You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
LUACAN, DINALUPIHAN, BATAAN

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
PRE-TEST
I. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong sa UNI-STRUCTURAL. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Gawing gabay sa pagsagot ang STEM 1-11 sa bawat
bilang.

STEM 1: Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kaniyang obra maestra.
Balikan natin ang kakayahang taglay ng tao. Bagama’t may mga kakayahan siyang taglay rin ng hayop,
nagkakaiba ang paraan kung paano ito ginagamit sa ibang pagkakataon. Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas
de Aquino, ang tao ay binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan.

1. Batay sa mga pahayag sa itaas, sinong pilosopo ang nagsasabi na ang tao ay binubuo ng ispiritwal at
materyal na kalikasan?
A. Aristotle C. Santo Tomas De Aquino
B. Plato D. San Agustin
2. Ang mga ito ay nilikha ng Diyos ayon sa kanyang wangis kaya naman sila ay tinawag ng Diyos na kanyang
obra maestra.
A. Sanlibutan D. Kalikasan
B. Tao D. Hayop

STEM 2: Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa
kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon. Ang
pangunahing prinsipyo ng likas na batas moral ay “gawin ang mabuti, iwasan ang masama.” Hindi
nagbabago ang Likas na Batas Moral.
3. Ito ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kaniya sa gitna
ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon.
A. Konsensya C. Pagtitiyaga
B. Pagtitimpi D. Pag-iisip

4. Ano ang pangunahing prinsipyo ng likas na batas moral?


A. Iwasan ang masama at piliin ang mabuti
B. Igalang ang wasto at kalimutan ang masama
C. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
D. Iwasto ang sarili at kalimutan ang nakasanayan

STEM 3: Ayon nga sa kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino, “ang kalayaan ay katangian ng kilos-
loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang
makamit ito.” Ibig sabihin, ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili. Walang anumang
puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kaniya.
5. Ito ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang
hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.
A. Freedom for C. karapatan
B. Freedom from D. Kalayaan

Address:M. B. Pinili Street, Luacan, Dinalupihan 2110 Bataan


School ID:300708E-mail Address:luakannationalhighschoolmain@gmail.comTelephone No.:(047) 633-2135
STEM 4: May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act).
Kilos ng tao ( Acts of man) Makataong Kilos (Humane act)
Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang  Ito ay mga kilos ng tao na isinasaagawang may
kontrol na ayon sa kalikasan bilang tao kaalaman (knowingly), malaya (free) at kusa
(voluntarilly)

6. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa
pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng .
A. Kilos ng tao
B. Di kusang-loob
C. Kusang-loob
D. Nakasanayang kilos

STEM 5: Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip
at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay
batay sa ating pagpapasiya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti.
7. Ang kilos na ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao.
A. makataong-kilos C. pananagutan
B. tungkulin D. kilos ng tao
STEM 6: Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng
isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
8. Ito ay isang isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
A. Mabuting pagpapasiya C. Kilos-loob
B. Konsensya D. Tungkulin

STEM 7: Ayon kay Agapay noong 2007 ang katagang “High on Drugs” ay isang estadong pysikal o sikiko
(psychic) na kung saan ang tao ay naka depende sa gamot dahil sa paulit-ulit na paggamit na hindi kailangang
medical. Ang nakakalungkot ngayon ay karamihan ng mga naaapektuhan o nag sisimula sa droga ay mga
kabataan. Maaaring dahilan sa pagpamit ng ipinagbabawal na gamot ay ang problema sa pamilya,
kagustuhang subukin ang epekto sa sarili, makalimutan ang kinahihiyan o ang nakaraan, o anumang
kadahilanan.
Mayroong iba’t-ibang uri ng paglabag sa buhay: aborsyon, pagpapatiwakal o suicide, alkoholismo,
paggamit ng ipinagbabawal na gamot at euthanasia.
9. Ito ay isang estadong pysikal o sikiko (psychic) na kung saan ang tao ay naka depende sa gamot
dahil sa paulit-ulit na paggamit na hindi kailangang medical.
A. Alkoholismo C. High on drugs
B. Paninigarilyo D. Euthanasia
10. Ito ay ang pagkitil ng isang tao sa kaniyang sariling buhay sa kung ano ano mang paraan.
May ibang kabataan na dumadaan sa depresyon o malubhang kalungkutan ang gumagawa nito.
A. Alkoholismo C. Pagpapatiwakal o Suicide
B. Paninigarilyo D. Euthanasia
11. Ito ay tumutukoy sa pag-alis ng fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Ito ay isa mga
paglabag na kume-kwestiyon sa moral na integridad ng tao.
A. Abortion C. Pagpapatiwakal o Suicide
B. Mercy Killing D. Euthanasia
STEM 8: Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat
mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang ‘pater’ na ibig sabihin ay
ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan. Ang nasyonalismo ay tumutukoy
sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may
pagkakaparehong wika kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
12. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. pinagkopyahan at pinagbasehan C. kabayanihan at katapangan
B. pinagmulan o pinanggalingan D. katatagan at kasipagan

13. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming


bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o
tradisyon.
A. Kalayaan C. patriyotismo
B. katarungan D. nasyonalismo

STEM 9: MGA MALING PAGTRATO SA KALIKASAN


 Maling pagtatapon ng basura
 Ilegal na pagputol ng mga puno
 Polusyon sa hangin, tubig at lupa
 Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
 Malabis at mapanirang pangingisda
 Pag-convert ng mga lupang sakahan
 Global Warming at Climate Change
 Komersyalismo at urbanisasyon
14. Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na
kailangan ng tao upang mabuhay.
A. Global Warming at Climate Change
B. Pag-convert ng mga lupang sakahan
C. Komersyalismo at urbanisasyon
D. Polusyon sa hangin, tubig at lupa

15. Ito ay ang hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na
pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan.
A. Maling pagtatapon ng basura
B. Polusyon sa hangin, tubig at lupa
C. Malabis at mapanirang pangingisda
D. Polusyon sa hangin, tubig at lupa
STEM 10: MGA ISYUNG KAUGNAY SA KAWALAN NG PAGGALANG SA DIGNIDAD AT SEKSWALIDAD

1. Pagtatalik bago ang kasal (pre-marital sex)-Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na
wala pa sa tamang edad o nasa edad man ngunit hindi pa kasal.
2. Pornograpiya- Ito ay galing sa salitang Griyego “porne”na ang kahulugan ay prostitute o taong
nagbebenta ng panandaliang aliw at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
3. Pang-aabusong Seksuwal- Ito ay anyo ng karahasan kung saan ang hindi ginusto o hindi
inanyayahang sekswal na kilos o gawain ay pinilit ng isang salarin sa isang tao nang walang
pahintulot nila, gamit ang pagbabanta, pananakot, o panloloko, at sanhi ng pagkabalisa at takot
sa personal na kaligtasan ng nabiktima, anoman ang kasarian at edad nito (Revised Penal Code;
RA 8353; RA 9262; RA 11313).
4. Prostitusyon- Ito ay sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain. Ito ay pangangalakal ng
serbisyo ng pakikipagtalik kapalit ng pera o personal na pakinabang (Revised Penal Code).

16. Ito ay anyo ng karahasan kung saan ang hindi ginusto o hindi inanyayahang sekswal na kilos o
gawain ay pinilit ng isang salarin sa isang tao nang walang pahintulot nila, gamit ang
pagbabanta, pananakot, o panloloko, at sanhi ng pagkabalisa at takot sa personal na
kaligtasan ng nabiktima, anoman ang kasarian at edad nito.
A. Pornograpiya C. Prostitusyon
B. Pang-aabusong Seksuwal D. Pagtatalik bago ang kasal

17. Ito ay sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain. Ito ay pangangalakal ng serbisyo ng


pakikipagtalik kapalit ng pera o personal na pakinabang. Binabayaran ang pakikipagtalik upang
ang tao ay makadama ng kasiyahang sekswal.
A. Pornograpiya C. Prostitusyon
B. Pang-aabusong Seksuwal D. Pagtatalik bago ang kasal

18. Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa tamang edad o nasa edad man
ngunit hindi pa kasal.
A. Pornograpiya C. Prostitusyon
B. Pang-aabusong Seksuwal D. Pagtatalik bago ang kasal
STEM 11: Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa
buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan.
Ang pagsasabi ng totoo ay mahalaga sa paninindigan ng katotohanan. Ang tunay nitong halaga ay ang
pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman.

Isa ang pagsisinungaling sa mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. Ang
pagsisinungaling ay ang hindi pagpili o pagkiling o pagsang-ayon sa atotohanan. Ito ay paghadlang sa bukas
at kaliwanagan ng bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao.

19. Ang ____________________ ay ang hindi pagpili o pagkiling o pagsang-ayon sa atotohanan. Ito
ay paghadlang sa bukas at kaliwanagan ng bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa
pagitan ng mga tao.
A. Katotohanan C. Pagsisinungaling
B. Pagtatago ng sikreto D. Jocose Lie
20. Ito ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang
pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan.
Ang pagsasabi ng totoo ay mahalaga sa paninindigan ng katotohanan.
A. Katotohanan C. Pagsisinungaling
B. Pagtatago ng sikreto D. Jocose Lie

II. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong sa MULTI-STRUCTURAL. Isa-isahin ang
tamang sagot sa bawat bilang. Gawing gabay sa pagsagot ang STEM 1-5 sa bawat bilang.

STEM 1: May dalawang uri ng kamangmangan na mahalagang maunawaan upang mataya kung kailan
maituturing na masama:
1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance). Ang kamangmangan ay madaraig kung
mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan ito at ang
pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral.
2. Kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance). Ang kamangmangan ay di madaraig
kung walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan.
21-23 Paghambingin ang dalawang uri ng kamangmangan na mahalagang maunawaan upang
mataya kung kailan maituturing na masama ang isang gawain.
I. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________________________.
II.Kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________________________.
STEM 2: Ayon kay Lipio, ang kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi
isang kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan. Dahil nabubuhay ang tao sa isang
sambayanan, ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang
pagpapahalaga sa kapuwa: ang magmahal at maglingkod. Mula sa paliwanag na ito, ay mayroong dalawang
aspekto ng kalayaan: kalayaan mula sa (freedom from), at ang kalayaan para sa (freedom for).
24-26 Itala ang dalawang aspekto ng Kalayaan:
A. ________________________________
B. ________________________________
STEM 3: May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act).
Kilos ng tao ( Acts of man) Makataong Kilos (Humane act)
Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang  Ito ay mga kilos ng tao na isinasaagawang may
kontrol na ayon sa kalikasan bilang tao kaalaman (knowingly), malaya (free) at kusa
Ang mga kilos na ito ay hindi ginagamitan ng (voluntarilly)
isip (intellect) at kilos-loob (free-will).  Ang mga kilos na ito ay ginagamitan ng isip
Walang pananagutan ang taong nagsagawa (intellect) at kilos-loob (free will)
ng kilos.
27-29 Tukuyin ang TATLONG HALIMBAWA ng mga gawaing nagsasaad ng makataong kilos o humane act.
Lagyan ng tyek ang mga ito.
_____PAGHIKAB _____PAGKALAT NG DUMI
_____PAGNANAKAW _____PAG-IHI
STEM _____PAGKURAP
4: Mayroong anim na hakbang sa moral na_____PAGSASABI
NG MATA pagpapasiya. Ang mga ito ay makatutulong
NG TOTOO
upang maproseso at maunawaan ang tamang paggamit ng konsensya. Narito ang mga hakbang:
1. Magkalap ng patunay (Look for the facts)
2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities)
3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own)
4. Tingnan ang kalooban (Turn inward)
5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help)
6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision)
31-32Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa moral na pagpapasiya. Gamitin ang numerong 1
hanggang 6 upang mapagsunod-sunod ang mga ito.

_______ Tingnan ang kalooban _______ Magkalap ng patunay


_______ Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos _______ Magsagawa ng pasiya
_______ Maghanap ng ibang kaalaman _______Isaisip ang mga posibilidad

STEM 5: Ang KAPALIGIRAN ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin, may buhay o walang buhay. Ito ay
kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa
malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik tulad ng hangin, lupa, tubig at iba pa na
siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang sa kanilang buhay.

33-35 Itala ang iba pang salik na maituturing ding parte ng kalikasan.
I. _______________________________________
II. _______________________________________
III. _______________________________________

III. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong sa RELATIONAL. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawing gabay sa pagsagot ang STEM 1-5 sa bawat bilang.
STEM 1: Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-
uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong
sitwasyon. Ang pangunahing prinsipyo ng likas na batas moral ay “gawin ang mabuti, iwasan ang
masama.” Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral.

36-38 Bilang isang indibidwal, sa iyong palagay, paano huhubugin ang konsensiya ng tao upang kumiling ito
sa mabuti?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________.
STEM 2: Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang makataong kilos ay bunga ng
ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang
kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasiya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng
ating isinasagawang kilos ay mabuti.
39-41 Naranasan mo na ba ang mangopya? Paano mo hinusgahan ang iyong kilos na ito?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________.

STEM 3: Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita
ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.

42-44 Isipin ang mga maling pagpapasiya na nagawa mo sa iyong iyong pag-aaral. Isulat ang mga ito sa
unang hanay at sa pangalawang hanay naman ay pagtantuin kung paano mo iwawasto ang mga maling
pagpapasiya na iyong nagawa.
MGA MALING PAGPAPASYANG NAGAWA PAANO MO IWINASTO ANG MGA ITO
MO SA IYONG PAG-AARAL

STEM 4: Ang nakakalungkot sa panahaon ngayon ay karamihan ng mga naaapektuhan o nag sisimula sa
droga ay mga kabataan. Maaaring dahilan sa pagpamit ng ipinagbabawal na gamot ay ang problema sa
pamilya, kagustuhang subukin ang epekto sa sarili, makalimutan ang kinahihiyan o ang nakaraan, o
anumang kadahilanan. Mayroong iba’t-ibang uri ng paglabag sa buhay: aborsyon, pagpapatiwakal o
suicide, alkoholismo, paggamit ng ipinagbabawal na gamot at euthanasia.

45-47 Paano mo palalakasin ang loob ng iyong kaibigan na dumadaan sa matinding pagsubok at
nagbabadyang magpatiwakal? Bilang kaibigan, ano kaya ang mga salitang iyong bibitawan upang maisip
nya na ang buhay ay iisa lamang at kailangang pahalagahan.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________.
STEM 5: Isang araw, umuwi ang nanay mo na may kasamang lalaki. Ipinakilala niya ito sa inyong
magkakapatid bilang kanyang kasintahan. Sa bahay na din ninyo tumira ang lalaki. Mahal na
mahal niya ito at sinusunod lahat ng gusto nito. Binilinan kayo ng inyong in ana sumunod at
paglingkuran ang kaniyang kasintahan. Sa isang gabi wala ang inyong ina, pumasok ang
kasintahan ng inyong ina sa iyong kuwarto at hinipuan ka sa maseselang bahagi ng iyong
katawan. Sinabi niyang huwag kang magsusumbong dahil pag ginawa mo iyon, papatayin niya
ang iyong ina.

48-50 Ano ang mga hakbang na gagawin mo? Pangatwiranan mo ito.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

You might also like