You are on page 1of 10

Aralin 4: Kalayaang

Kaloob sa Atin,
Pananagutan
Natin
• Sa tulong ng dalawang grapic organizer, maglista ng mga gawaing maituturing na
malaya mong nagagawa.

Malayang Nagawa Hindi Malayang Nagawa

Bakit mo nasabing malaya ka sa mga gawaing ito?


Paano mo nasabing hindi ka malaya sa pangalawang talaang sinasagutan mo?
Ano ba ang pagkaunawa mo sa salitang kalayaan?
• Malaya ba ang tao?
• Malaya din ba ang hayop?
• Magkatulad ba ang taglay nating kalayaan?
• Konsepto:
• Kung pisikal na konsiderasyon ang gagamitin, tila malaya ang ibon
dahil sa nakalilipad ito ay nakararating saan man niya gusto.
• Ngunit kung suriin ang ibang aspekto, makikita natin na hindi rin
maituturing na malaya ang mga hayop dahil sila ay sumusunod sa
dikta ng kanilang instinct at wala silang kalayaang pumili o gumawa
sa pasiya.
• Malaya ang bawat tao na magpahayag at magsalita ngunit magiging
tunay lamang ang paggamit ng kalayaan kung piliin mo ang mga
salitang namumutawi sa iyong kapwa o sa isang sitwasyon.
Ano ba ang kalayaan?
•Ang kalayaan (human freedom) ayon kay Sto.
Tomas Aquinas ay tumutukoy sa kakayahan ng
tao na italaga ang kanyang sarili tungo sa isang
mabuting layunin at magtakda ng mga hakbang
at paraan kung paano niya ito makakamit.
• Angkalayaan ang kakayahang maitalaga ang sarili sa
isang mabuting layunin at makapagtakda ng mga tiyak
na hakbang upang maisagawa ito.
• Misyon para maging malaya:
• Kapag ito ay ating naging batayan ng pagsasabuhay
ng kalayaan, higit tayong napapalapit sa misyong
itinalaga ng Diyos sa atin sa simula pa lamang na
likhain tayo.
• At
habang lumalapit tayo sa pagsasakatuparan
ng misyong ito, higit tayong nagiging malaya dahil
nabubuo natin ang layunin ng ating buhay sa mundo,
ang magmahal at maglingkod sa kapwa.
2 Uri ng Kalayaan
A. Panloob na kalayaan
• Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquinas, nakasalalay
sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan:
1. Kalayaang gumusto (freedom of exercise)- ito ang
kalayaang magnais o hindi magnais
2. Kalayaang tumukoy (Freedom of Specification) Ito naman
ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin.
Walang maaring magtagal ng panloob na kalayaan ng tao,
hindi ito ipinagkakait, makukuha o maaalis sa kanya.
B. Panlabas na Kalayaan
• Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain
na ninais ng kilos-loob.
• Naimpluwensyahan ng mga panlabas na salik ang
kalayaang ito. Maaring mabawasan o maalis ang
kalayaang ito sa pamamagitan ng puwersa sa labas
ng tao.
• Angkalayaan sa pagpapasya ay mahalaga sa paghubog
ng moral na pagkatao.
• Angkapasyahan ang nagiging batayan ng kilos, ang kilos ay
nahuhusgahan kung ito ay mabuti o masama.
• Kung ang kapasyahan ay naging mabuti ang batayan, tiyak
na lalabas ding mabuti ang kilos at kabaliktaran naman ang
mangyayari kapag hindi mabuti ang batayan.
• Angkalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na
Batas Moral. Ang tunay na kalayaan ay masusumpungan sa
pagsunod sa batas na ito.
• Sa
bawat batas na nauunawaan at sinusunod ng tao, mas
nadaragdagan ang kaniyang kalayaan.
Mga palatandaan upang malaman kung naging
mapanagutan ka sa paggamit ng kalayaan
1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang
kabutihang panlahat ( good)
2. Kung handa kang harapin ang anumang kahihinatnan ng iyong pagpasya.
- Ang bawat kilos o pagpapasya ay may katumbas na epekto, mabuti man o
masama
- Hindi lamang sapat na hanapin ang kahihinatnan ng pasiya o kilos kundi ang
gamitin ang kalayaan upang itama ang anumang pagkakamali
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral.
-Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya’y likhain. Nakasaad sa
mga batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao. Siyang naging batayan sa
pagsaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
“Ang tunay na kalayaan ay gawin
ang mabuti nang walang
pananagutan.''

You might also like