You are on page 1of 1

Atletang may pusong totoo, di sumusuko

Ni Mark James Mateo


Ang tagal mo sa isang isports o pampalakasan ay hindi maaaring maging sukatan upang
matawag kang magaling dito. Hindi rin ito dahil sa gantimpalang iyong nakamit dahil sa paglalaro nito.
Nangangahulugan lamang na ang sports ay hindi lamang patungkol sa paglalaro, bagkus ito ay
may mas malalim na kahulugan.
Laging iniuugnay ang mga salitang leadership , pagkakaisa, sportsmanship, pakikipagkaibigan at
kapatiran o brotherhood sa isports. Ang pagiging atletang magaling ay hindi lamang tungkol sa iyong
lakas may mga katangian o karakter ang kailangang taglayin upang matawag kang tunayna atleta.
Ang pagiging isang mahusay na atleta ay may positibong pananaw at matatag na paninindigan.
Wala sa kanya ang salitang Pagsuko.
Isa ding katangian na dapat taglayin ng isang atleta ay ang pagiging disiplinado. Ang
disiplinadong athlete ay hindi kailangan pang paalalahanan ng kanyang coach o tagapayo dahilalam na
niya kung ano ang dapat na gawin. Sinusunod din niya ang mga ipinapayo sa kanya at nakikinig sa mga
turo at mga pamantayang dapat niyang isapuso.
Ang pagiging pursigido rin ay isang katangiang magdadala sa iyo sa tagumpay. Isang atletang
nais gumaling sa bawat araw ng kanyang pag-eensayo at binubuhos ang lahat ng kanyang lakas dito. Ang
isang pursigidong atleta ay hindi lang sa mga katagang “pwede na.” Naniniwala siyang kailangan na
niyang ipakita ang lahat kahit na ensayo pa lamang.
Makikita ang pagiging determinado ng isang atleta sa paraang kanyang patuloy na pagsugod sa
laban sa kabila ng mga hamong kinakaharap. Patuloy pa rin niyang binubuhos kanyang lakas ditto. Isang
atletang naniniwala na ang imposible ay maaaring maging possible.
Sa tingin ng iba ang pagiging atleta ay madali pero hindi nila alam na may mabubuting
katangiaan at karakter ang manlalaro upang manalo.Mga katangiang kailangang taglayin at isapuso para
maging ganap at matawag na tunay na atleta.
Iilan lamang sa mga katangiang dapat taglayin ng isang atleta. Isang patunay na hindi kailanman
magiging sukatan ang mga medalya, tagal sa laro at husay upang maturing na isang magaling na atleta
ang tunay na may PUSO.

You might also like