ng tao ang pagpili at pagpapasiya. May ilang pasiyang pangkaraniwan lamang; may mga
pagkakataon namang kailangan ng masusing pagninilay at pag-iisip bago makabuo nito. Sa pagsasakatuparan natin
ng mga pasiyang ating pinili, iba't ibang pakiramdam ang inihahatid nito sa atin. Minsan, may mga pasiya at kilos
tayong nagagawa na hindi tayo tiyak kung mabuti o hindi ang mga ito. Nangyari na ba ito sa iyo? Bakit kaya ito
nangyayari sa tao?

Sa Modyúl 5, naitanong sa iyo kung "Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha ng Diyos?" Natatangi ang tao dahil
nilikha siya "sa wangis ng Diyos" at tinatawag na Kaniyang obra maestra. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa
kakayahan niyang makaalam at magpasiya nang malaya. Ang kakayahan niyang makaalam at mangatuwiran ay
tinatawag na isip. Ang kakayahang pumili, magpasiya, at isakatuparan ang pinili ay tinatawag namang kilos-loob.
Dahil sa isip, may kakayahan ang tao na alamin ang katotohanan. Sa patuloy na pag-alam ng tao sa katotohanan,
biniyayaan din siya ng kakayahang kilalanin ang mabuti sa masama. Ano ang tawag sa kakayahang ito? Ito ang
magiging tuon ng babasahing ito.

Naranasan mo na bang gumawa ng isang bagay ngunit naramdaman mo sa iyong sarili na hindi ka mapakali at hindi
payapa ang iyong kalooban? Narinig mo na ba ang tila isang tinig na nagsasabing, "Ito ang dapat mong gawin. Ito
ang makabubuti sa iyo." o kaya naman, "Hindi mo dapat gawin iyon. Maaari kang magkaroon ng problema?" Ano
ang tawag sa tinig o pakiramdam na ito? Ito ang ating konsensiya.

Ano ang konsensiya? Nagmula ang salitang konsensiya sa mga salitang Latin na cum na ang ibig sabihin ay "with" o
mayroon at scientia, na ibig sabihin ay "knowledge" o kaalaman. Ang konsensiya ay nangangahulugang "with
knowledge" o may kaalaman. Ang kakayahang makaalam o magkaroon ng kaalaman ay isa sa mga kilos ng isip ng
tao. Ayon kay Santo Papa Juan Pablo II, ang konsensiya ay ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama. Ito
kung gayon ay ang kilos ng isip na maghusga kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama. Ito ang batayan ng
isip sa paghuhusga ng tama o mali. Ang hatol ng konsensiya ay isang praktikal na paghuhusga dahil malinaw na
sinasabi nito sa atin kung ano ang dapat nating gawin o hindi gawin. Maaaring magkaroon ang tao ng kalituhan o
hindi magandang pakiramdam sakaling makagawa siya ng pasiya at kilos na taliwas sa sinasabi ng kaniyang
konsensiya. Ngunit paano nga ba nalalaman ng konsensiya ang mabuti at masama sa isang situwasyon? Saan
ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga sa isang pasiya o kilos?

MGA URI NG KONSENSIYA SA LARANGAN NG PANAHON


Ang konsensiya ay itinuturing na "praktikal na moral na paghuhusga" ng isip. Sa pamamagitan ng konsensiya,
nailalapat ng tao ang kaniyang kaalaman sa Likas na Batas sa Moral sa iba't ibang situwasyon ng kaniyang buhay.
Paano kumikilos ang konsensiya? Mahalagang maunawaan na kumikilos ang konsensiya bago ang kilos (antecedent),
habang isinasagawa ang kilos (concomitant) at pagkatapos gawin ang kilos (consequent).

a. Bago ang kilos (Antecedent). Tinutulungan tayo ng konsensiya na suriin ang isang pasiya o kilos bago ito
isagawa. Halimbawa, sasama ba ako sa lakad ng aking mga kaibigan o tatapusin ang aking takdang-aralin
nang maaga? Tatanggapin ko ba ang kodigo na ibinigay ng aking kaibigan sa isang pagsusulit o sasagutin ito
nang buong katapatan? Pinatutunayan nito na kumikilos na ang ating konsensiya sa pagbuo pa lamang ng
isang pasiya.
b. Habang isinasagawa ang kilos (Concomitant). Tumutukoy ito sa kamalayan ng isang tao sa pagiging mabuti o
masama ng isang kilos habang isinasagawa ito. Suriin ang situwasyon sa ibaba:
Ang pakiramdam ng pagkabalisa ay resulta ng konsensiya na nagpapaalala kay Kardo ng kaniyang moral na
obligasyon na maging tapat at hindi umasa sa kodigo, Ibig sabihin, kung sinasabi sa kaniya ng kaniyang konsensiya
na masama ang gumamit ng kodigo, ito ay isang moral na paghatol na nagpapahayag na hindi niya dapat gawin ang
kilos. Sa kabilang banda, kung pipiliin niyang hindi sundin ang sinasabi ng konsensiya, tiyak na makagagawa siya ng
masamang kilos.

3. Pagkatapos gawin ang kilos (Consequent). Ito ang proseso ng pagbabalik-tanaw o pagninilay sa isang pasiya o kilos
na naisagawa. Mahalaga ang prosesong ito dahil nakikita natin ang ating kalakasan at kahinaan sa pagbuo ng isang
mabuting pasiya. Pinalalalim ng uri ng konsensiyang ito ang ating pananagutan sa kilos na isinagawa.

Pag-isipan : Nagbibigay ba ako ng panahon sa pagninilay para suriin ang mga pasiya at kilos ko?

Kung oo ang sagot mo, anu-ano ang iyong mga reyalisasyon tungkol sa iyong mga pasiya at kilos? Kung hindi, ano-
anong mga gawain ang dapat mong tanggalin sa iyong iskedyul araw-araw upang makapaglaan ka ng panahon sa
pagsusuri ng iyong mga pasiya at kilos (hal., maraming oras na ginugugol sa pakikipagkaibigan gamit ang social
networking sites). Ano-ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi mo agad ito isagawa?

Sa tulong ng tatlong larangan ng panahon sa pagkilos ng konsensiya, nailalapat natin ang pangkalahatang
pamantayang moral sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang personal na pamantayang ginagamit natin upang suriin
ang ating iniisip, sinasabi at ginagawa ayon sa Likas na Batas Moral (na siya namang batayan upang malaman natin
ang mabuti at masama sa mga sitwasiyong kinakaharap natin).

KALAYAAN
"Bawal magpagabi sa labas ng bahay", "Bawal maglaro ng kompyuter", "Bawal manood ng TV sa gabi". Ang
daming alituntuning dapat sundin na para bang wala ka ng kalayaan. May pagkakataon din ba na nasasabi mo sa
sarili mo ito kapag naiisip mong kailangan mong sumunod sa maraming batas sa inyong tahanan, paaralan o
pamayanan? Marahil ang ibang kabataang tulad mo ay iniisip na wala silang kalayaan dahil hindi nila magawa ang
mga gusto nilang gawin sa buhay nila. Pakiramdam nila na dahil sa mga batas na dapat sundin, nawawala na ang
kanilang kalayaan. Sang-ayon ka ba sa ganitong pananaw?

May kalayaan ang lahat ng tao at gusto niyang gawin ang lahat ng gusto niya lalo na kung ang mga ito ay
magpapaligaya sa kaniya. Ngunit ayon kay Fr. Joseph M. de Torre, walang kakayahan ang tao na gawin palagi ang
anumang naisin niya. Maraming bagay ang nais niyang mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang lahat ng
mga ito. Nais niyang hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman ang lahat ng bagay ngunit wala
siyang kalayaan upang magawa ang mga ito. Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao?

Tunay na malaya ang tao sa kaniyang pagpili o pagpapasiya sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao.
Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang "katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang
kaniyang kilos tungo sa kaniyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito". Nangangahulugan ito na
dahil sa kilos-loob, malaya ang taong pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kaniyang kilos
para sa kaniyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kaniya.
Maaari siyang mahikayat, maganyak, o maakit subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin
MGA URI NG KALAYAAN
May dalawang uri ng kalayaan: ang panloob at panlabas na kalayaan.
1. Panloob na Kalayaan. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kaniyang
kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang :
a. kalayaang gumusto (freedom of exercise) - ito ang kalayaang magnais o hindi magnais
b. kalayaang tumukay (freedom of specification) - ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung ano ang
nanaisin.
Sa babalang ito halimbawa, "Bawal Maligo sa Bahaging ito ng Dagat," ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o
hindi magnais na sundin o hindi sundin ang babala. Sakaling nagpasiya ang kilos-loob na sundin ang sinasabi ng
babala, malaya nitong tukuyin kung ano ang nanaising gawin bilang kapalit sa planong paliligo. Nanaisin niya
marahil ang magpiknik na lamang sa dalampasigan, lumipat ng ibang lugar, o umuwi na lang. Walang maaaring
magtanggal ng panloob na kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait, makukuha o maaalis sa kaniya.

2. Panlabas na Kalayaan. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawaing ninais ng kilos-loob.
Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang
kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang
kaniyang panlabas na kalayaan.
Ilang halimbawa ng panlabas na kalayaan ay ang politikal, akademiko at propesyonal na kalayaan. Nakapaloob sa
politikal na kalayaan ang kalayaang pumili ngsasalinang samahang politikal, bumoto, o pumili ng taong mamumuno,
Isang halimbawa ng akademikong kalayaan ay ang kalayaang pumili ng paaralang papasukan at kursong kukunin sa
kolehiyo. May kalayaan ang mga propesyonal na gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa sariling pamamaraan
subalit hindi taliwas sa mga panuntunan o batas

Ano ang kaughayan ng panloob na kalayaan sa panlabas na kalayaan? Ang panloob na kalayaan ay ang ninanais na
hantungan ng tao at ang panlabas na kalayaan ay mga paraan upang maisakatuparan ito. Kailangan ng panloob na
kalayaan ang panlabas na kalayaan. Ang mga panlabas na kalayaan ay mga estraktura at panuntunan, Sa unang
tingin, sa pagsunod sa mga panuntunan o batas na ito, nalilimitahan ang ating kalayaan. Ngunit sa mas malalim na
pag-iisip, kapag sumusunod ang tao sa mga batas, mas nagiging ganap ang mga panlabas na kalayaan. Sa
pagsasagawa ng mga panlabas na kalayaan, naisasakatuparan ng tao ang panloob na kalayaan. Halimbawa, ang
mithiin mong kumuha ng Academic Track sa Senior High School ay panloob na kalayaan. Upang maisakatuparan ito,
may kalayaan kang pumili ng kurso sa Academic Track, tulad ng Education o Guidance and Counselling. Malaya
kang pumili ng pamantasang papasukan para sa pinili mong Academic Track ngunit may mga panuntunan kang
dapat sundin upang maisagawa ito. Kailangang makakuha ka ng angkop na grado upang makapasok ka sa Senior
High School. Sa pamamagitan nito, matutupad mo ang mithiin mo o ang pagnanais mong makapag-aral sa Senior
High School. Kung hindi naayon sa alituntunin ang gagawin ng tao, mababawasan o mawawala ang kaniyang
panlabas na kalayaan Samakatuwid, ang mga tungkulin ng tao sa panlabas na kalayaan ay makatutulong sa
pagsasakatuparan ng ninanais ng panloob na kalayaan.

PANLOOB NA KALAYAAN PANLABAS NA KALAYAAN

Mithiin o pagnanais na kumuha ng Academic Track sa  Kalayaang pumili ng kurso sa Academic Track
Senior High School tulad ng Education o Guidance and  Kalayaang pumili ng pamantasang papasukan
Counselling para sa pinili mong Academic Track

KALAYAAN AT TUNGKULIN
Malaki ang kaugnayan ng kalayaan sa tungkulin Makikita ito sa karaniwang karanasan ng pagsisisi na tinalakay ni
Paul Ricoeur sa kaniyang sanaysay, "Guilt, Ethics and Religion." Ano nga ba ang pagsisisi? Ang pagsisi ay pagbabalik
sa nagawang masama na may paghusga at pagtanggap na "ako ay nakagawa ng masama. May dalawang aspekto ang
karanasan ng pagsisisi: ang obhetibong kasamaang nagawa at ang suhetibong pag-aamin na ako ay nakagawa ng
masama. Madalas sinasagisag ang obhetibong kasamaan sa mga katagang "nadumihan" o "naligaw ng landas. Tunay
na nangyari ang kasamaan at ito'y nagpawalay (alienation) sa sarili sa kapuwa, sa ulirang sarili at sa Diyos. Ang
suhetibong aspekto ay resulta ng paghuhusga ng konsensiya: ako ang nakagawa ng masama

"Bakit ako nagsisisi?" Ito ang mahalagang tanong ng tao sa kaniyang sarili na ang sagot ay may dalawang bahagi.
Una, "nagsisisi ako dahil nagawa ko ang masama sa halip na gawin ko ang mabuti. Dito nakikita na may kaugnayan
ang kalayaan at ang kasamaan. Ang katagang sa halip ay nagpapatunay na may kalayaan akong piliin ang mabuti o
masama. At ang pinili ko ay ang masama kung kayat ako'y nagsisisi Naipakikita rin na ang kasamaan ay bunga ng
aking kalayaan. Kung ang masama ay galing sa kapaligiran ng tao o sa kalikasan, hindi ko ito pagsisisihan. Kung
magkaroon man ng gulo o away sa paligid ko, hindi ko ito pagsisisihan dahil hindi ko ito ginusto at ginawa.
Pinatutunayan nito na nagsisisi lang ang tao sa mga pansariling kilos na ginawa niya.

Pangalawang bahagi ng sagot sa tanong na "Bakit ako nagsisisi?" ay "nagsisisi ako dahil nagawa ko ang masama na
hindi ko dapat ginawa." Sa sagot na ito, makikita na ang masama ay dapat iwasan. Ang salitang dapat ay
nagpapatunay naman na may tungkulin ako. Tungkulin ko na iwasan ang masama at gawin ang mabuti

Kung iuugnay natin ang dalawang bahagi, ang magiging sagot sa tanong na "Bakit ako nagsisisi?" ay nagsisisi ako
dahil ginawa ko ang masama sa halip ng mabuti na dapat kong gawin. Dito lumalabas na magkaakibat ang kalayaan
at tungkulin.

Ano ngayon ang tungkulin ng tao sa paggamit ng kaniyang kalayaan? May kalayaan ang tao na pumili ng mabuti at
masama ngunit ang dapat piliin ay ang mabuti at hindi ang masama. Ang kalayaan, samakatuwid, ay ang tungkuling
gumawa ng mabuti at iwasan ang masama. Tungkulin ng taong gamitin ang kalayaan upang gawin ang mabuti.

Ano ang batayan ng kabutihan? Ang batayan ng ating konsensiya sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng ating
kilos ay ang Likas na Batas Moral. Ang unang prinsipyo ng batas na ito ay "gawin ang mabuti at iwasan ang
masama". Kung gayon, tungkulin ng tao ang sumunod sa batas na ito upang magampanan ang tungkuling makagawa
ng kabutihan. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral. Ang tunay na kalayaan ay
masusumpungan sa pagsunod

Ang kalayaan ay ang tungkuling gumawa ng mabuti at iwasan ang masama. Tungkulin ng taong gamitin ang
kalayaan upang gawin ang mabuti.

sa batas na ito. Ang batas ay binuo upang mapabuti ang mga tagasunod nito. Sa bawat batas na nauunawaan at
sinusunod ng tao, mas nasasanay siyang gumawa ng kabutihan at mas makabuluhan ang kaniyang kalayaan.

Pag-isipan : Mapanagutan ka ba sa iyong mga kinikilos? Paano mo gagamitin ang kalayaan mo nang may
pananagutan?

PAGGAMIT NG KALAYAAN NA MAY KAAKIBAT NA TUNGKULIN


Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na tungkulin. Kailangan siyang maging mapanagutan sa anumang kilos at
pagpapasiyang gagawin. Paano mo malalaman kung naging mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan? Narito ang
ilang palatandaan ayon kay Esteban (1990):
1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang kabutihang panlahat (common
good). Ginagamit mo ang kalayaan upang malampasan ang mga balakid sa pag-unlad ng iyong pagkatao. Ang
maging malaya sa kamangmangan, kahirapan, katamaran, kasamaan ay ilan sa mga ito. Pinagkaloob din ang
kalayaan para sa ikabubuti ng kapuwa at pamayanan tulad ng pakikilahok sa mga proyektong
pampamayanan o sa pagtatanggol sa mga mabuting adhikain. Halimbawa, pinili mong gumising ng maaga
upang makapaghanda ng almusal hindi lamang para sa sarili mo kundi para sa lahat sa pamilya. Ginamit mo
ang kalayaan mong magising nang maaga at dinaig mo ang katamaran sa paggising sa umaga.

2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasiya. Ang bawat kilos o pagpapasiya
ay may katumbas na epekto, mabuti man o masama. Hindi lamang sapat na harapin ang kahihinatnan ng
pasiya o kilos kundi ang gamitin ang kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali. Ang tao ay may
kalayaang piliin ang kilos niya ngunit wala siyang kalayaang piliin ang kahihinatnan ng kaniyang pagpili.
Hindi malaya ang tao na piliin ang kahihinatnan ng kilos na kaniyang pinill. Halimbawa, malaya ang isang
mag-aaral na gumamit o maglaro mga gadget (laptop, tablet o celphone) kaysa gumawa ng takdang-aralin,
subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan nito. Hindi maaaring mataas pa rin ang kaniyang marka
sa kabila ng kaniyang piniling gawin.

3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas-Moral. Ang Likas na Batas Moral ay taglay
ng tao mula kapanganakan. Nakasaad sa mga batas na ito ang dapat gawin at hindi dapat gawin ng tao. Ito ay
batayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa batas na ito tulad ng kaugnayan ng
dalampasigan sa baybay-dagat. Ang dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay hangganan
dito. Gayundin, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigay hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng
hangganan nito. Ang batas moral kung gayon ay alituntuning kailangang sundin na nagbibigay hugis at direksiyon sa
kalayaan.

Maaari ring mahalintulad ang kalayaan sa isang pana o palaso. Ang pana o palaso ay walang direksiyon kung ito ay
walang aasintahin o farget. Ito ay walang patutunguhan o maaaring tamaan ang kahit ano lang. Ang aasintahin o
target ng ating kalayaan ay ang kabutihan. Kung walang kabutihan, walang patutunguhan ang kalayaan nating
pumili ng mga kilos. Kung kaya, ang kalayaan ay para sa kabutihan lamang

May kalayaang pumili ang tao dahil sa kaniyang kilos-loob. Ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may
kakayahang magsuri at pumili ng nararapat. Siya ay may moral na tungkulin na piliin ang ayon sa moral na batayan.
Ang kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng espiritwal na aspekto ng ating pagkatao. Kaloob ito ng Diyos sa tao upang
malaya niyang mahubog ang kaniyang pagkatao. Ang tunay na kalayaan ay may tungkuling mapanagutan kaya't
inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan. Ang tunay na kalayaan ay ang tungkuling
gumawa ng mabuti at iwasan ang masama. Ang tunay na kalayaan ay kabutihan.

Ang tunay na kalayaan ay ang tungkuling gumawa ng mabuti at iwasan ang masama. Ang tunay na kalayaan ay
kabutihan.

ANG DIGNIDAD NG TAO


"Lahat ng tao ay pantay-pantay". Sang-ayon ka ba rito? O, mas gusto mong Itanong na "Paanong nagiging pantay-
pantay ang lahat ng tao kung tayo ay magkakaiba ng itsura, edad, kasarian, talento, kakayahan, at estado sa buhay?"
Ano nga ba ang batayan sa pagsasabi ng pahayag na ito?

Bagamat ang tao ay maraming hindi pagkakatulad sa kaniyang kapuwa, hindi Ito nangangahulugan na nakaaangat
siya sa huli. Halimbawa, magaling sa Math at Science ang iyong kaibigan. Sa kaniya ka humihingi ng paliwanag kung
may hindi ka naiintindihan sa inyong klase. Maganda rin ang boses ng kaibigan mong ito at mahusay pa na emcee o
Guro ng Palatuntunan, Kaya, siya lagi ang kinukuha na emcee ng mga guro sa tuwing may palatuntunan kayo sa
Baitang 7. Ngunit kahit matalino, talentado at magaling siya sa maraming bagay, hindi ito nangangahulugang angat
siya sa iyo at sa iba pa ninyong mga kamag-aral. Bakit? Ito ay dahil may pagkakaiba man ang bawat tao, hindi nito
iniaalis ang pagkakapantay-pantay ng lahat. Paano nangyari ito? Saan nagmumula ang pagkakapantay-pantay ng
tao? Ito ay mula sa kaniyang dignidad bilang tao at ang mga karapatan na dumadaloy mula rito.

Ano ang dignidad ng tao? Ang dignidad ay salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, na ang ibig sabihin ay
"karapat-dapat". Ibig sabihin, dahil sa taglay niyang dignidad, karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang
ng kaniyang sarili at kapuwa. Hindi ito nagmula sa lipunan o pananaw ng tao dahil likas na taglay ito ng tao. Hindi
ito nakabatay sa kaniyang kalagayan o estado, yaman, karangyaan sa buhay, taas ng inabot sa pag-aaral, relihiyon o
lahing pinagmulan o posisyon sa organisasyon o pamahalaan. Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang, anyo, antas
ng kalinangan at kakayahan, ay may dignidad. Kung hindi nakabatay ang dignidad ng tao sa kung anong mayroon
siya, saan ito nakabatay?

Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang. anyo, antas ng kalinangan at kakayahan, ay may dignidad.

Bawat tao ay may dignidad dahil sa kaniyang pagkatao. Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas, nilikha ang tao na
kawangis ng Diyos at pinagkalooban ng isip at kalayaan. Ayon naman sa pilosopong si Immanuel Kant, ang tao ay
naiiba sa lahat ng nilalang. Ibig sabihin, mas mahalaga at mas magaling siya sa ibang nilalang Mayroon siyang hindi
nawawala at mapapantayang halaga dahil sa kaniyang kakayahang mag-isip at pagiging malaya. Ang isip, kilos-loob
at kalayaan ang mga katangian ng pagkatao ng tao na tuon ng Modyul 5 at 7. Kaya karapat-dapat na igalang ang
dignidad ng sarili at ng kapuwa.

Pag-isipan : Ano ang nararamdaman mo sa katotohanang may dignidad ka? Kung tititigan at kausapin mo ngayon
ang iyong sarili sa salamin, ano ang sasabihin mo sa kaniya? Masasabi mo ba sa sarili mo na iginagalang at iniingatan
mo ang iyong dignidad bilang tao? Paano? Ang pagkakaroon ng dignidad ay taglay din ng iyong kapuwa. Masasabi
mo ba na isinasaalang-alang mo ang dignidad nila sa paraan ng pakikitungo mo sa kanila? Sa paanong paraan?

Dahil sa dignidad ng tao, hindi siya dapat ituturing na kasangkapan lamang. Nakasaad ito sa pahayag na "Kumilos
ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhin ang sariling pagkatao at ang pagkatao ng iyong kapuwa hindi
lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang telos din. Ang telos ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
layunin. Ibig sabihin, nakabatay ang pagka-layunin mismo ng tao sa kaniyang kakayahang mag-isip o pagiging
rasyonal Sa simpleng paliwanag, dahil sa kaniyang kakayahang mag-isip, hindi maaaring ituring na isang
kasangkapan lamang o bagay ang tao. Balikan natin ang halimbawa tungkol sa kaibigan o na magaling sa Math at
Science. Kahit may mga pagkakataong hindi mo kailangan ang tulong niya dahil nauunawaan mo ang inyong
talakayan, mahalaga pa rin siya dahil siya ay tao. Hindi nakabatay sa ginagawa niyang pagtulong sa iyo ang kaniyang
halaga. Kaya, may kailangan ka man o wala sa kaniya, mahalaga pa rin siya. Dahil dito, hindi mo siya basta-basta na
lang iniwan na parang isang kagamitan na pagkatapos gamitin ay itatabi na lamang Lumalapit ka pa rin sa kaniya at
nakikipag-usap kahit wala kang hihilingin na anumang tulong o pabor mula sa kaniya.

Pag-isipan : May karanasan ka ba kung saan lumapit o nakipagkaibigan sa iyo ang Isang tao dahil lamang sa
nakukuha niya sa iyo? Anong naramdaman mo? Paano mo ito hinarap bilang tao na may dignidad at may
pagpapahalaga rin sa dignidad ng taong ito kahit nakalimutan niyang pahalagahan ang dignidad mo?

O baka naman ginawa mo rin ito sa ibang tao halimbawa sa iyong kamag-aral, kakilala, o kapitbahay?

Dahil hindi isang bagay o kagamitan ang tao, inaasahang may paggalang ang pakikitungo mo sa kaniya may
kailangan ka man sa kaniya o wala. Kaya't kapag may kailangan ka, nakikiusap ka nang maayos at malumanay.
Iginagalang mo siya dahil pareho kayong may kakayahang mag-isip at may kalayaan.

Binanggit sa Modyul 5 na may mga katangian ang tao na nagpapabukod- tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang
nilalang. Ito ay dahil mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto,
mangatuwiran at magmuni-muni. Dahil rin sa taglay niyang kilos-loob, may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang
mabuti. Dahil sa kaniyang isip at kilos-loob, nalalaman at nagagawa niya ang karapat-dapat na kilos para sa
kaniyang sarili at kapuwa. Marahil, nabubuo ngayon sa iyong isip ang tanong na "Kung ang mga ito lamang ang
pamantayan sa paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao, paano naman ang mga taong isinilang na may sakit
sa isip, mga nawalan ng katinuan dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay, mga ulyanin na hindi na makapag-
isip?" Mahalagang tandaan na hindi naaalis o natatanggal ng mga pangyayaring ito sa kanilang buhay ang dignidad
nila bilang tao. Kaya, hindi sila nawawalan ng karapatan na pahalagahan at igalang.

Hindi lamang ang pagkakaroon ng tao ng isip (o pagiging rasyonal) ang batayan ng paggalang sa kaniyang dignidad.
Ayon sa pilosopong si Max Scheler, mahalagang isaalang-alang ang kaniyang pagiging bukod-tangi, Ibig sabihin, ang
pagkatao ng tao ay ang kaniyang pagka-persona (person), ang kaisahan ng kaniyang iba't ibang kilos. Binubuo ito ng
mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya sa kapuwa niya tao ang kaniyang pagka-ako na kumikilos sa iba't
ibang pagkilos. Ayon kay Dr Manuel Dy, sa lahat ng kilos ng tao, pinakapangunahin ang pagmamahal. Ibig sabihin,
ito ang pinagbabatayan ng lahat ng kilos ng tao dahil lahat ng iba't ibang pagkilos niya ay sa kahuli-hulihan nauuwi
sa pagmamahal. Bakit ka nag-aaral? Bakit mo inaalagaan ang iyong kalusugan? Hindi ba dahil mahal mo ang
magulang mo? Hindi ba dahil mahal mo ang iyong sarili?

Bilang nilalang na may kakayahang mag-isip hindi maaaring ituring na isang kasangkapan lamang o gawing bagay
ang tao.

Ang pagmamahal ay isang pagtungo sa isang umiiral na may halaga patungo sa mas mataas na halagang likas sa
kaniya. Kaya sa pamamagitan ng pigeriamahal umuunlad ang pagkatao ng minamahal at nagmamahal. Halimbawa,
nakita mo na walang tiwala sa kaniyang sarili ang iyong kaibigan, Kaya, ginawa mo ang lahut upang tulungan siyang
ihanda ang mga kallangan sa kaniyang pag-uulat sa inyong klase. Nagawa niya nang maayos ang kaniyang utat.
Pinalakpakan siya ng inyong mga kamag-aral at pinuri ng inyong guro. Ito ang simula ng pagkakaroon niya na tiwala
sa sarili,

Naglalaan ka ba ng panahon upang suriin ang iyong mga kilos? Nagpapakita ba ang mga ito na mahal mo ang iyong
kapuwa? Umuunled ba siya at ikaw rin? Paano mo nalalaman?

Ang pagkabukod-tangi ang halaga ng tao sa kaniyang pagkatao. Wala siyang katulad sa buong kasaysayan at hindi na
mauulit pa. Halimbawa, umalis ang pinsan mo upang magbakasyon sa lolo at lola ninyo sa probinsiya. Maaari mo
bang sabihin sa kaniyang mga magulang na ikaw na muna ang papalit sa kaniya bilang anak nila?

Maaaring ihalintulad ang halaga ng tao sa isang diyamante, Ang diyamante ay isa sa pinakamahal na bato. Mahirap
itong matagpuan at mababa ang prosesong kailangan upang mabuo ito. Dahil dito, napakataas ng halaga na
ibinibigay natin dito. Kung napakahalaga nito, paano pa ang tao? Hindi ba't hindi mapapantayan ang kaniyang
halaga dahil siya ay nag-iisa at walang katulad?

Dahil sa dignidad, lahat ay nabibigyan ng halaga at may karapatang mabuhay at umunlad nang hindi makasasakit sa
ibang tao. Kaugnay nito, kailangan niyang makikipagkapuwa at pangingibabawin ang paggalang at
pakikipagkapatiran Nakikita ang pagiging komunidad ng mga tao sa lipunang kinabibilangan sa pamamagitan ng
paggawa ng kung ano ang makabubuti, hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat. Ano-ano ang maaari mong
gawin upang maipakita ang pangangalaga sa dignidad mo at sa dignidad ng iyong kapuwa? Narito ang dalawang
paraan.

1. Pahalagahan mo ang tao bilang tao, Ibig sabihin, nararapat na hindi mo ituring ang tao na isang bagay o
behikulo lamang na gagamitin sa pagsasakatuparan ng iyong pansariling layunin. Lalong hindi makatao kung
igagalang mo lamang siya dahil nagtataglay siya ng mga katangiang mapakikinabangan mo, Halimbawa,
malaki ang posibilidad na hindi mo na magiging guro sa Baitang 8 ang guro mo ngayon sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 7. Hindi mo na ba siya igagalang at babatiin ng "Magandang umaga po, Ma'am kapag nasa
Baitang 8 ka na? Mahalagang tandaan na hindi nawawala ang pagiging tao at dangal ng isang tao kung siya
ay hindi na kapaki-pakinabang sa iyo

2. Igalang mo ang dignidad ng kapuwa habang ikaw ay nabubuhay. Inaasahan ne patuloy mong isaalang-alang
at nanaisin ang lahat ng makabubuti para sa iyong sanat kapuwa habang ikaw ay may buhay dahil ang
dignidad ay hindi cos. Hindi ito nakadepende sa damdamin o pangyayari, natatapon
Pag-isipan : Ititigil mo ba ang paggalang mo sa iyong mga magulang kung matapos mo na ang iyong pag-aaral,
may sariling hanapbuhay at pamilya kana? May nakatakda bang hangganan ang paggalang sa magulang?

Napakikita sa iyong kilos ang pagmamahal at anatili ng iyong mapagmahal na kilos ang digridad mo bilang tao.
Kaya mahalaga na naglalaan kang par panahon na sunin ang iyong mga kilos upang kung hindi ba pinapababa ng
mga ito ang iyong makita kung dignidad Paano mo mapananatili ang iyong dignidad at maiiwasan ang
pagpapababa nito? May kaugnayan to sa pagiging moral mo na tao. Ang pagiging moral ay ang paggawa ng
mabuting kilos ayon sa iyong Intensya n na nahuhubog sa Likas na Batas Moral. kone Bakit kailanganm mong
maging moral na tao? Sa pagiging moral napananatili ang kaayusan ng pamayanan na yon rong kinabibilangan at
naiingatan ang arapatan ng bawat pawat isa tungo sa tunay na kalayaan. yon kay Confucius nangangahulugan ito
na ang pagpapaunlad mo sa iyong sarili Ajor yong sarili lamang kundi para sa pagkakaisa ng lahat: mula sa ay
hindi para sa iyo ay yong sarili patungo go sa iyong pamilya, sa bansa at sa buong mundo. Ang moral na
pamumuhay kung gayon ay ang pagsasagawa mo ng iyong mga obligasyon sa lyong pa pamilya, sa paaralan, sa
pamayanan, sa lipunan at sa mundo. Sa madaling alita, ar ang pagpananatili sa iyong dignidad ay ang pagkilala
sa tunay na mahalaga. Ang tunay say na mahalaga ay hindi ang panandalian kundi ang paghabambuhay at ang
panghabis bambuhay ay walang iba kundi ang pagmamahal.

Sandali lang : Paano ka nagpapakita ng paggalang sa iyong sarili? Kung nagkakatuwaan kayo ng iyong mga
kaibigan at pasigaw kayong nagkakar wantiyawan habang naglalakad palabas ng gate ng paaralan kasabay ang
iba pang mga mag-aaral, nagpapakita ba kayo rito ng paggalang sa sarili?

Ang pagsisikap na magkaroon ng moral na pamumuhay ay ang pagsisikap na mamuhay ay na nagmamahal na


walang kondisyon - walang hinihintay na kapalit.

Maaaring may mga pagkakataon na gusto mo nang sumukong magmahal at maging moral na tao lalo na kung
nakikita mo na parang walang nangyayari se yong ginagawang pagsisikap para sa iyong sarili at sa kapuwa.
Nakapapagod nga naman ang ganitong sitwasiyon lalo na kung wala kang kasama, walang masasandalan wala
man lang nakakapansin o nabu-bully ka lang sa iyong pagsisikap. Pero alam mo ba? Ang totoo, may iisang
nakakakita sa iyo at labis na natutuwa sa iyong pagsisikap na magmahal at maging moral na tao may Diyos na
laging nakatingin sa bawat isa sa atin.

May mga kilos ka ba na nagpananatili sa iyong dignidad? May mga kilos ka rin ba na nagpapababa nito? Hindi
ba tuwing sasapit ang Bagong Taon marami ang gumagawa ng New Year's resolution? Subalit pagkalipas ng ilang
araw o buwan, bumabalik din naman sa dati, Isa ka ba sa kanila? Kati hindi Bagong Taon, maaari mong planuhin
kung alin sa iyong miga kilos ang nais mong ipagpatuloy o ihihinto.

Kung mahalaga sa Diyos ang lahat ng ating pagsisikap na gumawa ng mabuti, lalo nating kailangang pagtibayin
ang paggalang sa dignidad ng ating sarili at kapuwa. Mahalaga ang lubos na pag-unawa sa mga konseptong
tinalakay upang maiwasan ang iba't ibang uri ng kawalan ng pagpapahalaga sa kapuwa. Kailangan mong
simulan ang pagpapahalagang ito sa iyong sarili upang mas madali mong mailapat ito sa iyong kapuwa sa
pamilya, paaralan o pamayarian. Kailangan mo ang tulong at gabay ng Diyos at mga taong may moral na
pamumuhay upang maisagawa ito.

Walang kinakailangang edad para sa paggalang sa dignidad ng tao. Lahat tayo, bata man o matanda ay
inaasahang ginagawa ito. Ano ang tugon mo bilang isang kabataang Pilipino, sa inaasahang ito sa iyo? Paano mo
sisimulan ang pagtataya ng iyong sarili sa paggalang sa iyong dignidad at ng iyong kapuwa sa kabila ng mga
balakid?

Ang pagpananatili sa iyong dignidad ay ang pagkilala sa tunay na mahalaga. Ang tunay na mahalaga ay hindi ang
panandalian kundi ang panghabambuhay at ang panghabambuhay ay walang iba kundi ang pagmamahal.

You might also like