You are on page 1of 18

Modyul 7:

KALAYAAN
“True freedom is not the liberty
to do anything we please, but
the liberty to do what we
should; and it is genuine liberty
because doing what we should
do now pleases us.”
–D.A. Carson
Kalayaan (Sto. Tomas de Aquino)
• Katangian ng kilos-loob na itakda ng tao
ang kanyang kilos tungo sa kanyang
maaaring hantungan at ang paraan
upang makamit ito.
Kalayaan (Esther Esteban, 1990)
• Ang konsepto ng kalayaan ay
nangangahulugan na nagagawa o
nakakayang gawin ng tao ang nararapat
upang makamit ang pinakamataas at
pinakadakilang layunin ng kanyang
pagkatao.
Paano ba masasabi na malaya ang tao?
• Maaaring mahikayat, maganyak, o maakit
subalit hindi maaaring pwersahin o pilitin.
• Ang kalayaan ay hindi tumutukoy sa kalayaan
upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng
kanyang pagpili.
• Hindi sakop ng kayalayaan ang likhain ang
kahihinatnan ng kanyang piniling kilos.
Halimbawa
• Malaya ang isang mag-aaral na piliing
magbarkada kaysa mag-aral ng leksyon,
subalit hindi siya Malaya sa maaaring
kahihinatnan nito.
• Ang kalayaan ay hindi lubos, at ito ay may
limitasyon.
Kaugnayan ng Kalayaan sa Likas na
Batas Moral
• Ang Likas na Batas Moral ang nagbibigay
hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan
at nagtatakda ng hangganan nito.
• Ang batas moral kung gayon ay
alituntuning kailangang sundin na
nagbibigay hugis at direksyon sa
kalayaan.
Uri ng Kalayaan
• Panloob na Kalayaan
• Panlabas na Kalayaan
Uri ng Kalayaan: Panloob
• Nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang
kanyang kalayaan. (Sto. Tmas de Aquino)
 Kalayaang gumusto (freedom of exercise) –
kalayaang magnais o hindi magnais
 Kalayaang tumukoy (freedom of
specification) – kalayaan upang tukuyin
kung alin ang nanaisin.
Uri ng Kalayaan: Panloob
“Bawal Maligo Dito”
• Malayang magnais o hindi magnais na
sundin o kaya balewalain ang babala,
Malaya din tukuyin kung ano ang
nanaising gawin kapalit sa planong
paliligo.
Uri ng Kalayaan: Panloob
• Walang maaaring magtanggal ng panloob
na kalayaan ng ta. Hindi ito maipagkakait,
makukuha o maaalis sa kanya.
Uri ng Kalayaan: Panlabas
• Ang kalayaan upang isakatuparan ang
gawain na ninais ng kilos-loob.
• Maaaring mabawasan o maalis ang
kalayaang ito sa pamamagitan ng
puwersa sa labas.
Halimbawa ng Panlabas na Kalayaan

• Politikal na kalayaan
• Propesyonal na kalayaan
• Pang-akademikong kalayaan
Tandaan

Ang Kalayaan na
ipinagkaloob sa tao ay
palaging may kaakibat na
pananagutan o
responsibilidad.
Paano malalaman kung nagging
mapanagutan sa paggamit ng kalayaan?
Ayon kay Esteban (1990):
• Kung naisaalang-alang mo ang
kabutihang pansarili (personal good) at
ang kabutihang panlahat (common
good).
• Kung handa kang harapin ang anumang
kahihinatnan ng iyong pagpapasya.
Paano malalaman kung naging
mapanagutan sa paggamit ng kalayaan?
Ayon kay Esteban (1990):
• Kung ang iyong pagkilos ay hindi
sumasalungat sa Likas na Batas Moral.
Tandaan

Ang tunay na
kalayaan ay ang
paggawa ng
kabutihan.

You might also like