You are on page 1of 2

Pangalan: _________________________________________________ Baitang at Seksyon: ______________________

Yunit 3 - Modyul 9: Ang Pagmamahal ng Diyos

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at MALI naman kung ang isinasaad ng pahayag ay mali.

________ 1. Ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan ay umaapaw, inosente, puro, hindi nababagabag at walang hangganan.
________ 2. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kahayagan ng Kaniyang kalikasan.
________ 3. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga masasama at may paninibugho na nararamdaman sa kapwa.
________ 4. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay ng tao.
________ 5. Ang buhay ay sagrado at pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao.

II. Panuto: Magbigay ng limang paliwanag o dahilan kung bakit ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa.
1.
2.
3
4.
5.

III. Panuto: Sa mga kaganapan sa kasalukuyan, anu-ano ang mga kongkretong pangyayari na nararanasan mo subalit
naipapakita pa rin ang patuloy na pagmamahal ng Diyos sa kabila ng mga problemang sumasapit sa iyo.

IV. Ngayon ay naunawaan mo na na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa. Sa bawat grupo na nabanggit sa
ibaba, magbigay ng angkop na kilos na isasagawa mo bilang pagsasabuhay at pagpapaunlad ng iyong pagmamahal sa Diyos.
1. Mga taong may kapansanan –
2. Mga katutubong Pilipino –
3. Mga biktima ng pang-aabuso -

Yunit 3 - Modyul 10: Mga Isyu ng Paglabag sa Paggalang sa Buhay


I. Panuto: Basahin ang mga pahayag. Pumili sa mga salita sa kahon at sulat sa patlang ang tinutukoy ng mga pahayag.

Alkoholismo Aborsyon Pagpapatiwakal Paggamit ng Iligal na Droga Paninigarilyo

_____ 1. Ito ay pag-alis ng isang sanggol sa sinapupunan ng ina. Ito ay krimen sa ilalim ng Revised Penal Code of 1930.
_____ 2. Ito ay labis na pagkonsumo ng alak.
_____ 3. Ito ay “isang estadong psychic o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamut.
_____ 4. Ito ay paggamit o paghithit ng tradisyunal o elektronikong sigarilyo na higit sa isa pa o tuloy-tuloy na paggamit.
_____ 5. Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.

II. Panuto: Ipaliwanag kung bakit itinuturing na paglabag sa paggalang sa buhay ang mga isyu sa ibaba.
1. Alkoholismo –
2. Aborsyon –
3. Pagpapatiwakal –
4. Paninigarilyo –
5. Paggamit ng Iligal na Droga –
III. Panuto: Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang buhay. Ilahad kung ano o sino ang iyong inspirasyon upang pahalagahan
ang iyong sariling buhay.

IV. Panuto: Sa limang isyung tinalakay, pumili ng isang isyu at ipaliwanag ang iyong paninindigan sa isyung ito na
itinuturing na paglabag sa paggalang sa buhay.

Yunit 3 - Modyul 11: Ang Pagmamahal sa Bayan

I. Panuto: Ipaliwanag ang kahalagan ng pagmamahal sa bayan.

II. Panuto: Magbigay ng limang kilos o pangyayari na paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral sa lipunan.
1.
2.
3.
4.
5.

III. Panuto: Ipaliwanag ang pahayag na ito batay sa iyong sariling pagkakaunawa: “Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao
sa pagmamahal sa bayan. Hindi ka global citizen kung hindi ka mamamayan.”

IV. Panuto: Bilang kabataan, may iba’t-ibang ka ng gampanin sa buhay. Sa bawat gampanin sa ibaba ay magbigay ng isang
angkop na kilos kung paano mo maisasabuhay o maipapakita ang pagmamahal sa bayan.
1. Bilang Anak –
2. Bilang Kaibigan –
3. Bilang Kabataan –
4. Bilang Mag-aaral -

__________________________________ ____________________________________
Lagda ng Mag-aaral Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like