You are on page 1of 14

Aralin 19: Mga

Naunang Pag-aalsa
ng mga Pilipino
• Ano-ano ang ginagawa ng mga
katutubong mamamayang Pilipino
upang ipaglaban ang kaniang
kalayaan at karapatan laban sa
kolonyal na pamahalaan?
Pagtanggap ng mga Katutubo sa mga
Espanyol
Sa pagdating ni Magellan at Legazpi sa bansa,
nagambala ang dating tahimik na pamumuhay ng
mga pamayanang katutubo. Isang malakas at
makapangyarihang dayuhang bansa ang bumago
sa nakagisnan nilang uri ng pamamahala.
Dalawang uri ang pagtanggap na ipinakita ng
mga katutubong pinuno sa mga dayuhan.
Tinanggap sila ni Rajah Kolambu nang buong
puso, ang pinuno ng pulo kung saan unang
dumaong si Magellan.
Itinuring silang kaibigan gaya ng
nakagawian ng mga katutubo sa mga
dayuhang mangangalakal na dumarating sa
pulo. Nagdaos ng misa sa pulo ang mga
dayuhan.
Sa Sugbu(Cebu), gayundin ang naging
pagtanggap ni Rajah Humabon. Pumayag pa
ito na magpabinyag bilang Kristiyanismo.
Siya ay binigyan ng pangalang Carlos at ang
kanyang asawa ay tinatawag na Juana.
Nanumpa si Rajah Humabon ng katapatan
at paglilingkod sa Hari ng Espanya.
Ngunit iba ang pagtanggap ni Datu Lapulapu ng Mactan.
Tumanggi siyang magpasakop kay Magellan. Ipinaglaban
niya ang kaniyang kalayaan at karapatang mamuhay sa
kanilang sariling teritoryo. Sa Mactan napatay si
Magellan.
Nang pinasok ni Martin de Goiti ang Maynila,
ipinaglaban din ni Rajah Sulayman ang kalayaan ng
kanyang komunidad. Natalo si Sulayman laban sa mas
malakas na armadong puwersa ng mga Espanyol at
napilitang umurong sa kabila ng Ilog Pasig matapos
sunugin ang Maynila(Intramuros). Sa bandang huli,
napasuko rin si Sulayman nang pangakuan sila ng
gobernador na si Miguel Lopez de Legazpi na malibre sa
buwis at hindi sila oobligahin o pananagutin sa sapilitang
paggawa o polo y servicios.
Mga Naunang Pag-aalsa
Sa buong panahon ng pananakop,
magkakahiwalay na pag-aalsa laban sa
pamahalaang kolonyal ang nagyari. Hiwa-
hiwalay ang mga pag-aalsa ngunit halos
pare-pareho ang mga sanhi, ang
kawalang-katarungan sa pamamahala ng
mga dayuhan.
Pagnanais Maibalik ang Dating
Kapangyarihan at Kalayaan
Sa simula ng pananakop, marami sa mga dating
pinunong katutubo ang lumaban. Lumaban sila
upang hindi mawala ang kapanyarihan at maibalik
ang dating malayang paraan ng pamumuhay.
Pag-aalsa nina Lakandula at Rajah Sulayman sa
Maynila noong 1574. Nag-alsa sila laban sa
pamahalaang Espanyol dahil binawi ng gobernador
na pumalit kay Legazpi ang karapatang malibre sa
buwis at sa sapilitang paggawa. Sa bandang huli,
ibinigay ang kanilang kahilingan.
Pag-aalsa nina Magat Salamat at Agustin de
Legazpi na nangyari din sa Maynila. Nais
nilang maibalik ang dating kalayaan at ang
dating kalayaan at ang dating kapangyarihan
bilang pinuno. Nahuli ag dalawang namuno sa
pag-aalsa at pinatay.
Pag-aalsa ng ilang dating datu sa Tondo sa
Maynila at ilang bayan sa Bulacan at Pampanga
sa pamumuno ni Agustin de Legazpi na apo ni
Lakandula at ni Martin Panga. Ngunit nalaman
ito ng mga awtoridad na Espanyol at hinuli ang
mga namuno.
Pagtanggi sa Relihiyong Kristiyanismo
Mayroon ding nagpasimula ng mga kilusan upang
maibalik ang kinagisnang relihiyon. Ang mga pang-
aabuso ng mga prayle ang malakas na dahilan upang
ang ilang tao ay sumama sa mga kilusan at pag-
aalsa.
Pagtanggi ng mga taga-Cordillera sa
Katolisismo.
-Nang magpadala ng mga misyonero sa kanilang
lugar, pinatay nila ang pari at pinagsisira ang mga
gamit sa simbahan. Hinuli ang mga gumawa nito at
pinatay ngunit hindi rin napalaganap ang Kristiyanismo
sa kabundukan ng Cordillera.
Pag-aalsa ni Tamblot sa Bohol.
-Noong 1621, ang katutubong babaylan na si Tamblot ay nang-
akit sa mga tao na bumalik sa katutubong relihiyon. Marami
siyang napasunod. Ngunit sa tulong ng mga Cebuano na makiling
sa mga paring Espanyol, nasupil ang kanyang pangkat.
Pag-aalsa ni Bankaw.
-Si Bankaw ay isang dating datu sa Carigara sa Leyte. Noong
tinanggap niya ang relihiyong Katolisismo at kasamang
nagpabinyag sa Sugbu(Cebu). Noong 1622, tinalikuran niya ang
relihiyon ng mga dayuhan at nagpatayo pa ng templo para sa
isang diwata. Inatik niya ang mga tao na sumunod sa kanyang
relihiyon at iwanan ang Kristiyanismo. Marami siyang napasunod.
Hinuli siya ng mga sundalo ng pamahalaan at pinugutan ng ulo.
Ang ulo niya ay inilagay sa isang lugar kung saan makikita ng
mga tao upang hindi na siya tularan pa.
Pag-aalsa ni Tapar.
-Noong 1663, nagpasimula rin ng pagtalikod sa Kristiyanismo
si Tapar ng Oton sa Iloilo. Nagtatag siya ng isang kulto at
nakaakit ng mga tagasunod. Kagaya ni Bankaw, siya ay
pinugutan ng ulo at ito ay inilagay sa pampublikong lugar kung
saan makikita ng maraming tao.
Pag-aalsa ng mga Itneg.
-Nagpunta ang ilang misyonero sa Capinatan sa
Cagayan(ngayon ay Apayao na) upang mangaral ng Katolisismo
sa mga Itneg, ang pangkat-etniko sa lugar na iyon. Noong
1625, sa pangunguna ni Miguel Lanab at Alabanban,
sinalakay ng mga Itneg ang simbahan, pinugutan ng ulo ang
dalawang Dominikanong pari, sinira ang mga imahen at
sinunog ang simbahan. Pagkatapos ay tumakas sila sa
kabundukan.
-Nagpadala ng mga sundalo si Gobernador de Silva. Nang
hindi sila mahanap, sinunog ng mga sundalo ang kanilang
palayan upang wala silang makain at mapilitang sumuko.
Tumagal ang paglaban ng mga Itneg nang dalawang taon.
Pag-aalsa ni Dagohoy.
-Ang pag-aalsa ni Francisco dagohoy sa Bohol ay kilala
bilang pinakamahabang pag-aalsa na tumagal mula 1744
hanggang 1829. Nag-ugat ito sa pagtanggi ng pari na
bigyan ng Kristiyanismong libing ang kanyang kapatid na
namatay sa isang duwelo matapos siyang utusan na sitahin
ang isang tao na hindi gumagawa ng tungkulin bilang
Kristiyanismo. Ayon sa pari, ang pakikipagduwelo ay isang
mabigat na kasalanan.
-Nakapagtatag si Dagohoy ng sariling
pamahalaan ng mga Boholano sa
kabundukan. Dahil sa dami ng mga
kabundukan at kuweba na mapagtataguan,
hindi siya nahuli ng mga Espanyol.
Nagpatuloy ang kanyang laban hanggang
sa kanyang mga kapanalig sa mga
Espanyol. Dahil sa dami ng kanyang
tagasunod, pinatawad na lamang ang
marami at pinauwi sa kani-kanilang
bahay.
Sagutin ang mga Katanungan:
Paano ipinaglaban na maibalik ang dating
kapangyarihan at kalayaan ng mga katutubong
Pilipino?
Bakit kailangan nilang gumawa ng kilusan sa
panahon ng pamahalaang kolonyal?
Paano nila itinatanggi ang relihiyong
kristiyanismo?
Bilang isang bata, paano mo ipagtanggol ang
sarili mo sa nag-aabuso o nag bully sayo?

You might also like